This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Talisay City People's Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Talisay City People's Rally
    St. Scholastica’s Academy, Talisay, Cebu


    VP LENI: Maayo udto. Ayan, maraming-maraming salamat sa inyo. Napakapalad niyo naman ngayong hapon. Meron ngang Leni-Kiko, meron pang Sharon. Pero alam niyo po 'yung mas mapalad? Kami ni Senator Kiko dahil kahit napakainit ng araw, nandito kayo lahat naghihintay sa amin kaya maraming, maraming salamat. Bago po ako magpatuloy, ang akin lang pong pagbigay galang sa atin pong minamahal na napakabait na Vice Governor, palakpakan po natin, Vice Governor Junjun Davide. Magpapasalamat din po tayo sa atin pong mga hosts ngayong tanghali, Sister Maureen Cariaga, magan– maraming salamat po, Sister Christine. Andito din po si Joxanne Branzuella, magkasama po kami kanina doon sa isang fisherfolk community. Kasama din po natin 'yung mga dahilan kung bakit po organized tayo ngayong hapon: Attorney Ramon Villa– Romeo-Villarante, nandiyan po siya. Former Vice Mayor– Former Councilor, Dory Emit, maraming salamat. Former Barangay Captain Ramil Manayon, maraming salamat po sa inyong lahat.

    Lahat na andito nagpapainit, umiindak, sumisigaw, masayang-masaya, pinapasaya niyo po lahat kami ngayong hapon. Alam niyo po mamayang gabi– mamayang gabi meron po tayong malaking pagtitipon sa Cebu City. Sana ang iba sa inyo makapunta pa din. Pero siniguro po natin na kahit meron na sa Cebu City, makakalapag pa rin tayo dito sa Talisay kahit sandali lang para po 'yung mga hindi makakapunta, makita na natin ngayong hapon at makapagpasalamat po kami.

    Alam ko po na hindi pa po kami pumupunta dito, napakarami niyo nang ginagawa para sa amin, 'yung mga volunteers. Kaya maraming, maraming salamat po. Alam niyo po mahirap 'yung laban ngayon dahil malapit na at marami pa tayong gagawin. Pero kayo po 'yung nagpapagaan sa dala-dala namin. Kaya po maraming salamat po sa mga nandito.

    Kanina po binabasa ko 'yung mga– ano to– mga ginawa niyong mga posters. Ang TLR Minglanilla– Minglanilla pala. TLR Minglanilla, maraming salamat. Ayan, ito po hayaan niyo lang pong basahin ko in Cebuano ito, sana tama 'yung pagbasa ko: ["Sa gobyernong matino– matinod anon tanan, magmadaogon. Si Leni maoy sublian sa mga Sugbuanon, Akbayan 148." 03:04- 03:18]

    Nakita ko din po meron din ditong posters si Senator Risa Hontiveros, birthday niya po ngayon. So, happy birthday kay Senator Risa. Meron din pong posters, Senator Joel Villanueva, palakpakan po natin. Bunyog Partylist meron din pong posters. Cebu HR Professionals for Leni, maraming salamat. Educators Leni-Kiko, maraming salamat po. 'Yung atin pong mga teachers. 'Yung mga iba pong Senatorial bets na hindi po namin kasama ngayon, ime-mention ko din po sila. Senator Leila de Lima, palakpakan po natin si Senator Leila. Senator Sonny Trillanes, palakpalakan po natin. Senator Chel Diokno, palakpalakan po natin. Senator Teddy Baguilat, Attorney Alex Lacson, Attorney Sonny Matula. Meron po tayong mga guest candidates. Kanina na-mention ko na po si Senator Joel Villanueva. 'Yung atin pong mga guest candidates: Senator Jojo Binay, Senator Migs Zubiri, Senator Chiz Escudero, tulungan din po natin, alalahanin po natin.

    Pero alam niyo po, natanong niyo ba 'yung sarili ninyo kung bakit kayo nagpapainit ngayon? Natanong niyo ba? Bakit po kayo nagpapainit at nagsasakripisyo? Dahil alam natin na napakahalaga noong eleksyon na ito, di ba? Dahil alam po natin na ang eleksyon na ito, hindi lang po ito laban namin ni Senator Kiko pero laban po ninyo itong lahat kasama namin. At bakit ko po sinabing laban natin ito lahat? Dahil grabe ang nakataya sa eleksyon na ito. Hindi lang po ito laban ng mga kandidato, pero ang pinaglalaban natin dito 'yung klase ng pamahalaan at politika na gusto nating ito 'yung makita natin in the next six years, di po ba?

