This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Mindorosas: Occidental Mindoro People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo
    at Mindorosas: Occidental Mindoro People’s Rally
    San Jose Municipal Plaza, San Jose, Occidental Mindoro

    VP LENI: Maraming-maraming salamat! Magandang hapon, San Jose! Magandang hapon, Occidental Mindoro! Hindi pa ba kayo pagod?

    CROWD: Hindi pa!

    VP LENI: Alam kong kaninang-kanina pa kayo andito pero kahit kaninang-kanina pa kayo andito, napakataas pa din ng energy level ng lahat. Bago lang po ako magpatuloy, ang akin lang pong pagbigay galang at pasasalamat sa atin pong mga local officials ngayon. Ayan, may request sila. Ibaba daw muna 'yung mga placards, ayan, para hindi po natin naco-cover 'yung nasa likod. Mamaya kapag nagbabasa na tayo i-akyat ulit. Okay ba 'yun? Okay 'yun? Ayan, baba na muna natin.

    Maraming-maraming salamat po sa ating Congresswoman, ngayon po susunod nating Gobernador. Palakpakan po natin, [Congresswoman] Nene Sato. Ang atin din pong Mayor ng ating host municipality, matagal ko na din pong kaibigan, Mayor Muloy Festin ng San Jose. Ang atin pong mga Mayors na nandito sa pangunguna po ni Mayor Eric Constantino, ang ating Vice Gubernatorial Candidate. Ang atin pong mga Board Members, ang ating mga Vice Mayors, ang atin pong mga Councilors, ang ating mga Barangay Officials nandito ngayon. Special mention din po kay Board Member Philip Ramirez, ang ating Congressional Candidate.

    Maraming maraming salamat din sa iba't-ibang mga grupong tumutulong sa atin. 'Yung RPC Occidental Mindoro, maraming-maraming salamat sa inyo. Ang atin pong Provincial coordinator, Attorney Rene Grapilon, maraming salamat. Mr. Dags Tan, ang ating coordinator sa Northern Occidental Mindoro. Mr. [Anton Ragos 2:57-2:58], ang atin pong coordinator sa Southern Occidental Mindoro. Maraming salamat din po kay Ms. Amy saka Mr. Danny Sebastian, sa pagtulong po sa atin nito pong event natin ngayong hapon. Maraming salamat din po kay Frederick Arroyo saka kay Jun Norellia, ang atin pong head ng logistics. Maraming salamat kay Boy Illustre saka Sherwin Francisco, ang in-charge sa communications. Maraming salamat po kay Vanity Cruz-Gutierrez. Maraming salamat kay Doktora Weng Barito-Amador, maraming salamat po. Sila po 'yung in-charge sa mga medics natin ngayong hapon. Maraming salamat kay Ms. Pam de Jesus, ang atin pong treasurer. Medel Pantaleon, ang in-charge natin sa program natin ngayong hapon. Ms. Verna Arroyo, Ms. Mila dela Paz, ang in-charge sa transport.

    'Yung iba-iba pong mga grupong nandito, hindi ko na po iisa-isahin dahil tinawag na po, in-acknowledge kanina ng ating Vice President Kiko Pangilinan. Pero sa inyo pong lahat, maraming-maraming salamat ulit sa napakainit niyong pagtanggap sa amin. Meron po akong trivia. Alam niyo ba kung kailan din ako nagkampanya dito sa Occidental Mindoro noong ako po kumakandidato bilang Vice President? April 6, 2016!

    [Crowd cheers]

    VP LENI: Sa hindi po sinasadyang pagkakataon, April 6 ulit ngayon. Kaya baka puwedeng humirit 'yung botong binigay niyo sa akin noon, baka po– hindi lang madagdagan pa pero damay na din po ang aking partner, Senator Kiko Pangilinan. Ang atin pong mga senatorial candidates: Senator Sonny Trillanes, Senator Leila de Lima, Attorney Alex Lacson, Attorney Sonny Matula, Senator Risa Hontiveros, Senator Dick Gordon, Dean Chel Diokno, Congressman Teddy Baguilat. 'Yan, baka naman po kung ano 'yung botong ibibigay niyo sa akin, damay-damay na po kami dahil ang pagpili namin pinaraan talaga namin sa napakamasusing proseso.

