This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Pusuan ang Sining at Kultura Miriam College Covered Courts, Miriam College, Quezon City

    Message of Vice President Leni Robredo at Pusuan ang Sining at Kultura
    Miriam College Covered Courts, Miriam College, Quezon City

    [START 00:25:32]

    VP LENI: Maraming salamat, maupo po tayong lahat. Ayan, maupo po tayong lahat, maraming maraming salamat, magandang hapon po sa inyong lahat.

    Bago po ako magpatuloy, ang akin lang pong pagbigay galang sa mga kasama po natin ngayong hapon. Thank you very much Ambassador Laura del Rosario and the Miriam College Community for hosting us this afternoon. Maraming salamat po sa mga miyembro ng Artists for Leni who are present this afternoon, kasama po natin Noel Ferrer, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Pinky Amador, siyempre Edu Manzano, Nikki Valdez, hindi ko pa po nakikita 'yung ibang nandito, pero everyone present, maraming salamat, hindi lang– Pia Magalona– hindi lang for this afternoon, pero matagal na po silang nagsasakripisyo para sa ating kampanya.

    Of course, Katipunan sa Kultura at Kasaysayan 2022, ang ating makabagong KKK. All the National Artists who are present, I am so humbled to be sitting beside our giants and our Buhay na Bayani. Para din po itong alphabetically arranged, Mr Virgillio Almario, si Mr. BenCab Cabrera who is in Baguio right now. Of course, Mr. Ryan Cayabyab, Miss Alice Reyes, and Mr. Ramon Santos. It is a big honor and privilege to be standing this afternoon with all of you. 'Yung lahat pong mga kasama natin, all the other artists who are present, mga minamahal ko pong mga kababayan, magandang magandang hapon sa inyong lahat.

    Gaya po ng sabi ko kanina, napakalaking karangalan ang to be at the receiving end na ako po ay sinusuportahan ninyo. Alam ko pong marami sa inyo mas pipiliin sana na huwag nang makilahok sa politika. Alam ko na ang iba sa inyo siguro first time gaya ni Ma'am Alice Reyes, sabi niya first time siya nakakasali-sali sa politika. Pero 'yun po 'yung nakakapag– ito ‘yung nakakapa-espesyal. Ito 'yung nakakapa-espesyal sa inyong endorsement kasi kung iisipin, hindi niyo naman kailangan lumahok pa, pero lumalahok kayo dahil sa malaking pagmamahal sa bayan.

    Alam po natin lahat na 'yung eleksyon ngayon ay hindi katulad ng ibang mga eleksyon dahil hindi lang ito 'yung– hindi lang ito pagtutunggali ng mga kandidato pero pagtutunggali din ito ng kung anong daan ang gusto nating tahakin ng bansa natin in the next six years. Malaking sakripisyo, 'yung mga nakakakilala po sa akin gaya nila Noel, nakakakilala sa akin ng lubos, alam na hindi ko binalak kumandidato ngayon dahil alam ko na marami akong wala. Wala akong makinarya, wala akong resources, to mount a presidential campaign. Hindi naman po ako politiko, 'yung asawa ko 'yung politiko sa amin. Nailuklok lang ako sa mundong ito noong siya ay yumao. Pero kagaya ninyo, isa din ako doon sa mga tao na mahal 'yung ating bayan na kahit anong maliit na maiaambag ay handang magsakripisyo.

    Ito pong ginagawa ninyo ngayon na pagpayahag ng suporta, itong anthology na grabe po 'yung power na– grabe 'yung power ng parang 'yung anthology na nilalabas niyo I don't know if this is the first time, hindi ko alam kung first time ito mangyayari for a political, for a presidential candidate. Pero kaya siya powerful, powerful kasi 'yung power ng inyong pagka-artist and creatives ibinubuhos niyo para ipakita 'yung pagkakaisa na kahit saan man tayo, iba-iba 'yung ating pinanggalingan, handa tayong i-set aside 'yung pagkakaiba ng ating mga paniniwala para sa pagmamahal sa bayan.

    Malaki po 'yung pagpapasalamat ko na ibinigay kayo sa bansa natin. 'Yung isinakripisyo niyo, 'yung naiambag niyo, kung tutuusin lubos lubos na, pero ito kayo, handa ulit na mag-ambag pa para sa kinabukasan ng mga anak natin. 'Noong nabasa ko po for the first time 'yung kartilya na binasa ni Sir Rio Alma kanina, gusto ko pong ipahayag ngayong hapon na 100 percent nagko-commit po kami, 100 percent nagko-commit kami, at hindi po natatapos sa hapon na ito 'yung pagpapangako. Hindi natatapos sa hapon na ito 'yung pagpapangako, na pag binigyan kami ng pagkakataon magiging malaking bahagi siya ng agenda ng aming administrasyon. Pero 'yung amin pong ipinapangako ay kahit hindi pa nageeleksyon ay kung pwedeng maupo na kami, ang team po namin maupo na with all of you para 'yung detalye kung paano antin io-operationalize 'yun at iwi-weave sa mga programa ng ating pamahalaan pag binigyan tayo ng pagkakataon ay gusto na po nating umpisahan.

    Hindi lingid sa kaalaman namin na pag pinag-usapan 'yung sining at kultura, parang parati siyang nare-relegate in the background. Parating iniisip na hindi siya kasing importante ng iba pang mga isyus at bagay na kinakaharap. Kaya napakabigat ng kartilya na binasa kanina kasi doon natin mare-realize na 'yung kultura, na 'yung sining, 'yung kasaysayan, malaking malaking bahagi ng pangaraw-araw na buhay ng bawat pilipino na kinalimutan na natin. At ito, 'yung 2022 elections, binibigyan tayo ng pagkakataon na balikan kung sino tayo bilang Pilipino, na balikan kung ano 'yung mga pinaniniwalaan antin bilang Pilipino at ito 'yun.

    'Yung mga taong kasama natin ngayong hapon, ito 'yung mga taong makakatulong para ipaalala sa atin, ipaalala sa atin na 'yung lahat ng values na malapit sa ating puso, 'yung lahat ng mga pinapaniwalaan natin ay ito 'yung kailangan nating buuin para balikan natin 'yun. Marami nang taon na lumipas na inaasikaso natin 'yung maa bagay na tingin natin hindi mahalaga, pero kinalimutan natin 'yung pinaka-basic sa lahat, at ito 'yun.

    So ako po, nagpapasalamat ako, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat for going out of your comfort zones para ipahayag, ipahayag 'yung suporta, hindi lang sa kandidato pero ipahayag 'yung kahandaan na lumaban para sa bayan. Kaya maraming maraming salamat po sa inyo, ang amin pong malaking utang na loob bilang Pilipino.

    [END 00:33:18]

     

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 14, 2022