    Kanina bago tayo nag-umpisa, nagcha-chant kayo: "gobyernong tapat, angat buhay lahat," di ba? Anong gustong sabihin noon? Ang gustong sabihin 'yun 'yung pinapakipaglaban natin. Paniniwala natin, ang Pilipino dinedeserve niya ang isang pamahalaan na matapat sa kaniya. Ang pamahalaan na matapat sa kaniya, mahusay at matitino ang lingkod-bayan dahil ito lang 'yung dahilan kung papano natin maangat 'yung buhay ng lahat.

    Kanina po nandoon kami sa isang fishing community– ayon gutom na yata 'yung nagpapa–

    PERSON: We love Senator Kiko!

    VP LENI: Gutom na. Oo, alam ko gutom na tayo lahat pero 'yung sinasabi ko po kanina, kanina po nandoon kami sa isang fishing community. Marami silang problema, nawalan po ng hanapbuhay. Hindi na nila nakukuha 'yung dati nilang nakukuhang hanapbuhay dahil sa mga pagbabago sa lugar nila. Ang iniisip ko lang, pag eleksyon maraming bababa na mga kandidato, maraming ipapangako, di ba? Pag eleksyon marami 'yung pupunta, marami magsasabi "mahal ko 'yung mga mahihirap." Pero ang dapat tanong natin, "Papano mo pinakita na mahal mo 'yung mahihirap?" Pagbibisita po sa ganoon na community parating ang tanong, "Noong wala bang eleksyon, bumibisita ka din?" Pag sinabing, "Ayoko sa korapsyon," ang dapat itanong natin, "Papano mo pinakita na ayaw mo talaga sa korapsyon?"

    Karamihan po– karamihan po sa mga nandito ngayon, mga teachers, mga professionals, mga estudyante, dapat po tayo 'yung mga nagtuturo sa mga kasama natin na tuwing may pupunta sa atin na politiko 'yun 'yung dapat tanong natin. Ang tanong natin, "Asaan ka noong walang eleksyon?" Dahil pagod na po tayo sa mga lingkod-bayan na nakikita lang natin pag merong kampanya. Pag merong kampanya nag-aagawan– nag-aagawan ng pagtulong. Pero pagwalang eleksyon hindi mo naman mahagilap.

    Ang pinaglalaban po natin ngayon, ang gobyernong tapat may eleksyon o wala nandiyan siya para sa taumbayan. Pagsinabi po nating aangat ang buhay ng lahat para sa inyong mga estudyante, anong gustong sabihin noon? Ang gusto pong sabihin noon, hindi magiging sagabal 'yung kawalan para maka– mabigyan kayo ng dekalidad na edukasyon. Para po sa mga magsasaka, mangingisda, anong gustong sabihin ng aangat ang buhay ng lahat? Pag 'yung kabuhayan natin binibigyan tayo ng dignidad, hindi 'yung bibigyan tayo ng ilang kilong bigas, happy na tayo. Dapat 'yung pamahalaan binibigyan tayo ng trabaho na magbibigay sa atin ng dignidad para nabubuhay natin 'yung ating mga pamilya ng matiwasay.

    Kaya para po sa akin 'yun 'yung dahilan kung bakit andito kayo, tinitiis ninyo 'yung init ng araw dahil alam niyo hindi lang po kami ni Senator Kiko ang pinaglalaban ninyo dito pero pinaglalaban ninyo 'yun ating bayan, 'yung kinabukasan ng ating mga anak.

    Meron na lang pong mga 73 days to go. 73 days na lang bago mag-eleksyon. Marami po tayong kailangan trabahuhin dahil ang kalaban po natin ngayon disinformation, alam niyo 'yun. Pag tayo po nagsakripisyo, sumubok tayong mag-reach out sa ating mga kaibigan, mga kaklase, mga kapamilya para siguruhin na ang eleksyon hindi nakabase sa kasinungalingan, may pag-asa po tayo. Hindi po tayo makikipag-away. Kung iba 'yung paniniwala, wala tayong aawayin, pero ang gagawin po natin, sisiguraduhin natin na hindi nakabase sa kasinungalingan 'yung desisyon ng tao ngayong eleksyon. Kaya ang tanong ko sa inyo, meron pa ba tayong energy in the next 73 days para gawin ito? Kasi kung ganito pa po-- kung ganito pa kabuhay na buhay kayo hanggang May 9, magtatagumpay po tayo.

    Kaya marami pong salamat. Marami pong salamat sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagsama sa amin. Sana po magkita-kita tayo mamayang gabi. Mabuhay po kayo!


    [END 00:10:44]

     

    Posted in Transcripts on Feb 24, 2022