This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Sa Piling ng Laylayan: Prayer Vigil and People’s Assembly, San Pablo Apostol Parish, Tondo, Manila

    Message of Vice President Leni Robredo at Sa Piling ng Laylayan: Prayer Vigil and People’s Assembly, San Pablo Apostol Parish, Tondo, Manila

    [START]

    VP LENI: Okay. Maraming salamat. Ang akin pong pagbigay galang sa atin pong Vice President, Senator Kiko Pangilinan. Kasama din po natin ngayong hapon ang atin pong senatorial bet, Attorney Sonny Matula. Kasama din po natin representative ni Senator Leila De Lima. Kasama din po natin mga magkakaklase po kami sa Kongreso, Congresswoman Sandy Ocampo ng Manila at Congressman– parati akong nagkakamali sa palayaw ni Congresswoman, ayokong magkamali ngayon– Congressman Atong Asilo. Noong nasa Kongreso po ako, boss ko siya. Sa isa pong committee, siya 'yung aming chairman kaya napakapalad ng Manila. Maraming salamat din po sa imbitasyon, San Pablo Apostol Parish Council and Volunteers. Maraming salamat din po sa St. John Bosco Parish sa pangunguna po ni Father Carandang. Maraming salamat din sa Santo Niño Parish, sa pangunguna po ni Father Leo Casas. Maraming salamat sa RPC Tondo saka Solid Leni Pilipinas, Youth Vote for Leni-Kiko Manila, Tondo for Leni-Kiko, Team Leni Robredo, saka 'yung mga representatives po kanina na nagbigay sa atin ng regalo.

    'Yung mga representatives po ng mga mangangalakal, mga representatives ng mga drivers, mga representative ng mga estibador, mga representative ng mga kargador, at iba pa pong mga manggagawa mula sa Baseco, sa Tondo, sa Navotas at sa Malabon. 'Yung iba pa pong sectors na nandito– oo tatapusin po muna natin 'yung ating mensahe. 'Yung iba pa pong mag sektor na kasama po natin ngayon, 'yung mga kabataan, LGBTQIA+, 'yung mga health and barangay warriors– mamaya baby, magpapa-picture tayo– 'yung mga health and barangay warriors. Ano 'yun? Alam niyo, hindi ko kayo naiintindihan kasi sumisi–[crowd replies] Sana all baby? Alam niyo, mas maiintindihan tayo pag hindi tayo sumisigaw. Noong hindi kayo sumigaw, naintindihan ko. Sabi nila, "Sana all baby," eh hindi naman kayo baby, 'yung bata 'yung baby. [crowd laughs] Talagang masakit 'yung buhay, kailangan talaga natin pagtiisan.

    Pero ako po, bago tayo magsisigaw, gusto ko lang pong sagutin 'yung mga issues na nilapit po sa atin dito sa taas. Kasi palagay ko, 'yung mga issue na ‘yun, hindi siya doon sa mga representatives lang pero 'yung nakakaapekto, lahat na sektor. Iba-iba po 'yung mga pinaabot. Halimbawa, 'yung isa po sa ating pinaabot, 'yung padyak driver. Ang sinabi po ng padyak driver, "Papaano ba kami, kasi halos walang protekson, walang benepisyong nakukuha, pero sobrang kayod naman." Meron po tayong programa, hindi lang po para sa mga padyak drivers, pati po para sa mga kargador, pati para sa mga estibador, pati para sa mga nagtatrabaho na hindi sila empleyado, 'yung mga nagtitinda, mga vendors, ano po 'yung programa natin sa inyo?

    Sisiguraduhin po natin na kung ano 'yung mga benepisyong nakukuha, gaya po ng Philhealth, gaya ng pag-ibig, na nakukuha noong mga empleyado, kayo meron din. Kailangan niyo po 'yun kasi pag nagkakasakit kayo, kailangang may masasandalan kayo. Pag gusto niyong magkaroon ng sarili na din na pabahay para sa inyo, kailangan may paghuhugutan kayo. Ito po 'yung tinatawag natin na mga informal sector. Sisiguraduhin po natin na kahit informal sector kayo, 'yung proteksyon, 'yung social protection na na-eenjoy ng iba may ma-eenjoy niyo din. 'Yun po 'yung number one.

