This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo RPC Meet and Greet, San Pedro Plaza, San Pedro, Laguna

    Message of Vice President Leni Robredo
    RPC Meet and Greet, San Pedro Plaza, San Pedro, Laguna


    [START 00:15]

    VP LENI: Maraming Salamat. Maraming salamat. Magandang gabi po sa inyong lahat. Baka po pwedeng maupo muna tayo para ‘yung mga nasa likod makakita? Ayan. Magandang gabi, San Pedro! Ayan, bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang at pag-greet ng very happy birthday sa ating minamahal na mayor, Mayor Baby Cataquiz, magandang gabi po sa inyong lahat. Hindi ko po alam kung nandito si Mayor Calix, nandiyan ba? Bakit kayo tumatago diyan, dapat nandito kayo. Mayor Calix, magandang gabi po. Nandito din si Councilor Aaron, nasaan si Councilor? Councilor, magandang gabi po. Siyempre ‘yung susunod na Mayor daw, meron kayong– mangyayari ‘yun pag magkakampanya tayo .’Yung akin pong matagal ng kaibigan, Councilor Berns. Maraming Salamat. Nandito din po si Councilor Leslie, maraming salamat, Councilor. Nandito din si Councilor Bobot, maraming Salamat po. Maraming Salamat.

    Nandito rin po ang ating ATC president, Diwa Tayao . Magandang gabi po sa ’yo. Nandito din po ‘yung ating mga SK chairmen saka mga SK councilors sa pangunguna ng ating SK Federation President, Gius Castasus pasensya na ha. Nandito din po si Councilor Nat Bernales ng Pagsanjan Laguna, Magandang Gabi. Nandito din ang ating mga San Pedro City LGU– other LGU officials saka mga department heads. Bago din po ako magpatuloy gusto ko pong pasalamatan siyempre ‘yung Robredo People’s Council ng San Pedro at ang Laguna, Maraming Salamat sa inyo. Maraming Salamat din po sa Solid Leni Pilipinas - Laguna. Maraming Salamat din sa Katipunan ng Pilipino - Laguna. ‘Yung Youth Vote for Leni - Laguna, saka special thanks for kay Mr. and Mrs. Rodel and Carol Anaia of Carolina Marketing. Ah nandito sila, Maraming Salamat po. Saka po si Ms. Maribel Bilbao, and the family of Interpostal, Maraming Salamat po Ma’am.

    Sa inyo pong lahat, Magandang magandang gabi ulit. Ayun nakaikot na po kami sa Lalawigan ng Laguna. Galing po kami kanina sa San Pablo, pumunta po kami sa Calauan, pumunta kami sa Cabuyao, pumunta kami sa Sta. Cruz, galing na po ako sa Binan, galing kami sa Sta. Rosa, pero sinadya po namin na ‘yung pinaka finale dito sa San Pedro siyempre dahil birthday ng ating minamahal na Mayor, si Mayor Baby. Kaya happy birthday ulit, Mayor Baby. Saka magpapasalamat po tayo kasi kahit hindi pa po kami nagkakausap mula noong ako ay nag-file ng kandidato, si Mayor Calix po saka si Mayor Baby ay talagang tumutulong na. Mayor Calix nakita ko po ‘yung video mo na kinakampanya mo po ako sa mga TODA kaya maraming salamat po.

    Nandito din po ‘yung mga kasamahan natin sa slate. Nakaalis na po si Sen. Kiko saka si Sen. Dick Gordon, kasama po natin ‘yung representative ni Sen. Leila De Lima, saka po siyempre ang taga dito din sa Laguna, Atty. Sonny Matula. Ayun.

    Alam niyo po tama ‘yung sabi ni Councilor Berns. Unang lapag ko po ito dito sa Laguna mula noong ako ay nag file ng Certificate of Candidacy. Ang plano po namin sa unang lapag, magpapasalamat lang po kami sa volunteers dahil nakikita po namin, sobrang dami na ng ginagawa ninyo.

    Kinukwento ko po kay Mayor Baby kanina na kakaiba talaga ang eleksyon na ito. Alam niyo po ‘yung asawa ko nag Mayor sa amin ng anim na termino, so naka anim po kami na eleksyon para sa kanya. Ako naman po pangatlong eleksyon ko na ‘to na ako ‘yung kandidato. Pero first time namin nararamdaman na this time ang gumagalaw talaga tao.

    Ibang iba po ‘yan dahil ‘yung mga nakaraan po naming eleksyon parang ‘yung traditional way of campaigning pa dahil kami ‘yung kandidato, kami ‘yung magpa plano ng lahat, kami ‘yung mag-oorganize para may kakampanya sa amin, kami po ‘yung magpapa print ng mga tarpaulin, kami po ‘yung magpapa print ng mga t-shirt, ganoon po ‘yun dati.

    Noong nagdesisyon po ako mag kandidato alam niyo naman huling huli na. Hindi pa po tayo handa, maraming wala sa atin ngayon, kulang po ‘yung ating resources, kulang po ‘yung ating makinarya. Sabi ko po kay Sen. Kiko noong inaaya ko siya mag-VP sa akin, sabi ko Senator ang laban na ‘to para sa tama na lang pero wag tayong mag expect ng kahit ano. Tingin natin magiging malungkot ‘yung kampanya. Pero baliktad po ‘yung nangyari.

