This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Negros Occidental People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Negros Occidental People’s Rally
    Paglaum Sports Stadium, Bacolod City, Negros Occidental


    VP LENI: Magandang gabi Negros Occidental. Grabe kayo. Hindi pa ba kayo pagod? Alam ko kaninang kanina pa kayo dito, umulan na, uminit na, napaka-taas pa din ng energy niyo. Lagi niyo kaming ginugulat tuwing bumibisita kami dito sa inyo. Kaya maraming, maraming salamat.

    Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang sa atin pong minamahal at hinahangaan na gobernador, palakpakan po natin, Governor Bong Lacson. May dalawa din po tayong bisitang mga governors dito: Governor Toto Defensor ng Iloilo at Governor Ben Evardone ng Eastern Samar. Binabati din po natin 'yung ating mga provincial officials nandito ngayong gabi. Ang atin pong mga mayors, kanina po umakyat na sila dito, magkakasama na po kami kanina sa Sagay. Palakpakan po natin, Mayor Thirdy Marañon ng Sagay at Mayor Bading Escalante ng Cadiz.

    Binabati din po natin 'yung mga Vice Mayors na kasama natin ngayon. Siyempre po, uunahin natin ang vice mayor ng ating host city na Bacolod, Vice Mayor El Cid Familiaran. Binabati din po natin 'yung amin pong kaibigan sa Office of the Vice President, matagal na po naming ka-partner, vice president– vice mayor ng Himamaylan, Vice Mayor Justin Gatuslao.

    Binabati din po natin 'yung iba pang mga city and municipal officials nandito ngayong gabi. At siyempre po 'yung aking ka-partner, palakpakan po natin, Senator Kiko Pangilinan na susunod natin na vice president. At siyempre, suwerte ng Bacolod ngayong gabi kasi kasama niya ang ating Megastar, si Ms. Sharon Cuneta. Binabati rin po natin 'yung ating mga senador na magiging senador at 'yung mga bagong papasok sa senado, siyempre po sa panguguna, palakpakan po natin: Senator Risa Hontiveros; Senator Sonny Trillanes; Senator Dick Gordon; Senator Leila De Lima; susunod na senador, Congressman Teddy Baguilat; susunod na senador, Dean Chel Diokno; susunod na senador, Attorney Alex Lacson; susunod na senador, Attorney Sonny Matula.

    Pero meron po akong mga gustong pasalamatan ngayong gabi, na sila po 'yung dahilan kung bakit napaka-successful ng ating People's Rally ngayong gabi. Pinaka una po sa lahat, ang atin pong provincial coordinator, ang head ng RPC Negros Occidental, palakpakan po natin, Former Governor Lito Coscolluela. Nandito din po 'yung Laban Leni Negros Occidental headed by Attorney Pinky Mirano Ocampo and Ms. Millie Kilayko, nasaan ba kayo? Hindi pa kami nagkikita. Nandoon sila? Ayan. Nandito din po Negros Youth for Leni, Team Leni Robredo Negros Occidental.

    Hindi ko na po iisa-isahin kasi baka umabot tayo hanggang umaga, pero 'yung lahat pong mga volunteer groups na andito, mula sa iba't ibang mga lungsod at bayan ng Negros Occidental, palakpakan po natin 'yung ating sarili. Ayan po 'yung ating drone shot, nakikita niyo ba? Naku, nakaka-proud talaga kayo Negros. Nandito din po 'yung anak ng Negros Occidental, kanina po nagkita na kami sa Sagay, Former COMELEC Commissioner Rowena Guanzon. Hindi ko alam kung asan siya dito, saka po 'yung grupo niya, P3PWD, 'di ko din alam kung asan sila dito dahil napakaraming tao, pero maraming salamat po sa pagdalo.

    Hihingi din po ako ng paumanhin sa ating pong mga volunteers sa Bago City. Kasi po pagkagaling po namin sa La Carlota papunta dito, naghihintay po pala sila sa tabi ng kalsada, iba po 'yung aming dinaanan kaya pasensya na po kayo. Napaka– alam niyo po nalalaman pa lang namin ngayong gabi kaya pasensya na po kayong lahat. Ang akin din pong pagpasalamat, hindi ko din alam kung asan sila dito, Mr. Horace Yap saka Mr. Willy Au, ang ating mga work horses. Saka po nakita niyo ba 'yung Leni Mobile? Nakita niyo ba? Ang tawag ko doon float pero sabi po ni Governor Lito, ang official name daw noon ay Leni Mobile. Sinakyan ko po siya kanina, gusto ko po magpasalamat kay Mrs. Gigi Campos and Mrs. Dolly Lopez, na sila 'yung nag-take charge ng pag-gawa noong aking Leni Mobile. So, maraming maraming salamat po sa inyo.

