This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Republika 2.0 Tindig ng Bulakenyo

    Message of Vice President Leni Robredo at Republika 2.0 Tindig ng Bulakenyo
    Bulacan Sports Complex, Malolos City, Bulacan


    VP LENI: Magandang gabi, Bulacan! Ayan. Maraming maraming salamat. Maraming salamat. Ang akin pong pagbigay galang at malaking pasasalamat sa atin pong minamahal na gobernador, Governor Daniel Fernando. Palakpakan po natin.

    Kasama din po natin ngayong gabi ang ating provincial administrator, Attorney Tonette Constantino, maraming salamat. Congressman Lorna Silverio ng District 3 ng Bulacan, Mayor Bebong Gatchalian ng Malolos, Mayor Alfred Germar ng Norzagaray, Board Member Alex Castro, Board Member Jong Ople, Board Member Monet Posadas, Board Member RC Castro, magandang magandang gabi po sa inyong lahat. At 'yung lahat na mga local officials ng iba't ibang mga lungsod at bayan ng Bulacan, ang ating mga barangay captains at barangay officials, maraming maraming salamat po.

    Magandang gabi din sa atin pong provincial campaign coordinator, Miss Gladys Sta. Rita. Ang ating RPC head ng Bulacan, Mr. Nono Castro. Ang ating mga doctor na nag perform dito kanina, Robredocs. Lawyers for Leni - Bulacan, ang iba't iba pong mga lider ng iba't ibang mga sektor na kasama po natin ngayong gabi. Lahat ng mga kandidatong panlalawigan, pandistrito at pambayan ng National Unity Party. Special mention din po kasi nabalitaan namin na nandito sila ngayon, meron po tayong partner na mga mangingisda na tinutulungan po natin, ewan ko kung saan sila nakapwesto, Pinagbuklod: Samahan ng mga Mangingisda sa Hagonoy, nasaan ba kayo? Ayan sina Ka Emil, hindi ko kayo makita kasi napakaraming tao, pero maraming salamat sa inyo.

    Kumusta kayo? Para ito kay Nadine di ba? Sigurado kayong para sa akin ito? Para kay Nadine yata ito. Ayan, mamaya. Mamaya kukunin ko lahat 'yan. Pero gusto ko lang pong ipaabot sa inyo ang aking mensahe ngayong gabi.

    Noong huli po tayong nagkaroon ng rally dito sa Malolos, kinwento ko po sa inyo kung ano ang plataporma natin. Sinabi po natin, ang pinaka una, lilinisin natin ang pamahalaan. Kaya po ang pangako natin gobyernong tapat–

    CROWD: Angat buhay lahat.

    VP LENI: Para umangat ang buhay ng lahat. Marami po tayong pangako. Pangako na hindi magiging hadlang ang kahirapan para mabigyan tayo ng medical assistance. Pangako na hindi magiging hadlang ang kahirapan para ang mga anak natin makapagtapos. Pangako na mabibigyan ng trabaho at disenteng hanapbuhay ang ating mga kababayan. Pero tio pong lahat na pangako, walang saysay ito pag ang gobyerno natin hindi maging matapat.

    CROWD: Tama.

    VP LENI: Pag sinabi pong gobyernong tapat–

    CROWD: Angat buhay lahat!

    VP LENI: Ang gustong sabihin, bibigyan namin kayo ng matitino at mahuhusay na lingkod bayan. Bubuti lamang ang ekonomiya natin pag may tiwala sa atin 'yung mga negosyante. Pag walang tiwala ang mga negosyante, hindi po dadami ang hanapbuhay, hindi natin maayos sa gusto natin ang ating ekonomiya.

    Marami po ang nangangako gaya ng sabi ko dati. Marami 'yung nangangako– tuwing eleksyon maraming nangangako pero ano 'yung aming resibo na kahit walang eleksyon, inaasikaso namin ang mga pangangailangan dito sa Bulacan?

    Pagka upong pag upo ko pa lang po bilang Vice President, in-adopt na po kaagad ng aming Angat Buhay Program ang Donya Remedios Trinidad. Pabalik-balik po tayo sa DRT– kanina po kasama namin si Mayor– pabalik-balik tayo sa DRT dahil nag latag po tayo ng maraming mga programa doon. Mga malnutrition program. Meron po tayong programa sa mga magsasaka at mga magtatanim ng gulay.

    Pagkatapos po sa DRT, nag latag po tayo ng mga livelihood programs sa iba't ibang mga lugar dito po sa Bulacan. Sa San Jose del Monte ilan 'yung programang nilatag natin. Meron po tayong mga nilatag sa Bocaue, sa Marilao, sa Plaridel, sa Pandi, sa Hagonoy, dito po sa Malolos, sa Meycauayan, sa Pulilan, sa San Ildefonso.

