This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Solid Leni Kiko Assembly of Supporters in Bulacan

    Message of Vice President Leni Robredo
    at the Solid Leni Kiko Assembly of Supporters in Bulacan
    Beside Covered Court, Brgy. Minuyan IV, San Jose Del Monte City, Bulacan

    Abeya 0:10:04 to 0:20:44

    VP LENI: Maraming Salamat. Kumusta kayo? Ayun nakakagulat naman, ang aga-aga nandito kayo lahat kaya maraming maraming salamat. Bago po ako magpatuloy, ang akin lang pong pagbigay galang sa atin pong mga Barangay Captains na kasama po ngayong umaga, sa pangunguna po ni Barangay Captain Eduardo Espinosa ng Minuyan III, Barangay Captain Antonio Madrilejos ng Minuyan IV, maraming salamat po, Barangay Captain Rodolfo Rocha ng Minuyan V, maraming salamat.

    Ayun naririnig niyo na ako? Napakarami po nating mga grupo na kasama ngayon, pag tinawag ko po 'yung pangalan niyo puwede bang pataas lang ng kamay o papadyak lang para alam ko kung asan kayo. Nasaan po 'yung Solid Leni Pilipinas? Maraming salamat. Nasaan po 'yung Akbayan? Ayan nandito si Dr. RJ ng Akbayan. Nasaan po 'yung Makabayan Bloc? Nasaan po yung Momshies for Leni? Nasaan po 'yung Tau Gamma Phi? Samahan ng Nagkakaisang Mamamayan ng Towervillie VI? Nasaan po 'yung RPC San Jose Del Monte? Ayun bago po ako magpatuloy ayan din meron ding ibang mga grupo na hindi pa natin natatawag, "ADF Scholars forLeni-Kiko". Nandito din po, "Leni Urban Poor", maraming salamat sa inyo. "Pag-Iribang Bicolnon sa Bulacan, Inc.", "BTS Army for Leni", ayan “EXO-L– KPOP stans for Leni", "Bicol Saro Sapang Palay Chapter", maraming salamat. Marami pa lang– sino bang mga Bicolano dito? Napakaraming Bicolano, anong ginagawa niyo dito? Mga Bicolano dati, mga Bulaceño na ngayon. Ayun, ano 'yan? “United San Jose People's Council", maraming salamat. "Kabataang San Joseño for Leni", "Sensya na Leni kami para sa kinabukasan ng bawat batang Pilipino", "Doctors for Leni", "Lawyers for Leni", maraming salamat. "LGBTQIA+", akala ko pangalan ito ng grupo 'yun pala "VP Leni puwede po bang maki selfie para po palaging maubos ang paninda ko?", mamaya promise. Ayan "Sa gobyernong tapat, bading ang lahat", "Cancer Survivors for Leni", maraming salamat. Ano ito? "Aanhin ko ang uno kung hindi si Leni ang Pangulo". Ayan "Bulacan, Leni Can”, thank you. "VP, pabati po at pa-picture please, birthday ko po today", happy birthday. Grabe 'di ba? Birthday pero kasama natin ngayon kaya maraming salamat.

    Ano 'yun? "Mga puyat for Leni", kasama ako diyan. Kagabi po nasa Cavite kami, umuwi kami ng madaling araw. Pero ngayon nandito na kami sa Bulacan para makasama niyo. "Hindi baleng walang label basta kay Leni ang Presidento– ay Presidente" ano 'yun? Ah "basta kay Leni ang President label". Ayan "Pink boto for Leni", "Bulacan will be Pink", "It's Bulacan, not Bulacan't". Ayan "Mas masarap maging top sa gobyernong tapat", "[Inaudible 15:53] for Leni", "Mga never pang natanong sa survey para kay Leni-Kiko", "Kulayan ng Rosas ang Bulacan", "Japan family support", ayun. "Payag ka Pink city pero hindi for Leni", huwag ganoon. "Nasa tamang tao na, may tamang boto pa". Ano ito? "Ang crushback ay hindi sapat, kailangan ko ng gobyernong tapat", "Aatras sa takong, hindi sa mga tanong". Ito "Deserve natin si Leni", "Dito tayo sa naka takong, huwag doon sa takot sa mga tanong", ayun pala. 'Yan na 'yung nabasa ko kanina. Ay grabe naman "Walwalero for Leni", buti gumising ka ng maaga? "Sabi ng Lolo nila may ginto, eh sabi ng Lola ko ang puso ni Leni ang ginto", "Norzagaray for Leni-Kiko", maraming salamat. "STEM students for Leni cutie", "Good governance? Baka Leni yarn?", "Sa gobyernong tapat, yassified lahat", "Alex and Jamie for Mama Leni", sino ba si Alex at Jamie? Maraming salamat sa inyo. "Loyal ekonomista, nanay ko't ina mo rin", “Nasa one sided love for Leni", bakit one sided? "Sa gobyernong tapat, ika-crush back lahat", "Leni levels for the win". Ano ba 'yun "Believe without [inaudible 17:50]" ayun. Ito po, ano 'yun? Ah "MedTech for Leni" Naku baka absent kayo sa opisina ngayon ha? Mapapagalitan ako, "Ang sabi daw [inaudible 18:10] babae naman", "Kapamilya partylist para kay Leni Robredo". [crowd shouts “Leni ang ganda mo!”] Maraming salamat. Babalik balik ako dito kasi dito sa San Jose Del Monte, napupuri ako.

