This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Pototan People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Pototan People’s Rally
    Municipal Hall Grounds, Pototan, Iloilo


    [START 00:00:00]

    VP LENI: Maraming maraming salamat. Maraming salamat Pototan! Maraming salamat Badiangan. Maraming salamat Bingawan. Maraming salamat Cabatuan. Maraming salamat Calinog. Maraming salamat Janiuay. Maraming salamat Lambunao. Maraming salamat Maasin. Maraming salamat Mina. At siyempre uulitin natin 'yung ating host ngayon, maraming maraming salamat Pototan. Bago po ako magpatuloy, ang akin lang pong pagbigay galang sa mga opisyal na kasama po natin ngayong hapon. Pagbigay lang po ng paggalang [cheers]– ayan, grabe naman 'yung energy niyo.

    Alas tres ng hapon, napakainit ng panahon pero mataas na mataas pa din 'yung energy ng Pototan. Ang akin pong pagbati, palakpakan po natin Governor Toto Defensor. Ang atin pong minamahal na Congressman, Congressman Nonoy Defensor. 'Yung atin pong host Mayor na nandito ngayong hapon, Mayor Adi Lazaro ng Pototan.

    Andito po, Mayor Serrafin Villa ng Badiangan, Mayor Mark Palabrica ng Bingawan, Mayor Ronilo Caspe ng Cabatuan, Mayor Francisco Calvo ng Calinog, Former Mayor Jose De Paula ng Janiuay, Mayor Reynor Gonzales ng Lambunao, Mayor Rey Grabato ng Mina, Attorney Suzette Mamon ng Badiangan, SB Elizalde Pueyo ng Cabatuan, SB Paul Parian ng Janiuay, SB Bob Lopera ng Maasin. Ayan, Uswag Ilonggo Partylist First Nominee, Jojo Ang. BM Matt Palabrica saka BM Jason Gonzales.

    'Yung lahat pong mga organizers, mga volunteers na nandito, 'yung nababasa ko, “Student Nurses for Leni-Kiko,” “LGBTQIA+ for Leni-Kiko,” “Call Center Agents for Leni-Kiko,” “Husay, Tibay at Ganda Pototan for Leni-Kiko,” “Kaldag Queens for Leni-Kiko,” “Iskolars for Leni-Kiko,” “Artists for Leni,” “Cabatuan Volunteers,” “Padadon ang dapat ikuro ang makawat”, “Teachers for Leni-Kiko, “Maasim supports Leni-Kiko,” ano 'yun? Sudentista for Leni, Good Governance Cutie, “Dito tayo sa may nagawa na at may magagawa pa,” “Doon tayo sa babaeng may plataporma,” “Okay lang walang jowa, ang importante, magaok ang lider na akon na maluyagan.”

    “K-Pop Fans for Leni-Kiko.” Doon sa likod kanina merong “Swifties for Leni,” “Tiktokers for Leni-Kiko,” “Blinks for Leni-Kiko,” “Journalists for Leni-Kiko,” “Taga-[inaudible 00:05:45] for Leni-Kiko,” “Antok”– ayan ito pakinggan niyo, “Antok pero babangon para kay Leni-Kiko.” May tanong siya, “Kapeng Matapang who?” “Leni Sunbaenim,” “Leni 2022 Cutie,” “Bread Winners for Leni-Kiko,” “Singles for Leni,” “STEM Students For Leni,” Nasabi ko na 'yan, “Call Center Agents for Leni.”

    Ito, “Mommy Leni ang ganda mo!” “Pretty girls supporting pretty girls,” “Tricycle Drivers for Leni-Kiko,” “Christians for Leni-Kiko,” “Kakampinks in your area,” Anong gusto- “Shopees?” “Shopees' of Pototan for Leni-Kiko.” Ayan, “Sa Team Rosas lahat May Bukas,” “The Future is Female,” “Maalam ang mga Ilonggo nga piliun si Leni Robredo.” Ayan, “Kapag si Leni at Kiko manalo, ipaglalaban ang ating demokrasya, #HindiItoAngHulingEdsa.” “[Ilonggo, 00:07:22] Mga Gwapa for Leni.” Ayan, tignan niyo naman 'yun, tignan niyo 'yun. “Who's your President?” Nakita niyo? Ayun, Maraming Salamat. “Athletes for Leni-Kiko.” “Kahit walang ginto basta tapat at may puso ang gobyerno.” Pero alam niyo, kung bakit ko binabasa 'yung mga nakasulat? Dahil pinagpaguran niyo ito at ito 'yung nararamdaman at galing sa kaibuturan ng inyong mga puso.

