This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Oton People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Oton People’s Rally
    Plaza, Municipal Hall, Oton, Iloilo


    [START 00:00:00]

    VP LENI: Ayan, kahit alas-syete ng umaga buhay na buhay, maraming salamat sa inyo. Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang sa mga publlic servants na matagal ko nang tinitingala. Kasama natin ngayon kahit napakaaga, palakpakan po natin Senator Frank Drilon. Palakpakan din po natin, napakasimple, napakasipag, napakabait natin na governor, Governor Toto Defensor. At syempre po 'yung mahal na mahal antin na Mayor, Mayor Carina Flores. Kasama din po natin 'yung mga representatives ng ating mga nasa senatorial slate. Nandito po 'yung representative ni Senator Leila De Lima, Attorney Dino De Leon. Nandito din po 'yung representative ni Attorney Sonny Matula, magandang umaga po sa inyo. Hihingi po ako ng paumanhin na wala pa po 'yung iba dahil natapos po kami sa Cebu very late na last night.

    Nasa Cebu po kami so karamihan po sa mga kasama namin, papunta pa lang ngayon. Ayan, kaya mamaya during the grand rally sa Iloilo City, makikita niyo po sila, makakasama natin, baka ngayong umaga padating na 'yung iba. Pero alam niyo po, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. Alam ko, meron tayong grand rally mamaya, pero sinuguro po natin na 'yung lahat ng mga distrito madadaanan natin during the day, at Oton po 'yung pinakauna nating pinuntahan kaya maraming maraming salamat sa inyo.

    Seven o'clock, nalaman ko po seven o'clock sa Oton sabi ko naku, meron kayang pumunta? Tulog pa siguro 'yung mga tao pero sabi po ni Mayor Carina kanina pa daw kayo dito. Sabi din ni Governor Toto, meron na ngang nag-zumba kaya maraming maraming salamat. Kanina po pagdating ko maraming nagsasabi, hindi ka ba napapagod kasi nakita namin sa Facebook kagabi nasa Cebu ka tapos ngayon ang aga mo dito? Ang sagot ko po, hinding-hindi na pagod kasi kung 'yung supporters nga natin walang pagod din sa pagtulong, wala tayong karapatan mapagod. At hindi niyo ba napapansin, hindi niyo ba napapansin na ibang-iba 'yung kampanya ngayon, di ba?

    Kasi dati 'yung kampanya parang mas conventional. Kaming mga politiko, kami 'yung mago-organisa, kami 'yung magdadala ng tao, kami lahat. Ngayon baligtad, ngayon kayo mismo 'yung nago-organize, tingnan niyo 'yung mga t-shirt niyo, iba-iba. Maraming mga iba't ibang mga t-shirt, nakita nakita na natin na kanya kanyang pa-print, pati 'yung shade ng pink iba-iba, pati 'yung mga tarpaulin iba-iba pero 'yun 'yung kagandahan di ba? 'Yung kagandahan lahat, ito talaga 'yung tunay na pagkakaisa, iba't ibang mga grupo ng tao nagdesisyon na ngayon eleksyon, pare-pareho 'yung pinaglalaban natin kung ano 'yung panaginip natin at pangarap para sa ating bansa, pinapakipaglaban natin.

    Pero dito po sa Oton, kagagaling ko lang dito, kung hindi ako nagkakamali, March last year. During the height of the pandemic, bago nag-surge, nandito ako ang iba sa inyo kasama ko, dahil dito ko sa lalawigan ng Iloilo marami pong projects ang Office of the Vice President. Dito lang po sa distrito niyo, sa Oton mismo, sa Oton mismo pagpasok ko po, nakita ko 'yung mga partner natin na mga farmers, 'yung ating mga mga manguguma nandyan kayo, ayun. Ano 'yung pangalan? Ogtonganon Farmers for Leni and Kiko, binista ko po sila dahil may project po tayo sa kanila. Tapos pagdating ko kanian, pinakita nila na nandiyan na, meron na po silang sasakyan na sakayan ng mga produkto nila, at meron na din silang solar, meron silang solar na system para sa kanilang pangunguma.

