This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Tandag City Multi-Sectoral Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at the Tandag City Multi-Sectoral Rally
    Provincial Sports Complex, Tandag City, Surigao del Sur

    [START 00:10:55]

    VP LENI: Ayan. Maraming salamat. Maraming salamat. Maayong hapon, Surigao del Sur. Maayong hapon, Tandag. Kahit napakainit ng panahon, napakainit pa din ng pagtanggap niyo sa amin kaya maraming, maraming salamat. Ayan alam niyo, nakakagulat kayo dahil hindi ko alam na ganito kadami 'yung volunteers natin dito sa Surigao del Sur, kaya maraming maraming salamat.

    Ayan uumpisahan ko 'yung aking mensahe sa sinisigaw ninyo na hindi kayo bayad. Dahil napaka importante na 'yung eleksyon, hindi siya madedesisyunan kung nabayaran tayo o hindi. Ang eleksyon, hindi lang itong darating, pero lalong lalo na 'yung eleksyon sa May 9, 2022, napakahalaga. Pag tiningnan niyo dito, meron din akong mga ka edad pero karamihan sa inyo mga kabataan 'di ba? Sino ba dito 'yung mga boboto for the first time? Ayan, alam niyo napakahalaga, napakahalaga na 'yung unang pagkakataon, 'yung unang pagkakataon na mag e-exercise kayo ng inyong karapatan bumoto, hindi niyo sasayangin 'yung inyong boto.

    Ano 'yun? Ano 'yung sinisigaw niyo? Ah hindi daw nila nakikita. Okay. Ganito na lang, mamaya babasahin natin 'yung placards niyo, pero bago tayo magbasa ibaba muna natin kasi nagrereklamo 'yung mga nasa likod. Mamaya sasabihin ko pag babasahin na natin ano, para wala tayong nako-cover. I love you too. Ito makinig muna kayo dahil para ito sa mga first time voters. 'Yung pag-boto hindi 'yung basta basta exercise. Pero 'yung pag-boto dito natin pinapakita 'yung pagmamahal natin sa ating bayan. Kung minamahal natin 'yung ating bayan, dapat nagdedesisyon tayo nang tama. Ang pagdesisyon ng tama, hindi lang 'yung pag-aattend ng mga rally, hindi lang 'yun pag participate sa mga activities. Pero sinisiguro natin na nag-aaral tayo, binabasa natin, pinapakinggan natin 'yung iba't ibang nilalahad namin sa inyo, dahil itong panahon na ito, ito 'yung panahon ng panliligaw ng mga kandidato di ba?

    Maraming dalaga dito. Asan 'yung mga dalaga dito? Ayan. 'Yung mga dalaga dito, alam niyo, na pag kayo nililigawan, hindi ito paunahan kung sinong umakyat ng ligaw di ba? Pag nililigawan kayo ng maraming manliligaw, dapat piliin ninyo 'yung pinaka mabuti para sa inyo. At 'yung pagpili niyo ng pinaka mabuti para sa inyo, hindi 'yun natatapos sa pakikinig lang kung anong sinasabi nila dahil pag panahon ng kampanya lahat kami pupunta dito, haharap sa inyo, sasabihin namin 'yung aming mga plataporma di ba? Ang mga palataporma namin mahalaga 'yung pakinggan pero hindi siya sapat, hindi siya enough na pinakinggan niyo lang 'yung plataporma namin, pero dapat tingnan niyo ano ba 'yung aming track record. At pinakamahalaga sa lahat, tingnan niyo ano ba 'yung aming karakter. Dahil 'yung aming track record at 'yung aming karakter, 'yun 'yung makakapagsabi kung tutuparin namin 'yung aming mga pangako di ba?

    Lahat ng haharap sa inyo ngayon ang sasabihin mahal namin ang mga mahihirap. Lahat kami 'yun 'yung sasabihin namin, pero dapat, hihingi dapat kayo ng resibo. Papaano namin pinapakita 'yung aming pagmamahal. Halimbawa na lang, may nakita ako na mga Lumad, nasaan po 'yung mga Lumad dito, nakita ko may mga placards kanina. Kanina kasama natin sila sa simbahan. Pag panahon ng eleksyon lahat magsasabi, mahal ko 'yung mga katutubo, mahal ko 'yung mga Lumad, pero papaano pinapakita? Noong wala bang eleksyon, 'yung wala bang eleksyon–okay 'yun ah. Bibitbitin ko na ito sa Maynila. Malakas sumigaw, ay ikaw ba 'yun. Ito payagan niyo akong ipagpatuloy. Pag nagsabi sa inyo 'yung kandidato na mahal ko 'yung mga katutubo, huwag kaagad maniniwala. Tingnan natin noong binigyan ba sila ng pagkakataon na maging public servant, halimbawa naging miyembro ng Kongreso, naging miyembro ng Senado, naging governor, ano 'yung ginawa nila para sa mga katutubo?

