This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo to the Sumilao Farmers Covenant Signing with Sumilao Farmers

    Message of Vice President Leni Robredo to the Sumilao Farmers
    Covenant Signing with Sumilao Farmers
    Panaw Sumilao Coop. Center, Sumilao, Bukidnon


    [START 00:25:50]

    VP LENI: Magandang umaga. Bago po ako magpatuloy, ang aking pagbigay galang sa mga opisyal na kasama po natin ngayong umaga. Sa pangunguna po ng ating kaibigan at matagal nang kasangga sa Kongreso, Congresswoman Malou Acosta-Alba. Palakpakan po natin si Congresswoman Malou. Siyempre 'yung atin pong number one na defender saka supporter dito sa Sumilao, ang atin pong butihing mayor, Mayor Jose Villo. Kasama din po natin si Mayor Gaturan ng Tarakan. Kasama din po natin si Kapitan [inaudible 26:33] at [Umintay 12:35] ng Barangay San Vicente. 'Yung ating mga farmer leaders, hindi ko na kayo iisa-isahin. 'Yung ating mga farmer leaders galing sa iba't-ibang panig ng ating bansa. Siyempre 'yung mga Panao-Sumilao Farmers na kaibigan natin. Magandang umaga muli sa inyong lahat.

    Parang kapupunta ko lang– kapupunta ko pa lang dito. Kailan 'yun? November yata nandito ako. October. October nandito ako. Bawat naman nagagawi ako dito sa– kahit CDO, kung saan dito sa Bukidnon, lagi akong dumaan dito sa inyo. Hindi bilang Vice President pero bilang matagal nang kaibigan. Kanina nakaupo ako, sobrang proud ako siyempre, emcee na natin si Bebeng. Grabe na talaga emcee natin si Bebeng tapos Presidente na natin si Bajekjek. Mahaba na talaga 'yung tinahak natin na landas pero kami na nananunod sa iyo– sa inyo, sobrang proud kami kung nasaan na kayo ngayon. Kaya natutuwa ako na si Bajekjek ay kinuwento 'yung kuwento ninyo. Mas mahaba 'yung kuwento, mas marami 'yung, ano, pang MMK. Pero ito siguro 'yung pagpapakita na pag tayo ay nagdesisyon at inaksyonan natin 'yung desisyon, walang imposible.

    Naalala ko 'yung pinaka-una ko kayong nakilala. Pinaka-una ko kayong nakilala ng personal noong nagmamartsa kayo papuntang Malacañang at sinalubong namin kayo sa Naga kasama ko 'yung asawa ko. Tama ba ko, parang si Bajekjek 'yung pinakabunso– pinakabunso na nagmartsa noong panahon na 'yun? Nakilala ko kayo noon ng personal, meron kayong mga kasama na hindi na natin kasama ngayon. Nasaan pala si Nolan? Bakit hindi ko nakikita? Ha? Nasa likod. Ayun pala si Nolan. Tumatago si Nolan sa– parang 'yung tatay ni Nolan kasama pa natin noon? Kasama pa natin 'yung tatay ni Nolan.

    Mahaba na 'yung kuwento pero sa amin po sa opisina– ako gusto ko lang klaruhin hindi ako direktang kabahagi ng kaso dahil po 'yung opisi– ako kabahagi ako ng Bicol Branch ng Saligan. Ang nagre-represent talaga noong Panao-Sumilao sa laban na 'yun, 'yung opisina namin pero 'yung head office namin. Ang katunayan, may nawala po kaming dalawang abogado doon sa plane crash na– Cebu Pacific plane crash na nangyari dito sa CDO, February 2, 1997. Nag-crash 'yung eroplanong sasakyan nila, kung naalala niyo si Attorney Bobby Gana, siya 'yung aming pinaka-boss sa Saligan, saka si Attorney Caloy Ollado. Papunta sila dito sa inyo. Papunta sila dito sa inyo, nag-crash 'yung eroplano. So, para sa amin masyadong personal ito. Masyadong personal 'yung laban kasi may mga buhay na nai-buwis sa pagsisiguro lang na 'yung karapatan niyo makakabalik sa inyo.

    Mahaba na 'yung pinaglakbay, proud ako kasi hindi naman kayo dati ka-empowered. Si Bajekjek hindi lang mahusay mag– mahusay na magtagalog, pero nararamdaman mo na sobrang empowered na ng lahat. Empowered na lahat kasi lahat nabigyan ng pagkakataon na mamuno, nabigyan ng pagkakataon na gawin 'yung sariling laban na hindi lang sumusunod pero nasa gitna mismo ng laban.

