This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Pink Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Pink Rally
    Pag-asa Sports Complex, Brgy. Malasin, San Jose City, Nueva Ecija

    VP LENI: Maraming salamat. Magandang umaga, San Jose! Magandang umaga, Nueva Ecija! Grabe ang aga aga napakataas ng energy level. Maraming salamat. Ayan bago po ako magpatuloy, hahanapin ko muna si Marlon, nasaan ba si Marlon Palermo? Nasaan si Marlon Palermo? Nandito ba siya? Marlon Palermo ng Youth Group for Leni - Muñoz. Halika Marlon, dito ka. Ayan. Alam niyo kung bakit tinawag natin si Marlon? Birthday niya ngayon. Happy birthday, Marlon. Happy birthday, Marlon. Maraming salamat sa iyo. Ayan. Salamat. Salamat.

    Ayan nasaan po 'yung iba pang Youth Groups from all over Nueva Ecija? Ayan, nasaan 'yung Team Leni Robredo - Guimba? Muñoz for Leni? Bakit parang pareho 'yung sumisigaw? Nasaan 'yung Knights of Columbus? Ayan. Parang hindi pa kayo Knights of Columbus. Nasaan 'yung ASV Ladies? Ayan nandoon sila. Kumusta po kayo? Happy Women's Month. Nasaan po 'yung Doctors for Leni? Thank you. Nasaan 'yung Farmers for Leni - Nueva Ecija? Nasaan 'yung LGBTQIA+? Nahahalata tuloy kayo 'yung pinaka maingay. Mga Senior Citizens, nandito ba kayo? Huwag pong magpapaipit ha? Dahan dahan lang. 'Yung mgs PWDs meron ba dito? Ayan meron. Maraming salamat. 'Yung iba't iba pa pong mga grupo na nandito, hindi ko na kayo iisa isahin. Ano ito? "Nueva Ecijano for Leni, para kay Leni," Ayan "CR–" ano ito? "CRT Youth for Leni," "Luisians for Leni-Kiko," "Swifties for Leni," Oh, ito ibang klase, kadalasan merong tumakas sa magulang para kay Leni, ito baliktad, baliktad, "Tumakas sa anak para kay Leni."

    Sa akin na ito? Salamat. Salamat. Puwede ko ba itong ibigay doon sa apo ko? Favorite niya kasi Peppa Pig. Ayun "Mama Leni, akala ko sa H nagsisimula ang hope, sa U pala," "Sa gobyernong tapat, bigas ay sasapat," "Kalma lang pero matapang, handa kang ipaglaban," "'Di pa ako makaka buto [laugh] boto– 'di pa ako makakaboto kaya pipilitin ko nanay ko." Ayan sino ba dito? Ito pa– "Anak ng BBM supporter Leni." Marami yata dito sa inyo kasali dito 'di ba. Meron pa tayong 48 days para kumbinsihin ang mga nanay at tatay. Ayan papaano natin kukumbinsihin? Dapat magpapakabait sa bahay para– saka mag-aral nang mabuti para sabihin ng Nanay at Tatay, maganda palang impluwensya si Leni sa inyo. Huwag kayong tatakas kasi sasabihin bad influence ako sa inyo.

    "Mga singles for Leni," kung puwede pong mag-pm sa kanya kung may interesado. Ayan "Sa gobyernong tapat, shabay shabay ang pag-angat," Ayan, "Ina ko si Leni, sana Ina niyo rin" "VP Leni, pagod ka na ba? Paano ba 'yan may six years pa," "Huwag sayangin si Attorney Chel Diokno," wala siya ngayon pero kasama natin siya sa ating mga puso. "Sabay sabay, VP Leni you got the eye of a true leader," "Mga hindi natatakot sa deadline for Leni," "Mga gumising nang maaga for Leni," "'Di bale ng walang AFAM basta may Leni-Kiko sa Malacanang," Ayan ito mga Youth Groups from Rizal. "Leni is my Ms. Right, if we lose her, it's a miss, right?" Ano ito– meron daw ditong, sino ba dito ang mga "Nagbong-bong sa work para umattend kay Leni," "Hindi limang daan ang halaga ng kinabukasan," "Ayos lang matawag na pinklawan, at least hindi bayaran," "It's Robredo, not Robredon't," "Ang tax ang binabayaran, kami hindi." "Leader na tapat, economist, natural, I miss you," Sinong pinapatamaan mo dito? Diretsuhin mo na sabihin mong pangalan. Sabi niya "I miss you, balik ka na." Oh kung sino ka man, pakinggan mo si Ma'am.

    "VP Leni, masakit paa mo? Upo ka six years," "Doon tayo sa TROPA, hindi sa trapo," "Dating BBM for Leni," "Pharmacy assistants for Leni." Ayan may assignment ka, sa mga dati mong kasama, sabihin mo, welcome na welcome sila dito. Sabihin mo pag lumipat sila dito, mamahalin natin sila. "Ma'am Leni, balita ko matapang ka, pa-picture ka nga sa akin," hinahamon ako nito ah. Siyempre halika, halika kayo. Ganyan tayo pag hinahamon, lalong lumalaban. "Mahirap man o mayaman, para kay VP Leni, lahat ay pantay pantay," "Main Philippines–," ayan 'yung reseta niya, "Lenizolid number 10, One Kikomycin number 7, 2x a day for 6 years."

