This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Pasiglaban Para Sa Tropa Pasig City People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo
    at the Pasiglaban Para Sa Tropa Pasig City People’s Rally
    Emerald Avenue, Brgy. San Antonio, Pasig City


    Maraming salamat! Magandang gabi, Pasig! Grabe, maraming, maraming salamat! Napakasigasig namang magmahal ang Pasig!

    Malayo pa kami, ramdam na ramdam ko nang halos yumayanig ang sahig dahil sa inyong energy. Pero bago po ang lahat, may special request ako. 'Yung akin pong one and only ka-tandem, si Senator Kiko Pangilinan, nasa Sofitel po siya ngayon. Natapat na eksaktong oras ng event natin ang Vice Presidential Debates. Ang request ko lang po, puwede bang, 'yung energy natin, iparamdam natin kay Senator Kiko? Kaya ba natin mag-chant: “Kiko, Kiko, Kiko, Kiko, Kiko!” 'Yung aabot sa Sofitel na chant. “Kiko, Kiko, Kiko, Kiko, Kiko!”

    [crowd chants]

    Kaya Senator Kiko, kung nagmomonitor ka po ngayon– sigurado kaming kayang-kaya mo 'yan; hindi matatawaran ang iyong karanasan, kakayahan, sipag, tapang, integridad, at sense of duty. Kaya po good luck sa iyo, Senator Kiko! Puwede ba natin siyang bigyan ng isa pang matinding ten second na palakpakan? Ayan, alam ko na hindi na ito send-off kasi tapos na, pero virtual na pampa-good vibes natin sa kaniya.

    Nakakataba po talaga ng puso, nakakawala ng pagod, at halos nakakalakas ng loob ang suporta ninyo. Ito po ba 'yung sinasabi nilang hakot lang? Kayo ba 'yung tinatawag nilang bayaran?

    [crowd chants]

    Ayan, malinaw na malinaw naman na hindi kayo bayad. Dahil nakikita ko po kanina sa Facebook, Twitter, sa Instagram umaga pa lang ang dami niyo na dito. Nakita ko din ‘yung lahat yatang mall sa paligid pinuno ng mga kakampink. Pero ang totoo, di ba andami sa inyong abonado dito ngayon?

    Marami pong kailangan pasalamatan. Hindi ko po kayang pasalamatan lahat dahil magagabihan pa lalo tayo pero special mention lang po sa RPC Pasig. Palakpakan po natin sila. Ang RPC Pasig nakaparaming organisasyon, ang Lawyers for Leni Pasig. Kanina po tinitignan ko 'yung listahan ng napakaramig organisasyon who made this event possible. Nagpapa-schedule po ako para personal ko kayong mapasalamatan isa-isa kasi ngayon napakarahirap po ngayong gabi.

    Gusto ko din pong magpasalamat kasama po natin si Senator Frank Drilon. Nandiyan din po, Congressman Boyet and Congresswoman Queenie Gonzales ng Mandaluyong. Nandiyan din po si Congresswoman Stella Quimbo ng Marikina, Congressman Ronnie Ong. Nagpapasalamat po tayo sa LGU Pasig sa lahat ng assistance na binigay sa atin. Nagpapasalamat po tayo sa Ortigas Center. Nagpapasalamat po tayo sa Barangay San Antonio saka sa mga Barangay Officials na ina-assist po tayo kaninang umaga pa. Sa inyo pong lahat, maraming, maraming salamat.

    I love you too!

    Malinaw na malinaw din po: Ang People's Campaign natin, naging krusada na talaga ito. Dito lang po sa Pasig, talagang full force kayo. Nito pong mga huling araw, nakikita ko po 'yung mga pictures, nagpa-silkscreen ang mga volunteers natin dito. Nakiusap sa mga may-ari ng mga building para magsabit ng mga tarp. Merong pong– hindi ko alam kung nakita niyo na– pero merong napakagandang jeep na ginawang double decker bus at nilagyan po ng design. Maraming, maraming salamat po, Sir Mark Bautista! Nabasa ko po ‘yung Twitter saka Facebook posts tungkol sa inyong design.

    Hindi pa po counted diyan 'yung mga nagpalugaw, mga relief efforts, at 'yun pong– nandiyan siya? Nandiyan siya? Ano 'yun? Ah, medic. Medic. Medic, medic. Puwede pong bigyan ng daan? Okay na? Okay na? Okay. Ayan, 'yung mga pa-lugaw, 'yung mga relief efforts, at araw-araw na pagsasabuhay sa values natin mula pa po noong pag file natin noong Oktubre.