    Parati po akong masaya pag bumabalik ako sa Iloilo, maraming dahilan kung bakit. Noong 2016 po, iprinisinta ko 'yung sarili ko sa inyo, baguhan ako. Marami akong pinapangako ng mabuting pamamahala kahit hindi niyo ako masyadong kilala, tiniwalaan niyo po ako nang lubos. Panalong-panalo po ako dito sa Iloilo. 'Yung halos anim na taon ko bilang Pangalawang Pangulo, alam niyo po na pabalik-balik ako dito at marami po tayong proyekto sa buong lalawigan ng Iloilo. Proyekto para sa mga malnourished na bata, proyekto para sa mga magsasaka. Proyekto para sa mga mangingisda, proyekto para sa mga estudyante, proyekto para sa mga Iba't iba pang mga pangangailangang medikal. Buong halos anim na taon, dito po natin ginugol sa maraming bayan sa Iloilo 'yung ating trabaho at nagawa po natin 'yun kahit napakaliit lang ang budget ng aming opisina. Kaya po natin nagawa 'yun, kasi sinugurado natin na ang ating pamamahala ay matapat. Sinugurado po natin na kami ng mga lingkod bayan niyo ay mahusay, malinis, masipag, masigasig para 'yung kakaunting meron tayo, napapapunta siya sa mga pinakanangangailangan. 'Yun po 'yung gusto nating sabihin na Gobyernong Tapat, Aangat ang Buhay ng Lahat dahil pag ang gobyerno maayos ang paghawak ng pera, ng kaban ng bayan, masisisguro natin na mapupunta ito sa pinakanangangailangan.

    Ano ang pinakakinakailangan ngayon ng karamihan? Disenteng trabaho para sa mga nanay at tatay na nandito, wala tayong ibang pinangarap para sa mga anak natin kundi bigyan sila ng buhay na mas mabuti kaysa sa buhay natin. Ang gobyerno kailangan tinutulungan tayo diyan, sinisiguro na may trabaho para maging disente 'yung pamumuhay. 'Yung mga estudyante pong nandito, marami kayo. Napakaraming estudyante. Ang tanong ko, bakit ba ganito na lamang 'yung sigasig niyo sa kampanyang ito? Bakit? Dahil alam niyo na ang pinapakipaglaban natin ngayon 'yung kinabukasan niyo. At alam niyo ang kinabukasan niyo nakasalalay kung gaano magiging kahusay at matapat ang ating gobyerno. Pag sinabi pong tulong sa edukasyon, anong gustong sabihin? Hindi po ito natatapos sa pagbigay ng scholarship, pero ito po sinisiguro natin na hindi magiging hadlang [audio goes out 11:34 - 11:38] dekalidad na edukasyon.

