This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Multi-Sectoral Assembly of the 4th District of Laguna

    Message of Vice President Leni Robredo
    at the Multi-Sectoral Assembly of the 4th District of Laguna
    Wawa Park, Paete, Laguna

    VP LENI: Maraming salamat. Maraming salamat. Maupo po tayong lahat. Ang akin lang munang pagbigay galang siyempre kay Senator Kiko. Nandito din si Konsi Berns, Konsehal Berns ng San Pedro. 'Yung atin pong minamahal na barangay captain, si Kapitana Emilyn. Siyempre si Noel, maraming salamat, saka 'yung mga members ng RPC Paete. Sa inyo pong lahat, magandang magandang umaga.

    Hindi ko na uulitin 'yung sinabi ni Senator Kiko kasi iisa lang naman 'yung programa namin: pagdagdag ng budget sa agrikultura, paghiwalay ng fisheries, 'yung pag rebisa ng Rice Traiffication Law, pagbigay ng maraming ayuda sa mga magsasaka.

    Pero siguro idadaan ko sa kwento dahil bago pa po ako naging politiko, matagal na nanungkulan ako sa isang NGO bilang abogado. Ang pinagsisilbihan namin among others, mga magsasaka saka mga mangingisda.

    Ano 'yung mga obserbasyon ko na tingin ko mali? Na kung ako 'yung maging pangulo ay papalitan ko. Ang pinakana una, ang sa DA ang tingin kong mali maliban sa kulang 'yung pondo, 'yung targets ng ahensya. Bakit ko sinabing targets ng ahensya? Kasi 'yung targets parang, halimbawa, example lang ito, sasabihin na dapat ganito, pag tiningnan natin 'yung accomplishment ng DA, ang sasabihin niya ganitong numerong solar dryers 'yung aming pinatayo, ganitong numero ng mga traktor 'yung aming binigay, ganitong tonelada ng mga binhi 'yung aming binigay. Tingin ko mali 'yun eh. Tingin ko mali 'yun dahil dapat ang sinusukat mo kung papaano bumuti 'yung buhay ng magsasaka.

    So, para sa akin pag ako naging pangulo, papalitan ko 'yung lahat na targets. Para sa akin 'yung lahat na targets dapat pagsukat kung 'yung tulong mo ano 'yung naidulot na kabutihan sa buhay ng magsasaka. Kaya ko ito sinasabi dahil ang observation ko, hindi lang noong ako ay kabahagi ng SALIGAN pero kahit noong nag congresswoman na ako, ang kadalasan na natutulungan ng ahensya 'yung dati ng established. Hindi ko alam kung napapansin niyo 'yan. ‘Yung mga mahuhusay na mga asosasyon, 'yung mga organisadong mga magsasaka, 'yung mga medyo nakaka angat na sa iba, karamihan sa tulong nandoon.

    Merong mga grupo na buhos na buhos ang tulong sa kanila pero 'yung pinaka mahihirap, 'yung mga farm laborers na walang sariling lupa, nakiki saka lang, hindi sila inaabot ng tulong dahil hindi sila organisado. So, para sa akin, dapat ang pinakaunang step para masukat mo 'yun, magkaroon ng updated na inventory ng mga magsasaka.

    Meron tayong RSBSA, 'yung RSBSA siya 'yung basis ng maraming mga programa, example, crop insurance. Pero 'yung RSBSA hindi siya updated. Halimbawa sa amin sa Bicol, lagi kaming binabagyo, merong pondo 'yung pamahalaan para sa crop insurance pero pag bumabagyo 'yung mga tunay na naapektuhan hindi naman sila 'yung nakakatanggap ng crop insurance kasi hindi updated 'yung RSBSA.

    Ako noong nag typhoon Glenda sa amin, congresswoman ako noon. Meron akong sarili kong listahan noong lahat na apektado pero hindi nga 10% sa listahan namin 'yung na sa RSBSA kasi hindi updated 'yung listahan. So, maraming kailangang gawin pero tama si Senator Kiko, na hindi kasi ito magagawa pag hindi ramdam noong gumagawa ng polisiya 'yung kahirapan na pinagdadaanan ng magsasaka.

    Kaya sa akin, hindi ako kampante sa estraktura ngayon. Ang sa akin, hindi ko tatanggapin na basta lang papalit ng namumuno. Hindi siya enough. Kahit pa maayos 'yung na-appoint mong namumuno kung 'yung estraktura pareho, wala pa din. So, para sa akin, kailangan talagang upuan. Pero pag upo, kami mismo 'yung uupo, hindi lang 'yung ipapagawa sa iba, at 'yung kausap namin kayo, hindi puwede na 'yung mga kausap namin 'yung mga namumuno lang na hindi naman araw araw pinagdadaanan 'yung kahirapan ng ordinaryong magsasaka.

