This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo Pamantasan ng Cabuyao, Cabuyao, Laguna

    Message of Vice President Leni Robredo
    Pamantasan ng Cabuyao, Cabuyao, Laguna


    [START 00:00]
    VP LENI: Magandang hapon po sa inyong lahat. Maraming salamat. Magandang magandang hapon po sa inyong lahat. Bago po ako magpatuloy, ang atin pong pagbigay-galang sa mga opisyal na kasama po natin ngayong hapon. Pinapangunahan po ng napaka-sipag nating Mayor, Mayor Mel, palakpakan po natin si Mayor Mel. Si Vice Mayor Lim saka po lahat ng councilors saka ang ating mga contenders para sa susunod na eleksyon sa Sangguniang Bayan ng Cabuyao. Ang atin pong board members, Board Member Niño kasama po natin ngayong hapon. Siyempre po ang aking partner, kasama po natin ang ating susunod na Vice President, Senator Kiko Pangilinan. Kasama din po natin si Atty. Sonny Matula. Kanina po nandito si Senator Dick Gordon. Meron din pong representative si Senator Leila De Lima.
    At gusto po natin batiin ‘yung ating pong mga partners, sa atin pong mga volunteer groups saka civil society. Nandito po si Atty. Aldrin Panopio, ang ating head coordinator ng Lawyers For Leni Laguna Chapter, magandang hapon sa iyo. Kasama din po natin si Ms. Clarissa Librojo, head coordinator ng RPC Cabuyao. Kasama din po natin si Atty. Aleta, nandito sa harap. Nandito po ‘yung mga RPC Sta. Rosa, RPC Biñan, saka RPC Calamba. Nandito ‘yung One Cabuyao Movement ng Pamantasan ng Cabuyao. Nasaan po ‘yung Youth For Leni Cabuyao?
    May nabasa din po ako sa likodan, “Katoto for Leni.” Nandito din po ‘yung SMLC TODA. Nandito din ‘yung ating mga BHW, nasaan po kayo? Nasaan po ‘yung ating mga People Power Volunteers For Reform? Nasaan ‘yung mga Kakampinks? Talagang umuulan ng pink. Ayan. Kung mayroon pa man po akong mga grupong hindi natatawag, pasensya na po. Ayan, Cabuyao Youth For Leni nandoon sa likod. Ito ‘yung gusto ko, babalik-balik ako dito sa Cabuyao dahil dito po ay napupuri ako, “Leni ang ganda mo!” Maraming salamat. Ayan, sa baba po ng “Leni Ang Ganda Mo” hashtag Bayots for Leni. Nandito po ang Kabataan Partylist. Nandito din Akbayan. Nakita ko rin kanina Agri Partylist. Meron ding Dapat Si Leni. Pasensya na po hindi ko marinig.
    Pero heto po, ang tanong ko, bakit ba andito kayo ngayong hapon? At bakit kahit napaka-init ng panahon para bang grabe ‘yung energy niyo ngayong hapon? Ang paniniwala ko po, hindi lang naman kayo ganito ka-excited dahil po sa amin ni Senator Kiko, meron pang mas malalim na dahilan. At ang mas malalim na dahilan, alam niyong napaka-halaga ng padating na eleksyon. Marami sa inyo, sobrang invested sa eleksyon na ito.
    Karamihan nga, sinasabihan kami kahit matatanda na, ‘first time ko po boboto.’ Ang iba naman, ‘matagal na po akong hindi nagboboto pero boboto ako sa eleksyon na to.’ Ang iba naman, ‘kahit napakatagal ng aming pila sa pag-register, talagang tiniyagan namin kasi kailangan kaming bumoto.’
    Pero bakit ngayon? Bakit ganoon ‘yung pakiramdam natin? Ang akin pong palagay, alam niyong ngayong eleksyon na ito, hindi lang siya contest ng mga kandidato, pero magpipili tayo ano ang gusto nating pagbabago, at ano ‘yung klaseng pamamahala at politika ang gusto nating tahakin ng ating bansa sa susunod na anim na taon?
    Pag panahon po ng eleksyon, maraming papagandahan ng plataporma. Maraming sasabihin ‘yung gusto niyong marinig. Pero sa akin po, hindi sapat na pinakinggan lang natin ‘yung plataporma. Pero ‘yung kailangan nating gawin, pag-aralan natin ang pagkatao ng mga nagsasabi ng plataporma. Bakit ba natin kailangan pag-aralan? Dahil ‘yung plataporma, ‘yun ‘yung pinakamadaling gawin pagnagkakampanya. Ang pinakamahirap gawin, kung pano magtatrabaho pagkatapos na naihalal na.
    Kanina po, tinitingnan ko ‘yung mga listahan noong mga dinala naming mga proyekto dito sa Laguna. Karamihan sa mga proyektong dinala namin, hindi niyo alam. Hindi niyo alam dahil iyon ay produkto ng aming pagbibisita sa mga komunidad. Nakita niyo ba ‘yung mga sumayaw kanina? Nakita niyo? Partner po namin sila.
    Isa silang Angat Buhay Community dito sa Cabuyao na binisita po namin ngayon na pandemya. Pumunta po ako dito, binisita namin ngayon pandemya dahil ‘yung reklamo, marami ‘yung nawalan ng trabaho. Ang ginawa po noong grupo nila, nagtayo sila ng bakery. ‘Yung bakery, ‘yung mga produkto po ng bakery, hindi lang nila tinitinda, pero iniikot nila sa community. Marami din po kaming mga partner communities na nagi-scholar po kami ng out of school youth at pumapasok po sila sa Dual Tech dahil nagte-training para makahanap ng mga skills na kailangan nila sa trabaho. Meron pong mga sewing communities na nagtatahi ng aming PPE sets para sa ating mga frontliners.
    Sinamahan po ako nina BM Niño, pumunta po kami sa isang fishing community sa Calamba, dahil tinulungan po namin sila ng mga gamit para sa pangangailangan nila sa pangingisda. Pero bakit ganoon na klase na ‘yung mga project na parang simple lang at hindi naman mararamdaman noong hindi natutulungan? Ang sagot po niyan: kasi nagdedesisyon kami kung anong project ang ibababa namin pag nakausap na namin ‘yung community at sila ang nagsabi sa amin kung ano ‘yung panganagailangan nila. Bakit ko po ito kinukwento sa inyo? Dahil ang paniniwala ko, ang pagiging lider hindi lang nagdedesisyon na nakabase sa papel. Hindi lang nagdedesisyon pagkatapos magmeeting at meron sa kanyang mga nagreport. Ang effective na lider, siya mismo—siya mismo ang bumababa sa mga communities, siya mismo ‘yung tumitingin kung ano ‘yung kondisyon ng mga communities. Siya mismo ‘yung nakikipagkwentuhan, siya mismo ‘yung nakikinig.
    Kaya po kahit umaasenso 'yung ating bayan, marami pa ding naiiwan sa laylayan dahil hindi naman sila napapakinggan. Isa po 'yan sa mga dahilan kung bakit si Attorney Sonny Matula kinuha po natin sa ating senatorial slate. Totoong hindi niyo pa siya masyadong kilala pero sa mahabang panahon, nakipaglaban para sa mga manggagawa at pag tinulungan niya po kami, sisiguraduhin natin na 'yung mga hinaing ng mga manggagawa at karapatan nila ay hindi mapapag-iwanan.

