This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Moncada Mini Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Moncada Mini Rally
    Covered Court, Luis Morales Park, Moncada, Tarlac


    VP LENI: Maraming salamat. Magandang umaga, Moncada! Ayan, magandang umaga din, District One. Kumusta kayo lahat? Ayan, kahit mainit ang panahon, napakataas pa din ng energy natin. Ang aking pong pagbigay galang sa atin pong minamahal na Mayor, palakpakan po natin, Mayor Lita Aquino. Ang atin pong Vice Mayor, Vice Mayor Jaime Duque. Ang atin pong mga Councilors. Mapalad din po tayo ngayong umaga at sinaman po na– tayo ngayong umaga ni former Congressman Peping Cojuangco, maraming salamat po. Kasama din po natin, Mayor Rey Catacutan ng Capas.

    Sa lahat pong mga grupo na nandito, ang atin pong LNB President, George Cuchapin. Ang ating SK President, Ezekiel Rivera, ang lahat pong mga Barangay Captains, mga Barangay Officials, mga Barangay Volunteer Workers na kasama natin ngayon, lahat na Civil Society Organizations. Kanina binigyan po tayo ng endorsement: Moncada Women's Credits Cooperative, Local Association of Moncada Pastors, Child Development Workers, mga PWD, mga senior citizens, solo parents, LGBTQIA+, mga TODA, mga lupon, BHW, BNS, barangay pulis, CBOs.

    Youth for Leni, "Moncadenians for Leni," maraming salamat. Lahat pong volunteers natin. Nandito din ang Youth for Leni - San Manuel, Youth for Leni - Paniqui, Youth for Leni - Anao, Akbayan Partylist nandito din po sila. "Ramos for Leni", "Anao for Leni," "Tarlac Seminarians for Leni," "Solo Parents," "Isko-Iska for Leni-Kiko," "Mga scholars for Leni."

    Ano sabi mo? Ayan, ano ba naman, "Semi-bobo for Leni-Kiko," "From 16% to 17th Vice President–" ay 17th President pala. "Future CPAs for Leni," "Ang Kiko ko na kulay rosas." "May mga back pains for Leni-Kiko," "First time voters for Leni-Kiko," "Para kay Leni-Kiko ang boto ko.” "Smash the patriarchy. Vote for VP Leni." "Sa gobyernong tapat, sisigla ang mga gubat."

    "Sa gobyernong di tapat, respect my opinion ang sabat." "Mga may exams fo Leni." "VP Leni, di ka ibabagsak ng Tarlac." Ano ito, "Ayo! Listen up, no matter what they say, no matter what they do, we want Leni-Kiko for 2022." "Hindi kami bayaran, pawis at ganda ang puhunan." "Kung boto si Mama mo kay Leni-Kiko, dapat sa akin din uwu." "Ang pinakamasarap pakinggan na roar ay ang pagkapanalo ni ROARbredo sa Mayo." "Akala ko ba sa gobyernong tapat, angat buhay lahat? Bakit 'yung iba may ka-mwah-mwah?" May hugot ito, may hugot.

    "VP Leni, i-mwah-mwah mo ako, please." Mwah-mwah. "VP Leni, pa-picture. May exam ako." Ano ito, "Raise your hand if si VP Leni ang iboboto mo. Raise your standards kapag hindi." "Mga pagod na nabubuhayan for Leni," "VP Leni, you the real MVP." "Ayaw ko na sa alak. Gusto ko si Leni sa Tarlac," ayos, ayos 'yan. "Kay Leni lang gigiling - Dancers for Leni," "VP Leni, pa-picture. Mag-volunteer po ako mamaya." "Maliit man ako sa inyong paningin, ang boto ko kay Leni pa rin." "Isigaw mo sa hangin, panalo ka na sa amin."