    Ngayon po, gaya ng sabi ni Senator Kiko, ang amin pong pangako sa inyo isang gobyernong tapat para aangat ang buhay ng lahat. Pero ano po ang gustong sabihin ng gobyernong tapat? Isang gobyerno na ang ibibgay sa inyo mga lingkod-bayan na matitino at mahuhusay. Marami pong kandidato magsasabi matitino at mahuhusay kami, galit kami sa korapsyon. Pero dapat ang una nating itanong, asaan 'yung resibo ninyo?

    Kami po ni Senator Kiko mahaba 'yung aming resibo. Si Senator Kiko po mula 2001, naninilbihan na sa bayan. Pero kahit napakatagal na panahon na public servant, wala ni ano man na anomaliya na nadikit sa kaniyang pangalan. Ako po hindi naman sa pag-aangat ng sariling bangko, kahit po track record na lang namin sa Office of the Vice President ang titignan. Hindi na po kami 'yung nagsasabi na malinis ang aming pamamalakad, COA na mismo ang nagsasabi. Taon-taon mula 2018, nakukuha po namin ang pinakamataas na COA Audit Rating. Pagpapatunay na walang korapsyon ang aming opisina.

    Ano po 'yung resulta kung walang korapsyon? Mas maraming naseserbisyohan na mga kababayan natin. Dito lang po sa inyo sa Occidental Mindoro, tuwing may sakuna nandito po kami. 'Yung malalakas na bagyong tumama dito habang ako Vice President, lagi po kaming may relief operations dito. 'Yung Typhoon Josie, 'yung Typhoon Tisoy, ‘yung Typhoon Ursula, nandito po ‘yung aming opisina, nagre-relief operations. Noong nagka-problema po ‘yung Gemver fishermen, dalawang beses po akong bumalik dito para bisitahin sila at bigyan sila ng ayuda. ‘Yung una pong pagpunta ko dito, binisita ko sila dito sa San Jose, pero nalaman ko kalahati pala sa kanila nakatira doon sa Ilin Island. Bumalik po ako dito para makapunta ulit sa Ilin Island, para bisitahin sila.

    Marami pong hihingi ng ating tulong, marami ‘yung manliligaw sa atin pagdating ng eleksyon. Pero tanungin po natin ‘yung mga humihingi sa atin ng tulong. Asan ba sila noong walang eleksyon? Asan ba sila ‘yung tayo ‘yung nangangailangan ng kanilang tulong? Ang lalawigan po ng Occidental Mindoro, hindi naman kalakihan kumpara sa iba. Kaya paminsan maraming kandidato, hindi na pumupunta dito dahil mas gusto na lang pumunta sa malalaki, ‘yung maraming botante. Ako po, hindi lang ako pumupunta, kami nila Senator Kiko, hindi lang kami pumupunta ngayong kampanya. Pero ‘yung aming resibo, tuwing may kahirapan na pinagdaraanan kayo, andito ako. Gaya po ng sabi ni Governor Nene, noong tayo po ay nagka-pandemya, halos lahat ng Medical Institutions, dito po sa Occidental Mindoro, pinapadalhan po natin hindi lang ng mga PPE sets, pero pati din mga medical supplies. Pag panahon po kasi ng election, paminsan naguunahan, kung sino ‘yung tutulong. Pero ang dapat sukatan natin, sino ba ‘yung tumutulong sa atin kung walang eleksyon?

    Ito pong eleksyon na ito, napakalahaga. Gaya po ng sabi ni Senator Kiko; ang pagdedesiyunan natin ngayon, hindi na lang ‘yung gusto nating kandidato. Pero ang didisesyunan natin ngayon, anong klaseng gobyerno ‘yung gusto nating mamayani sa bayan natin – sa susunod na anim na taon. Ang aming pong pamahalaan na pinapangako sa iyo, hindi lang basta kampanya kundi ito ‘yung klase ng pamahalaan na pinakita namin kahit wala pang eleksyon. Dito po sa inyo marami din kayong pinagdadaanan na kahirapan. Kanina po binisita ko ‘yung mga mangingisda dito, ang reklamo po nila hindi sila nakaka-buwelo sa hanap-buhay dahil marami ‘yung mga Chinese Fishing Vessel doon sa kanilang pinagkukunan ng hanap-buhay. ‘Yung iba pong mangingisda, takot na pumunta doon dahil natatakot silang maulit na naman ‘yung nangyari dati.