    Marami din po tayong ibang mga projects dito. Halimbawa noong 2017, naglagay tayo ng mga toilets hindi lang po dito sa Oton pero pati sa San Joaquin. Meron din po tayo, ayun mga taga-San Joaquin, hello po sa inyo. Ayan, nabisita ko din sila sa Miagao meron po tayo ay– sa Miagao meron po tayong nutrition program para sa mga bata, sa Tigbauan meron po tayong community learning hub, ayun 'yung mga taga-Tigbauan nandoon sa likod. Nabisita ko din sila, nabisita ko sila noong March. 'Yung community learning hubs naglagay po tayo, dito sa Oton meron tayong bago. Nauna 'yung sa Tigbauan, naglagay po tayo dahil during the pandemic, sarado 'yung mga paaralan at gusto natin merong center na napupuntahan 'yung mga estudyante kung kailangan nila ng gadgets, kung kailangan nila ng tutors, kung kailangan nila ng education materials kaya 'yung mga nandito pong taga-Tigbauan saka taga-Oton na nagaasikaso ng community learning hubs natin, maraming salamat sa inyo. Kasi hindi po antin ito magagawa kung wala tayong mga volunteer tutors.

    Pero kaya ko po sa inyo kinikwento 'yung mga proyekto natin dito kasi ito 'yung inaasahan natin pag ang gobyerno matapat. Alam niyo naman po na 'yung opisina namin, 'yung Office of the Vice President, limitado po 'yung aming mandato, limitado 'yung aming pondo, pero ano 'yung dahilan kung bakit napupuntahan namin 'yung napakaraming lugar para tulungan 'yung pinaka mga nangangailangan?

    Dalawa lang po 'yung dahilan noon, number one, maayos at malinis 'yung pamamalakad namin kaya 'yung kakaunting perang meron kami talagang naaalagaan namin, sinisiguro namin na walang nasasayang. 'Yung pangalawa, dahil po maayos, mahusay 'yung pagtrabaho, marami 'yung tumitiwala sa atin na private sector na gustong tumulong. Halimbawa po, 'yung pagroll-out po natin ng ating nutrition program sa napakaraming mga bayan dito sa Iloilo, kasama ko po si Senator Frank umikot noon. Ito po ay dahil sa tiwala sa tin ng private sector, marami 'yung tumutulong, kaya halos naikot ko po 'yung lahat ng mga munisipyo dito sa Iloilo dahil diyan.

    Pero ito po, eleksyon nanaman, marami nanaman 'yung manliligaw sa atin pero ang Iloilo, kampante ako. Kampante ako sa Iloilo dahil over the years, over the years pinakita niyo na lagi akyong bumoboto nang tama. At 'yung pagboto nang tama alam ko po, mahihirap 'yung laban. Halimbawa 'yun laban ko noong 2016, napakahirap dahil hindi niyo po ako kilala pero nagtiwala kayo sa akin napakalaki ng panalo ko dito sa Iloilo. Si Senator Frank, alam ko, ako very proud ako na kabahagi ako ng kanyang partido, I am sure kayo din, nakita niyo 'yung development ng buong lalawigan ninyo, at alam natin na si Senator Frank ay very instrumental sa development na 'yan. Nangyayari 'yan dahil sinusuportahan niyo siya each and every time. Si Governor Toto alam natin na naging mahirap 'yung kanyang laban noong 2019, alam natin 'yun pero kayo marunong tumingin, marunong tumingin kahit mahirap 'yung laban talagang nagdedesisyon tumulong pag alam niyo na matino at mahusay 'yung inyong tinutulungan.

    Kaya ngayon po, tinatanong ako, confident ka ba na tutulungan ka ulit ng Iloilo? Ang aprati ko pong sagot, confident ako na ang Iloilo parating boboto sa tama. Kaya maraming maraming salamat po sa pagdedesisyon ninyo, sa pagdedesisyon ninyo na each and every time, gagawin ang tama. Nakikita po 'yun, ang daming pagbabago dito. Sinasabi ko nga po kina Senator Frank na parati naman akong nasa Iloilo pero bawat punta ko dito, may bago na naman. Marami po kaming sinusubukan gayahin na mga proyekto na nahihirapan kami, pero dahil dito sa Iloilo nagdesisyon na magkaisa 'yung mga lider magtulungan, napakaayos ng pagroll-out ng mga proyekto.

    Kaya ito po, excited ako sana kahit nandito kayo ngayon, makasama pa din kayo sa grand rally mamaya para po i-celebrate natin, i-celebrate natin 'yung lahat ng mga games natin at mangangarap tayong sabay sabay. Pero gusto ko po kayong pasalamatan, gusto ko po kayong pasalamatan. Iba't ibang mga groups ang andito. Actually po, meron akong listahan na mahaba ng mga grupong nandito, siguro hindi ko na, siguro lahat iisa-isahin, pero magpapasalamat lang po ako sa mga talagang mga nagpagod na mga nandito ngayon, si Mrs. [Glaire] nandito sa harap. Alam ko na itong maganda nating stage ay dahil sa tulong niyo, maraming salamat po Mrs. [Glaire].