    Ito na po ‘yung pinakamasayang kampanya para sa amin dahil po sa pagmamahal na nakikita namin galing sa inyong lahat. Marami po sa inyo- marami po sa inyo nagsasakripisyo ng oras, naglalaan ng pagod, nagpapa print ng tarpaulin, nagpapalugaw, nag mo-motorcade, nakikita ko pa po sa Facebook ni Councilor Berns mayroong mga sumasakay sa jeep para kumbinsi– sa ‘yung libreng sakay na ng– parang kayo ‘yung pinakaunang gumawa nito. ‘Yung libreng sakay tapos nangungumbinsi pa kayo sa mga nakakausap ninyo. Pambihira po ito. Pambihira po siya dahil dati gagawin lang ito ng campaign team kung sinabi ng kandidato. Ngayon wala pa kaming sinasabi, ang dami niyo ng ginagawa.

    Ako po very very grateful ako sa pagmamahal ninyo. Pero tingin ko po kaya ganito kayo ka invested, kaya po ganito kayo ka desidido, hindi lang po dahil sa pagmamahal niyo sa akin pero ‘yung mas malaking dahilan ‘yung pagmamahal niyo sa ating bayan.

    ‘Yun po yung nakakapag iba sa eleksyon na ito. Pag tumingin tayo, tayo pong mga over 50 na nandito, kaunti lang tayo, karamihan mga bata. Magandang senyales po ‘yan. Dahil sa kasaysayan po ng buong mundo, halos lahat ng pagbabago nagsisimula sa mga kabataan.

    Kanina nag cha-chant tayo ng “gobyernong tapat angat buhay lahat,” pero anong gustong sabihin noon? ‘Yun po ay isang pangako. Pag eleksyon kasi ‘yung mga kandidato lahat mangangako, pagandahan ng mga plataporma, pagandahan ng mga pagsasalita, pero ang pinakamahalaga po nito, hindi ‘yung kagandahan ng plataporma kasi ‘yun madali ‘yung gawin, pero ang pinakamahalaga, resibo. Pag sinabi sa inyong mahal ko ‘yung mahihirap, pag eleksyon po lahat ng kandidato mahal ang mahirap. Ano ‘yung hahanapin niyong resibo, noong wala pang eleksyon paano niya ipinakita ‘yung pagmamahal niya sa mahirap.

    Pag sinabi niyang, pag binotohan niyo ko, magsisipag ako, ano ‘yung resibo? Papaano siya nagtatrabaho kung walang eleksyon? Pag sinabi kong galit ako sa korapsyon, ano ang resibo? Fake news naman 'yang sinasabi mo. Pero sa akin nga, ano ang resibo pag galit ka sa korapsyon? Sa amin po, pag sinabi naming mahal ko 'yung mahihirap, makikita niyo may eleksyon walang eleksyon, hindi lang po kami namimigay ng bigas pero sinasamahan namin 'yung ating mga kababayan sa pinakamahihirap na pinagdadaanan nila. Pag sinabi kong sinasamahan, hindi lang po 'yun natatapos sa pagbigay ng ayuda. Pero 'yung paghawak po ng kanyang kamay, hanggang makaahon siya sa pinagdadaanan niya.

    Ang pinaka-epektibo pong programa para sa mga mahihirap, hindi 'yan nag-uumpisa sa pagbasa lang ng report. Ang pinakamaayos na mga programa sa mahihirap, nag-uumpisa pag ang lider mismo binisita ka, pumunta sa 'yo, nakipagkwentuhan sa'yo, inalam kung ano ang problema mo at nakinig nang maayos. 'Yun po 'yung pagmamahal. Hindi 'yung hindi magpapakita kung walang eleksyon, pag merong eleksyon biglang magpapakita magsasabi na mahal ko 'yung mahihirap.

    Pag sinabing galit ako sa korapsyon, kami po meron kaming resibo. Sa panunungkulan po namin sa Office of the Vice President, sunod-sunod 'yung aming recognition galing sa Commission on Audit sa COA. Na unqualified 'yung opinion, pinakamataas na credit rating ibinibigay sa amin. Gustong sabihin, malinis, walang bahid ng korapsyon, pinapangalagaan ang pera ng bayan. Kaya pag sinabi po namin sa inyo na ang aming pangako magigigng matapat ang aming gobyerno, marami kaming resibong mapapakita.

    May nag-research dito, sabi nila ISO, ISO din daw. 'Yun 'yung pinakauna naming ginawa. Pero ito po, bakit mahalaga, bakit po mahalaga na ang gobyerno matapat? Kasi pag ang gobyerno matapat, unang-una 'yung kaunting pera na nasa kaban ng bayan ay magagamit nang tama. Alam naman natin na bilyon-bilyon ang nawawala sa pera natin sa korapsyon, eh 'yung bilyon na 'yun nakapatayo na sana ng mga bahay para sa mga walang bahay, nakapa-aral na sana ng mga walang pambayad ng tuition, nakapagamot na sana sa may mga sakit na walang pambayad sa gamot. Pero pag pinangalagaan natin ang pera ng bayan, ito 'yung sasagot sa mga kahirapan na pinagdadaanan ng ating mga kababayan.

