This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at OlongaPINK: Zambales People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at OlongaPINK: Zambales People’s Rally
    Magsaysay Drive cor. Gordon Ave., Olongapo City, Zambales


    VP LENI: Maraming salamat! Magandang hapon, Olongapo! Magandang hapon, Zambales! Napakainit ng panahon pero napakainit din ng pagtanggap niyo sa amin kaya maraming-maraming salamat. Bago po ako magpatuloy, ang akin lang pong pagbigay galang–

    [crowd sings happy birthday]

    Sa Sabado pa po. Maraming salamat. Sa Sabado pa po ang birthday ko. Maraming salamat. Maraming salamat. Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang siyempre sa akin pong partner. Palakpakan natin ang ating susunod na Vice President, Kiko Pangilinan. At siyempre, masuwerte po tayo ngayon walang shooting! Palakpakan po natin, Sharon Cuneta-Pangilinan.

    Magandang hapon din po sa aking iniidolo, ang atin pong former Senator, Jun Magsaysay, anak ng Zambales. Magandang hapon din po kay Board Member Carol Fariñas. Magandang hapon kay Mayor Joy Apostol ng Cabangan. Magandang hapon po sa ating Acting Mayor, ang atin pong Vice Mayor Jong Cortez. Ang atin pong mga Councilors na kasama ngayong hapon, ang akin pong matalik na kaibigan, Councilor Lugie Lipumano-Garcia, Councilor Jerome Bacay, Councilor Tata Paulino, Councilor Kaye Anne Legaspi.

    Kanina po, hindi po kami nagkita pero sabi po sa akin nandiyan si Mayor Yeye Dominguez ng San Narciso. Maraming-maraming salamat po. Maraming salamat din sa atin pong IP Community, ang ating Chieftain si Ma'am Fe Domulot, palakpakan po natin sila. At nagpapasalamat po tayo sa ating organizers ngayong hapon, ang RPC Zambales saka RPC Olongapo, maraming salamat.

    Magandang hapon din po sa ating IPMR ng Olongapo, Mr. Nestorio Pablo. Maraming salamat din sa Solid Leni Pilipinas. Hindi ko na po iisa-isahin 'yung lahat na bayan ng Zambales pero maraming, maraming salamat sa inyong lahat sa pagsama po sa atin dito sa Olongapo.

    Humihingi po kami ng paumanhin na napakainit ng panahon. Alam ko po– ilang oras na ba kayo nakatayo? Five hours? Nakatayo na ng five hours. Siguro 'yung mga nag-asikaso dito sa stage ay wala pang mga tulog. Ang iba nagbiyahe ng malayo para lang pumunta dito. Ang tanong ko ngayon: bakit kayo tsumatsaga at su– nagsasakripisyong ganito? Meron ba ditong hakot?

    CROWD: Wala!

    VP LENI: Meron ba ditong bayad?

    CROWD: Wala!

    VP LENI: Meron ba ditong abonado?

    CROWD: Meron!

    VP LENI: Pasensya na po. Pero alam ko kung bakit kayo nagsasakripisyong ganito dahil sa malaking pagmamahal niyo sa ating bayan. At talaga namang kailangan ipaglaban. Sabi ng ni Sharon kanina, "Pagkakataon ito para magdala tayo ng pagbabago." Maraming salamat po sa ating officials na kasama ngayon na inimbitahan 'yung ating mga IP Representatives para sila 'yung magtaas namin ni Senator Kiko. Napakamakahulugan noon dahil pinapakita na ang tunay na kapangyarihan, wala po sa aming mga politiko. Ang tunay na kapangyarihan, nasa kamay ng ordinaryong Pilipino. At ito po 'yung pinakabuod ng eleksyon natin ngayon. Ang eleksyon natin ngayon, napakahalaga pero ang magdedesisyon hindi mga politiko. Ang magdedesisyon, ordinaryong Pilipinong nagmamahal sa kaniyang bayan.