    Ngayon po, alam kong rotating ‘yung brownouts dito sa inyo.

    [CROWD CHEERING 12:19-12:28]

    VP LENI: Ang aming pong….

    [CROWD CHEERING 12:29-12:28]

    VP LENI: Ayan meron dito, “Mga sanay sa brownout for Leni.” Pero ‘di ba dapat hindi tayo nasasanay, kasi ‘yung kuryente basic na pangangailangan natin. Ang akin lang pong mapapangako sa inyo, ‘pag ako po Pangulo, ako mismo ang tututok sa mga bagay na ito.

    [CROWD CHEERING]

    VP LENI: Ayun pa. Meron pa po dito, “Ang kuryente sa Mindoro para si ano, laging wala.”

    [CROWD CHEERING ]

    VP LENI: Grabe, grabe ‘yung ka-creative, ano ito. “VP Leni, mula Roxas to Pinangalayan, ‘gang Calapan at ngayon hapon dito makapa-picture lang sa inyo. Galing na po kasi kaming Oriental Mindoro.” Nandoon ba kayo? Grabe naman, mga lakwatsera. “Mga hindi natatakot sa due today, 11:59 for Leni,” “Medtechs for Leni.” maraming salamat. “Leni ang dami mo namang alam, sa bagay President material,” “Sigaw ng mga Mangyan, Leni-Kiko sa halalan,” “Kapag nanalo si Kiko at Leni, maliligo na ako araw-araw.” Huwag niyong tatabihan, baka ‘di ‘yan naliligo araw-araw. “So-Saranghae Leni,” “Umitim daw ako dahil sa kampanya. Okay lang, liliwanag naman ang bukas ‘pag nanalo ka.” Ayan “Anak ng Farmers for Leni-Kiko.” Ito po ang isa sa malaking dahilan kung bakit si Senator Kiko ang pinili nating Vice President natin: dahil aasikasuhin niya ‘yung ating mga magsasaka. “Kayo bumabangon para sa pangarap, ako bumabangon dahil sa brownout.” “Sa gobyernong tapat, mahigpit na yakap ang lahat.” “Retired NFA employee, now NPA president.” Delikado ito, mare-redtag na naman tayo nito. Pero ang gustong sabihin ng NPA, “New Pink Army.” “Let Leni lead,” “Sa gobyernong tapat, shot puno lahat.” Nako maaga pa po. Magshot puno ka, pag panalo na tayo. “Sa gobyernong tapat, unahan sa neck brace at wheelchair ang corrupt,” “Proud to be a Bicolana, from Bagacay, Tinambac, Camarines Sur.” Anong ginagawa mo dito? Layo nito sa Bicol. “Magaling pala ‘yung tatay, eh ba’t hindi mo hukayin.” Kayo ha. “Doon tayo sa maLENIs,” “President gender reveal? Hindi na kailangan, it’s a girl,” ayan. “Oh my, wala bang 500 pesos?” pasensya na ha, abonado pa kayo.

    Ayun, hindi lang sa hindi bayad, abonado pa. Gutom pa yata 'yung abot pero sige lang para sa bayan. Maraming salamat, maraming salamat, maraming salamat, ang ganda. "Wattpad writers for VP Leni." "The future is female." "Gobyernong tapat, walang magbabatuhan ng monoblocks." "Isang araw na sakripisyo para sa anim na taong pagbabago." Ayan, para ito kay Senator Kiko. "Di baleng hindi si Donny ang future ko, si Kiko naman ang VP ko." Mana lang naman si Donny sa kanyang Tito. "Leniwanag sa Mindoro basta kay Robredo." Ayan, ito may assignment kayo. "Only Kakampink sa Family for Leni." Ito pa, isa pa. "May buong angkan for BBM but I love my angkan so I vote for Leni-Kiko." May assignment kayong dalawa. "Mahal ko pa rin Fuchsia." "Doon tayo sa may plano - Architects for Leni-Kiko." "Our first vote is for Leni-Kiko." "VP Leni, maga-out na kami pag nabasa mo ito." Tumakas lang ba kayo? Ayan, "Psych Majors for Leni." Ano yan? "Genshin players for Leni." "The last man standing is a woman." "The best man for the job is a woman." "Ang tatanglaw sa buong bayan ay ilaw ng tahanan." "If Leni is your President, raise your hand." "Takot sa committment pero hindi takot makapaglandian for Leni." "Mga football players ng Occi. Sipa ang gusto hindi singhot." Okay 'yun. "Mga football players ng Occi para kay Leni." Maraming salamat.