    Ito 'yung mga humamon sa akin, halika. Halika halika dito. Ipakita mo 'yung placard mo. Dito dito. Ayan. Sila 'yung mga humamon sa akin. Ayan, "VP Leni pa-selfie," opo. "Sa gobyernong tapat, papasa lahat," Ano iot? "Doon kmai sa nagpa-paa at hindi sa – doon kami sa nagbibigay pag-asa, hindi sa paasa." Ano 'yun? Hi. Oh may mga ka-Zoom siya sa Canada. "VP Leni. pa-hug naman and pa-selfie, pakibilisan may ide-defend pa akong Research proposal." Talagang pinapabilisan. Dito ka sa harap. "Hindi bayaran, kusang naninindigan." Ayun 'yung nadoon, "Buddhists for Keni," "Vets for Leni." Sorry nako-cover, "Mga Marites for Leni," "Sa Nueva Ecija maraming bigas, parang boto ko kay Leni papuntang palace," "Believers for Leni," kasama niyong anak ko sa Believers. Ate mawawalan ka ng boses mamaya. "VP birthday ko sa May 15, pero lahat kami magse-celebrate sa May 9." "VP Leni, pasabi po kay Ate AIka, crush ko siya." "The R in Robredo stand for Resibo." "Ang sigaw ng Nueva Ecija, babae ang pag-asa," "Masa ang–" ano ito?" Ayan "Masa and SocSci for Leni," "Mga naiiyak sa Tiktok videos for Leni," "Not paid to join this parade, wala lang placard lang." Ayun, "Research paper lang nire-revise, hindi history," "Sa lugar na punong palay, ang boto namin ay kay Leni iaalay," ayan. "Mahiyaan for Leni, pa-picture po," lapit na po kayo dito para malap– "Hindi kami bayad, nag-invest lang kami para sa kinabukasan ng sambayanang Pilipino." "Lagi't-lagi para sa bayan." "Tanga sa maling tao pero hindi sa pagpili ng Pangulo." Meron ka bang hugot? Ayan, "I am a Lit major and a student leader. I trust VP Leni to uphold my liberty to express." Ano 'yun? Salamat. Salamat. Ano 'yun? "VP Leni at Sen. Risa–" patingin nga. "VP Leni at Sen. Risa, pa-selfie. 2016 ko pa kayo inaabangan." Halika na. Nasaan na ito? Halika, halika. Lapit ka dito. "As a first time voter, ang pinaka-unang boto ko ay para kay Leni Robredo." "No to pakbet, malupit mangupit," "Yes to Bicol express kasi I'm so impressed." "Accounting students for Leni-Kiko," "Ang L sa EXO-L ay Let Leni Lead."

    "Kami ay parang tax ni— hindi bayad." "Mga Political Science students for Leni," "Two times na akong na-operahan sa puso. Sinuong ko ang COVID–" ay tama ba 'yun? "Sinuong ko ang COVID para makita ko lang ang aking Presidente," maraming salamat po. "A-attend ng caravan pero hindi hihingi ng limang daan." "Walang alamano sa Ilocano," "Magsasaka for Leni, pa-picture po," dito na kayo sa may unahan. "Singkit pero mulat sa katotohanan." Ayan, "Ba-biyahe kahit mahihiluhin for Leni," "Bankers for Leni-Kiko," "Future Engineers for Leni," "Bankers for Leni," "Leni-Kiko ang dapat piliin," "Social workers for Leni," "Biologists for Leni."

    Ayan, sandali. Intermission number nuna, Sen. Risa, pagbigyan natin siya kasi 2016 pa daw siya naghihintay sa atin. Thank you! Ayan, ayan ipapatuloy natin mamaya. Gusto ko lang maki-usap sa inyo. Sandali lang, makiki-usap lang ako bago tayo mag-selfie.

    Alam niyo, napakahalaga ng eleksyon na ito. Tinitignan natin, marami 'yung kabataan pero marami din 'yung mga ka-edad ko na. At marahil, kahit napaka-init, nandito kayo tinitiis niyo 'yung init dahil alam niyo kung gaano ka-halaga 'yung eleksyon na ito. Alam niyo, pagdating ng eleksyon maraming, maraming kandidato pupunta dito. Siguro nga may mga pumunta na, di ba? Pag pupunta dito, lahat kami mangangako.

    Dito sa Nueva Ecija, napakaraming mga magsasaka. At 'yung mga magsasaka grabe 'yung sakripisyo na tinitiis ngayon. At lahat kaming kandidato, ang sasabihin namin dahil kampanya, aasikasuhin namin 'yung mga magsasaka. Papahalagahan namin 'yung mga magsasaka. Pero dapat hindi lang tayo basta-basta naniniwala. Dapat pag sinabi nilang aasikasuhin niya kayo ang dapat na tanong natin, "Noong hindi pa kayo kandidato, asan kayo?"

