This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Santiago City Volunteer Center

    Message of Vice President Leni Robredo at the Santiago City Volunteer Center
    Santiago Sambayan Headquarters, National Highway,
    Dubinan West, Santiago City, Isabela

    [START 00:00:00]

    VP LENI: Magandang hapon, magandang hapon po sa inyong lahat. Mula po noong dumating ako sa Santiago, ginugulat niyo ako. Actually po, noong sina-suggest ni Cong. Presley na magkaroon ng motorcade, sabi ko po baka hindi advisable kasi baka tapunan kami dito ng kamatis o itlog pero nagulat po kami kasi mas marami 'yung natutuwa na nakita kami. Kaya po, maraming maraming salamat sa inyo. Actually po, pasalamat po kay Cong. Presley saka sa buo niyang pamilya. Siya po 'yung nagkukuwento sa amin kung ano na 'yung ginagawa ninyo dito sa Santiago. Nakikita po namin 'yung mga pictures, 'yung mga videos. Nakikita din namin 'yung mga post niyo sa Facebook ng lahat na mga activities na ginagawa niyo, at lagi po kaming nagugulat na ang lakas ng loob niyo. Dahil alam naman po natin 'yung political terrain dito, ang akala po namin, walang mag-lalakas loob dahil po noong 2016–

    [Crowd: Walang solid north!]

    VP LENI: Maraming salamat po. Actually po kaninang umaga, nasa Cagayan po kami. Meron pong dalawang mini rallies doon, ang isa po sa Tuguegarao ang isa sa Alcala, napakarami din pong tao. Inaalala ko po noong kumandidato ako noong 2016 for VP, wala pong ganito. Pag pumupunta po ako dito sa North, meron namang mga activities para sa kampanya pero hindi ganito ka-sigasig 'yung mga volunteers. Kaya sabi ko nga po, noong nag-desisyon po kami ni Senator Kiko na kumandidato, ready na kami. Ready na po kami para sa isang malungkot na kampanya. Galing po 'yun sa experience ko in the last five and a half years as a VP, sanay na sanay po akong tino-troll, sanay na sanay akong bina-bash pero siguro nakita niyo naman, na despite the trolling, despite the bashing, hindi ko 'yun hinayaan makaapekto sa trabaho ko.

    At alam niyo po pag panahon ng eleksyon, marami 'yung mangangako. Ako po, parang kinikilabutan akong mangako pero gusto ko na lang pong ipaabot sa inyo 'yung ino-offer ko na klase ng pamamahala, 'yun 'yung nakita niyo na pamamahala noong ako po Vice President. Meaning to saya, sineseryoso ko po lagi ang trabaho. Nirerespeto ko 'yung mga pinagsisilbihan ko. Gaya nga po ng sabi ko, lahat yatang paghaharang ginawa na sa akin. 'Yung budget namin, 'yung mandato namin, na-appoint po akong twice to a cabinet position, twice din akong tinanggal. Kahit saglit lang po 'yung paninilbihan ko pero 'yung siniguro po natin na hindi natin masho-short change 'yung ating mga constituents.

    Kaya pagpasok ko lang po sa Office of the Vice President, ang una ko pong inasikaso, magka-ISO certification kami. Pagpapakita na talagang gusto namin i-professionalize 'yung buong opisina, dahil paniniwala po namin, pag inayos namin 'yung pamamalakad sa opisina, mas mabuti din 'yung serbisyong ibibigay namin.

    Kaya pag sinabi po namin gobyernong tapat, meron po kaming resibo doon. Ang resibo po namin, for three consecutive years, nakuha po namin 'yung highest COA Audit Rating na unqualified opinion. Pagpapakita po 'yan– pagpapakita 'yan na pag nagsabi kaming ayaw namin sa corruption, meron kaming pruweba na ayaw talaga namin. At paniniwala po namin dapat 'yung government, service ganiyan. Ang government service, sinisiguro mo na hindi ka lang malinis pero mahusay ka din, dahil 'yun naman 'yung obligasyon mo sa mga pinapanilbihan mo. Marmai po kaming programa pero at the end of the day, programa lang 'yan, kung wala naman po kaming pruweba na gagawin namin 'yung pangako namin, wala namang magbabago.