    Si Senator Kiko po, agriculture ang kanyang adbokasiya. Isa po 'yun sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon tayo na kuni si Senator Kiko bilang ating Vice President. 'Yung plano po sana ni Senator Kiko, re-election lang bilang senador at kung ginawa niya 'yun, sigurado na siyang panalo. Pero noong kinausap po natin siya, alam kong magiging mahirap. Sabi ko nga po sa kanya, pag pumayag ka na magka-tandem tayo, siguradong malungkot ang kampanyang ito dahil marami tayong kahirapan na haharapin. Wala tayong pera, wala tayong makinarya, wala tayong masyadong lakas sa politika pero kahit na sinabi ko sa kanya na magiging mahirap, binigay niya pa din sa akin 'yung matamis niyang oo.

    Pero alam po natin na kaya niya 'yun ginawa dahil sa laki ng pagmamahal sa bayan. Pero sa akin lang po, kaya ko ito sa inyo lahat sinasabi dahil mahalaga ito sa pagdesisyon natin sa eleksyon. Hindi po sana tayo magpatangay sa mga matatamis na salita o sa Facebook, o sa Youtube, o sa Tiktok. Dahil kung anong nakikita niyo po 'yun, hindi naman 'yun 'yung totoong kami. Marami doon, may picture na kasama 'yung mga magsasaka, pero nakibisita lang para magpa-picture.

    'Yung nagsasabi po na mahal ko 'yung mahihirap, marami namang public servants na totoong-totoo kaya dapat sila 'yung hanapin natin. 'Yung nagsasabi pong mahal ko 'yung mahihirap, ang susunod na tanong natin dapat, paano mo pinakita na mahal mo 'yung mahihirap? Ang sunod pong tanong, noong hindi ka pa ba kandidato, naglaan ka ba ng oras para bisitahin sila? Pakinggan 'yung mga hinahing nila? Ano 'yung resibo mo?