    Tingnan natin halimbawa, naging Congressman na ba 'yun? Naging Senador na ba? Noong nasa Congress ka ba o nasa Senado ka, papaano mo ba pinakita ang pagmamahal mo sa magsasaka? Dahil madali lang pong magsabing "Mahal ko kayo." Parang mga jowa niyo lang 'yan, di ba? Kapag sinabihan kayong "Mahal ko kayo," maniniwala ba kayo kung hindi naman nila pinapakita? Di ba? Maniniwala ba kayo na niregaluhan lang kayo pero bihira naman mahagilap. Kapag nasabing mahal tayo, dapat tingnan natin papaano nila pinakita ang pagmamahal sa atin.

    Pag panahon ng eleksyon dapat ganiyan, di ba? Pag panahon ng eleksyon, kapag may pupunta dito sasabihin, "mahal ko 'yung mga mahihirap–” thank you. Dapat tanungin natin, papaano ba nila pinakita ang pagmamahal nila sa mahihirap? Ako po, tignan niyo 'yung aming record. Ang record po namin tingnan niyo. Mahabang panahon na nag-Congress ako, nag-Vice President, wala po ako lagi sa opisina, lagi akong nasa communities babad.

    Marami pong kandidato dahil eleksyon, pag kampanya pupunta sa mga palayan, magpapa-picture doon pero noong hindi pa naman kampanya, hindi mo naman makita. Kaya para po sa akin para makaboto tayo ng tama, tingnan natin hindi sa panahon ng kampanya pero ano 'yung ginagawa nila noong wala pang kampanya. Pag sinabi pong ayaw sa korapsyon, hanapan natin ng resibo.

    Eh papaano naman, ayaw sa korapsyon kung hindi nga nagbabayad ng buwis? Kami po kapag sinabi naming ayaw sa korapsyon, mahaba 'yung aming resibo. Ang pinakaresibo nga po namin sa Office of the Vice President, taon-taon nakukuha namin ang pinakamataas na COA Audit Rating. Hindi na po 'yun kami lang nagsasabi pero isang independent na government agency ang nagsasabi, malinis ang aming pagpapatakbo. Kaya po para makapagdesisyon tayong tama, kailangan tama din 'yun ating pinagbabasehan. Hindi lang tayo naniniwala sa Tiktok, hindi lang tayo naniniwala sa Youtube. Ang tingnan po natin sa labas ng Youtube, sa labas ng Tiktok, sa labas ng Facebook, ano 'yung ginagawa dahil 'yun 'yung pinaka magiging basehan.

    Ako po mahabang panahon hindi pa po ako politiko, abogado ako para sa mga magsasaka. Abogado tayo para sa mga mangingisda. Halos buong buhay natin, ginugol natin sa mga communities at alam niyo 'yan dahil kapag tinignan niyo po 'yung aming mga record, kumpleto kami ng resibo. 'Yung lang po 'yung pakiusap ko sa inyo. Ngayon kasi maraming napapapaniwala sa napakaraming fake news. Pagtulungan po natin lahat. Pagtulungan po natin 'yung mga kababayan natin na tama 'yung basehan nila sa pagdedesisyon.

    Ano 'yun? "Mama ko pink," maraming salamat. Sabi ko po kanina, 48 days na lang. Marami na po kayong sinakripisyo pero kaya pa ba nating magsakripisyo for the next 48 days? 'Yung mga nanay at tatay na iba 'yung desisyon sa atin, kaya kaya nating kumbinsihin? Kaya? Papaano nga natin kukumbinsihin? Ayan. Parang hindi niyo kayang magpakabait, ano? Ako po– maglalaba! Araw-araw kayong maglaba.

    Ako po nandito 'yung doctors natin. Gusto ko lang pong bigyan sila ng pagpupugay. Palakpakan po natin sila. Mahigit dalawang taon, sila 'yung nakikipaglaban para sa atin. Sobrang humbled po ako ng inyong suporta dahil grabe na 'yung sakripisyo niyo in the last two years, hanggang ngayon nagsasakripisyo pa kayo para sa ating bayan. Kaya saludo po kaming lahat sa inyo. Kaya sa inyo po, hindi ko na ito pagkakatagalin kasi baka may mga tumakas, mga may mga deadline na hinahabol. Kailangan kayong bumalik.

    Pero nagkakaintindihan ba tayo sa ating usapan? Na in the next 48 days, mangungumbinsi tayo? Sa pangungumbinsi natin gagamitin ang ating mga puso, hindi tayo makikipag-away. Ipapakita natin na dito sa samahan natin, pag-asa at pag-ibig ang nangingibabaw. Sasabihin po natin sa mga hindi pa natin kasama, welcome sila dito. Masaya dito, punong-puno ng pag-asa dito. Puwede ba 'yun? Ayan, kung puwedeng-puwede, kung kayang-kayang gawin, mananalo po tayo.

    Kaya sa lahat pong pumunta dito ngayong umaga kahit mainit, kahit maaga, maraming-maraming salamat sa inyo. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 22, 2022