    Sa Office of the Vice President po, kaunti ang aming budget. Pero dahil naipakita po namin na matapat kami, marami 'yung tumitiwala sa amin. Tuwing may bagyo, kami 'yung halos pinakauna na nakakabisita sa mga binagyo. Meron po kaming mga programa na mga pabahay, nagpapagawa po kami ng mga dormitories sa mga public high schools para 'yung mga estudyante ay hindi na naglalakad nang napakalayo. Nagbibigay po tayo ng mga pangkabuhayan, mga pangmatagalan na tulong para sa mga nahihirapan. Papaano namin nagagawa 'yun na kaunti lang 'yung aming pondo? Nagagawa po namin 'yun dahil marami sa ating tumutulong na mga private citizens.

    Nagawa po namin 'yung mga programa namin sa COVID dahil andami nating volunteers. Ang iba ngang volunteers natin nandito pa kasama natin ngayong gabi eh. Pero bakit kayo nagvo-volunteer? Bakit kayo nagdo-donate? Dahil gusto niyo naman palang tumulong, gusto niyo lang siguruhin na 'yung tulong ninyo ay napupunta nang tama. 'Yun po 'yung klase ng gobyernong inaalay natin sa inyo na hindi sosolohin ng pamahalaan 'yung problema, pero mai-inspire 'yung ating mga kababayan na tumulong dahil pinagkakatiwalaan niya ang kaniyang pamahalaan.

    Ang amin pong mapapangako sa inyo, isang klase ng leadership na matino at mahusay. Hindi lang matino at mahusay, matino, mahusay at may puso. Pero, alam po natin na mahirap 'yung pinagdadaanan natin ngayon na laban. Marami pa po tayong ihahabol. Kaya ang tanong ko nga sa inyo, sabi ni Mayor 87 days na lang, sabi ni Mayor marami tayong gagawin, willing ba tayo na sa next 87 days gagawin natin 'yung lahat para mag-reach out sa mga kababayan natin, kaya ba natin 'yun? Pero sa pag-reach out, magiging effective lang tayo pag hindi tayo nakikipag-away.

    Alam ko na marami sa inyo nakikipag-away kasi napipikon na din dahil sa fake news. Pero, ang pinakamabisang panlaban sa fake news ay katotohanan. Hindi kailangan makipag-away, pero pag may nakita tayong kasinungalingan, bigyan ng resibo ng katotohanan. Kung kaya po natin 'yun gawin in the next 87 days, mananalo po tayo. Wala pong imposible. Pangatlong laban ko na po ito, 'yung unang naging dalawang laban ko napakahirap din at alam niyo 'yun. 'Yung laban ko po noong 2013, walang nag-aakalang may pag-asa ako dahil kaka-biyuda ko lang po noon. Ang kalaban ko, napaka-powerful na politiko sa amin pero nanalo po ako by a landslide.

    Nanalo ako dahil sinipagan ko. 'Yung 2016, alam po ito ni Mayor Calex saka ni Mayor Baby. Mahirap din 'yung laban ko. Ang kalaban ko po limang senador na lalaki, nag-iisa akong babae at ako 'yung baguhan. Grabe memorize ninyo. Noong nag-umpisa po ako from the deep of fighting, pang-anim po ako sa anim na mga kandidato dahil ako 'yung hindi pinakakilala pero sinipagan po natin. January po ng 2016, pang-apat pa lang ako sa anim na kandidato, nag-improve naman ng dalawang ranks, pero nanalo po tayo.

    Ngayon, totoong mahaba pa 'yung lalakbayin natin pero pangalawa na tayo. 'Yung nakita ko pong init ng pagtanggap ninyo sa akin dito, kung magamit natin sa tama 'yung ating pagkadesidido, mananalo po tayo. Kaya po ako, hindi po ito 'yung huli na bisita ko dito sa inyo. Babalik po kami dito sa Laguna, kasama po namin 'yung buong slate, iikot po tayo sa lahat ng mga lugar dito sa Laguna, sasamahan niyo kami pero bago kami bumalik marami po tayong assignment. Ang tiwala ko po nasa inyo kasi noong una, wala pa nga kayong assignment ang sisipag niyo na. Pero ngayon na may assignment na tayo, papaalalahanin ko lang, ano 'yung assignment? Patuloy na mag-reach out sa mga kababayan, magmahal ng radikal. Pag nagawa po natin 'yun, siguro ang pangatlo kong bisita dito, victory party na.

    Maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayong lahat. Maraming maraming salamat ulit. Ito lang po, bago po ako bumalik sa Maynila, meron akong isa pang request. Pwede bang tumayo lahat? Kakanta po tayo ng Happy Birthday kay Mayor Baby.

    [END 00:21:26]

     

     

    Posted in Transcripts on Feb 11, 2022