    'Yung number two, marami pong lumapit dito. Di ko na maalala kung sino sa inyo, pero marami 'yung nagpaabot sa atin, problema ng pabahay saka problema ng i-eject na kayo, pinapaalis na. Kukuwentuhan ko lang po kayo ng sandali dahil 'yung lahat pong taon bago ako naging politko, isa po akong abogado para sa mga mahihirap at 'yung isang sektor na pinaninilbihan po natin, mga urban poor, mga manggagawa. Ano ang kadalasan na problema ng mga urban poor? Pag finile-an sila ng kaso, paminsan halos wala silang mapuntahan. Walang pambayad ng abogado, hindi naiintindihan kung ano 'yung mga proseso. Pangalawa, i-eeject na sila pero walang maayos na lilipatan sa kanila. Ang policy po natin dapat, hindi kayo i-eeject na wala pa kayong lilipatan na maayos. Pag sinabi po natin na lilipatan ng maayos, hindi lang basta-basta lilipatan, pero dapat 'yung pagkakalagyan niyo ng lugar, makakapagtrabaho pa din kayo ng maayos. 'Yung mga anak niyo, patuloy pa din na mag-aaral doon sa paaralan na pinapasukan nila, hindi kayo dadalhin sa malayo, dahil ano ang nangyayari ngayon?

    Itong mga bata, makinig kayo ha? Ang nangyayari po ngayon, pag hindi pinag-iisipan 'yung relocation, hindi niya naman nareresolbahan 'yung urban poor problem. Dahil halimbawa, nagkaroon nga ng relocation, tinanggal sa Maynila, dinala doon ang iba sa Bulacan, sa Laguna, sa Rizal, ang problema, napalayo sila sa kanilang trabaho. So anong nangyayari? Binigyan nga sila ng pabahay doon dahil walang hanapbuhay, bumabalik din, urban poor ulit. Ano po 'yung paniniwala natin? Ang programa sa urban poor, kaya po ito sinusuportahan po natin 'yung mga batas na mag-iinstitutionalize noong programa. Ang programa po natin sa pabahay, kung posible lang naman, dapat on-site. Gustong sabihin, kung saan kayo nakatira ngayon, kung kaya lang naman ng gobyernong bilhin 'yung pag-aari para mapapunta na sa inyo, dapat 'yun 'yung gagawin niya para hindi kayo naiistorbo– para po hindi kayo naiistorbo sa inyong tinitirahan. Kung imposible, dahil ang iba talaga may mga problema. Halimbawa, paminsan nasa danger zone di ba? Paminsan, hindi din maayos 'yung tinitirhan niyo kasi nalalagay kayo sa panganib. Ang pinaka-priority natin, kung hindi puwede ang on-site, dapat in-city. Alam niyo naman 'yung in-city di ba? Gustong sabihin, maghahanap ng relocation na malapit lang kung san kayo galing.

    'Yung pangatlo, madali lang sabihin na marami kaming programa para sa pabahay, madali lang 'yun sabihin. Pero ang tanong, 'yung programa ba sa bahay nasisilbihan ba 'yung pinakamahirap? Kasi paminsan, may programa nga para sa pabahay, pero 'yung mahirap na mahirap hindi niya naman kaya 'yung hulog doon na kinakailangan. Ano po 'yung dapat nating gawin? Siguraduhin natin na 'yung mga programa natin sa pabahay, okay lang naman 'yung may pabahay sa middle class kasi kailangan naman 'yun, pero dapat gumagawa din tayo ng pabahay doon sa mga walang-wala. Ang example ko po, ang opisina po namin napakaliit ng budget namin. Pero marami po kaming housing programs ngayon na libre 'yung pabahay.