    Paminsan kahit may mga scholarship tayo, kulang ng pamasahe, kulang ng board and lodging, kulang ng pambili ng gadget. Sisiguraduhin po natin na dahil magiging matapat ang pamahalaan natin, ang bawat isang estudyante ang magkakaroon ng access sa lahat ng pangangailangan– [audio goes out 11:58 - 12:02] ng konting halaga– [audio goes out 12:03 - 12:05] para meron tayong pambili ng gamot.
    Pero pag sinabi po nating magiging matapat ang ating pamahalaan, ang programa sa kalusugan sisiguraduhin na hindi magiging hadlang ang kahirapan para makakuha tayo ng medical attention na kinakailangan natin. Kung kinakailangan maintenance medicine, dapat available 'yun para sa inyo. Kung kailangan ng dialysis, dapat nakakapag-dialysis kahit mahirap. Kung kinakailangan– ano pang medical intervention, hindi magiging dahilan 'yung kahirapan para hindi niyo makuha 'yun. 'Yun po 'yung gustong sabihin noong Gobyernong tapat, aangat ang buhay ng lahat.
    Ngayon po at eleksyon, ang daming pupunta ditong kandidato, lahat po magsasabi “Ganito 'yung pangako namin sa inyo,” pagandahan ng plataporma. Pero ang plataporma, 'yun 'yung madali. Ang dapat na tanungin ninyo “Noong wala bang eleksyon, naisipan niyo ba kaming bisitahin?” Kailangang 'yun 'yung tinatanong natin pag sinabing “Mahal ko 'yung mahihirap,” hingian po natin ng resibo. Papaano natin pinakita na mahal natin 'yung mahihirap. Pag sinabing “Hindi kami magiging kurakot,” ano ang pruweba? Noong binigyan ba kayo ng pagkakataon na manungkulan, naging malinis ba 'yung panunungkulan ninyo? Pag hindi po natin itatanong ang mga tanong na 'yan at magpapabola ulit tayo, wala po tayong pagbabagong aasahan.
    Pero ang laban pong ito, hindi po ito kaya ni Leni Robredo lang or ni Kiko Pangilinan. Kailangan po kasama namin ang bawat isa sa inyo sa laban na ito. Ngayon pinapakita niyo sa amin– pinapakita niyo sa amin na mainit man ang sikat ng araw, gutom man ang karamihan sa inyo, nandito kayo para ipakita na lalaban tayo para sa kinabukasan natin. Meron pa pong 73 days bago mag-eleksyon, baka naman napagod na kayo ngayong hapon [cheers]. Meron pa ba tayong energy saka passion sa next 73 days? [cheers]. Dahil kung ganito po katindi 'yung sigasig, 'yun pong ganito katindi 'yung ating kagustuhan na baguhin na ang takbo ng ating pamahalaan, sana po araw-araw, the next 73 days, kasama namin kayo sa laban na ito.
    Ang kalaban po natin ngayon fake news saka disinformation. Pagtulong-tulungan po natin na sa bawat kasinungalingan na nakikita natin, palitan natin ito ng katotohanan. Ang ayaw po natin, madedesisyunan 'yung eleksyon na ito na base sa kasinungalingan. Kaya 'yung atin pong pagpalit ng kasinungalingan sa katotohanan gagawin po natin 'yun sa sarili nating mga pamilya, sa sarili nating mga kaibigan, sa ating mga kapitbahay, sa ating mga kakilala, para maramdaman nila na ang laban na ito, hindi lang ito politika, pero laban ito para sa kabutihan nating lahat bilang isang taumbayan.
    Marami pong nagsasabing mahirap ang laban na ito. Totoo. Mahirap ang laban na ito. Totoo pong kulang tayo ng pera, kulang tayo ng makinarya, pero wala sila ng meron tayo, kayo 'yun [cheers]. Wala pong makakatalo sa sigasig at pagkakapit-bisig ng taumbayan. At 'yun 'yung leksyon noong People Power Revolution, na gaano man kalaki ng kapangyarihan ng mga nakaupo, pag ang nagdesisyon na taumbayan, walang sinabi ang anumang makinarya o pera sa kagustuhan nating lahat.
    Kaya 'yung sa akin po, parang napaka-memorable naman na inaalala natin 'yung People Power Revolution, 36 years ago, nandito ako sa Pototan, nandito ako sa Third District niyo para i-celebrate kasama kayong lahat. At nararamdaman ko po mamaya po pagkatapos dito, lilipat po kami sa Sta. Barbara, pero pagkagaling po naming Sta. Barbara, sana magkita-kita ulit tayo sa Grand Rally sa Iloilo City [cheers]. Masaya po ito kasi ito 'yung pagkakaisa ng ating parehong pangarap para sa ating bansa. Kaya maraming salamat po sa pagmamahal na binigay niyo sa amin at pinakita niyo sa amin. Ang bawat pagmamahal ay sususklian po natin ng mas matinding pagmamahal sa paraan ng tamang pagseserbisyo. Kaya sa inyo pong lahat, mabuhay po kayo. Maraming maraming salamat. Leni-Kiko saka buong Senatorial Slate. Marami pong salamat sa mga local officials natin. Mabuhay po kayong lahat. [cheers and applause]
    [END 18:01]

    Posted in Transcripts on Feb 25, 2022