This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo QC Proclamation Rally Quezon City Memorial Circle, Quezon City, Metro Manila

    Message of Vice President Leni Robredo
    QC Proclamation Rally
    Quezon City Memorial Circle, Quezon City, Metro Manila


    [START 00:11]

    VP LENI: Maraming salamat! Maraming salamat QC! Magandang umaga po sa inyong lahat. Baka po puwedeng maupo muna 'yung mga may upuan para po makakita 'yung nasa likod. Ayun, kumusta naman kayo ngayong Linggong umaga? Kami po ay puyat na puyat dahil kahapon, nasa Zambales, Bataan, at Olongapo kami. Noong isang araw po nasa Laguna kami. Bago ng Laguna nasa Batangas kami. Bago ng Batangas, nasa Camarines Norte, Albay, Sorsogon kami. 'Yung umpisa ng campaign period ay nasa Camarines Sur kami. Para po sa inyo, talagang sinisipagan namin. Alam po natin, alam po natin na marami tayong kailangang trabahuhin, pero 'yung pinapakita niyong pagmamahal, 'yun 'yung nagbibigay sa amin ng lakas para araw-araw, gigising ng maaga, more than 18 hours magtatrabaho, para– ayan. Alam ko na marami dito, mas mahaba pang oras kesa 18 hours ang trinatrabaho araw-araw. Pero ginagawa po natin 'yan para mas maraming mga kababayan natin ang makausap natin.

    Alam niyo po, noong nag-uumpisa palang kaming maghanda para sa kampanya, noong inaaya ko palang po si Senator Kiko na maging running mate ko, bukas po ang aming mga mata na magiging mahirap ang laban na ito. Unang una, 'yung mga makakalaban namin, matagal nang naghahanda. Pangalawa, wala po kami noong resources, wala kami noong makinarya, wala kami noong kalakasan ng mga politikong kasama nila. Ang sabi ko po, ang sabi ko po kay Senator Kiko, "Senator Kiko, ipapaglaban nalang natin ito dahil sa paniniwala ng malinis at matapat na pamamahala. Pero maghanda na tayo na magiging malungkot ang laban na ito." Nagpapasalamat po ako kay Senator Kiko, dahil alam ko na ang pinaghandaan niya, reeleksyon bilang senador na siguradong mananalo uli siya, pero 'yung inaya natin siyang lumaban sa isang napakahirap na laban, sumama siya sa atin at handang-handang makipaglaban.

    Ginagawa po natin ito dahil sa paniniwala natin na napakahalaga nitong eleksyon sa Mayo. Ang eleksyon sa Mayo, hindi nalang po ito contest na kung sino sa aming mga kandidato ang pinakamahusay, pinakamatagal na nagsilbi, pinaka-napupusuan. Pero 'yung eleksyon sa Mayo, ang didisisyunan po natin kung anong klaseng pamamahala at pulitika ang gusto nating mamayani sa ating bansa sa susunod na anim na taon. Kahit po saan kami pumunta, nagugulat po kami sa dami ng tao na nagpapakita ng suporta. At mahahalata mo po sa enerhiya ng tao na hindi ito basta-basta suporta sa isang kandidato kundi ito 'yung pagka-desididong tumaya, hindi lang dahil mahal kami ni Senator Kiko, pero nalalaman na ang tinatayaan nila, kinabukasan ng kanilang mga anak at apo.

    Sa mahabang panahon po, bawat eleksyon, pag nakikinig ako ng mga pangako, kinikilabutan ako dahil alam natin na bawat eleksyon, napakaraming pangako, pero pag nakaupo na 'yung mga nangako ay tila nakakalimutan na 'yung pinangako. Ngayon po, eleksyon na naman. Eleksyon na naman, marami na namang manliligaw at mangangako. Pero gaya ng sabi ni Senator Kiko, dapat hindi lang tayo nagpapadala sa naririnig at sa panliligaw, pero hanapan natin sila ng resibo. Pag sinabi pong mahal nila 'yung mahihirap, lahat pong kandidato pag eleksyon, mahal ang mahihirap, papano nila ito pinapakita? Pag nagbigay ba ng ilang kilong bigas pag tayo ay nawalan ng trabaho, sapat na ba iyon? Pagkatapos ng ilang araw, ubos na 'yun. Ano po 'yung pinapangako namin? Ang pinapangako po namin, isang leadership na matino at mahusay, isang pamamahala na matapat, masipag, malinis, dahil ito lang 'yung paraan para umangat 'yung mga nasa laylayan.