    Ang example noon, example noon, noong nagkaroon po ng giyera sa Marawi, marami 'yung nawalan ng bahay. Nakapagpatayo po kami, sa isang area, sa barangay Sagonsongan, Area 7, ng mga pabahay para doon sa mga evacuees. Pero wala silang binayaran sa bahay. Bakit namin 'yun nakaya? Nakaya po namin 'yun kasi merong mga pribadong mga tao na nag-donate noong mga pabahay. Kung naaalala niyo, tinamaan tayo noong bagyong Rolly saka bagyong Ulysses, di ba naaalala niyo 'yun? Isa sa mga pinakatinamaan, Bicol. Meron pong mga tinamaan na hindi na sila puwedeng bumalik doon sa dati nilang lugar dahil ang panganib nandoon. Ngayon po, meron po kaming housing project sa Lupi, Camarines Sur, meron po sa Guinobatan, Albay, pareho tapos na, meron din sa Sagñay, Camarines Sur. Libre po 'yun.

    Bakit siya libre? Libre siya kasi 'yung ginastos natin doon, lahat donation. Bakit ko po ito sinasabi sa inyo? Dahil ito po 'yung puwede nating ipangarap pag ang gobyerno, tapat. [crowd cheers] Bakit po marami sa aming nagdo-donate? Marami po sa amin nagdo-donate kasi may tiwala sila na 'yung dino-donate nila, mapupunta talaga sa mga nangangailangan. [crowd cheers] Pag ang gobyerno hindi tapat, tingin niyo ba may mga magdo-donate? [crowd replies: “Wala!”]

    Kami po, sa Office of the Vice President, kakaunti lang ang aming pondo. Pero, napakarami naming natutulong sa iba dahil number one, pinapangalagaan namin ang pera ng taumbayan. Wala po sa aming pera ang nahuhulog sa korapsyon. Kanina may narinig kayo, nasaan na 'yun? May narinig kayo na na-operahan siya, wala silang pambayad, natulungan natin. Hindi lang 'yun, napakarami po nating natulungan na pampagamot, pampa-ospital, lalong lalo na noong may COVID. Bakit namin 'yun nagagawa na kakaunti lang 'yung aming pondo? Nagagawa namin 'yun dahil sa gobyernong tapat. [crowd cheers]

    Kaya ang aming pong pangako sa inyo: aangat lang ang buhay ninyo pag matapat ang gobyerno. Dahil, kahit pa po anong magagandang plano ang inilatag sa inyo, hindi po 'yun makakaangat ng buhay kung hindi matapat ang gobyerno. Kaya lagi po nating sinasabi: "gobyernong tapat, para angat buhay ang lahat." Halimbawa po kanina, bago po kami pumunta dito, nagkaroon po kami ng covenant signing kasama 'yung mga transport sector. Meron po doon nagsalita na isang driver ang sabi niya po: “Magsusuporta kami kay VP Leni saka kay Senator Kiko kasi noong nag-lockdown na nawalan kami ng hanapbuhay, sila lang 'yung lumapit sa amin para tumulong.”

    Ito po, pangalawang punto. Bakit mabilis kami tumulong? Bakit po lahat na sakuna nandoon kami? Bakit pag may krisis nandoon kami? Dahil wala pang krisis, wala pang sakuna, walang eleksyon, talagang babad na kami sa komunidad. Kaya ramdam namin 'yung pinagdadaanan na kahirapan. Pero, isipin niyo kung nandoon lang ako sa opisina, naghihintay lang ako ng mga report na ibibigay sa akin ng opisina, palagay niyo ba ganoon kami kabilis umaksyon? Siyempre hindi, kasi hindi namin ramdam kung gaano kahalaga 'yung mga hinihingi samin ng tulong. At kaya ko po ito sinasabi, dahil tuwing eleksyon kasi ang dami sa ating lalapit, di ba? Tuwing eleksyon ang dami sa ating lalapit maraming mga pangako.