    Halimbawa po, dito sa inyo sa Cabuyao, pag nagsabi si Mayor Mel na mahalaga 'yung edukasyon, may resibo. Dito po sa pamantasan, marami ang nakakapag-aral dahil walang pambayad ng tuition, dahil po inasikaso ng gobyerno lokal. In partnership of course with the national government. Bakit natin sinasabi na aangat lang ang buhay ng lahat kung ang gobyerno tapat? Alam po natin na napakaraming kurapsyon, bilyon-bilyon, pero 'yung bilyon na 'yun, kung matapat sana 'yung pamahalaan napunta na sana 'yun sa pinakanangangailangan.

    Sa amin pong opisina, noong ako po naging Pangalawang Pangulo, ang pinaka problema po ng aming opisina, kulang na kulang 'yung budget namin. Maliit 'yung aming mandato. pero ang dami naming gustong gawin gaya ng Angat Buhay, wala naman kaming pondo. Ano po 'yung ginawa namin para makatulong kami? Ang una naming ginawa, nilinis namin 'yung aming opisina. Pinofressionalize po namin 'yung aming opisina. Nakakuha po kami ng ISO, 'yung amin pong COA Audit rating, maraming unqualifications. Meron po kaming award na Excellence in Human Resource Management.

    Meron po kaming award na Excellence in Human Resource Management. ‘Yung mga proyekto po namin ngayong pandemic awarded na among the best COVID response initiatives. At alam niyo po, sa opisina namin ako lang ‘yung matanda. Napapalibutan po ako ng lahat bata katulad ninyo. Ang gustong sabihin, wala sa edad ang serbisyo. Kahit bata pa kayo napakarami niyo nang pwedeng gawin. ‘Yung pangalawa pag malinis ang opisina, maayos ang pagpapatakbo, matino at mahusay ang mga lider, tumitiwala ang private sector. Ito po ang dahilan kung bakit napakarami naming nagagawa kahit wala kami masyadong pondo.

    Noong COVID, noong kasagsagan po ng pandemic ang dami naming proyekto, Bayanihan E-konsulta, meron po kaming community learning hub, meron kaming angat buhay, meron kaming mga shuttle service, meron kaming dormitories, marami kaming pa-ayuda, karamihan po noon galing sa private sector. Pag meron pong disaster – pumutok ang bulkan, nagkaroon ng bagyo, lumindol – halos kami ang laging nauuna doon sa mga nabiktima. Pero bakit ganun wala naman kaming pera, dahil ‘yun sa mga taong katulad ninyo. Na dahil sa tiwala, dinadaan sa amin ‘yung tulong para siguradong makaabot sa mga communities.

    ‘Yan po ang gusto nating sabihin na matapat na pamamahala. Ang kasagutan para maiangat ang buhay ng mga nasa laylayan. Sa akin lang po meron pa po tayong 87 days after today, 87 days bago mag eleksyon. Malapit na malapit na pero marami pa po tayong kailangan gawin. Isa po sa mga kailangan natin gawin, ang kalaban po natin ngayon fake news saka disinformation, pag tulong tulungan po natin para ‘yung eleksyon ang desisyon ng tao hindi naka base sa kasinungalingan. Hindi po namin kayang gawin ito kung hindi niyo kami tutulungan. Kaya in the next 87 days magtatrabaho po tayo, masisipag naman kayo ‘di ba. Magtatrabaho po tayo para mag reach out doon sa mga tingin natin ay nabibiktima ng maling impormasyon. Pero gaya po ng sabi ni Sen. Kiko, dapat maayos na paraan.

    Kailangan lawakan natin ang ating pag unawa, dagdagan natin ang ating pasensya, wag tayong makikipag away. Pwede ba natin ‘yung gawin? Baka naman sinasabi niyo lang, pag labas niyo nakipag-away ulit kayo sa Facebook. Parang may mga ayaw na tuloy mag-commit. Ganito po ‘yung aking pakiusap, kung kaya niyo po ‘yun gawin in the next 87 days, mananalo po tayo.

    Umaasa po ako sa inyo dahil napakalaki ng tiwala ko sa inyo. Papaano ko po nasabi na malaki ‘yung tiwala ko sa inyo, noong tinanggap ko po ‘yung hamon, ang sinabi ko sa inyo gisingin ang natutulog pang lakas. ‘Yung sagot niyo, hindi lang kayo gumising pero talagang nakipag kapit bisig, ginawa niyong lahat para lumabas, tumulong, ipakilala tayo. Napakarami niyo ng ginawa. Ngayon po nakikiusap ulit ako, radikal na pagmamahal. Gaya ng sabi ko pag kaya po natin ‘yun, kabutihan ang mananalo. Maraming maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat.

    [END 22:47]

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 11, 2022