    At noong pandemic po tuloy-tuloy ang pagbigay natin ng asistencia dito sa inyo. Nagbibigay po tayo ng mga PPE sets saka mga medical supplies. Dito po sa Malolos, nagkaroon po tayo ng Vaccine Express. Nagbigay din po tayo ng mga swab kits para po makatulong sa swabbing. At meron pong dalawang sewing communities sa San Rafael saka sa Sta. Maria, na sila po 'yung nagtahi ng ating mga PPE sets na pinapamigay natin.

    Bakit ko ito sa inyo ikinukwento? Kasama pa po dito 'yung pondo na binaba natin sa dalawang ospital para makatulong sa mga pasyente na kulang ng pambayad sa ospital. Nagbaba po tayo ng tulong sa St. Paul's Hospital sa Bocaue saka sa Meycauayan Doctors Hospital and Medical Center.

    Bawat krisis nandito po tayo. Nagkaroon po tayo ng relief operations pagkatapos po ng typhoon Ulysses, pagkatapos ng typhoon Ompong. Pagkatapos ng Habagat noong 2018. Pag merong sunog na nangyayari, nandito po ang Office of the Vice President. May eleksyon o walang eleksyon, nandito po kami sa inyo sa Bulacan.

    Madali lang po magsabi ng mga proyekto. Madali lang mangako. Napakadaling mangako, sasabihin napakaganda ng plataporma namin. Pero, ano ang kasiguruhan na gagawin ang mga pangako? Ang kasiguruhan, ang resibo. Sinabi ko sa inyo dati, noong nandito tayo sa Malolos, pag merong nangako sa atin, ano dapat 'yung tinatanong natin?

    CROWD: Resibo.

    VP LENI: Asaan ba sila noong wala pang eleksyon? 'Yun 'yung pinaka sukatan kung talagang totoong mahal tayo. Pag sinabing galit kami sa korapsyon– tingnan niyo po 'yung record namin ni Senator Kiko, matagal na kaming nasa pamahalaan pero wala pong anuman na anomaliya ang nakadikit sa aming pangalan. Bakit mahalaga? Bakit po mahalaga na walang korapsyon? Sino 'yung magtitiwala sa atin kung tayo ay hindi katiwa-tiwala?

    Si Senator Kiko po nasa Malabon ngayon. Alam niyo po, 12 days to go nalang kasi kaya po nagsi-spread na kami para mas maraming lugar na mapupuntahan. Pero, ito lang po, 12 days nalang, alam ko po marami sa inyo napaka sipag. Marami sa inyo nagpapa-lugaw, marami po sa inyo nagha-house to house, pumupunta sa mga rally– Sino ba dito nagha-house to house?

    [crowd cheers]

    Alam niyo ba kung bakit mahalaga ang house to house? Napakarami ng kasinungalingan ngayon. Pag maglalaban-laban lang tayo sa social media, mahirap kasi hindi mo alam kung ano ang papaniwalaan. Pero, pag nagha-house to house tayo, tao sa tao, puso sa puso.

    Marami na kayong sakripisyo pero meron pang 12 araw na natitira, kaya pa ba?

    [crowd cheers]

    Kaya pa?

    [crowd cheers]

    Kung kaya pa, tara na, Bulacan! Ipanalo na natin ito! Ipanalo natin pati si Governor Daniel Fernando. Ipinalo po natin 'yung lahat na mga kasamahan natin: Senator Kiko Pangilinan, ang ating pong senatorial candidates na magiging katuwang natin sa ating laban.

    Ano po? Ayan.

    CROWD: Leni! Kiko!

    VP LENI: Ayan, meron dito– sandali lang po. Uy, ikaw naman ginagawa mo kong santo. Hinahawakan niya 'yung paa ko saka nagsa-sign of the cross siya. Hindi pa po ako santo. Ito lang, ang sabi niya: "Thank you OVP sa medical assistance ng mama ko."

    [crowd cheers]

    Okay na siya ngayon? Buti naman. Meron po tayong guest, asawa ko. Saan mo ito nakuha? Ayan, asawa ko po ito, kasama ko kahit saan ako pumunta. Sa akin ba ito? Maraming salamat.

    Oh ito, "This is my fourth rally, I'm doing this for my children's future." Di ba, kaya tayo masigasig, hindi niyo ito ginagawa para sa akin lang, para kay Governor Daniel lang, ginagawa natin ito para sa ating bayan. Ginagawa natin ito para sa ating mga anak at ang kanilang kinabukasan. Kaya po, kung mahal natin ang ating mga anak, laban ng laban sa susunod na 12 araw.

    Meron dito pakiusap, sino daw 'yung may nakakita ng telepono? Anong klaseng telepono? Ano 'yun? Kung meron po tayong lost and found dito, iPhone, banda daw doon nawala, gold 'yung kulay. Kung meron pong nakahanap, baka po puwedeng dalhin dito sa– Ayun. Ako po– Ano 'yun? Ano 'yun? Tubig o Medic? Tubig? Tubig, tubig.

    Ayan. Bago po ako magpaalam, ayain ko lang po ulit si Governor Daniel dito sa harap. Babasahin natin 'yan mamaya. Maraming, maraming salamat po! Mabuhay po kayong lahat. Ayan, maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 27, 2022