    Ano pong gustong sabihin ng aangat ang lahat? Pag nawalan po ng hanapbuhay, ang kailangan ng pamahalaan gawin, saluhin 'yung mga nawalan ng hanapbuhay. Papano po sasaluhin? Halimbawa nalang, 'yung aming pong programa dito, kailangan sa unang tatlong buwan pagkatapos siyang mawalan ng hanapbuhay, kailangan siyang bigyan ng unemployment insurance ng 80% ng kaniyang sweldo. Pag tapos na 'yung pangatlong buwan na wala pa din siyang nahahanap na bagong trabaho, dapat ang gobyerno ang maghahanap ng kaniyang trabaho.

    Pag siya po ay nagkasakit, hindi 'yung babangga siya kung kani-kanino para naghahanap ng makakatulong, ganoon 'yung ginagawa ng karamihan. Hindi nakakapag-dialysis, kahit kailangang uminom ng maintenance medicine, walang mainom na gamot, kahit kailangan ng doktor, walang pupuntahan na doktor kasi hindi nila alam kung papano sila makakahanap ng libreng doktor. Sa isang gobyernong matapat, hindi na kailangan bumuggo sa kung saan, pero ang pamahalaan ang magsisiguro na ang kaniyang kahirapan ay hindi magiging hadlang para makuha niya 'yung serbisyong medikal na kinakailangan niya.

    Hindi kailangan humingi sa pulitiko. Hindi kailangan pumunta sa kung sino. Dahil ang gobyerno, meron nang programa para sa kanila. Ang sinasabi po natin ngayon, meron tayong resibo. Noong ako po nahalal bilang Pangalawang Pangulo, hindi naging hadlang 'yung kawalan ng mandato, kawalan ng pera ng aming opisina para hindi kami makatulong. Kung kulang ang pera, maghanap. Pero ang paghahanap po ng pandagdag, hindi 'yun basta basta nahahanap. Mahahanap mo lang 'yun kung ang tiwala ng taumbayan nasa 'yo. Pinakita po namin sa Office of the Vice President na kahit maliit 'yung binigay na kapangyarihan sa 'min, ang trabahong binigay sa'min talaga pong more than 18 hours a day. Ang ginawa po namin, pagkaupong-pagkaupo lang namin, pinakita po namin na seryoso kami. Nag-ISO kami, for three consecutive years highest COA audit rating kami. Pagpapakita na malinis ang aming proseso. Awardee po kami for excellence in human resource management. Dahil po sa aming mga resibo, madaming tumitiwala sa ating opisina.

    Bakit kailangang tiwalaan tayo? Dahil po ang gobyerno hindi niya kayang sagutin ang lahat na problema ng lipunan, masasagot lang po ang mga pangangailangan pag katuwang ng gobyerno ang ordinaryong mamamayan. 'Yan po 'yung klaseng pamahalaan na pinapangako namin sa inyo. Sisiguraduhin namin na magiging malinis, matapat, mahusay kami para walang naiiwan sa laylayan. Sinabi ko po noong first day of the campaign, ang pamahalaan lalagyan natin ng tsinelas– papasuotin natin ng tsinelas para ang pinaninilbihan niya hindi lang 'yung mga naka-sapatos, pero 'yung paninilbihan niya 'yung pinaka suluk-sulukan, na bibigyan niya ito ng kinakailangan dahil matapat siya sa kaniyang tungkulin.

    Sinabi ko din po noong February 8 na ang bagong magiging sentro natin ay ang laylayan. Pabahay, pagkain, medical assistance, edukasyon, napakaraming pangangailangan. Kahit po matataas 'yung marka natin sa economy natin, wala pong saysay 'yun kung may mga naiiwan sa laylayan. Pero ang pinapangako din po natin na pamahalaan, bibigyan natin ng boses ang ordinaryong mamamayan dahil 'yung boses na 'yun ang makakapagbigay ng mga sapat na programa para din sa kanila. 'Yung mga nakakakilala po sa'kin, alam na ako 'yung tipong lider na hindi lang nagbabasa ng report ng aking mga staff, pero ako mismo 'yung bumababa. Ako mismo 'yung nakikiusap. Ako mismo 'yung nakikinig dahil 'yun lang 'yung paraan para maramdaman natin 'yun kahirapan na pinagdadaanan nila.