    So, 'yun 'yung una kong gagawin. Papalitan ko 'yung lahat na mga— di ba ewan ko kung sino dito 'yung taga gobyerno pero di ba taga gobyerno pag nagre-report ka ng mga accomplishment report, meron kang targets, meron kang key result areas.

    Ako papalitan ko 'yung lahat dahil sa akin, gumawa tayo ng maayos na listahan, tingnan natin 'yung ano 'yung status ng mga magsasaka, tapos 'yung susukatin natin kung papaano bumuti 'yung kanilang buhay dahil sa ahensya natin. 'Yun 'yung number one.

    Siyempre 'yung number two, 'yung number two crucial 'yung pag appoint. Crucial 'yung pag appoint ng namumuno. Dapat 'yung namumuno ang puso nasa mahirap. Hindi dito importante na mahusay ka lang. Pero kailangan, ramdam mo 'yung hirap. Kasi kung hindi mo ramdam 'yung hirap, hindi maayos 'yung mga polisiya mo. Pag hindi mo ramdam 'yung hirap, 'yung mga polisiya mo lahat naka base sa papel. Alam natin lahat ibang iba ang nasa papel sa aktwal.

    So, ako mahabang panahon, sampung taon akong nasa NGO, ‘yung buhay namin nasa community talaga. Abogado ako na hindi nakasuot ng magagarang damit. Hindi ako nag oopisina sa air conditioned na opisina. Pero 'yung opisina namin nasa komunidad. Ang tinutulugan namin 'yung mga– alam mo 'yun 'yung mga pahinga– ewan ko kung anong tawag doon dito sa tagalog pero 'yung mga pahingahan na wala ngang dingding, meron lang bubong. 'Yun 'yung mga tinutulugan namin. At ano anamin, parang bunk house para sa mga– iba kasi 'yung Bicol term para doon.

    Pero 'yung sa akin, dapat 'yung susukatin natin 'yung nasa pinaka laylayan ba natutulungan? Dahil kung ang tinutulungan mo 'yung dati ng meron, hindi 'yun 'yung klase ng pamahalaan na iniisip natin. Dapat ang klase ng pamahalaan na iniisip natin, magbibigay tayo ng inspirasyon doon sa mga meron na tumulong sa mga wala. Dapat maramdaman ng lahat na bahagi sila sa solusyon. Hindi 'yung iisipin nila, ano yung meron para sa akin.

    Kasi sa nangyayari ngayon sa pamahalaan ganoon eh, lagi lang sarili 'yung iniisip. Pero sa programa namin sa Office of the Vice President, napakita namin. Kaya nabuhay 'yung Angat Buhay program namin dahil 'yung mga mayayaman tumutulong sa mahihirap, and 'yung mayayaman, masaya sila. Masaya sila— masaya sila sa tinutulong nila dahil nakikita nila 'yung epekto.

    Kaya para sa akin, hindi naman totoo na 'yung mga mayayaman makasarili. Hindi lang sila nagkakaroon ng pagkakataon na ma-channel 'yung tulong nila sa tama. 'Yun 'yung pinakauna.

    'Yung pangalawa, 'yung sinabi ni Norman na nagaalala kayo tungkol– na baka masira 'yung Sierra Madre sa paglagay ng dam. Ano ba 'yung polisiya natin diyan? Hindi tayo hundred percent [type] dam. Pero ang gusto nating mangyari, na walang ilalagay na kahit anong proyekto na hindi binigyan ng boses 'yung mga maapektuhan. 'Yun 'yung policy natin.

    Actually, meron tayong batas tungkol diyan. 'Yung batas natin tungkol diyan, na 'yung community ng maapektuhan, dapat may free informed and prior consent. Pero hindi 'yan nasusunod. So, ang ginagawa ngayon, magpapa meeting, totoong nagpa meeting pero hindi naman binigyan ng halaga 'yung pakiramdam noong mga maapektuhan.

    'Yun 'yung sisiguraduhin natin na hindi gagawan ng kahit ano. Hindi gagawan ng kahit ano na, number one, hindi naiintindihan ng mga maapektuhan kung ano 'yung epekto nito sa kanila, papakinggan 'yung kanilang boses, tapos 'yung pinaka huli, kahit ano pang revenue ang papasok, hindi 'yan commensurate sa social cost ng mangyayari sa'yo.