    Talaga pong Ibang klaseng magmahal ang Negros Occidental! Ipinaramdam niyo po ito sa amin buong araw nang umikot kami mula San Carlos, Sagay, Kabankalan, Himamaylan, Binalbagan, Hinigaran, La Carlota at ngayong gabi dito sa Bacolod City. Maraming maraming salamat po sa napaka init niyong pagsalubong sa amin ni Senator Kiko, pati na ang aming buong senate slate ng ating People's Campaign. Wala po talagang katulad ang ating kampanya: Dati, kailangang kalampagin ang mga tao para malaman nilang may dumating na kandidato. Ngayon po, maya't maya may mga nagtatanong sa amin kailan na ba kayo pupunta dito sa amin. Lalo ngayong gabi, nandito kami sa Bacolod, ang dami ng nagte-text, dito naman sa amin sunod. At sa bawat po rally natin, kusang loob ang pagpunta ng mga tao— hindi lang sa hindi kayo bayad, abonado pa kayo. Pasensya na po. Hindi lang po ‘yun, nag co-contest pa para ipakita ang malaking ambag ng bawat isa sa People's Campaign natin.

    At hindi lang po ito simpleng pakikiisa sa ating mga rally. Kahit po saan kami magpunta, para bang may contest na palagi sa pinaka-witty na mga placard. Pagalingan ng mga gimik, palakasan ng mga hiyaw.

    Dito po sa Negros, dito sa Bacolod, ang balita ko po, ilang araw nang may mga naglilinis at nagpapaganda dito sa Paglaum Sports Stadium. Nakita ko po sa Facebook, may mga gumagawa, ‘yung mga artists natin na mga installation art. At nakita ko for the very first time, ang mga hawak niyo ngayon, napakagagandang mga pink stars. At gaya ng sabi ko kanina, hindi kayo nagpapapigil umaraw man o umulan. Kaya maraming, maraming salamat po sa inyo. Nakakawala po ng pagod at talagang nakaka-inspire ang inyong energy at creativity.

    Hinding-hindi ko rin po makakalimutan: Noong ipinagbabawal pa ang mga motorcades noong una naming pagpunta dito ni Senator Kiko pagkatapos po naming magdeklara, kayo yata ‘yung ang nagpauso ng stationary caravan. Naalala niyo ‘yun? Ayan, naalala niyo na pinuno ninyo ‘yung kalsada mula sa Silay hanggang Bacolod. At hindi lang basta stationary caravan, maraming mga dancers, maraming mga singers, pati mga madre, merong mga cyclists, merong mga banda. Pami-pamilya—ang iba, kasama pa ang mga alagan nilang aso—ang sumalubong sa amin noon.

    Malinaw na malinaw po ngayon: Hindi lang po ito kampanya para sa mga kandidato. Kampanya po ito para sa ating mga pangarap. Kampanya ito para sa lahat ng ating minamahal. Kampanya po ito para sa isang gobyernong tapat [crowd responds: ANGAT BUHAY LAHAT] na mag-aangat ng buhay ng lahat. Eksaktong-eksakto nga na dito sa Paglaum Sports Stadium tayo nagsama-sama ngayon. Dahil ang kampanya nating ito ay kampanya ng pag-asa.

    Sa patuloy na pagsama-sama ng ating mga liwanag, dadami pa ang masisinagan ng pag-asang ito. Ang mga matagal nang napag-iiwanan, susunduin po natin sila. Ang mga nakayuko, isasabay po natin sila sa paghakbang. Ganyan po ang ibig sabihin kapag sinabi nating laylayan ang magiging bagong sentro ng pamahalaan.

    Kaya nga kung tayo po ay papalarin, gagamitin natin ang lahat ng kapangyarihan ng gobyerno para makamit ang layuning ito.

    Dito po sa Negros: Sisiguraduhin po natin na may sapat na tulong para umunlad ang kabuhayan ng ating mga magsasaka. Batid natin: Marami ang nahihirapang umangat dahil sa kakulangan ng mga farm equipment at napakamahal na inputs gaya ng abono. Ang target po natin: Gawing abot-kaya ang mga ito para mas malaki ang inyong kita pagdating ng anihan.

    Para sa atong sugar farmers, plastaron naton ang mas masangkad nga Sugar Industry Roadmap. Kasama dito ang pagtiyak na sapat ang suporta para sa industriya, at pag-modernize at pag-diversify para kayanin nating makipagsabayan sa malalaking merkado. Tutulungan po natin sila para mas dumami ang kanilang ani at madagdagan ang kanilang kita.

    Mas mapauswag pa guid ang inyo rehiyon kung mabalik naton ang dugay na nga ginaduso nga Negros Island Region. Napakalaki ng potensyal ng pinag-isang Negros. Sa pagtukod sini liwat, mas mapalapit naton ang gobyerno nasyonal sa lokal, mas magdasig ang serbisyo sa mga komunidad, mas magnami ang ekonomiya, mas magdamo ang obra, mas magdasig man ang pag-uswag sang rehiyon kag mas maatipanan dayon ang mga panginahanglan sang mga Negrense.