    Pero kami po, pag sinabi naming ganito 'yung aming plano, 'yung assurance namin na gagawin namin 'yan, 'yung trabaho namin ngayon. Ang assurance po namin gagawin 'yan, ano 'yung ginagawa namin kahit walang eleksyon? Alam niyo po, 'yung ginagawa kasi ng mga kandidato dapat hindi niyo kami jina-judge pag panahon pa ng kampanya dahil pag panahon lang ng kampanya 'yung titignan niyo, parati kaming best foot forward. Pero pag sinabi naming aasikasuhin namin 'yung mga mahihirap, laging 'yung tanong, noong hindi pa ba kami kandidato, inasikaso ba namin 'yung mga mahihirap?

    Halimbawa po, dito po sa Region II, sobrang grabe 'yung talo ko dito noong 2016. Pero, papalitan niyo na 'yun. At sana, sana po sa 2022, manalo rin ng grabe. Pero kaya ko po 'yun sinasabi kasi kahit po grabe 'yung talo ko dito, pagkatapos ng eleksyon, wala sa ating political colors. Bawat sakuna na nangyayari po dito, tanungin niyo po. Tanungin niyo ‘yung provincial government, tanungin niyo 'yung city government, halos ako 'yung pinakaunang pumupunta para tumulong. In fact po, noong pagkatapos ng typhoon Ulysses, kung naalala niyo 'yung grabeng baha sa Cagayan, 'yun po 'yung pinakahuli kong punta dito. Pumunta po ako dito noong 2020, December 2020 paara po mag-relief operations kami, dito mismo sa Santiago City. At ano ito, hindi lang 'yung– hindi lang na pumunta ako one time pero nag-iwan po kami ng team dito para kahit wala na ako, tuloy-tuloy 'yung relief operations. Meron po kaming team dito sa Isabela, meron po kaming team sa Cagayan para tuloy-tuloy 'yung relief operations. Maraming hindi nakakaalam kasi nagtatrabaho po kami very quietly lang naman. Pero kaya ko po siya kinukuwento sa inyo kasi naging gawi kasi sa politika na pag hindi ka tumulong, hindi ka rin tutulungan. Pero sa amin po pagkatapos ng eleksyon, wala nang politika sa amin.

    In fact, halimbawa po grabe din 'yung talo ko sa Mindanao pero karamihan po sa mga programs namin nandoon dahil nandoon din 'yung karamihan sa mga mahihirap na mga communities. So, ako po, 'yung pinakamensahe ko lang, ano ba 'yung klase ng pagmamahal na mai-expect ninyo under a Robredo Presidency? How come– ang maaasahan niyo pong pamamahala unang-una malinis. Pangalawa, very professional. Pangatlo, wala po kayong makikitang mga transaksyon. Ang end po ng transaksyon hindi lang sa korapsyon pero 'yung mga transaksyon sa politika.

    Ang mga ia-appoint po natin na mga tao hindi politika 'yung basehan, hindi utang na loob 'yung basehan. Ang sisiguraduhin ko po sa inyo, level playing field para sa mga negosyante. Walang pabo-paborito, hindi niyo kailangan– hindi po kailangan na ano ito, mamalimos 'yung mga mahihirap sa pamahalaan dahil sisiguraduhin natin na may dignidad sila. Kung ano 'yung kinakailangan nila, may programa ang pamahalaan para sa kanila.

    Hindi po tayo naniniwala sa patronage politics. Ang paniniwala po natin, pag tayo ay ma-elect babaguhin natin 'yung mukha sa kalakaran ng politika. Pag sinabi po natin 'yun, lahat na pinapaniwalaan natin, ako 'yung mangunguna. Kaya po pag sinabi natin na kontra tayo sa pami-pamilya, kontra tayo sa parang isang business enterprise lang 'yung politika, ako po mismo 'yung mangunguna. Ipapakita ko sa inyo na seryoso ako sa aking gagawin.

    Pag sinabi po natin na magsisipag 'yung gobyerno, ako mismo 'yung magiging pinakamasipag. Pag sinabi ko pong walang korapsyon sa pamahalaan, ako mismo 'yung mangunguna na walang kahit anong anomaliya 'yung madidikit sa aming pangalan. For a very long time, marami tayong reklamo, di ba? Marami tayong reklamo sa politika, marami tayong problema sa pamamahala. Ito pong eleksyon na ito, ito 'yung pagkakataon natin na baguhin. Ang kapangyarihan nasa kamay natin lahat. Ang kapangyarihan po wala sa mga politiko. Ang kapangyarihan nasa inyo kaya hindi po-- karamihan po ngayon na tumutulong sa atin mga bata. Karamihan, first time voters.

