This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at REINAgkakaisaForLeniKiko: Infanta People's Rally

    Message of Vice President Leni Robredo
    at REINAgkakaisaForLeniKiko: Infanta People's Rally
    Common Bus Terminal, Infanta, Quezon

    VP LENI: Maraming salamat. Magandang umaga Infanta! Magandang umaga General Nakar! Magandang umaga Real. Magandang umaga din kay Senator Kiko. Magandang umaga po sa aking kaibigan na mayor, nasaan na si mayor? Mayor Esee Ruzol ng General Nakar, saka ang kanyang maybahay, siyempre ang aking kaibigan na vice mayor, LA Ruanto ng Infanta. Vice Mayor Obing Ruzol ng General Nakar. 'Yung mga councilors po na kasama natin ngayong umaga: Councilor Kiko; Councilor Sherwin; Councilor JunJun at saka Councilor Mannie ng Infanta; Councilor Julie ng Real; Kapitan Jhun Escueta ng Infanta. Ayan, Ms. Erica Cañon. [inaudible] Federation president. Nandito din po ang ating ginagalangan na Bishop, palakpakan po natin, Bishop Bernardino Cortez at ang members of the clergy ng Infanta.

    Kanina po ka-text ko bishop, si Bishop– Archbishop Rolly. Si Archbishop Rolly po nagtext sa akin, sabi niya "Nandiyan ka pala sa Infanta ngayon, ikamusta mo naman ako sa kanila." 'Yung Archbishop po namin sa Naga, ay matagal pong na-assign dito sa inyo. Magandang umaga din po kay Pastor Bong Pedida ng Real Ministerial Association, Pastor Arnel Sol ng Association of Infanta Ministries, Imam Johary Salem ng Al Jamma Mosque. Ang ating Likhawitan, 'yung munting sambayang Kristiyano. Nandito din po 'yung iba't ibang mga volunteer groups, maraming maraming salamat sa inyo.

    Kanina po nakita ko sa likod, Former Congressman Irwin Alcala maraming salamat. Doc Tonet, nasaan si Doc Tonet? Ayan, Doc Tonet Valencia, maraming salamat, ng RPC Quezon. Maraming salamat din sa RPC Reina organizers and volunteers. Solid Leni Pilipinas, nakita ko sila dito kanina. Robredoks, nakita ko, maraming salamat. Samahan ng mga Katutubong Ipinagtatanggol ang Lupaing Ninuno. Ang ating pong mga Dumagat leaders, ang Reyna farmers, fisherfolk, IPs, women, youth, environmentalists, LGBTQIA+, mga youth groups na nandito.

    Siyempre po 'yung mga kasamahan ko. Senator Kiko Pangilinan, ang ating susunod na vice president. Ang ating pong mga senatorial candidates; Senator Risa Hontveros; Senator Sonny Matula; Senator Leila De Lima; Senator Sonny Trillanes; Dean Chel Diokno; Senator Dick Gordon; Attorney Sonny Matula; Attorney Alex Lacson; at Congressman Teddy Baguilat. Ayun. Ang hihingi po natin ng tulong, hindi lang 'yung sarili ko pero si Senator Kiko at ang ating mga senatorial candidates. Alam niyo po– si Senator na nga, na-promote ko na si Vice Mayor LA. Si Vice Mayor LA bago ko pa po siya nakilala, kaibigan na niya 'yung asawa ko, 'yun yumao kong asawa. 'Yung kinanta niya po kanina, 'yun 'yung forever na videoke song ng aking asawa. Kaya kapag kinakanta po 'yun ni Vice Mayor LA hindi ko mapigilan maalala 'yung aking asawa.

    Pero ito po, gaya ng sabi ni Senator LA kanina, pabalik-balik po ako dito sa inyo. Pabalik-balik po ako dito sa Infanta, sa General Nakar, kaya matalik ko na pong kaibigan si Mayor Esee dahil pabalik-balik din ako sa General Nakar. Pumupunta po ako ng Real, pumupunta ako ng Pollilio island.

    Ito lang pong panahon ng kampanya, maraming pupunta dito sa inyo. Maraming pupunta dito na mga kandidato para national positions, hihingi ng tulong ninyo at sasabihin sa inyo, "Mahal ko ang Reina." Diba, "Mahal ko ang Infanta, mahal ko ang General Nakar, mahal ko ang Real." Pero ang itanong po natin sa kanila, noong kailangan namin kayo, asaan kayo?

