This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Miting De Avance with Mayor Felipe Antonio Remollo, District 2 Mayors, and Brgy. Officials

    Message of Vice President Leni Robredo at the Miting De Avance with Mayor Felipe Antonio Remollo, District 2 Mayors, and Brgy. Officials

    Pantawan Rizal Blvd., Dumaguete City, Negros Oriental 

     

    VP LENI: Ayan, Magandang Gabi Dumaguete. Kumusta kayo? Ayan, bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang sa atin pong kagalang-galang na Mayor ng Dumaguete, palakpakan po natin Mayor Felipe Antonio. Ang ganda—[fireworks] Ayun, ang atin din pong Vice Mayor, Vice Mayor Karissa Tolentino. Ang atin pong mga councilors, Councilor Lilani Ramon, Councilor Nelson Patrimonio, Councilor Edgar Lentorio Jr., Councilor Michael Bandal, Councilor Dionie Amores, at ang atin pong susunod na Vice Mayor, Brgy. Captain Maisa Sagarbarria.

     

    Ang atin pong mga barangay captains, mga barangay officials na kasama po natin ngayong gabi. Kasama din po natin, former Mayor Tata Villanueva ng Bais City. Nandito din po, former Mayor Karen Villanueva ng Bais City. Kasama din po natin, former Mayor Rodolfo Gonzales ng Valencia, former Vice Mayor Franklin Esmeña Jr. ng Dumaguete City, former Councilor Samuel Dicen ng Dumaguete, former Councilor Manuel Arbon, at meron po tayong special guest dito– ano po? Maraming salamat.

     

    Ang special guest po natin ngayon, nanay ng mga PWDs, former COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, taga dito din po sa inyo sa Negros Oriental. 'Yung atin pong mga sectoral representatives, mga PWDs dito nakaupo, ang ating mga senior citizens dito nakaupo, transportation sector, ang mga ambulant vendors, mga senior citizens, nasabi ko na kanina. 'Yung mga area delegations ng 30 barangays ng Dumaguete City, maraming maraming salamat po sa inyo.

     

    Gusto ko din pong banggitin ang ating senatorial candidates, ang iba po nandoon na sa people's rally, lahat po tayo lilipat doon pagkatapos dito. Congressman Teddy Baguilat, Senator Leila De Lima, Dean Chel Diokno, Senator Dick Gordon, Senator Risa Hontiveros, Attorney Alex Lacson, Attorney Sonny Matula, at Senator Sonny Trillanes.

     

    Ayun, kukunin ko po, kahit pabalik balik po ako dito sa Negros Oriental saka Dumaguete City. Gusto ko pong kunin 'yung pagkakataon magpasalamat sa inyo dahil po noong 2016, noong ako po tumakbo bilang vice president, tinulungan niyo po ako. Napakalaki po ng panalo ko dito sa inyo kaya maraming maraming salamat po.

     

    Noong panahon pong kumakandidato ako bilang vice president, wala pa po akong resibong maipakita sa inyo dahil baguhan pa lang ako sa politika. Pero kahit po ganoon, tiniwalaan niyo ako kaya napakalaki po ng panalo ko dito. Siguro, kung wala 'yung panalo ko dito sa Dumaguete at sa Negros Oriental, siguro po hindi ako vice president ngayon.

     

    Kaya ngayon po na kumakandidato ako bilang pangulo, hindi po ako nahihiyang bumalik dito sa inyo dahil noong ako po vice president, pabalik-balik po ako dito sa inyo dahil marami po kaming proyekto. Hindi lang po sa Dumaguete City pero sa buong Negros Oriental.

     

    Dito po sa Dumaguete City, ni-launch po natin 'yung Istorya ng Pag-asa project saka 'yung Ahon Laylayan Coalition. Pero marami po tayong mga project sa iba't iba pang mga bayan gaya po ng Zamboanguita, gaya ng La Castellana, doon po sa Bais pumunta tayo noong December lang pagkatapos ng typhoon Odette.

     

    Marami po tayong ibang mga proyekto sa iba't iba pang mga, iba't ibang sulok. Bawat merong krisis nandito po kami. Noong pandemic nandito po kami tumutulong, 'yung mga livelihood programs sa iba't ibang mga lugar, nandiyan po tayo para tulungan ang mga sektor. Kaya po ngayong humihingi ako sa inyo ng tulong, masasabi ko po sa inyo hindi ko po sinayang 'yung tiwala na binigay niyo sa amin.