    Sisiguraduhin po natin mauumpisahan na ang pagtatayo ng Negros-Guimaras-Iloilo bridge. Kapag konektado na ang tatlong probinsya, mas magiging maayos ang daloy ng mga produkto, sisigla ang ekonomiya, at uunlad ang komersyo. Nasa inyo na po ang lahat na rekado: ang sigla ng inyong turismo; ang husay at talento ng mga kabataan, kababaihan, at ng mga manggagawa sa iba’t ibang industriya; ang track record ninyo sa pangangalaga ng kalikasan; ang kahandaan ninyong makipagbayanihan. At kapag wala tayong ibang agenda kundi ang maabot ang potensyal ninyo, napakalayo ng mararating natin.

    Isa rin sa mga kailangan nating tutukan ang maayos na pagbahagi ng renewable energy sa mga komunidad. Number one na ang Negros Occidental sa renewables—ang kailangan lang ay tiyakin ang pag-distribute nito sa mga kababayan para wala nang sitio na magpapalipas ng gabi sa kadiliman. Kaya ang layunin natin sa inyong rehiyon: Tamang imprastruktura, para ang renewable energy mula sa lalawigan, mapapakinabangan sa inyong mga tahanan. Buo po ang suporta natin sa plano ng provincial government, sa pangunguna ni Governor Bong Lacson: Dalhin sa antas ng kabahayang Negrense ninyo ang benepisyo ng renewable energy. Kung anuman ang kailangang gawin para maitulak natin ang paggamit ng malinis, renewable at maaasahang power supply, gagawin po natin ito—magtutulungan po tayo para mangyari ito.

    Naniniwala po ako: Kung papaano mangampanya ang isang kandidato, ganoon din po siya mamumuno. Kung walang takot siyang haharapin ang mga isyu ng bayan at ang mga tanong sa kanyang plataporma at pagkatao, wala rin siyang itatago o pagtataguan kapag siya na ang nakaupo. Kung ang mga pangako, nakabatay sa mga nagawa niya noong hindi pa siya nanliligaw ng boto, sigurado pong hindi masasayang ang tiwalang ibibigay sa kanya ng tao. Kung kasama niyang nagbubuhos ng sipag at talento ang mga supporter gaya ninyo sa bawat campaign event, tiyak na kasama niya rin ang mga Pilipino sa pagsulong ng agenda ng kanyang gobyerno.

    Sa lahat ng nakita at nakikita ko ngayon, wala po akong duda: Ka-upod ko ang Bacolod, ka-upod ko ang Negros Occidental, ka-upod kita sa away nga ini. Nakit-an ko guid ang oras, talento, kag kusog nga ginabu-bo ninyo para sa aton People's Campaign. Ang kakusog ninyo, nagagawa sa kumbensyunal, nagagawa sa kaplastaran. Hindi lang po tumitindig, kundi tumatawid.

    Nagawa na natin ito noong 2016—napakalaki po ng panalong ibinigay niyo sa akin. At alam ko magagawa natin itong muli ngayong 2022. Dahil po anumang pilit ng iba na pag-away-awayin ang mga Negrense, pati na ang ibang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng ating bansa, binibigkis pa rin tayo ng ating mga karanasan—ng paghahanap ng matatakbuhan sa panahon ng kagipitan; ng pagkadismaya sa luma at bulok na sistemang nadadaan sa transaksyon at palakasan; ng paglingon sa katabi, at pagbasa sa katotohanang nakasulat sa kanyang mata: Nahihirapan na ako. May daan ba palabas dito? Puwede mo ba akong samahan?

    May daan po palabas dito. Puwede natin silang samahan. Puwede natin silang yakapin at isali sa ating hanay, at ipakitang walang kayang tumumbas sa pinagbigkis na lakas ng taumbayan. Huwag po natin kalimutan ang kasaysayan; sa halip, balikan natin ang mga aral na nagdala sa atin dito. Dito nagbubukal ang totoong unity; ito ang totoong pagkakaisa—pagkakaisang babaklas sa luma at bulok na sistema, at magsusulong ng gobyernong tapat, na mag-aangat sa buhay ng lahat.

    59 days to go bago mag May 9. Alam kong ramdam na ninyo ang nararamdaman ko: Palakas nang palakas ang momentum at enerhiya, parami nang parami ang sumasama sa ating hanay, palalim nang palalim ang pagtataya sa ating laban. Galingan pa natin ang pakikipaglaban, para sa tama at totoo. Lakihan pa po natin ang ating mga puso, puwede ba ‘yun? Lakasan pa natin ang ating mga tinig para dumami pa ang makakita na puwede palang ganito magkampanya. Puwede pala ang ganitong klaseng gobyerno: Tapat, taumbayan ang bida, tunay na nagkakaisa.

    59 days, mga kasimanwa. Upod na kita. Lakat na kita. Dag-on ta na ini!

    Mabuhay po kayong lahat. Maraming maraming salamat sa inyo.


    [END]

    Posted in Transcripts on Mar 11, 2022