    Kadalasan marami na sa atin nakakakilala, naaalala tayo dahil hihingi ng ating tulong dahil eleksyon. Pero ang parati po nating itanong, "Kung talagang mahal mo kami, dapat sana noong mga panahon na nagdadaan kami sa kahirapan, naaalala mo kami." Marami pong mga sakuna ang tumama dito. Gaya po ng sinabi ni Vice Mayor LA, bawat sakuna andito tayo, Pinaka huli ko pong punta dito, pagkatapos ng Typhoon Rolly saka Typhoon Ulysses. Pumunta po ako dito sa Infanta, pumunta ako ng General Nakar, pumunta ako ng Polillo island, para po mag-relief operations dahil tinamaan kayo.

    Dapat ang itanong niyo sa mga nagliligaw para makuha ang inyong boto, noong tinamaan kami naisipan niyo ba kaming tulungan? Madali lang sabihin na mahal tayo, 'di ba madali lang 'yun sabihin pero ang pagmamahal hindi po 'yun nadadala sa salita kundi dapat pinapakita sa gawa. Pag sinabi pong "Mahal ko 'yung mga magsasaka," marami dito sa inyo mga magsasaka, mangingisda, tanungin ninyo, papaano niyo pinakita ang pagmamahal niyo sa mga magsasaka, mga mangingisda, mga katutubo?

    Ako po hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pero hindi pa po ako politiko, ordinaryong abogado pa lang ako, ang inaabogadohan ko mga magsasaka, mga mangingisda, mga katutubo, mga urban poor, mga manggagawa. Doon ko po pinakita 'yung pagmamahal ko. Wala pa akong kabalak-balak pumasok sa politika.

    Kanina po, naririnig ko nagrereklamo kayo tungkol sa Kaliwa Dam. In fact, marami po ako ditong pagbisita na 'yun 'yung aking sindaya. Ano 'yung maipapangako ko sa inyo? Ang maipapangako ko sa inyo, kakampi niyo ako. Na walang dadalhin na proyekto dito sa inyo na wala po kayong pag-ayon, 'di ba? Meron na tayong mga batas, meron po tayong batas na nagsasabi na bago makapag-umpisa ng isang national government project dito, merong prosesong susundin. Ang aking pangako sa inyo, kung ano 'yung nasa batas, 'yun 'yung susundin natin.

    Meron pong tinatawag na 'yung mga maaapektuhan na mga katutubo, kinakailangan 'yung kanilang free prior and informed consent. Anong gustong sabihin noon? Na dapat sinasangguni sila, dapat kinokonsulta sila, dapat may pagpahintulot sa kanila. Na kung meron mang maaapektuhan sa kanila, dapat inaasikaso muna ang kanilang magiging epekto sa pagbuhay. Kung hindi po ito gagawin, ang aking magiging pangako sa inyo, walang matutuloy na proyekto.

    Pero ito po, ang eleksyon na ito, nakita niyo naman nandito sila Bishop. Nandito 'yung mga heads ng iba't ibang mga simbahan ngayon. Bakit ba ngayon ay masyadong invested 'yung ating mga church leaders? Bakit ba kayo tindi ng sikat ng araw, tumatiyaga kayo? Anong oras na kayo nandito? Kanina pa? 'Di ba masuwerte na kami nakaupo kami doon merong shade pero kayo nasa ilalim ng tindi ng araw--init ng araw, nakatayo, ewan ko lang kung nag-breakfast kayo.

    Pero bakit kayo tumatiyaga? Bakit 'yung ating mga kaparian, mga madre, mga pastor, tumatiyaga din na makisali sa laban natin? Hindi pa ito nangyari noong nakaraan 'di ba? ‘Yung nakaraan mas marami ‘yung tahimik, pero bakit ngayon lumalaban? Dahil naiintindihan natin, na ‘yung eleksyon na ito hindi na lang tungkol sa aming mga kandidato. Ngayong eleksyon na ito, ang pipiliin na natin, kandidato ba o bayan?

    Pinaguusapan palagi, pagkakaisa. Pero ang tunay na pagkakaisa, ito ‘yun. Ang tunay na pagkakaisa, pagkakaisa ng mga tao. Ang tunay na pagkakaisa, pagkakaisa para proteksyonan ‘yung interes ng ating bansa. Hindi para proteksyonan ang mga politiko. Ako po, politiko din ako. Pero kapag panahon ng eleksyon, kailangan tayong mamili. Hindi tayo mamimili dahil may utang na loob tayo. Ang utang na loob, madaling makuha sa tao kapag ‘yan ay tinutulungan mo sa oras ng pangangailangan. Pero hindi ba, ang obligasyon ng gobyerno na kapag merong kailangan ang tao, hindi na niya kailangang humingi pa. Kailangan ‘yung kanyang pangangailangan, andiyan na. Dahil kung hihingi pa tayo, dahil wala ‘yung ating pangaingailangan, gustong sabihin hindi nagtatrabaho nang sapat ang inyong mga lingkod bayan.