     

    Ngayon po, nakikita ko marami tayong seniors na kasama. Kaya, hayaan niyo po akong sabihin sa inyo, ano ba 'yung programa natin para sa inyo? Marami. Pinakauna po doon, sisiguraduhin natin na 'yung pensyon para sa seniors, hindi na pipiliin lamang. Lahat magkakaroon ng pensyon, dodoblehin natin, dodoblehin natin 'yung pension dahil 'yung nakukuha niyo ngayon, kulang na kulang pambili ng gamot.

     

    Kaya po, sisiguraduhin natin, wala tayong pipiliin, lahat na seniors makakakuha, 'yun 'yung uumpisa. Pangalawa, mas malaki 'yung makukuha ngayon. Pangatlo, sisiguraduhin nantin 'yung healthcare, magiging maayos.

     

    Ano pong gustong sabihin nito? Ang gusto pong sabihin, pareho din sa PWD, pareho para sa lahat: kung kinakailangan po natin ng medical assistance, mabibigay 'yan sa inyo kahit wala tayong pambayad. 'Yung kawalan ng pambayad, hindi siya magiging sagabal para hindi natin makuha 'yung medical assistance na kinakailangan natin dahil ano po 'yung nakikita natin ngayon? Kahit may nararamdaman na, tinitiis pa 'yung nararamdaman kasi walang pambayad. Sisiguraduhin po natin na kahit walang pambayad, kung ano 'yung treatment, gamot na kinakailangan, maibibigay 'yun sa inyo.

     

    'Yung atin pong mga PWDs, marami 'yung pangangailangan. 'Yung pangangailangan po, access sa mga serbisyo ng pamahalaan, pag sinabi po nating serbisyo ng pamahalaan, hindi lang po healthcare, pero pati mga skills training, hanapbuhay, pabahay, maraming pangangailangan, matagal na pong adbokasiya ng pamilya namin 'yung pagtulong sa PWD dahil po 'yung pamilya po ng asawa ko, 'yun talaga 'yung adbokasiya dahil po maraming PWD sa pamilya namin.

     

    Kaya po sinisiguro po namin kayo– sinisiguro namin kayo ngayon na 'yung mga programang ginawa namin doon sa lugar namin para maiangat ang kalidad ng buhay ng mga PWDs mabibigay sa lahat na PWDs sa buong Pilipinas.

     

    Kanina po umiikot kami sa iba't ibang lugar. Galing po kami sa iba't ibang lugar dito sa Negros Oriental. Galing din po kami sa iba't ibang lugar sa Siquijor. Merong pare-pareho pong tinatanong. 'Yung isang tinatanong, ano ba– papaano niyo ba matutulungan 'yung mga magsasaka dahil naghihirap ngayon?

     

    Hindi ko po alam kung na kwento sa inyo ni Senator Kiko dahil 'yun 'yung adbokasiya niya. Malaki pong kahirapan ang pinagdadaanan ngayon ng mga magsasaka. Unang una dahil sa presyo ng palay. Pangalawa, dahil napakamahal ng abono at iba pang inputs.

     

    Kaya 'yung amin pong pangako, hindi namin papahirapan 'yung buhay ng ating mga magsasaka. Magiging prayoridad po kayo, hindi lang magsasaka pati din mga mangingisda at iba pang mga manggagawa. Sisiguraduhin po natin na ang gobyenro nandiyan para sa mga nasa laylayan.

     

    Sa mahabang panahon, nakukuntento na tayo na kung ano 'yung kahirapan na pinagdadaanan natin ngayon, ilang eleksyon na 'yung dumaan, ganoon pa din 'yung kahirapan. Kaya po 'yung amin lang pakiusap sa inyo, kung merong mga pupunta ditong kandidato, mangangako sa inyo ng mga proyekto, ang una niyo munang tanungin, noong hindi pa ba kayo kandidato, asan kayo? Dahil marami tayong kahirapan na pinagdadaanan, pero nakikita lang natin sila tuwing eleksyon.