    Kanina po nasa San Narciso ako, kinukuwento ko po sa kanila na marami po tayong mga projects dito sa Zambales. Meron po tayong projects sa Cabangan, ayun si Mayor Joy nandiyan. Mayor– meron po tayong project sa Masinloc para sa mga mangingisda doon. Meron po tayong project sa San Narciso, meron tayo sa Santa Cruz, mga magsasaka, mangingisda, mga kababaihan, Hindi po naman namin ina-announce 'yung mga projects na 'yun pero sinasabi po namin ngayong eleksyon dahil napakaraming kandidato ang pupunta dito sa inyo magsasabing, "Mahal ko ang Zambales. Mahal ko ang Olongapo."

    Pero pag may kandidatong pumunta dito, nangangako na mamahalin at patuloy na mamahalin kayo kailangan po 'yung itanong natin sa kanila, "Noong walang eleksyon nasaan ba kayo?" Madali lang sabihin na mahal ko kayo pero di ba alam natin na ang tunay na pagmamahal pinapakita hindi sa salita ngunit sa gawa. Kami po ni Senator Kiko, pag may sakuna kasama niyo kami. 'Yung lahat na mga bagyong tumama noong pandemya, nagpagpadala po tayo ng tuloy-tuloy na mga PPE sets, na mga medical supplies sa iba't-ibang mga ospital hindi lang po dito sa Olongapo pero sa buong lalawigan ng Zambales.

    Noong nahihirapan 'yung ating mga kababayan na mga mangingisda kasi hindi sila buwelo sa kanilang hanapbuhay; 'yung nahihirapan 'yung mga kababaihan noong pandemya sa kawalan ng hanapbuhay, nandito po kami kasama ninyo at nagbibigay ng proyekto, mga livelihood programs, mga tulong pinsansyal, tulong teknikal, mga training, pati mga kagamitan.

    Ganoon po sa namin sa inyo pinakita ang aming pagmamahal na sa oras na kailangan niyo kami, kasama niyo kami. At tayo pong lahat, tayo 'yung boboto ng mga public officials natin ngayon darating na eleksyon. Ito po hindi lang ito contest ng mga kandidato pero napakahalaga ng eleksyon na ito dahil dedesisyonan po natin–

    [crowd chants: "Leni! Leni! Leni!"]

    Akala ko naman sa inyo "medic". Ayun, dedesisyunan po natin ngayon anong klaseng gobyerno ang gusto nating mamayani dito sa bansa natin sa susunod na anim na taon. Ito ba 'yung klase ng gobyernong maaalala tayo tuwing eleksyon lang? Ang hinahanap po natin mga lingkod-bayan na eleksyon man o wala, nakikita natin, nararamdaman natin.

    Ang amin pong pangako sa inyong gobyernong tapat, hindi lang po 'yun basta pangako. Pero pinakita po namin ni Senator Kiko na ang aming pagiging lingkod-bayan, ang gustong sabihin nito pagiging matino at mahusay. Bakit po ba kami nakakatulong ng ganito kahit konti lang 'yung pondo namin? Dahil pinapangalagaan po namin 'yung pera ng taumbayan.

    Ang kaunting pondo maraming natutulungan dahil walang nahuhulog sa korapsyon. Tingnan niyo po ang aming track record. Si Senator Kiko po, 2001 pa public servant na pero narinig niyo na ba ang pangalan niyang nadawit sa anumang anomalya?

    CROWD: Hindi!

    VP LENI: Wala. Sa amin po sa Office of the Vice President, pingalagaan po namin ang pondo ng taumbayan. Hindi na po kami 'yung nagsasabi na malinis 'yung aming pamamahala - COA na po mismo. Magkakasunod na taon nakukuha po nami 'yung pinakamataas na COA Audit Rating. Pagpapatunay na malinis ang paggamit namin ng pondo, malinis ang mga proseso.

    Di ba dapat ganoon 'yung hinihingi natin sa ating mga lingkod-bayan? Dahil kung walang tiwala ang tao sa kaniyang mga lingkod-bayan, hindi siya inspiradong mag-ambag. Nakita niyo naman po ngayon kakaiba ang kampanyang ito. Pinakamasaya itong kampanyang pinagdaanan namin. Nakikita niyo naman po, mabibilang lang natin 'yung mga public officials na hindi natatakot ma-associate sa atin pero taumbayan na ang gumagalaw.

