This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Palo People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Palo People’s Rally
    Boy Scout Monument, Palo Government Center, Palo, Leyte


    VP LENI: Salamat, salamat. Ayan, magandang umaga, Palo!

    HOST: Magandang umaga, Ma'am!

    VP LENI: Magandang umaga, Leyte!

    HOST: Magandang umaga, VP Leni!

    VP LENI: Alam niyo, hindi ko inaasahan makakita ng ganito karaming pink dito sa inyo kaya maraming maraming salamat sa inyo. Ayan, bago po ako magpatuloy ang akin pong pagbigay galang sa ating pong– ano 'yun? Salamat, salamat. Mamaya kukunin ko 'yan. Ayan, ang akin pong pagbati muna.

    [crowd chanting: "hindi kami bayad"]

    VP LENI: Salamat. Alam niyo, umikot kami kahapon sa Calbayog, sa Catbalogan, sa Catarman, ganoon din 'yung sinasabi ng napakaraming tao na hindi sila bayad. At ang sagot ko po sa kanila, hindi lang sa hindi kayo bayad pero abonado pa kayo. So, sino ba dito 'yung mga abonado?

    HOST: Ako 'yun!

    VP LENI: Halos lahat. Pero ito, bakit pumapayag kayo na abonado na nga kayo, naiinitan pa kayo, tumatagal pa kayo nakatayo? Ayun, dahil sigurado ako na naiintindihan ninyo kung gaano kaimportante 'yung darating na eleksyon. Alam ko po na dito sa inyo, hindi ganoon kadali mag-organize. Kaya nga po sobrang tuma– nakakataba ng puso na kahit mahirap gumalaw, nandito pa din kayo.

    HOST: Yes!

    VP LENI: At handang-handa magsakripisyo.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Tinitingnan ko ngayon, nasa likod lang ng isip ko ganito pala ang itsura ng pag-asa.

    HOST: Yes!

    VP LENI: Ganito pala ang itsura ng pagmamahal sa ating bayan na kahit mahirap, kahit mainit, kahit nagagastusan tayo, lumalaban pa din. Di ba lahat na laban kapag pinaghirapan napakasarap ang katapusan? Kaya po nagpapasalamat ako sa inyong lahat.

    Nagpapasalamat po ako sa RPC Leyte. Maraming-maraming salamat kina Jennilyn, kina Marco, 'yung lahat pong kabahagi. 'Yung iba't-ibang mga volunteer groups na napapaloob sa RPC Leyte, maraming maraming salamat sa inyo. Maraming salamat po. Kasama po natin ngayon si Councilor Jerry Uy, maraming salamat, Jerry. Kasama din po natin 'yung ating kandidato for Councilor sa Tacloban City, Neil Clova, maraming salamat. Nandito din po 'yung aking kaibigan from wayback, si Eugene Ong. Former Vice Governor, Mimyet Bagulaya, maraming salamat. Nakita ko po si Ma'am Mimyet sa likod.

    Gusto ko din pong pasalamatan ang maraming mga grupo: Youth for Leni Leyte, maraming salamat sa inyo. 1Sambayan - Leyte Chapter, maraming salamat sa inyo. Nandito din po, PHILRECA, nandito din Agri Partylist, nandito din Akbayan. Nandito din 'yung Leytenos for Leni. Nandito 'yung Magdalo Partylist. Maraming-maraming salamat sa pagtitiyaga, sa pagsasakripisyo.

    Kanina po, hinihintay ko si Senator Kiko nagsasalita sa likod– nandoon ako sa likod nagsasalita siya dito sa harap, namamangha ako kasi memorize na memorize niyo 'yung gobyernong tapat, angat buhay lahat. Pero ano po 'yung gustong sabihin ng gobyernong tapat? 'Yun po 'yung pinapangako namin sa inyo: isang pamahalaan na hindi naka angkla sa bulok at luma nang klase ng politika. Peo isang pamahalaan na bibigyan kayo ng matitino at mahuhusay na lingkod-bayan. Dahil ang paniniwala po namin, ang pagbabago mararamdaman lang natin pag binago natin ang daloy ng ating pamumuno.

    Maasahan lang nating umangat ang buhay ng lahat kapag siniguro nating malinis at mahusay 'yung ating pamamahala. At 'yung sa amin po, hindi lang ito pangako, hindi lang po ito plano pero buong buhay ko ito na 'yung aking ipinaglalaban. Kahit po wala pa ako sa politika, ang aking adbokasiya: pagaanin na 'yung buhay noong mga nagdadaan sa matinding kahirapan.

