This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Sagay City Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Sagay City Rally
    Government Center, Sagay City, Negros Occidental


    [START 0:00:00]

    VP LENI: Magandang umaga Sagay! Magandang umaga Negros Occidental. Umuulan umaaraw, napaka-taas pa din ng energy. Hanggang mamaya ba 'yan sa Bacolod? Ayos, magkikita-kita tayo doon. Pero bago po ako magpatuloy, ang akin pong pasasalamat sa napaka generous introduction, palakpakan po natin. Cong. Bebo Cueva, maraming salamat po. Maraming salamat din po sa ating minamahal na mayor, palakpakan po natin, Mayor Thirdy Marañon saka 'yung buong Marañon family kasama po natin ngayong umaga. Palakpakan din po natin, matagal na po nating kaibigan Mayor po ng Cadiz– Mayor Bading Escalante. Si Mayor Bading po kaibigan siya ng asawa ko noon pa, ayan. Palakpakan din po natin at kasama din po natin ngayong umaga, former Mayor Patrick Escalante. Nandito din po 'yung ating iniidolo, napaka tapang na babae, retired-- ayoko yatang sabihin na retired, COMELEC commissioner Rowena Guanzon, maraming salamat po. Commissioner marami kang fans. Maraming nag hahanap sa'yo ngayon. Masuwerte din po tayo na kasama po natin dito, Iloilo governor, Toto Defensor. Si Governor Bong po, kasama po natin kanina sa San Carlos City, so magkikita-kita po tayo mamaya sa Bacolod.

    Marami po akong gustong pasalamatan. "Cadiz–” Ano 'yan? "Cadiz Viejo Farmers Association," maraming salamat po. "Siwahon Farmers Association." "Filomena Camay- An Farmers Association." "Aluyan, Kaduhaan Farmers Association." "Santa Barbara Farmers Association." "Alimatoc Irrigation Association." "Alimatoc Coconut Farmers Association." Ito, iba naman ito, "Ang klase [speaks in regional dialect 2:39 - 2:41] pero si Leni [speaks in regional dialect 2:43]. Mas grabe naman ito, may hugot, "Bahala wala nobyo basta daog si Leni Robredo." Ah ito merong ibang gustong sabihin ang BBM, "Because Babae ang Mamumuno." "Inalis man ang sapatos, degree naman ay tinapos." "Sa gobyernong tapat, nasa iyo na ang lahat,” oh, “KathNiels for Leni-Kiko." "Aattend ng caravan pero hindi hihingi ng limang daan." Ayan, "Let's paint this world Pink." "Leni-Kiko panalo na sa Cadiz City," maraming salamat. "Pag si VP Leni ang presidente, aabante ang kapwa babae." Ito 'yung maganda, "Basta maka-Leni, guwapa." Maraming salamat. "Kulay rosas ang bukas– [inaudible 3:59]" Maraming salamat. "Napaka-ganda," maraming salamat po.