    Pero sa mga first time voters pong nandito, ang pakiusap lang po natin hindi enough na nag-aattend lang tayo ng mga rally na ganito. Dapat magtrabaho tayo. Marami po sa mga first time voters, ang magulang nila iba 'yung paniniwala sa politika. So, 'yung una niyong assignment, kumbinsihin 'yung inyong mga magulang.

    Ang una po nating assignment, ang kukumbinsihin natin 'yung mga taong malalapit sa atin. Pero pag sinabi po nating mangungumbinsi, hindi po tayo makikipag-away dahil kung makipag-away po tayo wala sa ating makikinig. Kumbinsihin po natin hindi tayo– hindi natin sisiraan 'yung iba. Pero 'yung pagkumbinsi natin ipapakilala kung sino 'yung binebenta ninyong kandidato sa kanila. Kasi kadalasan naman po 'yung mga ayaw sa akin, ayaw sa akin dahil naniwala sa fake news na nasa Youtube. Naniwala po na nasa fake news sa Tiktok.

    Halimbawa po, kung anu-ano na po 'yung sinabi sa akin. Di ba, lugaw, bobo, lutang? Meron pong pinakabago, nabasa po namin ito noong nasa Bacolod kami. Asawa daw po ako ng dating NPA. Pero kaya ko po kinukuwento sa inyo kasi paminsan kahit sobrang ridiculous na mga kuwento, pinapaniwalaan pa din ng tao kasi ang iba wala pong luxury na wala silang access sa maraming impormasyon. Kaya tayo dapat maging understanding tayo niyan. 'Yung mga naniniwala hindi kaagad natin ija-judge kasi karamihan sa kanila hindi kasing privilege ninyo na marami kayong access to information.

    So sa atin po, pagtulung-tulungan natin. Meron pa po tayong 58 days from today. So, magtatrabaho po tayo ng maayos. Actually po, ang daming nangyayari ngayon na hindi namin inaasahan ni Senator Kiko. Ngayon po kahit saan kami pumunta talaga pong 'yung tao nagkukusa mag-organize, nagkukusang maggrupo.

    'Yung conventional pong pagkakampanya kung ikaw ang kandidato, ikaw 'yung magpaplano ng lahat. Ikaw 'yung mago-organize ng supporters mo para magkampanya sa iyo. Ikaw 'yung magpapa-imprenta ng mga tarpaulin. Ikaw 'yung magpapagawa ng mga tshirt. Ikaw 'yung magse-setup ng mga headquarters. Alam niyo naman na ngayon baliktad, di ba? Baliktad ngayon kasi volunteers lahat. Volunteers 'yung nagpapa-imprenta. Ito pong headquarters ninyo–

    [crowd chants: Hindi kami bayad!]

    VP LENI: –Hindi lang sa hindi bayad pero abonado, di ba? Kaya kami 'yung maraming utang sa inyo. Pero 'di ba pagpapakita 'yun ng pag-asa. Kung ang tao 'yung kusang nagpapagod, tao 'yung kusang gumagastos. Anong gustong sabihin? Na handa kayong lumaban para sa kinabukasan ng mga anak natin. Kaya ngayon po–

    [crowd cheers: Walang solid north!]

    VP LENI: Meron pong kasabihan, merong kasabihan, na sa kasaysayan daw ng buong mundo, lahat ng mga matitinding pagbabago sa kabataan nag-uumpisa. Kaya ito, hindi dahilan ang inyong pagkabata. Gustong sabihin, nasa inyo ang potensyal to create transformation sa lipunan natin, kaya sana 'wag natin itong sayangin. Pero ako po, hindi po tayo magtatagal kasi tinitignan ko 'yung mga pinapadala sa aking pictures, ang dami nang tao sa Echague. Kaya pupunta na po tayo doon, sana sumunod kayo doon. Sama kayo sa amin, o mag-ano na, mag-convoy na tayo papunta doon.

    Pero ito lang po, gusto ko lang na-- baka kasi mamaya wala nang buwelo, pero ngayon po gusto ko nang ipaabot sa inyo kung gaano namin pinapahalagahan, kung gaano namin na-aapreciate 'yung lahat ng ginagawa ninyo. Alam ko po napaka-laking sakripisyo on your part. So, maraming maraming salamat.