    Kanina lang nasa San Narciso ako, meron pong mga magsasakang lumapit sa akin. First time namin magkakilala pero ang sabi po nila sa amin, "Apat na araw po sa isang linggo kami nagha-house to house para sayo."

    Pag meron pong mga rally-ng ganito, kanya-kanyang ambagan. May mga nagdadala ng mga pagkain. Ito, nakita niyo naman, mula kanina, marami nag-aabot na regalo. Sinasabi ko po: baliktad na yata ngayon. Dati tao 'yung umaasang regaluhan siya ng kandidato, ngayon baliktad na.

    Pero bakit kaya ngayon baliktad na? Dahil ang tao, nararamdaman niya na napakalaki ng kanyang papel sa pagpili sa eleksyon na darating. Kaya po sana, huwag nating sasayangin ang pagkakataon na baguhin ang landas ng ating politika. Kanina nagtatanong si Sharon: sino ang first time voters? Marami nagtaas ng kamay. 'Yung mga kabataan, 'yung pag-asa ng ating bayan. Kaya po sana, huwag nating sasayangin ang pagkakataon.

    Kanina po, naka-upo kami, binibilang po namin ni Senator Kiko. 19 days from today nalang. 'Yun nalang 'yung natitirang campaign days para sa atin. Ngayon po, hindi ko inaakalang ganito karami ang pupunta sa ating rally. Kahit alanganin na oras, kahit napakainit, kahit kanya kanyang punta, andito kayo. Marami po kayong sakripisyo, pero ang tanong ko sa inyo: kaya pa ba sa susunod na labing siyam na araw?

    [crowd cheers and chants "Leni! Kiko!"]

    Maraming salamat. Kung ganito kasigasig, kung ganito kasigasig ang ordinaryong mamamayan, may aasahan tayong liwanag sa dulo ng kadiliman. Kaya po tara na, ipanalo na natin ito!

    [crowd cheers]

    Maraming, maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayo lahat. "Graveyard Medtechs for Leni." Maraming salamat. "Hindi lang babaeng presidente ang gusto ko, gusto ko 'yung panganay niya." "Madam President, paki pirmahan naman po ang excuse letter ko. Umabsent kasi ako." Ayan, may excuse letter. Siguraduhin mo lang na bobotohan pa ako ng teacher mo. Maraming salamat. "Aanhin mo ang angas mo, kung hindi naman si Leni ang presidente mo."

    [crowd cheers]

    Maraming salamat. "Jojowa lang ng kakampink. #NBSBForLeni." "Tatakbo, tatalon, sisigaw: Leni Robredo." "Leni-Kiko non-negotiable."

    [crowd cheers]

    "Psych for Leni-Kiko Zambales." Oh ito, pakinggan niyo: "VP Leni, nagwithdraw ka na ba? Pautang naman."

    [crowd cheers]

    "VP Leni, pa-picture. May klase pa kami. - Student Nurses for Leni." Nasaan po 'yung camera niyo? Ayan, ayan. Smile, smile. "Sa huling mga araw ng aming paglalakbay, sana aangat ang aming buhay. - Seniors of Zambales for Leni-Kiko." Maraming salamat. "Umuwi from the USA to campaign for Leni-Kiko." Maraming salamat. "Mga iniyakan ang Len-Risa for Leni-Kiko." "Prayer warriors for Leni-Kiko." "Vincentiments Artists–"

    [crowd cheers]

    "Kakampink." Bakit kayo kakampink? "Mga takot mabilad sa araw for Leni." "Basta kay Leni, 'di bale ng pagalitan ni Mommy." "Nag-iisang Leni-Kiko supporter sa angkan ng pamilya." Ayan, magta-trabaho tayo, ha? Para ma-convert ang pamilya. "Para maging kulay rosas ang bukas, dapat walang greed." Ang greed niya green na 'g-r-e' saka red na 'e-d'. Oh ito pa, naghihintay pa itong mauutangan. "Withdraw Leni? Eh ang dami niya ng ambag. VP Leni, chill ka lang diyan. Kami naman ang taya."