    Noong ako po Congresswoman pa lang, kahit po Congresswoman ako sa Camarines Sur, noong nag-Typhoon Yolanda pabalik-balik po ako dito kasi marami po kaming mga lugar dito na tinutulungan makabangon muli. Noong 2016 elections po, alam niyo talo po ako dito sa inyo.

    [crowd chanting: "babawi kami"]

    VP LENI: Maraming salamat. Pero kaya ko lang naman 'yun sinasabi hindi sa akin mahalaga kung nanalo o natalo ako sa isang lugar dahil noong ako po nakaupo na bilang Vice President, wala na akong tiningnan na kulay. Basta kinakailangan ang aming tulong, andiyan po kami parati. Marami pong mga krisis na dumaan. Naalala ko, ako mismo 'yung pumunta noong nagkaroon ng lindol dito noong 2017. Noong nag-Typhoon Dante, Typhoon Odette, nagkaroon po kami ng relief operations dito.

    At hindi lang po 'yun– medic, medic. Baka gusto niyong i-usog siya dito? Bigyan ninyo ng tubig saka paypayan. Nandito po, nandito sa harap. Sandali ha, asikasuhin muna. Bigyan lang po natin ng daan. Puwede pa-clear lang dito kahit– doon ba? Doon ba idadaan? Mas mahaba doon. Mas mabuti dito, mas maiksi 'yung daanan. Pabigay lang po ng konting daan. Ayan. Maraming salamat. Maraming salamat po.

    Ito po sinasabi ko sa inyo kanina na kahit hindi po tayo nanalo dito, noong tayo ay umupo bilang Vice President na– opo Ma'am, sandali po. Akala ko, Ma'am, kailangan ulit ng medic. Pasensya na, pasensya na. Noong ako po nakaupo na, siniguro ko po na kapag kailangan kami, nandito. Gaya ng sinasabi ko di– sa inyo kanina, 'yung lahat na sakuna na kailangan kami nandito po kami. Noong nagkaroon po ng pandemic, tuloy-tuloy 'yung pagbigay namin ng mga PPE sets, ng mga medical supplies, kahit po dormitory for frontliners ginawa po natin 'yun dito sa inyo.

    Noong pagka-upo po natin, marami po tayong mga livelihood programs na dinala dito sa lalawigan ng Leyte. Nagkaroon din po tayo ng Medical Assistance Program sa dalawang ospital: isa po dito sa Palo, 'yung Schistosomiasis Control and Research Hospital. Naglagay po tayo doon ng 2.5 million pesos. At sa Eastern Visayas Regional Medical Center, sa Tacloban, naglagay po tayo ng 14 million pesos para po 'yung mga taga-dito sa inyo na kailangan ng tulong sa pambayad ng hospital expenses, hindi na kailangan pumila sa aming opisina. Diretso po dito, diretso din 'yung assistance.

    Nagpatayo din po tayo, in partnership with AGAP, ng two classroom building sa Leyte. Nagpatayo po tayo ng water system sa bayan ng Baybay. At marami po tayong– sa bayan po ng Barugo, meron po tayong– meron ba ditong mga taga-Barugo? Meron ba ditong mga volunteer tutors sa ating Community Learning Hubs? Meron.

    Meron po tayong tatlong Community Learning Hubs sa bayan ng Barugo. At kaya ko po ito kinukuwento sa inyo dahil pagdating ng eleksyon, marami 'yung pupunta dito magsasabi, "Mahal ko ang Leyte." Pero kapag eleksyon kasi lahat nagmamahal sa atin kaya sa akin lang po ang dapat na tinatanong natin at ito po 'yung sukatan kung kahit tapos na 'yung eleksyon, mamahalin pa din tayo.

    Ang magiging sukata– medic? Pabigay lang po ng space, please. Baka po 'yung mga may hawak na tubig dyan, uminom po tayo kasi matindi 'yung init. Pabigay lang po ng space. Ano 'yun? Sino ang may extrang tubig? Kailangan din daw po dito. Ayan, babasahin ko na ito kasi baka i-medic din ito: “VP Leni, hindi ako hihinga hanggat hindi mo ito nabasa.”

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ayan. Itutuloy ko lang 'yung sinasabi ko. Kaya ko po ito sa inyo sinasabi, dahil ang pinakamalalim na sukatan, kung talagang minamahal kayo, hindi sa panahon ng eleksyon. Ang magiging sukatan po natin kung talagang aasikasuhin kayo o minamahal kayo, kung noong walang eleksyon, nagpapakita sa inyo.