    "Dating Marcos Apologist for Leni." "Mga 'di kami bayad na volunteers." Ano ito? "Daig ng masipag na babae 'yung tamad na lalaki." Magagalit sa atin 'yung mga lalaki dito. "VP Leni, tubig ka ba?"

    [crowd: Bakit!]

    VP LENI: "Dahil ikaw ang dumilig sa tigang naming pag-asa." Ayan, bata 'yung may hawak, "Ang suwerte ko dahil kay Leni ang boto ng nanay at tatay ko." Ito din, "Dating BBM supporter for Leni," maraming salamat. "Solid North daw ang Isabela–" kaibigan ko si Gov. Ano lang tayo, peace lang tayo, peace. "Kami ang resibo na walang solid north." Ano ito? "Mga favorite child for Leni, P.S. Jillian in our hearts," nako magtatampo si Aika saka si Tricia. Lahat ko naman sila favorites. "Future CPA lawyers for Leni." "VP Leni pagod ka na sa 18 hours, umupo ka naman ng six years."

    Alam niyo, hindi ako napapagod. Kung bakit hindi ako napapagod, mula, kailan ba? Noong Tuesday, ano na bang araw ngayon? Sabado. Noong Martes, nasa Surigao del Sur and del Norte kami. Noong Wednesday nasa Agusan Sur saka Agusan Norte kami. Noong Wednesday nasa Romblon kami. Thursday– ay oo nga, Friday nasa Bacolod kami. Ngayon nandito kami. Mula Tuesday hindi pa kami nakakauwi sa mga bahay namin. Ang schedule namin mula ala-sais ng umaga hanggang hating-gabi. Pero alam niyo kung bakit hindi kami napapagod? Nagru-rub off sa amin 'yung energy ng mga volunteers. Lahat talagang pinupuntahan namin masasaya, kaya maraming salamat sa inyo.

    "PWDs for Leni." "Lawyers for Leni." "PHILRECA babies for Leni," maraming salamat sa PHILRECA. Grabe 'yung– ano ito? "Balaeng– Balaeng Leni– Balaeng Leni, Balaeng Kiko," bakit balae? O sige nga, kayo nga, kayo nga mag-judge, mga may asim pa daw for Leni. Thank you po, thank you. "Negosyante for Leni," thank you. Ano ito? "Sangkabaklaan for Leni-Kiko." "Ongoing classes ko pero present for Robredo." Oy pero mga bata, 'wag kayo mag-aabsent ah. Kasi ang sukat daw kung good influence ako, kung 'di ko kayo– hindi kayo nagiging masama dahil sa akin. Ayan, "PISAY for Leni-Kiko," maraming salamat. "Hope peddlers for Leni." Ayan, "'Di kami bayad volunteers." "VP ang dami mo namang alam, bakit 'di ka pa maging presidente." Ito, "Manay Leni, hali sa solid Leni Cavite, Isabela kami," kababayan ko ito. "Galing baaw Camarines Sur," maraming salamat. "PHILRECA," maraming salamat. "Baka naman pa-picture," of course! "Sa inyo– sa inyo na si Ant-man–" ano ito? "Basta iboboto namin si Wonder Woman." "Absent sa work. Sulit," sana hindi ka bawasan ng suweldo. Pero thank you very much po. "Girls never lose." "Ilokano ako, Pilipino ako, Kay Leni ako." "Pink Maroons." "Mga guwapo for Leni."

    Ayon, maraming salamat sa inyo. "Mga umabsent sa work for Leni." "Pa-picture po para ipakita ko lang sa boss kong maka-Leni." Ayan, picture tayo. "Working students for Leni." Ano 'yun? Puwede bang pabasa kasi malayo. Ano 'yun? "Jabee?" 'Jabee for Leni-Kiko," maraming salamat. "Doctors for Leni," maraming salamat sa doctors for Leni. "Sabi ng mama ko, presidente na daw ang tawag ko sa iyo." Thank you.

    Ito, magpapaalam na po ako. Sabay sabay tayo. 'Yung mga gustong sumabay sa amin, sabay sabay na tayong pumunta sa Echague. Pero maraming maraming salamat. Sana po makabalik pa kami dito. Maraming salamat.

    [END 20:39]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 12, 2022