This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Sta. Barbara People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Sta. Barbara People’s Rally
    Sta. Barbara Parish, Sta. Barbara, Iloilo

    [START 00:00:02]

    VP LENI: Ayan. Bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay-galang sa ating mahal na Mayor, Mayor Rema, magandang hapon po. Kay Vice Mayor Jeffrey, sa lahat pong members ng Sta. Barbara Sangguniang Bayan, ang atin pong minamahal na Governor, Governor Toto Defensor. Ang atin pong Congressman, Congressman Nonoy Defensor. Siyempre po 'yung Big Man nating lahat, Senator Frank Drilon. At ang akin pong partner, Senator Kiko Pangilinan at siyempre 'yung paborito nating lahat, ang Megastar Sharon Cuneta--Pangilinan. Meron din po akong bitbit. Kasama ko din po 'yung tatlo kong anak ngayon. [cheers] Nandito po sila. Akyat kaya kayo para makita kayo. Nandito po si Aika, si Tricia saka si Jillian, kaya kumpleto po 'yung pamilya namin ngayon. Ayon, nasaan 'yung isa? [laughter] Ayan. Ito po si Aika, ito si Tricia– nawawala 'yung isa. [laughter]

    Ah, may dinaanan lang po sa baba. Ipapakita ko mamaya. Pero ganoon po namin kamahal ni Senator Kiko ang Iloilo. Bitbit po namin 'yung mga mahal namin sa buhay. Alam niyo po, marami po kaming ipagpapasalamat sa Iloilo. Noong tumakbo po ako noong 2016, hindi niyo pa po ako kilala, nagpapakilala pa lang ako, nangangako na maninilbihan ng tunay. Wala pa akong resibo pero tinulungan niyo po ako ng napakalaki dito sa Iloilo. Actually po 'yung nakuha kong boto sa Iloilo pareho ng nakuha kong boto sa aking pinanggalingan, sa Bicol. [cheers]

    Kaya parang sinasabi niyo na din na Ilonggo na din 'yung turing niyo sa akin. Noong nakaraan pong anim na taon, lagi po akong nandito sa lalawigan ng Iloilo dahil napakarami pong project noong Office of the Vice President dito. Kanina nakita ko [inaudible 2:23] Learning Hub For Leni and Kiko, ito po ay naging partner natin. Maraming po tayong mga nutrition program para sa mga malnourished children. Marami po tayong mga programs para sa mga magsasaka at mangingisda. Marami po tayong programs sa kalusugan. 'Yung buong five and a half years, almost six years ko po, talaga pong ibinuhos namin 'yung aming serbisyo para sa mga kababayan natin dito sa Iloilo. Kaya po sinasabi ko kanina, kung noong 2016 pumunta ako dito wala pa akong resibo, bumabalik po ako ngayon marami na po akong resibo.

    'Yung pagbalik ko po ngayon sasabihin ko lang po sa inyo na 'yung pinangako ko sa inyo noong 2016, lahat ko po iyon tinupad. At pag bibigyan niyo po ako ng pagkakataon muling makapagsilbi bilang Pangulo, mas lalo natin aasikasuhin 'yung lahat ng pangangailangan, hindi lang po ng Iloilo pero ng buong Panay Island.

    Pero alam niyo po, alam niyo naman na may Grand Rally tayo mamayang gabi di ba? Pero kahit po may Grand Rally tayo, talagang buong araw– mula po alas siyete ng umaga, umikot na po tayo sa lahat na distrito. Nag-umpisa po tayo sa Oton, lumipat tayo sa– Concepcion. Oton, pumunta po kami ng Concepcion, lumipat po kami ng Ajuy, lumipat kami ng Passi, lumipat kami ng Pototan, ngayon nandito na kami sa Sta. Barbara. Sinisiguro lang po namin na 'yung hindi makakapunta doon ay kami naman 'yung pumunta para magpasalamat. Para po magpasalamat kasi alam po namin na kahit wala kami dito, 'yung ating volunteers, napakarami niyo nang ginagawa para po sa laban natin ito. [cheers]

    Ito 'yung ating mga Youth. Ang atin pong [cheers]– naalala ko po nandiyan na kayo mula noong umpisang pagpunta. Naalala ko si Mayor, noong galing po kami sa airport, talagang si mayor 'yung sumalubong sa amin saka 'yung buong LGU Sta. Barbara galing sa airport papunta sa Iloilo City ‘yung una po kaming bumisita dito, at natutuwa po kami na 'yung sumasalubong sa amin dito sa Sta. Barbara ngayon, mas napakarami at mas wild na wild, mas grabe 'yung energy, handang-handang lumaban.