    Kaya po kami, ano ba ‘yung pangako namin sa inyo ni Senator Kiko? Ang pangako po namin sa inyo, ang ibibigay namin sa inyo gobyernong tapat. Ang pangako po namin sa inyo, gobyernong maasahan ninyo. Ang pangako namin sa inyo, mga lingkod bayan na matitino at mahuhusay.

    Dahi kahit pa ano pangako na pag-angat ng buhay ng lahat, kapag hindi matino at mahusay ang mga lingkod bayan, kapag hindi po matapat ang gobyerno, wala din. Bawat eleksyon nandito ulit tayo, humihingi, pero walang nangyayari. Hindi ba bawat eleksyon umaasa tayo gaganda ‘yung buhay natin dahil sa mga pangako ng mga politiko. Pero hanggang hindi tayo binibigyan ng gobyernong makikinig sa atin sa lahat na oras. Hanggang hindi tayo binibigyan ng gobyernong walang korapsyon, wala ding mangyayari.

    Kapag sinabi po namin ni Senator Kiko, ang pangako po namin sa inyo malinis na pamamahala, marami po kaming resibo. Ewan ko lang kung nakikinig kayo sa endorsement na binasa ni Father kanina. Sinasabi po doon, walang ano mang anumalya na nadikit sa aming pangalan. Si Senator Kiko po matagal nang naninilbihan bilang lingkod bayan, 2001 pa. May narinig na ba kayo na kahit anong katiting na korapsyon na nadikit pangalan niya? Wala.

    Ako po ang pinaka resibo ko, ang aming opisina, Office of the Vice President. Kahit po kaunti ang aming pondo, nakakatulong kami dito sa inyo, hindi lang sa tuwing sakuna. Pero dito po sa General Nacar, dito po sa Infanta meron tayong mga livelihood programs. Hindi lang po relief operations kapag tapos ng bagyo. Pero noong pandemya nagbibigay tayo dito, PPE sets, mga medical supplies. Dito po sa Infanta, naglagay pa tayong Community Learning Hub para sa mga batang walang mga gadgets para makapag-aral nang maayos.

    Pero bakit namin ‘yun nagagawa kahit kakaunti ‘yung pondo namin? Dahil wala kaming perang napupunta sa korapsyon. Kaya ‘yung maliit na meron kami, lahat ‘yun napupunta sa taumbayan dahil pinapangalagaan namin. At ang resibo po namin, hindi lang ‘yung proyekto, pero COA na mismo ang nagsasabi, na malinis ‘yung aming mga proseso. Sunod-sunod na taon, nabibigyan po tayo ng Unqualified Opinion, pinaka-mataas na audit rating ng COA. COA na mismo ang nagsasabing malinis ‘yung pamamahala.

    Hindi pa ba kayo napapagod makinig ng mga korapsyon sa pamahalaan? Hindi pa ba kayo napapagod maghintay ng pagbabago? Dapat po napapagod tayo dahil marami ng pangako ang napako. Pero ang kapangyarihan para baguhin iyan, nasa kamay ninyo lahat. Kung hindi po natin sasayangin ang ating karapatang bumoto ng tamang mga opisyal, hindi na po tayo kailangan tiyumaga pa sa mga opisyal na hindi naman nagdadala ng pagbabago, sa mga opisyal na luma at bulok na klase ng politika ang pinapakita sa atin.

    Kaya po sa akin, nagpapainit kayo ngayong umaga, dahil naniniwala kayo na panahon na para bigyan tayo ng malinis at matapat na gobyerno. Naniniwala kayo na panahon na, na ‘yung gobyerno at mga lingkod bayan hindi lang po tumatago sa Malacañang, hindi lang tumatago sa mga opisina nila. Pero bumababa at nakiki-usap sa taong bayan. Ayun lang ‘yung paraan para masagutan ‘yung inyong mga pangangailangan.

    Kaya po kami nagpapa-salamat sa inyong pagtitiyaga ngayon. Nagpapa-salamat po kami sa suportang binibigay niyo ngayon. Nagpapa-salamat po kami– ako mismo nagpapa-salamat, noong 2016, panalo po ako dito sa inyo. Na pinapaki-usap ko po na, kung ano ‘yung suporta na bnigay niyo sa akin noong 2016, sana hanggang ngayon ‘yun pa rin ‘yung suportang ibigay niyo sa amin. Pero hindi lang po ako, pero pati din si Senator Kiko, ang ating VP, at ang ating Senatorial candidates.