    "Good governance para sa Pilipinas, pa-picture po." Mamaya. "Tama raw na si Leni ang President, Leni-Kiko ang President, VP namin para hindi patay-sindi ilaw ni Omico." "Bakit daw nakatsinelas si VP Leni? Hindi kasi bagay sa kanya ang robber shoes." Ano ito? Ayan, nabasa ko na ito. "MaLENIs ang–" Ay naku, hindi ko 'yan babasahin. Nabasa ko na 'yun. "Go Leni or go home." "Unang boto ko ito kaya hindi ko sasayangin." I love you too. "Occi ng laki sa lugaw, wag lang laki sa nakaw." "Pag Leni lang kulang, dapat buo Leni-Kiko." Tama. "Muntik ng mapa--" Ano 'yun? Ayan, "Leni Robredo, iboto. Pang ika-17th Presidente ng Pilipinas. Siguradong bukas ay kulay rosas." "Muntik ng mapabarangay for Leni." Bakit? Nakipag-away ba kayo? Wag makipag-away. "We stan the right person for the right position." "Na-crushback for Leni-Kiko." Salamat, salamat. Palagay po ng pangalan niyo, palagay ng pangalan niyo saka telephone number. Nandito? Maraming salamat.

    "Pa-graduate-in niyo na kami, pagod na kami ng mag-adjust. K to 12 first batch for Leni." Ka-batch mo 'yung anak ko, magga-graduate din ngayon. "Mga adik sa kape for Leni." "Mga dapat piliin: Leni, Kiko at ako." "Nanays for Leni." "Sa gobyernong tapat, highest note ng Titanium maaabot ng shabay shabay." Kayo ha, nangangantiyaw kayo. "Student-Nurses for Leni." "Mga di pa sure kung ga-graduate for Leni." "Kahit delikado ang grado, kay Robredo ang boto." "Leni Robredo, perfect 10 aking pangulo." Sorry hindi ko, matanda na tayo hindi na natin nababasa 'yung iba. "Tapagtaguyod ng kasaysayan for Leni-Kiko." "Mga hindi pa tapos sa thesis for Leni." Oh ito may mga hugot ito, "Mga hindi kina-crush back for Leni." "Tomorrow we draws, we will rise." "Graduating for Leni." "Opo, tama tayo, Leni-Kiko." "The L in Leni stands for Ligtas na Balik-eskwela." "Di sablay ang boto ng Sablayeño." Ayan, nakarating na ako sa inyo, sa Sablayan. Pumunta ako doon many years ago. "Ghosted si crush for Leni." "Sabi ng mama ko, tama raw ang Leni-Kiko." Ayun, "Mga chismosa for Leni-Kiko." "Di baleng wala pang portfolio basta may Attorney Chel sa senado."

    "Galit kami sa fake news - Mga totoong journalists for Leni-Kiko." Ay ito pa, 'yung problema natin, binisita ito ni Senator Kiko kanina, 'yung mga "Nalugi sa Sibuyas for Leni." Ito po, hindi natin papayagan pag tayo ay naging pangulo na pag may mga ganitong sitwasyon, hindi natin sila mabibigyan ng ayuda. Alam ko po na napaka-heartbreaking na nangyari dito sa mga sibuyas farmers natin, gagawin po natin 'yung lahat para makatulong sa kanila. "Mama Leni, ilawan mo ang Mindoro sa kuryenteng patay-sindi." Ito po, hindi ko kayang basahin lahat kasi napakarami niyong ginawa pero, "CPA Law students for Leni." Pero ito po, nagpapasalamat po kami. Aalis po kami ngayon papunta po kaming Palawan pero babiyahe po kami na napakataba ng aming puso dahil pinaramdam niyo po sa amin ang pagmamahal ng Occidental Mindoro kaya maraming maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 06, 2022