    Ngayong araw, alam ko po galing sa iba-ibang parte ng NCR and beyond, kasi nakita ko dito may– nakita ko may Cavite, may Quezon. Kanina po sabi sa akin may lumipad pa daw galing Visayas saka Mindanao, may Makati. So, hindi na lang po ito Pasig pero napakaraming sumama sa atin. Sumagupa po sa traffic para magpunta dito. Maraming salamat sa inyo.

    Nakita ko din po sa Facebook, buong barkada, buong pamilya, ang agang nagmarka ng PasigLaban sa inyong mga kalendaryo. 'Yung mga dati pong tumitingin lang sa social media, ngayon, nagdadala na ng homemade placards na napakarami. 'Yung dati pong nananahimik, ngayon, may kaniya-kaniya nang gimik. Ang iba sa inyo for the first time nagha-house to house, nagsusulat ng mga kanta, nag-aambag ng kahit anong kaya, humihiyaw hanggang mamaos.

    Alam po nating lahat: Lumilitaw ang ganitong sipag, ang ganitong passion, ang creativity, hindi lang po dahil sa kulay natin, hindi lang dahil sa amin ni Senator Kiko saka sa ating mga Senatorial Candidates ang ipinapakipaglalaban ninyo. Ang ipinaglalaban po natin dito: 'Yung kinabukasan ng mga anak at magiging anak ninyo.

    Medic, please. Medic po doon. Doon. Okay na? Wala pa, wala pa. Bigyan lang po natin ng space para makadaan. Ayan, Pateros nakita ko din. Pateros, maraming salamat. Nandiyan na? Unahin po natin 'yung medic. Ayan, tinatawag na daw kung puwede pong bigyan lang ng space. Sorry po, unahin lang natin kasi mas importante 'yun. Galing sa Pateros, itlog na pula. Maraming salamat. Pambihira talaga kayo. Kandidato na po 'yung nireregaluhan ngayon. Maraming salamat. Ayan na, nandito na po? Request lang po natin bigyan sila ng daan. Papunta na po. Ayan. May taga-Ozamis pa dito, grabe ang layo ng pinanggalingan.

    Ayan, 'yung pinapangarap po nating bansa, isang bansa kung saan may gobyernong tapat na mag-aangat ng buhay ng lahat. Ito pong gobyernong ito, merong sense of urgency, dahil laging urgent ang pangangailangan ng mga Pilipino. Hindi lang po angat lahat, kundi angat agad.

    Dito po sa Pasig, gaya ng sa buong Pilipinas, ang daming pinagdusa ng pandemya. Marami pong nawalan ng trabaho. Ang kabataan, forced to adjust dahil sa pagsasara ng mga eskuwelahan; pati mga magulang, nag double-duty sa pagbabantay habang nagwo-work from home.

    First order of action po natin ang lahat ng ito. Walang Pilipinong mapagkakaitan ng kalinga, dahil lang salat sila sa pera. Pagdating sa mga eskuwela, iaatas ko: Kung ligtas na, dapat magbukas na. Sa long-term horizon, ang edukasyon, bubuhusan natin ng pondo; itatama po natin ang lahat na mali, at titiyakin na walang batang maiiwan. Ipaglalaban ko po ang hanapbuhay para sa lahat. May sasahod na maayos sa bawat pamilya; ayuda para sa mga nawalan ng trabaho; trabahong magmumula sa gobyerno mismo.

    Dito po sa Pasig at Kamaynilaan: Maaasahang mass transport system. Imprastrakturang nakatutok sa pagpapadaloy ng tao, hindi lang ng mga sasakyan. Pabahay na malapit sa kabuhayan, malapit sa oportunidad, at pinaplano kasama ang mga titira dito.

    Higit sa lahat: Isang klase ng politikang hindi nadadaan sa palakasan. Politikang walang pami-pamilya– dahil lahat dapat kayo malakas; lahat itinuturing na bahagi ng pambansang pamilya; lahat kasali, lahat mahalaga.

    Sa kalusugan; sa edukasyon; sa trabaho, transportasyon, pabahay; sa mismong mukha ng politika, ang panata ko po: Angat lahat, angat agad. Matanong ko nga kayo: Sa gobyernong tapat, magagawa ba ang mga ito? Maaasahan ko ba ang suporta ninyo? Alam kong kasama ko kayo. Excited na akong makatrabaho kayo, dahil ngayon pa lang, ngayon pa lang dito po sa ating People's Campaign, kitang-kita na ang sipag niyong lahat, kitang-kita ang kahandaan ninyo, kitang-kita ang epekto kapag fully invested sa laban ang bawat tao.

    Noon pong Huwebes, ngayon lang nakaraan na Huwebes, nandoon po ako sa Zamboanga. Bago po ako magsalita, inabutan nila ako ng symbolic na sagwan. Hindi ko alam kung nakita niyo ‘yun sa litrato. ‘Yung sagwan, may nakasulat: Bagong pag-asa.