    “Happy Birthday po sa future President.” Maraming salamat, sa Sabado pa po ang birthday ko. “Mulat na po at tatagay pa.” Huwag munang tumagay, kumampanya muna. Tatagay tayo kapag panalo na tayo. “Buti pa ang angle may degree,” “Leni-Kiko, our 17th President, and our–” dapat po 15th Vice President kasi ako po ‘yung 14th Vice President. “Mga hanggang talking stage lang for Leni-Kiko.” May hugot.

    “VP Leni, sa ATM ka mag-withdraw, huwag sa pagka-Pangulo.” Wala ng laman ‘yung ATM ko. Ano ito, “Young professionals for Leni,” “We are voting for Love, Empathy, Nationalism, Integrity,” “Leni-Kiko 2022,” “VP Leni pasama sa graduation ni Jillian.” Swiftie ka ba? “Shout out sa pamilya at tropa ko na mga baby mo.” Ayan meron pa tayong 20 days, para i-convert sila.

    “Si VP Leni ang manok namin because we know she can lead,” “Wala ng tiyan na kakalam, dahil Leni-Kiko lang sakalam,” “Mga ayaw sa Kaliwa Dam for Leni,” “Mga tumakas sa house-to-house, makita ka lang Nanay Leni from Lucena.” Maraming salamat. “Programmers for Leni-Kiko,” “Public Servant,” “Kami dito sa Calayunan, Bicolana ang susuportahan dahil sa kanya panalo ang bayan,” “Hindi tama ang 18 hours work, gawin mong 8 years, ay 6 years,” “From 16% to 17th President,” “Sa gobyernong tapat, pasado sa pharma quiz lahat,” “Sa lambanog, unang shot angat buhay lahat.” Robredocs, maraming salamat. Maraming salamat sa Robredocs.

    Meron po tayong rally sa Quezon sa April 28, ayun. Iniimbitahan po kayo doon pero pumunta po kami kasi alam naming malayo kayo. Gusto namin kayong makita kaya maraming salamat for being here. "The woman is here to win, not to withdraw," "VP Leni open minded ka ba? 'Yung 18 hours of work mo gawin nating six years sa Malacanang."

    [crowd cheers]

    "Kung si Belle ay may Donny, ang Pilipinas may Leni-Kiko." "Hindi pinapalabas ng bahay pero for Leni-Kiko, susuway." Magpaalam kayo ng maayos, ha. "Hindi na tatakas kay Mommy kapag nanalo si Leni." "Cycling Crisostomos biked 113.8 kilometers Antipolo-Infanta for Leni-Kiko," maraming salamat. Thank you for supporting active transport.

    Ano 'yan? "Ang pagtingin ko kay Leni-Kiko ay parang suman, malagkit." "Gipit pero hindi bayaran." "Shout out sa mga BBM supporters na willing makinig sa platforms ni Leni-Kiko." Open po tayo sa lahat. Sabihin po natin doon sa mga hindi pa natin kasama ngayon, sama na sila sa atin kasi dito sa atin masaya, di ba?

    [crowd cheers]

    "Para sa mga uhaw sa good governance, free compassion fruitcake ni Leni with nata de Kiko." "Biology majors for Leni-Kiko," "VP Leni, ikaw na bahala sa bansa ako na sayong pagitna– panggitna. Hi, Doc Tricia." "VP Leni and Senator Kiko, sa Infantahin kayo'y sure win." [inaudible] "Sa bawat Leni sa balota may Kiko na kasama." "VP, pa-shout out naman si Ivan Libranda–" boyfriend mo? "–may exam kasi kaya di nakapunta." "Mga may hangover para kay Leni." "Mga lumabas kahit ayaw para kay Leni." "Leni, pa-picture pakita ko sa friends ko na haters mo," ayan convert mo hater– ay haters ko.

    "Kung si ano very New York, si Leni naman puwede sa New York." Ay, mahaba ito, "Lutang sa mga nagawa. Extraordinaryong kakayahan. Nag-iisang rosas na lumalaban. Iyo– inyong laging maasahan. Reskbak ay respeto kahit pa yinuyurakan. Okay lang sa kanya kayo ay– kayo lang ay ngingitian. Babaeng palaban tigre man ang kalaban. Responde niya ay timano, di alamano. Edukada, ekonomista, matalinong tao. Dekalidad na parangal kaniyang natamo. O, di ba? Taob ang kalaban pagdating sa Mayo. Leni Robredo."