    [crowd cheers]

    VP LENI: At hindi lang po nagpapakita dahil pupunta pag may okasyon, pero pinaparamdam ang pagmamahal sa inyo sa paraan ng pagtutulong. At ito po 'yung aking pakiusap na bawat magsasabi na mahal nila 'yung mahihirap, bawat magsasabi na ayaw nila ng korapsyon, hingian po natin ng resibo.

    [crowd cheers and chants "Resibo"]

    VP LENI: Kami po, ano 'yung resibo namin? Gaya ng sinabi ko kanina, kahit po talo ako dito, noong wala ng eleksyon, tuluy-tuloy 'yung aming pagtulong.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Marami nga sa inyo, hindi naman alam 'yung aming tinutulong. Kasi ginagawa po namin 'yun sa tahimik lamang na paraan. Pero ang resibo, nandyan. Pag sinabi po namin na ayaw namin sa korapsyon, mahaba 'yung aming resibo.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Sa siyam na taon pong kabahagi ako ng pamahalaan, ni isang beses nadawit ako sa katiwalian. Pareho po kami ni Senator Kiko. Si Senator Kiko mas matagal na sa pamahalaan kaysa sa akin. Pero ni minsan, hindi nabahiran ang pangalan ng korapsyon.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ngayon po sa Office of the Vice President, ano 'yung aming resibo? Sunod-sunod na taon, nakukuha po namin 'yung pinaka mataas na COA audit rating.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Hindi na po kami 'yung nagsasabi na malinis 'yung aming pamamahala. COA na mismo. Kaya po kahit sinong pupunta, lahat po kami magsasabi ng plataporma, lahat kami magsasabi "Ayaw namin ng korapsyon", lahat kami magsasabi mahal namin ang Leyte. Pero lagi't lagi, hanapan po natin ng resibo kung paano kayo minahal.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Matuto na po tayo. Ang pagpili ng pangulo kada anim na taon lamang. Ano po ‘yung gustong sabihin nito? Ang gusto pong sabihin nito, ang pagpipili ng pangulo, hindi nalang ito pagpili ng gusto nating kandidato. Pero ang pagpili po ng pangulo ang dinedesisyunan natin anong klaseng gobyerno ang gusto nating mamayani sa ating bayan. Kaya sana po, huwag ninyong sayangin ang pagkakataon.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Marami sa inyo ngayon, first time voters.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Lalung-lalo na po sa first time voters. Siguraduhin po natin na sa unang pagkakataon na boboto tayo, hindi natin pagsisisihan 'yung ating boto.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Napakamakapangyarihan– kahit po isang boto lang tayo, napakamakapangyarihan ang ating boto dahil ito 'yung kontribusyon natin. Meron ulit? Meron? Nandun po sa may tent?

    HOST: Medic

    VP LENI: Bigyan po natin ng space. Ayun. Maraming salamat. Nakakatawa naman 'yun. "Mga hindi papadaanin sa San Juanico bridge for Leni."

    [crowd and host cheers]

    HOST: Talaga naman!

    VP LENI: Okay. "No such thing as a Marcos country.”

    [crowd and host cheers]

    VP LENI: Sa atin po, ito lang. Alam niyo po pag umiikot ako sa amin sa Bicol, ito pa ang sinasabi ko. Sana hindi niyo ako bobotohan dahil Bicolano ako, pero bobotohan niyo ko dahil ang tinutulak kong klase ng pamahalaan, 'yung pamahalaan na gusto niyo. Hindi po tama na bumuboto tayo dahil sa lugar na pinanggalingan natin.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Pero dapat boboto tayo para sa kinabukasan natin.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ano 'yun? Ano ito? "UP TAC-SC for Leni-Kiko".

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ayan, "Afam hunters for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Tamaraw X Iska besties for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: Naku, "Mine, Doc Tricia."

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ayan, "Leni, pa-selfie. Para Leni na rin tita ko." Mamaya.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ayan, pakinggan niyo ito. "It's not too Leyte, to switch to Leni."

    [crowd and host cheers]

    VP LENI: Ayan, "Di bale maging tako sa commitment, huwag lang maging takot sa BIR."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Gobyernong tapat, para sa ating anak. Mommies for Leni." Ano 'yun? Ang layo mo. Lapit ka dito. Ayan, "Taurus babies for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Afam hunters for Leni." "Sa gobyernong hindi tapat, respect my opinion ang sabat."