    Tingin ko po, ang mga pangako namin pare-pareho lang naman– pangako ng pabahay, pangako ng hanapbuhay, pangako ng kalusugan, medical assistance, pangako ng magandang edukasyon. Lahat, pagandahan ng pangako. Pero, di ba, ang pinakamahalaga sa lahat, sino kaya sa amin ang tutupad ng pangako? Papaano natin malalaman kung tutuparin 'yung pangako? Tingnan natin ang track record. Ang tanungin natin: noong wala pa bang eleksyon, tumutulong ba ito sa atin? Kasi alam niyo, tuwing may eleksyon, nag-aagawan pa ng tulong, di ba? Nag-uunahan. Pero dahil may kampanya at may kailangan sa atin. Pero 'yung tanong: noong wala pa bang eleksyon, tumutulong ba? 'Yun 'yung dapat na tanong.

    Kaya ko po ito sinasabi sa inyo, dahil alam niyo naman, lalo 'yung mga kabataan, alam niyo naman ang daming fake news ngayon. Marami 'yung nakakapanood ng Youtube o Tiktok, pero marami namang kasinungalingan doon. Pero pinapaniwalaan dahil akala nila, totoo. Kung meron po tayong mga kaibigan na ganoon, na naniniwala sa mga kasinungalingan, huwag nating aawayin. Huwag nating aawayin kasi hindi naman nila alam, kadalasan, na kasinungalingan 'yun. Ano 'yung dapat nating ginagawa? Buksan ang mga puso natin, i-eksplika sa kanila kung ano 'yung katotohanan. Ang lahat na kasinungalingan, palitan natin ng katotohanan, di ba? Ito po, malapit na 'yung eleksyon. Ang eleksyon na ito hindi lang po ito laban ng mga kandidato lang. Kaya pag may nag-aaway away na kandidato, ako po, hindi ako pumapatol. [crowd cheers]

    Dahil, hindi naman po natin kalaban 'yung ibang mga kandidato. Ang pinaglalaban natin dito, ang kapwa natin Pilipino. Kaya dapat, dapat po tayo lahat, anuman, saan man tayo naka-alyado, dapat kampi-kampi tayo pag ang pinaglalaban na natin, bansa natin. Ayun, sinasabi ko 'yun dahil ang iba sa atin, nakikipag-away pa. Huwag na po tayong mapikon. Di ba may kasabihan– ang pikon, talo. Kaya sa atin, habaan natin ang pasensya. Ang isipin lang natin, pag napipikon na tayo: para kanino ba ang laban na ito? Marami po tayo ditong mga nanay, merong mga tatay. Di ba tayong mga nanay, kahit mahirap, tinitiis natin para sa ikabubuti ng mga anak natin? Di ba ganoon tayo lagi? Dapat tayong lahat, ganoon din. Kayang tiisin ang kahit ano para sa ipaglalaban natin.

    Kaya po ito 'yung pinakahuli kong pakiusap. Ang pinaglalaban natin sa eleksyon na ito, kapwa Pilipino. Ang pinaglalaban natin, ang kinabukasan ng bayan natin. Kaya po lahat ng ginagawa natin– nagha-house to house tayo, naglulugawan tayo, sasama tayo sa rally. Dapat ang kinatapusan nito lahat, hindi dahil kalaban natin 'yung ibang kandidato, pero dahil pinaglalaban natin ang bayan natin. [crowd cheers] Ayan, naintindihan?

    HOST: Correct.

    VP LENI: Oh, correct, naintindihan. So, sundin natin, di ba? Kaya ako po, ako po, nagpapasalamat ako, kahit medyo biglaan ito, nandito kayo. Maraming salamat. Pasensya na po kayo, hindi po kami makakatagal kasi may susunod po kaming okasyon sa Quiapo. Kaya papunta po kami doon, pero maraming salamat. "Leni di ka nag-iisa." Maraming salamat po. Ayan. ‘Yung lahat ng may birthday, marami kasing may mga birthday, happy birthday din sa inyo. Bukas pa ang birthday ko kaya– Ayan. Ito, ito. Sandali lang, ha? Babasahin lang natin ito kasi mahalaga ito. "Nawa'y lumaki ang iyong mga anak at apo, tulad ng taong iboboto mo sa Mayo a-nuebe.” Di ba napakaganda? Ang iboboto mo dapat 'yun 'yung gusto mo ang mga anak mo maging.

    Kaya maraming, maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 22, 2022