    "Ang Leni at Kiko harangin man ang sibat, makakarating kahit sino pang katapat." "Mga abonado for Leni." Sino dito mga abonado for Leni? Ayan. "Altar servers for Leni." "Susundan lahat ng rally para kay Rogie na baby m. Rogie, ano na? #ParakayFrancineGwen #ActiveKayRogie," sino ba si Rogie? Asawa mo? Naku, dapat i-convert mo asawa mo. "Taga-Dayandang kami," oh, ka-barangay ko ito sa Bicol. "Mga taga-Naga, dawa saen na rally susunudon ka!" Oh my God, ang layo noon.

    "Ang daming for Leni, wala bang for me?" Oh, sino naghahanap? "Hindi ikaw ang kalaban. Kasama ka sa pinaglalaban." "Be a hero. Iboto Leni Robredo." Hindi ko na babasahin 'yung hashtag mo baka hindi ako makaalis dito. Ayan, "VP Leni Robredo sa bangko– sa bangko lang mag-- nagwi-withdraw. Samahan ka pa namin because Reina is with you," maraming salamat. "Sasama sa rally para hindi nawala si daddy." Ah, "Mga anak ng seaman for Leni." Malaki 'yung ating programa para sa mga seaman.

    [crowd cheers]

    "Quezon City o Quezon Province man, prinsipyo at rally mo'y susundan." "Ilang rally na ang dinaluhan ngayon ka lang makikitang malapitan." "Sa gobyernong tapat, pupusyaw ang mga kulay itak." Ano 'yung pupusyaw? Puputi. "Mama Leni, pa-kiss." "Sa bawat Leni dapat may Kiko," "VP Leni, panahon na para tanggalin ang V." "Anak ng coconut farmers for Leni-Kiko." "Dito tayo sa singtapang ng lambanog." Ay, hindi ko na babasahin 'yung baba. "Ang kailangan ng Pilipinas ay talino, hindi Tallano."

    Ano 'yun? Ay, maraming salamat. Alam niyo, laging may mga regalo akong bitbit paalis. Baliktad na ang panahon ngayon kandidato na 'yung binibigyan ng regalo. Maraming salamat.

    "VP Leni, Sir Kiko, mangingisda po tatay, pa-picture," lapit po dito. "Gising Reina, kay Leni-Kiko tayo ay sumuporta. Sila ang ating pag-asa." "Ang L sa Leni-Kiko ay let the earth breathe." "Sumanib na kayo sa TRoPang Angat," "Sulong kabataan! Boses mo'y papakinggan sa kulay– ano 'yan, rosas mong bayan." Ano 'yun? Pirma? Meron pang-ano– meron pang pang-pirma?

    "Hindi ako straight pero straight ang boto ko para sa Pilipinas at sa mga magiging pamangkin ko," maraming salamat. "First time voters for Leni-Kiko." Sino 'yung mga first time voters? Marami. "Mas sasarap ang suman kung ang last man standing is a woman." "Carmelians for Leni-Kiko." "Inuna ang rally kaysa modules for Leni-Kiko." Naku, habol sa modules pagkatapos nito. "Palibhasa kasi alam na alam mo kung paano ako kunin, eh. Isang ina, isang lawyer, isang Bise Presidente. Wala, umikot na ulit 'yung mundo ko."

    "Mga pogi for Leni-Kiko," sige nga, tignan ko nga. Pogi naman talaga. "CPAs for Leni," "Para sa pi–" ay nabasa ko na. "Lalaki lang ang–" ay naku. "Mga hindi paboritong anak for Leni." "Piliin mo si Leni tapos ako. May reyna ka na, may hari ka pa." Okay ah. "BaYouth for Leni-Kiko." "[inaudible] papanaluhin na natin ito." "Paki labas po si Jake Ejercito." Nagha-house to house si Jake Ejercito.

    "Kakampink ang sakristang puyat sa Holy Week." Maraming salamat sa mga sakristan. "Think pink because I think." "Ako na lang baby mo huwag si baby m." "Kahit walang kuryente may energy para kay Leni." "Pinagkaisang lakas ng Pilak," hello! Kamusta kayo? Kanina ko pa kayo hinahanap. Partner po namin 'yung Pilak. "Na-convert ang tatay for Leni." "Leni na tayo, hane?" "Happy birthday in advance, Madam President. Regalo ko po ay ang boto ko."

    Pasensya na po hindi na kami makakatagal dahil papunta pa po kami sa Polillo Island. Pero maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Salamat po, salamat. Maraming salamat, mabuhay po kayo! Mahal po namin kayo.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Apr 18, 2022