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ano ito? "Dako Agtang for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ano ba 'yan. "Future Vets for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Mga nanganganib this sem for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Sa gobyernong tapat, magkakajowa ang lahat. Asan 'yung para sa akin?"

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Mga waray tuguti [ashagin padara nalaan placard for Leni 0:22:04-0:22:08]."

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ano ito? "An waray tuguti Athena Grace Raagas."

    HOST: Hindi pinayagan 'yan, VP.

    VP LENI: Ah, okay. Pareho po sa Bicol. Ang payag samin tugut din.

    HOST: Tugut. right.

    VP LENI: Ayan, "Future graduates for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Mga marasa for mommy Leni.”

    [crowd and hosts cheers]

    VP LENI: Ano ibig sabihin nun?

    HOST: Marasa is masarap. Mga masasarap. Ayan.

    VP LENI: "Kahit may oral revalida, tatakas parin for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: Huwag. Huwag kasi dapat good influence ako sa inyo.

    HOST: Tama nga naman. Tama naman.

    VP LENI: Ano ito? "Ready for combat, sa gobyernong tapat." "Bi-monthly pero nasa rally. Med students for Leni."

    [crowd and host cheers]

    VP LENI: "Pamangkin ng BBM supporters for Leni."

    [crowd and host cheers]

    VP LENI: Ano ito, "Leni is proud waray, waray mangawat, waray manguwat."

    [crowd and host cheers]

    HOST: Hindi nagnakaw, hindi rin nang-uto or nanloko.

    VP LENI: Ayun. "Future Nightingales for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Woke Waraynons for Leni-Kiko." "Backlogs sa acads for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "The future is female." "Rewrite the stars, not rewrite history."

    [crowd cheers]

    VP LENI: Grabe parang hindi ko mauubos 'yung placards niyo, napakarami. Kaya, maraming salamat.

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Mga palaging postpone ang diet for Leni."

    [crowd cheers]

    HOST: Ako 'yan!

    VP LENI: Ako din 'yan.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ano ito? “Magmuok for Leni pero bumohat-in early.”

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Mahal ko fuschia." "Mga hindi paboritong anak." "Registered social workers for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Philippine Science High School for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "Teachers for Leni."

    [crowd cheers]

    VP LENI: Meron kang fan dito. "Aika stans for Leni." "President Leni, wala bang 500 each diyan?"

    [crowd cheers and chants "Hindi kami bayad"]

    VP LENI: APEC Partylist, maraming maraming salamat. "Lahat ng line men ay Leni man." Salamat. Maraming Salamat. "Respect my onion" "Malabo aking eyes, pero kay Leni, I can see clearly. Pilipinas will rise."

    [crowd cheers]

    VP LENI: Ayan. "Gagamitin para sa iyo, VP, ang isang daang porsyento." "We're about to paint the town pink."

    [crowd cheers]

    VP LENI: "In the most difficult times, resibo ang resiliency." "Ang Leyte kagaya mo, Leni." Ano 'yun? "Kay Leni at Kiko, kulay rosas ang ani ng bukas. Hello pagkain–"

    [crowd answers "Goodbye gutom"

    VP LENI: Ayan. Ang hihingan natin ng tulong hindi lang sa akin. Pero sa aking Vice President. Palakpakan po natin, Senator Kiko Pangilinan.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Nandito rin po ang ating senatorial candidates, Senator Leila De Lima, Attorney Sonny Matula, Senator Sonny Trillanes, Senator Risa Hontiveros, Attorney Alex Lacson, Dean Chel Diokno, Congressman Teddy Baguilat, Senator Dick Gordon. Ayan. Hindi ko po mababasa lahat, dahil pagkatapos po nito, lilipat po kami sa Biliran, lilipat po kami sa Ormoc, lilipat po kami sa Borongan. Pero isang pakiusap lang, ngayon po magkakasama tayo, kaya masaya tayo. Pero 41 days to go bago mag eleksyon. Kaya, kaya pa ba nating magtrabaho ng 41 days?

    [crowd answers "Kaya"]

    VP LENI: Kaya ba natin mangumbinsi ng ating mga kapamilya, mga kaibigan? Kaya ba nating palitan ang kasinungalingan ng katotohanan? Dahil pag kaya po natin 'yan, ang pinaka regalo sa atin, 'yung klase ng gobyerno na pinapangarap antin.

    [crowd cheers]

    VP LENI: Kaya po, mabuhay po kayo. Maraming maraming salamat sa inyo.

    [crowd and host cheers]

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Mar 29, 2022