    Baliktad na ang mundo ngayon, hindi kandidato ang nagreregalo, supporters na ang nag-reregalo. Ano ito? "Ang iba tatakbong presidente dahil sa langgam Ant-man, pero masipag ang langgam parang si VP Leni lang." "The future is female." "Psychology for Leni." "Mabuti pa ang cylinder, graduated." "Mga hindi ka-OT OT for Leni." "Gobyernong [speaks in regional dialect 4:47 - 4:58] hindi kami bayad." "Son of laborers for Leni." "Di naman ako– di naman ako buntis, pero nagke-crave ako ng babaeng presidente." "No to cancel culture, pero na-cancel ang bus namin," parang hindi naman daw. "Let Leni lead the prayer and the nation," maraming salamat. "Makulimlim man ang panahon, kay Leni tiyak tayo ay aahon." Ay meron dito nag-absent, "VP Leni, pa-picture, proof lang kay teacher." "Aayaw sa takong, hindi sa tanong." "My dignity is not worth of any money." "Folk dancers for Leni." "Hashtag re-speak my opinion." "Credentials at track record ni Leni ay maganda, tulad ni Jillian, Tricia, at Aika." "Lugaw hindi nakaw." "Um-absent sa trabaho para makita ang susunod na pangulo." "Hindi kami bayad, 'di tulad ng–” ano? “‘Di tulad ng iba diyan, 'di nagbabayad ng tax," hala ka. "VP Leni can I take picture with you as my resibo to my habibi my love?" Ayan may pangalan ang my love, "[Anna Barebe– Anna– Baliebe." "VP Leni– I love you VP Leni." "[inaudible 6:45] palangga si Leni." "Ma'am Le–" ay ano ito? Hindi ko po nakita 'yung– “Team Leni [inaudible 6:52] and Leni prayer warriors, see you in Malacañang." "Saranghae VP Leni–” hindi ko po nababasa 'yung maliit. "Sa gobyernong tapat, angat buhay ang lahat," maraming salamat. "Negrenses can't be fooled." "Leni for you, you for me." "Mga waley pink shirt for Leni." Nako, "Ang youth ni Leni ay para lang–" ay ano, "Ang youth ni Leni ay para lang sa youth ni Leni," oh talagang naghahanap ka ng kakampink na jowa." Nabasa ko na 'yan. "NBSB, No Boyfriend Since Birth for Leni." "VP Leni, mas mahal ka pa ng asawa ko kaysa sa akin," hindi naman. Hindi naman siguro, sino ba 'yung asawa mo? Sabi niya, "No problem, basta ikaw, deserve," grabe, salamat sa asawa mo ah, saka salamat sa'yo for being very understanding. "Kathniel and Kathniels for Leni-Kiko." "Walang laman na fifteen billion pesos." "Potterheads for Leni." "Engineering students for Leni-Kiko." Ano po 'yun? "Ang panalangin– ang panalangin mo ay panalangin din naming mga taga– Negrosnon. TLR Cadiz," maraming salamat po. "Furenarya [inaudible 8:27] Cadiz supports Leni-Kiko," maraming salamat. Ano ito, si– "Sisitabi? para sa malinaw, may puso, at dapat na– at tapat na pamumuno ni mama Leni." Maraming salamat. Ang taga-Central– "ang mga taga-Central Lopez kay VP Leni always". Sorry ha, hindi ko nakikita 'yung malalayo pasensya na kayo. "Si Leni and Kiko ang love ko pero lalaki nga naka-pink ikaw gidya ang bet ko." Naghahanap siyang lalaking naka-pink. Baka may gustong mag-apply. "Minors for Leni." 'Yung mga minors na hindi pa puwedeng bumoto puwedeng kumampanya. Sandali a, "North Star Value Crops Workers' Association.", "4H Club Sagay City". Maraming salamat po. "Mayubon Supporters for Leni". Ayan, "Escalante City for Leni-Kiko", "Doctors for Leni", maraming salamat!

    Ayan, alam niyo po kaya ko binabasa? Kasi kakaiba talaga 'yung eleksyon na ito. Napansin niyo ba? Kakaiba 'yung eleksyon na ito kasi talagang pinagpapaguran ng mga supporters hindi lang ang mga placards pero lalo na 'yung pagkampanya. Hindi pa man kami nakakarating dito marami na sa inyo ang nagsasakripisyo para makatulong. Bakit ganyan kayo ka-invested? Hindi lang ito dahil mahal niyo ako, hindi lang ito dahil ako 'yung mas gusto niyo na iboto pero alam niyo na ang ipinapakipaglaban natin ang inyong kinabukasan. Alam natin na ang eleksyon na ito hindi lang pagtatalo ng mga politiko. Pero alam natin ang eleksyon na ito napakahalaga dahil dito natin pipiliin kung anong klaseng pamamahala ang mangyayari sa bayan natin in the next six years.

    Marami tayo ngayong problema: napakataas ng presyo ng gasolina, napakataas ng presyo ng mga bilihin, para sa mga magsasaka, napakataas ng presyo ng abono. Pero kung magkamali tayo sa eleksyon wala naman tayong kailangang asahan na pagbabago. Maraming mga kabataan ngayon, sobrang involved. Pag tinatanong halos lahat nagsasabi, "Ayaw na namin sa bulok at luma na klase ng politika".

    Pareho naman po tayong kagustuhan. Alam po natin na pag walang magbago sa ating pamumuno, walang pagbabago sa politika, wala naman tayong aasahan na pagbabago sa buhay ng bawat Pilipino. Ngayon po panahon ng eleksyon. Marami ang manliligaw sa inyong mga kandidato. Marami 'yung pupunta dito sasabihin, "Mahal ko kayong mga taga-Negros." Pero pag nagsabi silang "Mahal ko kayong mga taga-Negros," dapat tanungin niyo "Papano mo pinakita sa amin 'yung pagmamahal mo noong wala pang eleksyon?" Kasi kadalasan naaalala lang tayo pag may eleksyon.