    Malinaw na malinaw po sa akin ngayon: Pag-asa ang puso ng ating People's Campaign. Pag-asang dala hindi ng kandidatong nakatungtong sa entablado, pero pag-asa ng kapwa Pilipinong nakikilakad kapag hinaharang sa kalsada, nakikipintura ng mural na binura, nakiki-repack ng ayuda para sa mga nasalanta. Dito po sa Pasig, ngayon, tignan niyo ang inyong mga katabi; damhin ang pag-asang hatid ninyo sa isa't isa.

    Pag-asa ang ugat ng tunay na pagkakaisa. Pagkakaisang matatakbuhan mo kapag nagipit ka, sasagot kapag tumawag ka, titindig sa tabi mo kapag tumindig ka. Pagkakaisa, hindi lang ng politiko sa politiko para sa pansariling interes, kundi ng Pilipino sa kapwa Pilipinong lumalaban dahil iisa lang ang ipinapakipaglaban.

    Isipin na lang natin ang Pilipinas na kaya nating marating kung ang pinuno, kaisa sa bawat laban ng bawat Pilipino. Pinunong hindi kuntentong mag-utos lang galing sa malayo; sa halip, nakikita ang problema, at naghahanap ng solusyon sa antas ng karaniwang tao. Pinunong nakikikayod, nakikipila, nakikisuot sa eskinita; sumusugod sa bagyo, tumatapak sa ground zero, umaangkas ng motorsiklo patungo sa inyo. Ito po ang klase ng gobyernong isinusulong natin. Gobyernong tapat– na hahanapin ka, pupuntahan ka para maitayo ka. Hindi kailangan ng transaksyon, hindi kailangan ng palakasan, hindi na kailangang magmakaawa ang tao sa padrino, dahil dapat bawat isa sa inyo malakas sa sistema.

    Fifty days to go. Fifty days, Pasig at NCR. Kaya pa ba nating doblehin pa ang pagsisikap? Kaya ba nating lakihan pa ang ating mga puso? Nagsimula tayo sa halos wala; nandito na tayo ngayon. May fifty days pa. Ibuhos na natin ang lahat. Kung kailangan, kaya ba nating more than 18 hours na magtrabaho para maipanalo natin ito?

    Kaya ba nating kumatok sa mga pintuan? Sa mga Zoom meetings natin o sa mga chat rooms, sa jeepney o sa mga Grab, sa tambayan o sa palengke, ibahagi natin ang ating mensahe; isadiwa ang pag-asa, pagkakaisa, at pagmamahal na pundasyon ng ating laban. Pakiusap ko po ngumiti habang nakikipagkuwentuhan, mahirap ba ‘yun? Hindi naman mahirap, di ba? Unawain po natin ang pinanggagalingan ng ating mga kausap; magpakumbaba po tayo, maging mahinahon sa pagdidiin ng katotohanan, ipaliwanag po natin ang mga motibo, intindihin ang motibo din sa likod ng mga kasinungalingan: Na kaya may fake news, para watakin tayong lahat. Dapat hindi natin ‘yun payagan. Dahil ang pinakamahalagang katotohanan: Magkakarugtong po ang diwa ng bawat Pilipino. Iisa ang pangarap at kinabukasan ng bawat isa sa atin.

    Imbitahin po natin ang mga wala pa dito: Kahit napakarami na natin ngayong gabi, marami pa din ang hindi natin kasama. Gusto po natin sa kanilang sabihin, welcome na welcome po kayo dito. Sana makita nila, masaya dito. Punong-puno ng pag-asa dito. Wala po akong duda, nakakahatak ng pag-asa ang pag-asa; at tiyak na tiyak ko, may pag-asa sa puso ng bawat Pilipino.

    Kasama ninyo ako, dito sa Pasig, dito sa NCR, at sa buong Pilipinas. Kaya po: Tara na. Ipanalo na natin ito. Pero hihingi po tayo ng tulong. Ang pakiusap po natin hindi lang si Leni Robredo, lalong lalo na po Kiko Pangilinan, ang atin pong mga Senatorial candidates, Senator Sonny Trillanes, Attorney Sonny Matula, Attorney Alex Lacson, Senator Risa Hontiveros, Senator Dick Gordon, Dean Chel Diokno, Senator Leila de Lima, and Congressman Teddy Baguilat. Mabuhay po kayo, maraming salamat sa lahat ng sumama sa atin, nanggaling pa sa iba’t ibang lugar. Maraming maraming salamat, Pasig. Looking forward po kaming bisitahin din ang mga kanya kanya niyong lugar.

    [END]

    Posted in Transcripts on Mar 20, 2022