    "Liwanag. LENIwanag sa dilim." "Senator Kiko, mas mahal kita kaysa sa”– ano, "–manok na pula ni Papa?" Hindi ko na– sorry hindi ko nababasa 'yung iba kasi malakas 'yung ilaw. "Okay lang kung walang ka-bebe time basta Leni-Kiko tayo sa May 9." Ayun. "Ipanalo ang boto sa taong walang atraso." "Communication students for Leni." Ano ito, "Ano jowa ko ay Bicolano kaya Bicolana ang Presidente ko." "Red flag man 'yung gusto ko, pink naman ang boto ko."

    Mamaya tayo magpapa-picture. Ayun, "Pula man ang dugo ko, pink naman ang tinitibok ng puso ko." "Mga anak ni Guanzon na nakikipagbardagulan for Leni." Ano 'yan, "Ilocano ay kuripot hindi kurakot." "Isko-Iska for Leni-Kiko." "VP Leni will be the next President of the Philippines. Not a prediction, it's a spoiler." "Kulay rosas ang healthy gums." Mamaya. "For molar support, the dentist is out for Leni-Kiko," naku walang mga pasyente ngayon. "Mga–" ano ito, "Mga laging puyat for Leni," "VP Leni, okay lang kahit kanina pa kami nakatayo basta six years kang uupo."

    "Ang tatay ginawan ng estatwa, baka anak ay gawan din ng diploma." "Maayos na gobyerno ang aming gusto. Robredo ipanalo sa Mayo." "Be witty so let's vote for Leni."

    "Pula man ang buhok ko, hindi naman sa magnanakaw ang suporta ko." "Love you, love you Ma'am Leni." Love you too. "Madam Leni, pa-picture." 'Yung mga magpapa-picture mamaya pero lapit na kayo dito sa unahan. 'Yan, dito na sa unahan. Pero ako po, bago lang tayo magpa-picture, nagpapasalamat ako na nandito kayo ngayong umaga. Ang pinaka-rally po natin mamaya sa Tarlac City, pupunta ba kayo? Magkikita tayo doon. Pero sa akin lang po, ang akin lang mensahe, napakahalaga ng eleksyon na ito. Napakahalaga ng eleksyon na ito kasi hindi lang po ito labanan ng Ilokano o Bikolana. Hindi lang po ito labanan ng babae o lalaki. Hindi lang po ito labanan ng mga pangalan ng kandidato. Pero sa akin po, ang pinagdedesisyunan po natin dito, anong klaseng pamahalaan ang gusto nating mamayani dito sa ating bansa sa susunod na anim na taon? Kaya po natin sinasabing "Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat" dahil hindi po tayo aasenso, walang pagbabagong mangyayari kung hindi maayos 'yung ating gobyerno.

    Pinakita po natin 'yan sa Office of the Vice President. Kahit po maraming tumitira sa akin; kahit po kakaunti 'yung pondo namin, napakarami naming natutulungan dahil walang korapsyon sa aming opisina. Dito lang po sa District I, noong nagkaroon po ng pandemic, tuloy tuloy 'yung tulong namin na mga PPE sets, ng mga medical supplies sa Paniqui, sa Camiling. Meron po tayong dinonate na mga medical supplies sa Santa. Ignacia, medical equipment. Kahit wala pang eleksyon, ginagawa na natin 'yun. Alam niyo po, pagdating kasi ng kampanya, nag-uunahan lagi magsabing mahal kayo. Magsasabi mahal nila 'yung Tarlac, pero ang pinakasukat kung mahal tayo, asan ba sila noong walang eleksyon? Pag sinabing aasikasuhin tayo, ang batayan po noon hindi naman panahon ng kampanya dahil pag panahon po ng kampanya, ang mga kandidato nag-uunahan sa pagtulong. Pero ang batayan natin, asan sila noong walang kampanya? Dahil kung hindi naman natin sila nakikita noong walang kampanya, papaano naman tayo maniniwala na mahal tayo?