    So, sa akin, hindi ako against sa progreso. Ako, may mga lugar na kailangan talaga ng dam. Pero kaya noong nasa Kongreso ako co-author ako noong National Land Use Act, na para sa akin kailangan ng ipasa at ang humaharang nito mga malalaking politiko na maraming business interests. Pero napakahalaga na maipasa ng National Land Use Act, kasi 'yung National Land Use Act, 'yun 'yung magiging daan para ma-identify alin ba 'yung mga lugar na hindi ka– hindi mo dapat galawin. Halimbawa, aling mga lugar ang hindi open for mining? Anong mga lugar ang hindi puwedeng lagyan ng dam kasi masisira 'yung kalikasan?

    So, 'yun sana 'yung step one, 'yun sana 'yung step one para mas maging maayos 'yung pagplano na kung maglalagay ng dam, alam na natin kung saan siya hindi puwede. Pero ang assurance ko sa inyo, ang klase ng politikang pinapaniwalaan ko, hindi patronage. Ang klase ng politikang pinapaniwalaan ko, mas empowering na politika.

    Anong gustong sabihin noon? Kasi, for a very long time, 'yung klase ng politika natin na patronage, 'yung mga tao, lahat na kailangan niya hihingiin niya sa politiko. Pag hiningi niya na sa politiko at ibinigay sa kanya, ang pakiramdam ng tao may utang na loob na siya na nakakalimutan na ang politika nandiyan para tumulong. So, para sa akin, ang dapat na sukat, ang public official effective siya kung ang tao hindi na kailangan humingi dahil meron ng programa para diyan.

    Hindi ko– hindi ko mapapangako kahit maging pangulo ako na over, mapapalitan natin ito pero ang mapapangako ko sa inyo, maglalagay tayo ng mga mekanismo para papunta na tayo doon sa mas maayos na klase ng politika. Kasi kung patronage tayo lagi, walang pagbabagong mangyayari. Walang pagbabagong mangyayari kasi ang mga politiko, karamihan sa kanila ang pakiramdam nila, entitled sila sa posisyon dahil sila 'yung di-dispense ng mga favors.

    Nakita ko sa asawa ko, 'yung yumao kong asawa na hindi niya 'yun sinunod pero ang resulta, mas epektibo. Halimbawa, sa amin sa Naga, naglagay ng people's council, na 'yung people's council, paminsan kinokontra 'yung asawa ko na siya 'yung mayor, pero ang mga nangyayari mas maganda dahil ang nagdedesisyon kung sino 'yung maaapektuhan. 'Yung paniniwala ko, ang pinakamagagandang polisiya, nanggaling sa mga taong maaapektuhan.

    'Yung sa mga mangingisda, 'yung kay Waldo. Again, mahabang panahon, mga mangingisda 'yung aking pinagsilbihan, napakarami kong kaso na hinawakan na 'yung mga trinain namin na mga bantay dagat, pag nahuhuli sila, sila pa 'yung binabaliktaran ng kaso. Kaya naiintindihan ko 'yung sinasabi ni Waldo. Pero papaano ba ito, papaano ba ito ma-eenforce? Alam niyo, ang pinakamahirap talaga, meron tayong mga batas pagproteksyon sa municipal waters, pero napakahina ng enforcement.

    Dahil napakahina ng enforcement, ang— ang nasa advantage ulit, 'yung mga malalaki, 'yung mga maliliit, sila 'yung nawawalan ng, sila 'yung nawawalan ng hanapbuhay kasi na-ooverrule sila ng malalaki.

    So, 'yung aking pangako na pag kami ni Senator Kiko 'yung inyong tinulungan, hindi ito mangyayari. Ito 'yung parati– ito 'yung gustong sabihin na parati naming sinasabi na sa ilalim ng aming pamamahala, ang laylayan ang magiging bagong sentro.

    Sisiguraduhin natin, hindi natin, hindi natin aapihin 'yung mayayaman, hindi natin sila aapihin pero ang gagawin natin, bibigyan natin sila ng inspirasyon na katuwang nila, katuwang sila ng pamahalaan sa pagsiguro na 'yung mga maliliit, sila 'yung natutulungan.

    Ngayon, meron kaming mga programa sa Office of the Vice President na kami 'yung nagsisiguro, meron kaming mga financial grants na binibigay sa mga farmers saka fisherfolk group, pero kami 'yung nagsisiguro na meron silang kontrata sa mga merkado na hindi na sila dadaan sa mga, sa mga middlemen. Kasi pag dumadaan sa middlemen, ang kumikita 'yung mga kapitalista.

    Ito, 'yung programa namin, pangalan ng programa namin, Umasenso sa Kabuhayan, sa Bicol namin ito ginamit na 'yung kami 'yung kausap ng mga negosyante, pero meron na silang kontrata na 'yung mga, 'yung mga produkto ng mga magsasaka saka mangingisda, diretso na sa mga grocery, sa mga ospital, sa mga restaurant, sa mga hotel, sila na 'yung bibili.