    Ayan. Pero alam niyo po sabi ko nga lahat kami dito sa stage, puyat dahil nasa Cavite po kami hanggang hatinggabi hanggang madaling araw. Pero kahit puyat, masayang masaya kami kasi kasama namin kayong lahat ngayong umaga. Alam niyo po hindi naman ito unang pagkakataon na pumunta ako dito sa San Jose Del Monte. In fact, marami po kaming mga projects na dinala dito. Pinakahuli kong punta dito sa kasagsagan noong pandemic, kasi meron po ditong mga grupo na tinulungan ng opisina namin para sa kabuhayan.

    Ito lang po, maraming kwento, maraming kung anu anong nababasa natin. Lalo na ngayong panahon ng eleksyon, maraming pupunta dito sa inyo, maraming manliligaw, maraming magsasabi mahal ko ang mga mahihirap, maraming magsasabi na aasikasuhin ko 'yung mga urban poor, maraming magsasabi, aasikasuhin ko 'yung mga na-relocate. Pero ako po 'yung pakiusap ko lang sa inyong lahat, sana huwag tayong maniniwala ng basta basta. Pag may mga nangangako, parati pong hihingiin natin, ano 'yung resibo. Dahil pag panahon ng eleksyon, panahon ng pagbibigay ng pangako, pero ang kasiguruhan na susundin natin 'yung mga pangako, ano 'yung resibo, ano 'yung track record?

    Marami po ditong mga grupo, partner po ng opisina namin. Kayo po 'yung makakapagsabi na kahit kaunti 'yung pera ng opisina namin, hindi po 'yun naging sagabal para makatulong kami. Bakit po namin 'yun nagagawa? Nagagawa po namin 'yun dahil matapat kami sa paggastos ng pera ng taumbayan.

    Alam po natin marami tayong mga pangangailangan. Marami tayong pangangailangan pero paminsan nakakasama ng loob na marami na nga tayong pangangailangan, marami pa ding korapsyon na nangyayari. Grabe po 'yung aming pasalamat nila Senator Kiko, saka po 'yung aming mga kasamahan na magsesenador, dahil sa pagmamahal na pinapakita niyo sa amin kahit po saan kami pumunta.

    Papano po namin masasabi na gagawin namin 'yunng aming mga pangako? Dahil mula po noong nabigyan kami ng pagkakataon makapagsilbi, pinakita namin na naging matapat kami sa sinumpaan namin bilang mga lingkod-bayan. Ako po mismo, hindi pa naman po ako matagal ako naging politiko. Bago po ako naging politiko, nag-aabogado po ako para sa mga mahihirap. Karamihan po sa mga inaasikaso namin mga magsasaka, mga mangingisda, mga manggagawa, mga katutubo, mga urban poor. Sa mahaba pong panahon, 'yun 'yung aking trabaho.

    Noong namatay po 'yung asawa ko nang biglaan– sino ba dito 'yung mga biyuda pareho ko? Meron din. O 'yung mga biyuda dito na pareho ko– biyuda na din kayo? 'Yung mga biyuda dito pareho ko, alam ninyo kung gaano kahirap mawalan ng asawa. Pero tayo kahit gaano kahirap, tinatatagan natin 'yung sarili natin dahil alam natin na kailangan tayo ng ating mga anak, di ba? Sa akin po, nawala 'yung asawa ko hindi lang 'yung mga anak ko 'yung prinoblema ko pero pati 'yung trabahong naiwan niya. Kaya po ako nakapasok sa politika dahil kailangan pong humalili doon sa mga pinangako niya na hindi niya pa natutupad dahil nawala siya ng maaga.

    Noong ako po nag-Congresswoman, makikita niyo po 'yung mga panukalang batas na inihain ko. Lahat po 'yun para sa malinis na pamamahala. Lahat kung ano 'yung makakabuti para sa mga mahihirap. Kaya pag sinabi ko pong "Mahal ko 'yung mahihirap", pag sinabi pong "Aasikasuhin ko 'yung mahihirap", napakahaba po ng aking resibo. At para po sa akin, kung merong pupunta dito sa inyo, ganoon din 'yung sasabihin, tanungin ninyo: "Noong wala bang eleksyon, papaano niyo ba pinakita 'yung pagmamahal niyo sa mahihirap?" Dahil napakadali lang pong sabihin na "mahal ko 'yung mahihirap" pero kailangan hinigingian natin ng resibo kasi ayaw nating maniwala ng basta-basta.

    Noong buong panunungkulan ko po bilang Vice President. anim na taon po 'yun. Nagfe-Facebook naman siguro kayo? Nagfe-Facebook ba kayo? Nagyu-Youtube na kayo? Nagti-Tiktok ba kayo? Nakita niyo naman siguro kung anu-anong kasinungalingan ang sinabi sa akin. Lahat po yatang pamba-bash ginawa na sa akin. Ang problema po niyan, dahil napakaraming mga fake accounts hindi na natin alam kung ano 'yung totoo at ano 'yung hindi.