    Ang pinakasinasabi po pag panahon ng eleksyon, mahal ko ang mga barangay, mahal ko ang mga barangay officials, pero ang tanong: papaano 'yun pinakita? Ako po noong ako ay Congressman pa lang, may dalawa akong pinasa na panukalang batas. Hindi lang siya naging batas dahil hindi naipasa pero inihain ko po ang panukalang batas, 'yung isa hinihiling ko na ang term of office ng barangay officials, hindi lang tatlong taon pero gawing lima dahil napakaiksi ng tatlong taon, at 'yung barangay talaga 'yung nag-aasikaso ng lahat nating pangangailangan.

    Pangalawa, ang akin pong bill na finile, dapat i-professionalize na 'yung mga nagtatrabaho sa barangay para naman 'yung sweldo nila, mas matataas. Ngayon kasi, ang sweldo ng mga nasa barangay depende kung ano 'yung budget ng barangay. Kaya hinihiling ko po doon sa aking panukalang batas, dapat taasan ito para naman sulit 'yung trabaho saka sakripisyong ginagawa ng barangay. Pag sinabi po naming mahal namin 'yung barangay, tingnan ninyo, ano ba 'yung ginawa namin para sa inyo? Noong umupo ba kami sa Kongreso, ano ba 'yung mga pinasa naming batas para sa inyo? Pag sinabi po naming ayaw namin ng korapsyon, ano 'yung resibo? Ang amin pong opisina, pag sinabi namin ng ayaw namin ng korapsyon, marami po kaming resibo. Ang resibo po namin, sunod-sunod na taon kami ay nakukuha ng pinakamataas na COA Audit Rating, pagpapakita na walang napupunta sa korapsyon kaya kahit kaunti 'yung pera namin, marami kaming natutulungan.

    Pag sinabi po naming mahal namin 'yung mga magsasaka, mahaba 'yung aming resibo kasi napakarami naming programa sa mga magsasaka, pero bakit ko po ito sinasabi? Sinasabi ko ito kasi madali lang mangako pero para po paniwalaan natin 'yung mga pangako, tingnan natin 'yung track record. Baka naman nagpapakita sa atin pag panahon lang ng eleksyon. Baka naman sasabihin lang na masipag kami, pero pag nakaupo na halos hindi mo naman makita. Kaya ngayon po, ilan? 48 days pa bago mageleksyon. Humihingi po kami sa inyo ng tulong. Doon sa mga kabataan na nandito, ang isa pong tulong na matutulong niyo sa ating kampanya, labanan po natin 'yung kasinungalingan. Alam natin na napakaraming kasinungalingan na nasa social media at ang nakakatakot, marami po tayong mga kababayan na ang desisyon, nakabase sa kasinungalingan. 'Yun po 'yung pinaka ayaw nating mangyari.

    Palitan po natin ang kasinungalingan ng katotohanan. Napakasarap naman palang maging prinsesa no? Hindi ka iinitan kasi may tagapaypay ka. Hindi po ako sanay na pinapaypayan. Ayan, ano ito? "Para sa bansang maraming naghihirap, isang tapat may malasakit na nagmamahal at maLENIs na lider ang kailangan ng bansa. 'Yan si VP Leni Robredo - PWD Mungkada Chapter." Maraming salamat po, maraming salamat.

    So ngayon po, magpapaalam po kami ng panandalian kasi pupunta pa po kami sa Santa Ignacia pero kung libre pa po kayo, 'yung may mga exam, mag-exam muna. 'Yung may mga gagawin na schoolwork, gawin muna. Mamaya pa naman pong hapon sa Tarlac City pero magkita-kita po tayo doon, "Med Students for Leni." Maraming salamat, maraming salamat po, maraming salamat. "Paniqui Tarlac for Leni." Maraming salamat po. Ayan, mabuhay po kayo, ingat kayo lahat, maraming salamat.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 23, 2022