     

    Kaya po 'yung sa akin, para may pagbabagong mangyayari, tingnan natin 'yung track record. Pag sinabi pong galit sila sa korapsyon, hanapan niyo ng ebidensya. Kami po ni Senator Kiko, mahaba 'yung aming resibo. Ano po 'yung resibo namin? Ang opisina po namin, Office of the Vice President, sunod sunod na taon parati po namin nakukuha ang pinakamataas na COA audit rating. Pagpapakita na malinis ang aming mga proseso, pinapangalagaan namin ang pera ng taumbayan.

     

    Ano 'yung resulta pag pinangalagaan 'yung pera ng taumbayan? Kahit kaunti 'yung pondo, marami 'yung natutulungan dahil walang pondong nahuhulog sa korapsyon. Ngayon pong gabi nagpapasalamat po tayo kay Mayor Ipe saka 'yung buong line up ng ating– buong line up ni Mayor Ipe, buong line up po dito sa Dumaguete sa pag imbita sa atin dito sa Miting de Avance ngayon. Dahil binibigyan po tayo ng pagkakataon na masabi sa inyo na napakahalaga na palakasin ang mga local government units lalo na po 'yung mga barangay.

     

    'Yung asawa ko po dating DILG Secretary, matagal pong mayor ng Naga, ang pinaka adbokasiya niya po, siguraduhin na mapalakas ang mga local government units lalo na 'yung mga barangay dahil kayo 'yung pinakaunang nilalapitan ng tao. Lahat na pangangailangan ng tao, unang nilalapitan mga barangay.

     

    Kaya noong ako po ay naging congresswoman, naghain po ako ng mga panukalang batas para palakasin lalo ang mga local government units lalo na ang barangay. Nagkaroon po ako ng proposal dati na 'yung BUB, bottom-up budgeting dapat mag umpisa 'yan sa mga barangay para 'yung mga barangay na makakapili ng mga proyekto kung saan nila gagamitin 'yung pondo ng national. Dahil 'yung pondo ng barangay napakaliit. Hindi tayo makaka plano nang maayos kung 'yung pondo lang ng barangay 'yung gagamitin. Dapat 'yung national government funds nagagamit ng barangay.

     

    Pangalawa, 'yung akin pong proposal mas habaan 'yung term of office ng barangay. Ngayon po kasi tatlong taon lang, napaka iksi. Para po sa mga frontliners kagaya niyo, dapat at least limang taon 'yung term of office para nakaka bwelo sa trabaho. Hindi 'yung kakaupo pa lang, magkakampanya nanaman para sa susunod na eleksyon. Pero ito po mangyayari lang pag ang national government naiintindihan 'yung mga kahirapan na pinagdadaanan ninyo.

     

    Ito po 'yung aking ipapaabot sa inyo, pag ako po naging pangulo, madalas niyo po ako makikita. Pag ako po naging pangulo, maraming oras ng aking panunungkulan ay nandito po sa mga komunidad na nararamdaman 'yung presensya ng pamahalaan.

     

    Ito po 'yung gustong sabihin natin na gobyerno ng tapat, angat buhay lahat. Hindi po maaangat 'yung buhay ng lahat pag ang gobyerno hindi matapat. Kung ang gobyerno hindi matapat, imbes na itutulong sa mga mahihirap, mapupunta ka sa korapsyon. Kaya sisigiraduhin po natin ang solusyon po hindi lang kami, pero 'yung pagtutulungan ng national government, pagtutulungan ng local government, andito po sina Mayor Ipe saka buong line up niya, nandito sina Mayor Tata, nandito 'yung ibang mga Mayors, ang pagtutulungan ng national saka local government para siguraduhin na 'yung pangangailangan ninyo natutugunan sa lahat na panahon.

     

    Kaya kami po nagpapasalamat sa pagkakataon na ito. Hindi po tayo makakatagal dahil lilipat pa tayo. Pero inaasahan po natin, sama sama tayo. Makisali po tayo sa ibang nagsasaya pa na magkakasama tayo ngayong gabi dahil pinaglalaban po natin kinabukasan ng ating bayan. Kaya maraming maraming salamat po. Mabuhay po kayo. Mag iingat kayo lagi. Mahal po namin kayong lahat. "Future Nurse, Architect, and Teacher for Leni-Kiko," maraming salamat. Maraming salamat. Maraming salamat po. Mercado de Bais, maraming salamat. "Tropa ng pag-asa," Ingat po kayo. Kita kita po tayo doon sa kabila.

     

    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 20, 2022