    [crowd cheers]

    "Kung si VP Leni ay masipag at mapagpasensya, hindi na po kami makatiis. Daan ka naman dito, Doc Tricia." "Graduating students for Leni." "Olongapeño knows transparency and good governance." "Mga tumakas for Leni." "Sa gobyernong tapat, shabay shabay lahat." "Mga gusto mag-out for Leni-Kiko." Good luck. "Sa bawat Leni sa balota, may Kiko na kasama." "Talo sa survey, ipanalo sa election day." “Maru– Mga marurupok for Leni." Ano ito? "Let Leni Lead. - Metal heads for Leni-Kiko."

    "Once you LEN-In, you can't LEN-out." "Buti pa kayo may Len-Risa, pero para sa akin, ni isa wala." Oh, may hugot. "Empleyadong wala ng ma-withdraw for Leni." Kasama ako diyan. "Mga jejemons for Leni." "FURents for Leni." "If Leni Robredo was a man, she'd be The Man." "Bawal ang tamad sa Olongapo, doon tayo sa nagtatrabaho."

    [crowd cheers]

    "Mga nasa healthy relationship for Leni." Sana all. "Kiko and Leni is here to win, and we are here to witness." "Happy birthday Leni. Kapag may b-day, dapat may shanghai." Oh, pakinggan niyo: "Free lumpia here." Maraming salamat. "Feed the learners the truth, and not your own version of the truth. - Teachers for Leni." "Nag-cram ng thesis for Leni." "Grad-waiting for Leni-Kiko." Uy, "Kathniel and Kathniels for Leni-Kiko." Kathniel din ako.

    "Women belong in all places where decisions are being made. It shouldn't be that women are the exemption." Tama. "[inaudible] for Leni-Kiko." "Widow for Leni with three daughters." Uy, pareho tayo. "From Taguan Art PH to Nagpakita Art PH." Ano 'yun? "Kung ang Korea ay may Jen-Lisa, ang Pilipinas naman ay may Len-Risa." "We are not just women, we are women. Babae ang susunod na presidente." "Sa gobyernong tapat, may unity at respeto ang lahat." "Ma'am–" Ma'am wag mo i-cover. "Ma'am, picture. Magre-report at klase pa ako. Resibo na rin po para sa supportive kong mga tropa." "Ate Sharon, balutin mo ako."

    [crowd laughs]

    "VP Leni, as a student midwife, handa akong magpa-anak ng bagong bayan basta ikaw ang ina." "Bakit si Leni ang magwi-withdraw, eh sila lang 'yung may $800 Million sa bangko?" Ano ito? "Kung si VP Leni may Kiko Pangilinan, kailan mo ako babalikan?" "NCTzens for Leni." Oh, si Sharon mahilig sa NCT. "VP Leni and Sen. Kiko, kayo ang liwanag ng pag-asa kaya SO-LARge ang energy ng taumbayan." "VP Leni, ikakasal na ulit ako. Puwede ka bang maging ninang para kulang rosas ang aming bukas?" Sure.

    [crowd cheers]

    "Pag nanalo si VP Leni, haharap na ako this time." "Placards for Leni-Kiko." "Kinulang ng space sa placards–" Ano ito? "For Le–" Ayan, kinulang ng space. "Home of the most beautiful women for the most befitting women." "Hi sa isa diyan, Leni din ang pipiliin, sana ako din." "Kapag hinimatay ako ngayong rally, i-diretso niyo ako kay Doctor Tricia." Namili pa eh. "Mga anak ni [Jurilac] for Leni." Ayan. Maraming, maraming salamat po. Ayan, may magbi-birthday doon sa dulo. "Kahit Leni lang sa birthday ko." Happy birthday, happy birthday. Maraming salamat. Mabuhay po kayong lahat

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 19, 2022