    Ako po noong 2016, tinulungan niyo ako ng malaki. Kaya maraming-maraming salamat. Pagkaupo na pagkaupo ko po, gumawa na kami ng mga proyekto dito. Pinakauna pong bayan na tinulungan namin, Hinuba-an. Ilang beses po akong bumalik sa Hinuba-an. Nagkaroon po tayo doon ng mga feeding program, mga livelihood programs, ng pagpapatayo ng mga classrooms.

    Pagkagaling po ng Hinuba-an, meron po tayong mga programa sa Himamaylan, meron po tayo sa Murcia. Pag meron pong pandemic– noong nagkaroon po ng pandemic, nagpapadala po tayo dito on a very regular basis ng tulong, pagka’t may mga PPE sets, mga medical supplies. Dito lang po sa distrito niyo, patuloy po 'yung pagpadala natin sa Cadiz District Hospital, sa Alfredo Marañon, Sr. Memorial District Hospital, saka sa Lopez District Hospital.

    Noong tumama po 'yung Typhoon Odette, dalawang beses po ako bumalik dito sa Negros. Pumunta po tayo sa Kabangkalan, sa Himamaylan, sa Cauayan, sa Sipalay, para po mag-relief operations saka rehabilitation operation. Ngayon po tumutulong tayo sa pagpagawa ng mga bahay doon sa Sipalay.

    Ang pagmamahal kong pinapakita natin hindi sa salita kundi sa gawa. At tayo pong mga botante 'yung dapat 'yung hihingiin natin sa bawat manliligaw sa atin. Pag sinabing "Ayaw ko sa korapsyon", papano pinakita? Kami po sa Office of the Vice President, pinakita po namin ito sa COA Audit Report. Tatlong magkakasunod na taon, kami po nakakakuha ng highest COA Audit Rating. Pagpapakita na kahit kakaunti 'yung aming pera, pinapangalagaan po namin 'yung kaban ng bayan. Kahit po maliit 'yung budget namin marami kaming natutulong dahil inaasikaso po namin 'yung pera ng bayan na walang mahuhulog sa korapsyon.

    Kaya pag sinabi po naming "Magiging matapat ang gobyerno," meron na kaming resibo. Dahil kami po ni Senator Kiko sa mahabang panahon ng panunungkulan kahit po isang beses hindi kami nadawit sa katiwalian.

    Kaya po bawat pupunta dito, pag sinabing "Ayoko sa korapsyon," hinigian niyo ng resibo. Pagsinabing "Aasikasuhin ko 'yung mahihirap," tanungin niyo kung papano pinakita 'yung pagmamahal sa mahihirap. Pag wala pong korapsyon, talagang aangat ang buhay ng lahat kasi mapapangalagaan natin 'yung pera ng bayan.

    Sino ba dito sa inyo ang first-time voters? Marami. Sa first-time voters, kahit hindi first-time voters, pangalagaan po natin 'yung boto natin dahil 'yan 'yung kapangyarihan natin. Pag tayo po nagkamali sa eleksyon, magdudusa na naman tayo ng anim na taon. Kaya ito po ngayon mataas 'yung energy pero meron pang 59 days bago mag-eleksyon. Kaya ang tanong ko po sa inyo, kaya pa ba 'yung energy for the next 59 days?

    Kung tayo po ay lalabas sa mga kinasanayan, mangungumbinsi in the next 59 days, mananalo po tayo. Ngayon nandito kayo sana mamaya makasama pa din namin kayo sa Bacolod. Mamaya po magse-celebrate tayo. Bakit tayo magse-celebrate? Tingnan niyo po 'yung mga katabi niyo iba-iba 'yung tshirt niyo. Iba-ibang design, iba-iba 'yung kulay, iba-iba 'yung tarps, ang iba gawa lang, iba-ibang gimik. Ang ise-celebrate natin, kahit magkakaiba tayo iisa lang ating hangarin para sa bayan natin.

    At papatunayan po natin sa lahat na ang kapangyarihan nasa kamay ng ordinaryong Negrense. Na pag pinakita po natin ang ating pagmamahal sa bayan sa paraan ng pagboboto ng tama, mapapakita po natin sa kanila na ang kapangayarihan nasa atin. Kaya handa na ba tayo? Pag handa na tayo, magkikita po tayo sa susunod. Baka victory party na.

    Maraming salamat, mabuhay po kayong lahat!

    [END 17:14]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 11, 2022