    Naalala ko parang 'yung isang punta ko dito si Bebeng pa 'yung presidente. 'Yung nandoon tayo sa kabila. Nire-report niya 'yung assets niyo noon. Talagang nakaka-porud na from wala, milyon-milyon na 'yung assets. Kanina pagpasok ko tinanong ko ulit si Bajekjek, ngayon ba ilan na 'yung assets ninyo? Sabi niya, 37 million. Di ba nakaka-proud? Nakaka-proud na inabot niyo na ito na galing sa zero.

    'Yung opisna po namin, wala kaming masyadong pondo pero sinusubukan namin na kung ano 'yung konti na meron kami, naibabahagi sa inyo. Kanina kinuwento na sa inyo na nagdala tayo ng mga kalabaw. Nag– gumawa tayo ng mga classrooms dito. Gumawa tayo ng mga classrooms dito sa loob. Sa labas, 'yung dormitory sa Vista Villa Annex. 'Yung Dormitories for Girls and Boys para doon sa mga nag-aaral sa public high school na naglalakad ng ilang oras papunta sa paaralan, gumawa na tayong dorm para sa kanila. Kung natatandaan niyo, twenty– ano ba 'yun? 'Yung ating training na integrated farm biosystems? 2018 ba 'yun, 2017? Ha? A, 2019. Ang partner natin ay Pilipinas Shell Foundation. Ano 'yun, 1.2 million worth na training. Tinuruan kayo kung papano ma-maximize 'yung paggamit ng lupa. So, marami na pero marami pang pinapangarap.

    'Yung mga– 'yung programa naman natin sa mga farmers ay hindi 'yun programa para sa eleksyon, pero matagal na kasi natin itong pinapakipaglaban. Halimbawa 'yung sinabi ni Bajekjek kanina na sana maipasa na 'yung NaLUA Bill. Kung hindi ako nagkakamali, magkasama din kami ni Congresswoman Malou na tinutulak 'yun, na mahalaga 'yun para maasikaso na talaga 'yung mga gulo ba doon sa mga lupang hindi pa naipapamahagi. 'Yung Coco Levy Fund ay kabahagi tayo sa laban na 'yun. Isa tayo sa mga co-authors. While naipasa na siya, naipanalo na sa kaso, hindi pa tayo satisfied hanggang 'yung representation na hinihingi natin for farmers ay matupad. Kasi as of now di ba anim sa gobyerno, tatlo sa mga magsasaka. Ang gusto natin madagdagan 'yung representation ng magsasaka para mas malaki 'yung boses ng magsasaka pagdating sa papano gagastusin 'yung pondo para sa kanila. Hinihingi din natin na maging flexible 'yung paghati ng budget para nakaka-respond siya sa mga tugon na kinakailangan ng panahon.

    So, ito napakarami pa pero sa akin kasi mas personal. Pag nandito ako mas personal kasi nakikita ko 'yung– halimbawa 'yung mga bata. 'Yung anak ni Bebeng noong naglakad kayo noong 2016, baby pa 'yun. Ngayon nasaan na siya? Ay may lagnat? Bakit may lagnat? Bawat punta ko dito, siya 'yung aking sukatan na matagal na tayong magkakasama kasi malaki na, 'yung huli kong pagpunta malaki na. Pero ito ano din, kung naaalala ninyo, pinasakay ninyo ko sa kalabaw tapos nagwala 'yung kalabaw. Kaya kanina pagpasok ko, tinatanong ko si Bajekejek, papasakayin mo ba ulit ako sa kalabaw? Kasama ko si Governor Kaka Bag-ao. Kasama ko si Governor Kaka Bag-ao sumakay kami sa kalabaw, nagwala 'yung kalabaw. Nagwala 'yung kalabaw kaya hinabol nila. Mula kami doon sa dulo, doon sa may maisan. Huminto lang 'yung kalabaw noong paakyat na dito sa– sa may labasan. Kaya noong sinabi ni Bajekjek na hindi maglalakad na lang, sabi ko okay 'yun kasi wala– naalala niyo 'yun? Ano sila, lahat nagpa-panic na. Pero si Governor Kaka po for those na hindi alam, si Governor Kaka talaga 'yung kasama nila. Kasama nila mula noong naglakad sila from Sumilao hanggang sa Maynila. Ako kasama ako doon lang sa leg ng Naga. Inasikaso ko lang 'yung stay nila, pero si Governor Kaka kasama talaga nila buong time.