    Marami pong pinapaniwalaan 'yung hindi totoo. Kaya ito po 'yung ihihingi kong tulong galing sa inyo lahat. Kayo po na nakaalam kung anong klaseng trabaho 'yung binigay natin sa taumbayan, tulungan niyo po kami. Tulungan niyo po kami na basagin ang kasinungalingan dahil ang ayaw po nating mangyari na ang eleksyon na ito madedesisyonan base sa kasinungalingan. Ang gusto po natin kung magdedesisyon tayo, ang pinanggagalingan noon puro katotohanan lang dahil pag kasinungalingan po 'yung pinagbabasehan, baka naman ang iboto natin 'yung nagpapanggap lang na mahal ang taumbayan.

    Ngayon po nandito tayo, tignan po natin 'yung mga katabi natin. Iba-iba po itong pinanggaligan, di ba? May mga bata, may mga ka-edad ko, may mga seniors, may mga estudyante, may mga nagtatrabaho na, may mga manggagawa. Pero bakit ba andito tayo ngayon lahat? Nandito po tayo lahat dahil gusto natin ng pagbabago. Alam po natin, nakita natin noong mga nakaraang taon, na tapusin na dapat 'yung luma at bulok na klase ng politika kasi pag 'yun ulit 'yung– ano 'yun? May nanliligaw sa akin ang aga-aga. Pero sinasabi ko po pag pareho pa din 'yung ating mga binotong klase ng politiko, wala naman tayong pagbabagong aasahan.

    Ang laban po natin ngayon hindi lang laban ko bilang kandidato pero pinapakipaglaban natin ngayon, ang klase ng pamumuno at politika na gusto natin tahakin ng ating bayan sa susunod na anim na taon. Lahat po tayo mag-aambag, handa ba tayo? Lahat tayo tutulong para siguruhin na 'yung klase ng pamamahala na tatahakin ng ating bayan ay 'yung klase ng pamamahala na tapat para umangat ang buhay ng lahat.

    Kaya po ngayong umaga, nagpapasalamat po kami sa inyo sa pagsama sa amin kahit napaka-aga. Pagpapakita na kahit tayong mga ordinaryong mamamayan, naniniwala tayo na ang kapangyarihan nasa kamay natin lahat. Ang kapangyarihan po wala sa kamay naming mga politiko dahil kahit po anong lakas namin, kahit po anong pera namin, kahit anong makinarya namin, pag taumbayan na ang nagdesisyon na pagbabago ang kailangan, wala pong mangyayari sa pera ng mga politiko.

    Kahit po saan kami pumunta ngayon napakaraming tao. Nakita niyo naman siguro sa Facebook 'yung Cavite kagabi. Gulat na gulat po kami kasi mga volunteers lang po 'yun na nagtipon-tipon pero 'yung estimate ng mga taga-doon 47,000 na tao 'yung pumunta. Pagpapakita na marami na 'yung nangangarap sa pagbabago. Pagpapakita na 'yung pangarap handa na tayong i-alay 'yung ating pagod para mangyari 'yung ating mga pangarap.

    Kaya ngayon pong umaga, nakikiusap po kami sa inyo. Hindi kami nakikiusap na iboto niyo kami kahit hindi niyo kami kilala. Pero ang pakiusap po namin gamitin po natin ang utak at puso sa pagdesisyon. Huwag basta-bastang maniniwala sa kung anong nababasa pero hanapan po natin ng resibo lahat. Dahil kami pong humaharap sa inyo, pare-pareho po kami. Hindi kami 'yung dating politiko na inaasahan natin na nakikita lang natin pag panahon ng eleksyon. Pero kami pong mga humaharap sa inyo, may eleksyon o wala andiyan kami naninilbihan para sa inyo. May eleksyon o wala 'yung pagmamahal namin sa inyo hindi po napapawi.

    Kaya po 'yung aming pinapakiusap, hindi lang po ako bilang Pangulo, pero palakpakan po natin Senator Kiko Pangilinan para Pangalawang Pangulo, pati na po 'yung mga kasama natin sa Senado. Isa-isahin ko lang po: Attorney Sonny Matula, Senator Dick Gordon, Senator Risa Hontiveros, Attorney Alex Lacson, Senator Leila de Lima. Hindi po namin kasama baka humabol mamaya, Dean Chel Diokno, Senator Sonny Trillanes, Congressman Teddy Baguilat, ayun. Puwede ba 'yun? 'Yun 'yung ipapakusap namin? Ipapakiusap po namin aralin niyo po kung ano 'yung trabaho namin may eleksyon o wala at makikita niyo po, consistent po kami all throughout.

    'Yung amin pong pagmamahal sa inyo at sa bayan, hindi naman matatawaran. Kaya maraming-maraming salamat po sa pagsama sa amin. 65 days to go, ipanalo na po natin ito! Maraming salamat. Mabuhay po kayong lahat.

    [END: 31:22]

     

    Posted in Transcripts on Mar 05, 2022