    Lahat pong laban ko mahirap. Pagkatapos po mawala 'yung asawa ko, bigla po akong naluklok para lumaban bilang congresswoman. Napakahirap na laban. Noong ako po nag-uumpisa pa lang, walang nag-aakalang meron akong pag-asang manalo. Noong ako po lumaban noong 2016, pag umpisa ng kampanya, pang anim ako sa anim na kandidato dahil ako 'yung bagong salta, wala pa masyadong nakakakilala sa'kin. Wala din pong nag-aakalang meron akong pag-asang manao. Sa katunayan po, Enero na noong 2016, pang-apat pa din ako sa anim na kandidato. Pero sinipagan natin, at dahil sa tulong niyo, nagtagumpay tayo.

    Ngayon pong 2022, napakahirap ulit noong laban. Pero ngayon dapat mas madali na sa'tin dahil marami na tayong resibong mapapakita. Pag nangako tayo sa isang bagay, hindi na lang ito pangako, pero nagawa na at patuloy pang gagawin. Alam po natin na marami pa tayong hahabulin, pero 'yung nakita nating pagmamahal kahit saan tayo pumunta, nagpapakita na taumbayan na mismo ang tumataya. Hindi na naghahanap, naghihintay sa mga lider. Sila na mismo ang nagsasabi, "Ito 'yung pinaglalaban natin at handa tayong magsakripisyo para makamtan natin ang isang pamahalaan na nararapat sa atin."

    Sa punto pong ito, kanina in-introduce na ni Senator Kiko 'yung ating lineup. Gusto ko lang pong pasalamatan 'yung ating core group dito sa QC, na sila po talaga 'yung nagsasakripisyo mula October hanggang ngayon. Sa araw-araw na ginagawa, hindi niyo 'yan nakikita– pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos mula October noong ako po ay nag-file, sila na talaga 'yung nagsasakripisyo. Gaya po ni Senator Kiko, taga-QC din po ako. 'Yung QC 'yung aking pangalawang tahanan. Totoo Bicolano ako, pero pag andito po ako nagtatrabaho, taga Barangay Sacred Heart po ako. Ang aming opisina ay nasa Barangay Mariana, kaya kami po ay QC residents na buong-buo. Pero gusto ko lang pong pasalamatan 'yung ating core group at tatawagin ko po sila, hindi ko alam kung nasaan sila pero ito po 'yung ating boss na talagang kahit retired na, nagre-retire na sana ay nagdesisyon na makipaglaban sa'tin. Nasaan po si Mr. Tady Palma? Nandiyan po yata si Mr. Tady Palma. Ayan, andiyan nga si Mr. Tady Palma. Palakpakan po natin si Mr. Tady Palma.

    Mga kasama po ni Mr. Tady Palma– Mr. Marcing Medalla. Nasaan po si sir? Ayun. Councilor din ng District 2 ng Quezon City. Kasama din po natin si Mr. Ernesto Isla, nasaan po si sir? Nandiyan sila. At hanggang ngayon sila pa din 'yung punong abala. Kasama din po natin – kaibigan po ito ng asawa ko mula po noong 1988 – former Mayor Jun Simon. Ayan, nandito pala sa una– naka-apron ka! Naka-apron si Mayor Jun Simon, magluluto yata mamaya. Ito din po, napakasipag. Sino ba ang mga taga-District 3 dito? Ayun. 'Yung mga taga-District 3, alam niyo na kung sino 'yung napakasipag, Councilor Peachy de Leon. Nandito siya, ayan po si Councilor Peachy. Napakasipag din, from District 1. Sino dito ang mga taga-District 1? Councilor Mayen Juico. Nandito po sila sa harap. From District 1 din, Mr. Jonathan Africa. Hindi ko po alam kung nasaan sila pero maraming salamat sa inyo. District 1 pa din Mr. Chito Borromeo. Nandiyan din po. Saka District 1 pa din Mr. Bobby Fortuno. Ayan si Mr. Bobby– kamaganak ko po siya. Kamaganak ko siya. Isa din sa mga poste din natin for District 1. Ms. Jeanette delos Reyes-Dumo for District 2. Nasaan po? Ayun, nandiyan po si ma'am. Ms. Luz Savilla for District 6. Pasensya na hindi ko alam kung nasaan sila ngayon pero nandito po yata sa bandang ito. Mr. Melvin Tolentino ng District 4. Ayan, ka-distrito ko si sir. Mr. Noel dela Cruz ng District 5.