    So, marami 'yung mga taong invested sa– sa inyo sa Panao-Sumilao, at ang pangarap natin na 'yung ibang mga– 'yung Task Force Mapalad, 'yung iba pang mga nangangarap na maging tahimik na rin sa kanilang kabuhayan, makuha na rin 'yung nararapat para sa kanila ay mangyari na din. Pero nagpapasalamat ako sa inyo kasi halimbawa noong naglakad kayo noong VP ako, 23 days ba 'yun, 26 days? 23? Iniwan niyo talaga. Iniwan niyo ito para pumunta. Iniwan niyo para pumunta. Naalala ko noong 2019, pinuntahan niyo din ako sa Marawi, hindi kayo lahat pero 'yung iba sa inyo sinamahan ako nag-birthday ako sa Marawi, kasama ko kayo. Sina Ka Rene nandoon. Nasaan na si Ka Rene? Ayan, si Ka Rene. Si Ka Rene po saka si Attorney [Ayson 35:47] kasama ko din sila sa Saligan, kasama sa pakikipaglaban.

    Pero ang akin pong promise sa inyo, na patuloy na ipapakipaglaban natin 'yung karapatan at kabuhayan ng bawat magsasaka saka mangingisda. Nakita po natin– nakita po natin na sa kaunting tulong nadodoble niyo 'yung ginhawa. Hindi po tayo makakasabi na mabuti na 'yung ekonomiya natin kung meron pang mga naiiwan sa laylayan. Marami na po tayong mga programa sa mga magsasaka na ginagawa. Meron po tayong– nakuwento ko na ito sa inyo– na dapat 'yung assistance ng pamahalaan hindi lang na binigyan kayo ng equipment, hindi lang na binigyan kayo ng input, pero sisiguaraduhin na 'yung mga prevailing na mga sirkumstansya ay nakakatulong sa inyo. Halimbawa ngayon ang pinoproblema ninyo, napakataas ng presyo ng abono. Talagang ang taas ng– ang taas ng production cost ngayon kasi napakataas ng presyo ng inputs. Pag mataas 'yung production cost tapos madami pang inaangkat, hindi kayo nakakapagkompetensya ng patas.

    'Yung pagsabing rebisohin 'yung Rice Tariffication Law, kabahagi po 'yun ng programa natin. Nakikita naman natin na– ang pinaksadya kasi ng Rice Tariffication Law, bumaba 'yung presyo ng bigas. Tama naman 'yun. Bumaba 'yung presyo ng bigas pero hindi at the expense of the farmers, kasi noong bumaba, hindi naman siya bumaba sa level na pinapangarap. Bumaba ng konti pero ang nawala sa mga farmers milyon-milyon. Pag tinignan natin, sino ba 'yung nakinabang? 'Yung nakinabang 'yung mga traders. Hindi 'yung mga nag-hihirap. So, ito talagang rerepasuhin ito, pero at the same time dapat hindi tayo humihinto. Hindi tayo humihinto maghanap ng paraan pa 'yung pinakamaliit among us, hindi naiiwan.

    Ang akin pong assurance na kasama ninyo ako every step of the way. Hindi pa nga ako pangulo kasama niyo na ako, lalo na– lalo na pagbinigyan tayo ng pagkakataon na mamuno. Nagpapasalamat ako sa lahat ng sakripisyo pero siguro 'yung pinakapasalamat ko sa lahat, sa inspirasyon at sa pag-asang binibigay ninyo. Kasi 'yung kuwento niyo kailangan nalalaman ng bawat magsasaka na hindi napupunta sa sayang 'yung lahat na sakripisyo dahil makikita sa Panao-Sumilao Farmers kung papano 'yung sakripisyo nagbunga sa kaginhawaan.

    Marami pang kulang sa atin pero marami na tayong narating mula noong umpisa. Kaya, maraming salamat. Maraming salamat sa inyo. Maraming salamat sa pagbigay sa akin ng pangalawang bahay tuwing nandito ako, tuwing nandito ako sa Sumilao. Maraming salamat kay Congresswoman Malou, maraming salamat kay Mayor. Maraming salamat kay Kapitan, sila din po 'yung ating– pag hindi tayo nakakapunta 'yung mga proyekto natin sila 'yung tumutulong sa atin. So, mabuhay kayo. Huwag magkakasakit. Ayun, meron nang may sakit, pero huwag magkakasakit dahil marami pa tayong laban na dadaanan. Mabuhay po kayong lahat.

    [END 00:39:17]

    Posted in Transcripts on Feb 23, 2022