    Pero, ano po 'yung pinaglalaban natin dito? Di ba memorized niyo na? Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat. Iyun po 'yung klase ng pamumuno na pinapaniwalaan natin. Pag ang gobyerno matapat, talagang mas marami 'yung matutulungan at maaangat 'yung nasa pinakalaylayan. Nakita naman po natin ang mga Ilonggo, mahusay pumili ng kanilang mga lingkod-bayan. Nakita po natin sa mga Ilonggo dahil po mahusay tayong pumili ng mga lingkod bayan, nakita po natin kung papaano na-develop ang lalawigan ng Iloilo. Bawat punta po namin dito, merong bago. Bawat punta namin, bawat bisitang dinadala namin dito for the first time, talaga pong natututunan mahalin ang Iloilo. Hindi lang po dahil masarap ang pagkain, pero dahil napakababait ng mga Ilonggo. [cheers]

    Kaya po kami, bawat balik po namin dito, laging baon namin pabalik ng Maynila 'yung pagmamahal ninyo na ramdam na ramdam namin each and everytime pumupunta kami. Kaya ito pong laban na ito, 73 days to go nalang tayo. Alam niyo ba iyon? 73 days to go na lang? Kaya po aayain namin kayo, sana 'yung energy niyo ngayon pareho pa ding klaseng energy hanggang sa May 9. Kaya kaya natin? [cheers]

    Kasi kung kaya po natin, itong energy na ito lalo pa tayong magpaparami hanggang May 9. 'Yung mga pinapangarap po natin para sa bansa natin ay tayo din 'yung tutupad noon.

    Kaya maraming maraming salamat sa inyo. "VP Leni, pa-picture," okay, mamaya. [cheers] "Dear PH, it's a girl," "Leni be the one," "Let women do it," "The future is female," "Kiko is my VP," "Student nurses for Leni," "Clout chasers for Leni," "Pharm MedTech for Leni," "Lucky to be Clean." Ay hindi ko na– ayon. Pasensya na kasi maliit 'yung pagkasulat, matanda na po ako at hindi ko nababasa. [inaudible 7:26] basahin ko muna 'yung iba.

    "MedTechs for Leni-Kiko," "Abante Babae," "Let Leni Lead," "Santa Barbara for Leni-Kiko," "We support Leni-Kiko Team," "Basta Ilongga, Leni-Kiko na," “'Leni, uunahin gawin ang wasto." Ito, pinaka maganda, "Tayo ang sagot." Ayan, tama iyan, tayo ang sagot. "Hindi korap si Leni," “Ipaglaban kita," "Hindi ka babae lang, babae ka," "Babae ang bukas," "The last man standing is a woman," "Never again to Martial Law," "Leni-Kiko 2022," "Scholars for Leni," "Hot girls for Leni," "Liwanag sa dilim," "Sa gobyernong tapat, magkakajowa lahat," "STEM students for Leni," "Anak ng Fuchsia," "Ipasok si Dick." Wala na si Senator Gordon. "Volunteers for Leni," "Lugaw is essential," "Santa Barbara for Leni," "Babaeng Bicolana ang mananalo," "Psych majors for Leni," [inaudible 8:27] "Mga Gwapo for Leni."

    Ayon, napakaraming grupo. Pasensya na hindi ko mabasa 'yung iba. "Santa Barbara swimmers for Leni and Kiko." Ayon, ang mga anak ko po swimmers din. Kaya kung mga nanay po kayo, sabay-sabay po tayong mga taga-bantay. Alam ko 'yung buhay ng mga nanay ng swimmers kaya– ano po tayo, pareho po tayong pinagdaanan. Ay maraming salamat. Maraming salamat [Maria Ann Teresa Tangco? 9:06] Ha? [Hangco 9:07], Tama ba? Thank you. Ayan, pasensya na wala akong salamin. Pag maliit po hindi nababasa, pero maraming salamat.

    Alam niyo po, baliktad na ngayon ang mundo. Dati po pag may kandidato, ang kandidato ang nagbibigay ng regalo. Ngayon po, natatapos 'yung aming lakad, ang dami niyo pong binibigay sa amin.

    "I am a down syndrome, pickled papaya is my small business and my gift to you. God bless you my President." Thank you very much. Palakpakan po natin si [Ann Teresa 9:50]. Ayon, maraming salamat. Maraming salamat.

    [Cheers] Ayan. Sige na nga babasahin ko na. "[Speaks in Ilonggo 10:04 - 10:09] importante suportado si VP Robredo." [cheers] Maraming salamat. Pero ito po, ayoko magsabing magpapaalam na kami kasi sana kasama pa namin kayo mamayang gabi. So, ang sasabihin ko lang po sa inyo ngayon, maraming salamat sa pagmamahal. Magkita-kita po tayo mamayang gabi. Maraming salamat po, mabuhay po kayong lahat.

    [END 00:10:34]

    Posted in Transcripts on Feb 25, 2022