    Nandito po ba 'yung mga liga ng barangay, mga kapitan po natin nandyan sa likod, mga kapitan natin saka mga barangay officials. Siyempre, 'yung Oton Municipal Government under the leadership of Mayor Carina, si Former Mayor Flores po nandito din kasama natin ngayon. Ang Oton National High School, may delegation yata sila dito, maraming salamat. SK Federation Council of Oton, maraming salamat po. Oton Women's Association Incorporated, nandyan ba kayo? Maraming salamat. Oton for Leni and Kiko 2022, nawala ako, Panay Island for Leni-Kiko 2022, PLR Oton ayan, maraming salamat. Gimbal for Leni-Kiko, Igbaras Youth for Leni, TLR San Joaquin ayan kanina mas– ayan, TLR San Joaquin. Miagao Youth for Leni, Team Robredo-Pangilinan Miagao Chapter Tropa. CPV youth Organization, Oton Fraternities and Sororities, Oton Catflowers Association, Oton Farmers Producers Cooperative, Salngan Livelihood Multipurpose Cooperative, nandito ba kayo? 'Yung Salngan Weavers kasi partner din po namin 'yung Salngan Weavers. 4H Club of Oton, Oton Market Vendors Multipurpose Cooperative, Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council, RIC kung andito po kayo. Bag Onion Growers Association, Vita North Multipurpose Cooperative, Oton Herbal Association, Eleco-one, Ugyon Youth Organization.

    Meron pong mga nagtataas ng mga, ng mga swimmers. Ito ay proud Pinkalangga, Okay lang maging bottom basta si Leni ang top sa election. Leni MaLenis, Matagal na ang pasko pero si Leni ang the best na regalo. Hala Bira kay Leni-Kiko, Oks lang Uya basta si Leni amon buwas damlaw. Sa gobyernong tapat, magkakalabel lahat. Oh 'yun, may kababayan ako dito, Oragon Bulusan Sorsogon, Hamidal Delegation, maraming salamat. Laon for Leni, Gwapa para kay Leni, The morning will come again, no darkness, no season is eternal. All of us are Leni-Kiko, maraming salamat. Sa gobyernong tapat, magkaka-jowa lahat, mga nangangarap ito, mga nangangangarap. Sorry po hindi ko mabasa 'yung iba. Gusto ko di pong idamay 'yung ating– ayan, No fake gold can surpass real diamond, ayan. Hashtag I Choose Leni for President. Gobyernong Tapat, magkaka-legit Diploma Lahat, sino ba 'yung mga– ayan ito ito, Hindi man ko sexy, hindi man ko gwapa, pero kay Leni akon suporta, thank you. Leni and Kiko, we support you from Tris Solteros Farm, ayan maraming salamat po sa Tris Solteros Farm. Girl Bestfriends for Leni-Kiko, asan kayo?

    Ayan, kay Leni Robredo nasa mabuting kamay tayo. Nasa mabuti akong mga kamay kay Leni, ang cute naman. Meron palang pink na gloves, sorry po hindi ko mabasa 'yung iba. Pero hindi ko po sila kasama ngayon, pero hihingin ko din ng tulong, Senator Kiko Pangilinan for Vice President, kanina po na-mention ko na ata si Sonny Matula, na-mention na natin si Senator Leila De Lima, Dean Chel Diokno, Senator Sonny Trillanes, Senator Risa Hontiveros, Teddy Baguilat, Attorney Alex Lacson. Nakikita ko din po from afar, Joel Villanueva, hindi po natin sila kasama ngayon pero kasama din po natin sila sa ting ipinaglalaban, sana po tulungan niyo rin sila.

    Nandito din, Agri-Partylist, kasama din po natin ang Uswag Ilonggo, nasaan si Jojo? Nandito po ang first nominee, Jo magpakita ka. Si Jojo ang first nominee ng Uswag Ilonggo, nandito po siya. 'Yung iba-iba pa pong mga grupo, pasensya na na hindi ko nababasa dahil malayo pero– po? Ang mga seniors, bakit nga ba naman pinapahuli natin ang mga seniors, dapat laging una seniors, thank you very much po sa mga seniors na andito. Pero ito po, masayang masaya po kami. Umaapaw ang mga aming mga puso, iikot po kami sa buong lalawigan ngayon, pagkagaling po namin dito, lilipat kami ng Concepcion. Pagkagaling po namin ng Concepcion ay lilipat po ng Ajuy, pupunta din po kami ng Passi, pupunta kami ng Pototan, pupunta kami ng Sta. Barbara. Pero magkikita tayo lahat mamayang gabi sa Iloilo Sports Complex, excited na po tayo!

    Maraming salamat, mabuhay po kayong lahat.

    [END 00:15:30]

     

    Posted in Transcripts on Feb 25, 2022