    Gusto din po nating pasalamatan 'yung mga nagpagod para po sa production po natin ngayong araw: Director Floy Quinto, nasaan po si Direk? Nandiyan siya somewhere. Salamat din kay Ms. Tessa Pascual saka 'yung buong production crew. Maraming maraming salamat po. Ngayon ko lang po sila mapapasalamatan pero alam ko na mula October 7 ay sobra na 'yung pagod nila. Sulit na sulit naman po ang pagod. Nagpapasalamat din po tayo kay Mayor Joy Belmonte sa mainit na pagtanggap sa atin. Sa City Hall kanina, sabi ko po 'yun na yata 'yung pinakamatagal na biyahe, from City Hall to QC Circle. Halos isang oras po kaming bumiyahe dahil sa kapal ng tao.

    Kung hindi po ako nagkakamali, parang pangatlo o pangapat ko na tong rally dito sa QC Memorial Circle. Noong ako po ay kumakandidato bilang Vice President nakatatlong rally yata ako dito, including 'ung victory celebration. Napakarami ding tao pero po walang kapantay 'yung tao ngayong umaga. Kaya maraming maraming salamat sa inyo. Meron po akong aaminin sa inyo. Kahapon po na nasa Zambales ako, nakita ko po sa Twitter saka sa Facebook, 'yung umaga pa lang nakalagay, "5,000 people" daw 'yung expected. Sinasabihan ko na po 'yung team namin. "Huwag kayong maglalagay ng 5,000 kasi baka hindi naman natin makaya 'yung 5,000." Sabi ko, "Okay na 'yun na sabihin natin na imbitado 'yung mga supporters pero huwag na magsabing numero." Mukhang wala sa aking nakinig kasi noong tanghali na, 'yung 5,000 naging 10,000 na.

    Tapos noong pauwi na po kami nang gabi, lalo akong ninerbiyos kasi ang nakalagay na, 20,000 people expected. Pero mabuti naman pala na hindi sila sumunod dahil ngayong araw po, lampas lampas tayo sa 20,000 people. Hindi ko alam kung 'yung mga nandito sa tent, nakita niyo 'yung tao sa labas. Mula po 'yan sa Quezon City Hall, napakakapal ng tao, hanggang po lumipat dito. Ito po 'yung mga taong nagdesisyon na panahon na na 'yung kapangyarihan natin, gamitin natin para mabago ang takbo ng ating pamahalaan.

    Kaya maraming maraming salamat po sa inyo. Ang akin lang pong pinakahuling pakiusap, kung tutulungan niyo po ako, sana po tulungan niyo din 'yung aking mga kasama dahil sila po 'yung magiging katuwang ko. Kasama po natin dito 'yung aking partner. Palakpakan po natin ang susunod na Vice President, Kiko Pangilinan. Kasama din po natin, Senator Sonny Trillanes. Kasama din po natin Attorney Alex Lacson. Kasama din po natin ang Kampeon ng mga Manggagawa, Attorney Sonny Matula. Kasama din po natin ang ating Warrior against Corruption, Senator Dick Gordon. Kasama din po natin ang nagpakita na hindi lang ng kaniyang husay, pero 'yung kaniyang ginintuang puso para sa mga mahihirap, Senator Risa Hontiveros. Kasama din po natin, idolo ng mga kabataan, Dean Chel Diokno! At siyempre po kahit hindi natin siya kasama physically, bitbit natin siya sa ating mga puso, Senator Leila de Lima! And, last but not the least, ang Kampyon ng mga Katutubo, ang Kampyon ng Pag-alaga ng ating kalikasan, former Congressman, former Governor, former Mayor, Teddy Baguilat!

    Humaharap po kami sa inyo ngayon, nangangako, ng Gobyernong Tapat?

    AUDIENCE: Angat Buhay Lahat!

    VP LENI: Mabuhay po kayo. Maraming maraming salamat.

    HOST: Mabuhay ang ating susunod na Pangulo, Leni Robredo!

    [END 00:26:03]

     

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 13, 2022