    Ang epekto nito, napakalaki, pero 'yung sinabi din ni Norman, ang problema nito, kulang na kulang 'yung [inaudible] kaya napipilitan kayo ibenta na kaagad, kasi wala naman kayong paglalagyan.

    So, magiging priority siya ng pamahalaan na 'yung lahat na mga lugar, sisiguraduhin natin na merong mga post harvest facilities na nagagamit siya ng lahat, nagagamit siya ng lahat para, 'yung sinasabi nating level playing field, na pareho lang 'yung– nakakapagkompetensya nang maayos.

    Kay Austin, 'yung ating, [inaudible] kahit hindi ka pa nakakaboto, maraming salamat, maraming salamat. Kakaiba, kakaiiba 'yung eleksyon na ito, kakaiba 'yung eleksyon na ito, mas malala siya dahil karamihan sa mga politiko ay hindi atin, hindi natin supporters.

    Pero paniniwala ko, walang sinabi 'yung pera sa makinarya pag ang taumbayan nagkaisa. 'Yung inaasahan namin ni Senator Kiko, 'yung inaasahan namin ni Senator Kiko na magiging malungkot na kampanya, baliktad 'yung nangyari. Dahil 'yun sa inyo, dahil 'yung tao nagdesisyon. Kaya ito, meron pa tayong 10 days, meron pa tayong 10 days to go, hirit na tayo, hirit na.

    'Yung experience sa mga nagha-house-to-house– 'yung experience sa mga nagha-house-to-house, pag 'yung tao puso sa puso 'yung usapan, binubuksan nila 'yung kanilang mga mata. Alam niyo, ang kalaban kasi natin, 'yung mga fake news. Maraming mga tao na ang basis nila ng pagdesisyon, Youtube saka Tiktok at marami doon naniniwala. So, pag house-to-house, nakakausap natin ng diretsahan, nabubuksan 'yung puso nila. Kaya ako, anuman 'yung mangyari, papunta tayo sa, sa isang panahon na mas malakas na 'yung kapangyarihan ng ordinaryong mamamayan kasi 'yun naman 'yun lagi.

    Hingi lang ako ng paumanhin, siguro papasukin na natin sila kasi tapos na, tapos na 'yung ating, parang napaaga 'yung sabi ko. Papasukin na siguro natin sila para, opo, tapusin lang po natin ito, mag-picture taking po tayo pero siguro by, by group, ano? Si Noel siguro, tawagin by group. Ang dahilan– teka lang, tatapusin ko pag nandito na sila, i-eexplain ko po sa kanila kung bakit hindi pa sila pinapapasok kanina, ayan, 'yun 'yung dahilan, okay na?

    Sandali, wag muna kayong sumigaw, wag muna kayong sumigaw, i-eexplain ko lang, hihingi ako sa inyong paumanhin, okay na? Ayan, pasensya na kayo, pasensya na po kayo na late kayo pinapasok, kasi 'yung experience namin– sandali– 'yung karanasan po kasi namin sa ibang lugar, pag napakaraming tao, hindi nakakapag-usap nang maayos. So, kinausap muna natin 'yung mga sektor, sana naintindihan niyo, napakinggan na po natin sila kaya ngayon, sama-sama na tayong lahat.

    So, kung napapansin niyo po, kung napapansin niyo po hindi kami nag-invite ng media. 'Yung cameraman po, kasama po namin sila, campaign team sila, kasi again, kung maraming media hindi na tayo bwelo makipag-usap. So ito po, mag-pipicture taking– 'yung mga nanditong mga supporters, nagpapasalamat kami sa inyo kasi ang alam po namin na ang dami niyo ng sakripisyo, ang dami niyo na pong inaalay para sa kampanya natin, imbitado natin ang lahat mamaya sa Santa Rosa, sana makapunta kayo.

    Mag-pipicture taking po tayo, pero hintayin natin si Noel para organisado, kasi pag hindi organisado, maraming hindi nabibigyan ng, ng ano ito, ng pagkakataon. So, sumunod po, walang pupunta dito, walang mag-seselfie, mamaya na ang selfie pagkatapos na ng lahat, ano? So, 'yun 'yung ating pakiusap, pag may selfie, hindi magpapa-picture, ha? Para po, mag-group picture muna 'yung mga, mga iba-ibang grupo ng mga magsasaka nandito. So, group picture muna, by group ang tawag, tapos mag-seselfie pagkatapos na, ano? Maraming salamat.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Apr 29, 2022