    Madali lang sbaihin na mahal ko sila pero papaano nila ito pinakita? Pag nagsabi, galit ako sa korapsyon, papaano pinakita. Kami po, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pag nagsabi po kaming galit kami sa korapsyon, marami kaming resibo. Ano po 'yung mga resibo namin? Noong ako po nasa Kongreso pa, marami po akong panukalang batas na inihain patungkol sa transparency, patungkol sa accountability, patungkol sa people empowerment, dahil naniniwala tayo na malalakas na haligi ito kontra sa korapsyon. Noong ako po naging Vice President, papaano ko napatunayan na kontra ako sa korapsyon? Sunod-sunod pong taon, in the past three years, nakukuha ng aming opisina ang pinakamataas na COA audit rating. Pagpapakita na malinis 'yung paggamit namin ng pera.

    Kakaunti lang po, kakaunti lang, kakarampot lang 'yung budget ng OVP pero napakarami po naming natulungan. Halimbawa na lang, kanina po nasa Capitol kami, may mga doctor na lumapit sa amin, nagpapasalamat, ang sinasabi po noong mga doctor "Kayo po 'yung pinakaunang nagpadala sa amin ng mga PPe sets noong pandemic". Pero papano po namin 'yun nagagawa? Kahit kaunti po 'yung budget namin, nagagawa namin 'yun dahil pinapangalagaan namin 'yung pera ng bayan. Pag sinabi po naming mahal namin 'yung mga mahihirap, tignan niyo po kung ano 'yung mga programa namin. Lahat pong programa namin para pagtulong sa mga magsasaka, mga mangingisda, mga katutubo, mga manggagawa, mga urban poor. Hindi lang po 'yun lip service, kundi mahaba 'yung aming listahan. Kaya po namin sinasabi, gobyernong tapat–

    [crowd responds: Angat buhay lahat!]

    VP LENI: Tama 'yun. Dahil ang paniniwala namin, 'yung pagbabago mangyayari lamang pag nilinis natin 'yung gobyerno. Pag hindi po natin nilinis ‘yang gobyerno, pag 'yung luma at bulok na klase ng politika 'yung mamamayani pa din sa atin, wala pong pagbabagong mangyayari.

    Ang tingin ko po, ang dahilan kung bakit napakaraming kabataan ang andito ngayon, dahil nararamdaman niyo 'yung pag-asa. At pare-pareho po 'yung dahilan kung bakit andito tayo ngayon. Gusto po nating baguhin na ang pamamalakad na sa ating pamahalaan. Gusto po natin makita natin na 'yung lingkod bayan natin mga matitino at mahuhusay at masisipag. At gusto natin pag sinabi natin na aasikasuhin natin ang mga nasa laylayan, mararamdaman at makikita natin ‘yun. Na hindi lang natin iyon naririnig pag nagkakampanya, pero lalo nating makikita kapag nakaupo na 'yung mga binotohan natin.

    Kaya ito po 'yung challenge ko sa mga kabataan na nandito: Ang kinabukasan ninyo nasa kamay ninyo. Wala po sa kamay naming mga lingkod-bayan. Pag kami po hinalal ninyo, ang aming aasahan sa inyo ay babantayan niyo kami na pag kami po nagkamali, hindi kayo matatakot punahin kami. Dahil kung ayaw na po naming makinig sa puna, pareho nalang kami noong ating mga ayaw na klase ng politiko. Kaya 'yung amin pong kahilingan sa inyo tulong, hindi lang ngayong kampanya, pero pag nakaupo na kami pag kami tinulungan sana kabahagi pa din kayo ng aming pamamahala. Pero pag tinitignan ko po ngayon, grabeng pag-asa at inspirasyon 'yung nararamdaman ko. Hindi lang po– hindi lang po sa alam ko na hindi kayo bayad, pero alam ko, tignan niyo 'yung mga t-shirt niyo, kanya-kanya. Iba't ibang shade ng pink, iba-ibang imprenta, kanya-kanyang gastos sa pag-imprenta at sige na, i-akyat niyo na 'yung mga prinepare niyo at babasahin natin. Tignan niyo di ba? Kanya-kanyang gawa. Ano itong nasa–

    "Bahala [way tili 23:20] basta vote ko Leni." Ayan "Leni is Ms. Right, if we lose her, it's a miss right?" "Leni we are enchanted to meet you," fellow Swifties. "Sa gobyernong tapat, mga magnanakaw may katapat." "If I was a man, then I'd be the man." Happy women's day sa mga kababaihan. "Go Leni, [waray cerrado 23:52]" Ay ito, masaklap ito. "Mga na-ghost for Leni." Sino-sino kayong mga na-ghost? "Furbabies for Leni," "Housewives for Leni," "Aatras sa takong, pero di sa mga tanong," ayos 'yun ah. "Mga inaping Pilipinong mangingisda kay VP Leni nakahanap ng kasangga." Wag mo kong awayin, babasahin ko, tapusin ko lang dito. "Ilabas si De Lima, ipasok si Imelda." Ano ito? Ayan, ito muna, "Include women in the sequel, #Hamilton fans for Leni," Schuyler sisters. "Si Leni pasok sa akong dughan." "Si Leni kay [maabilidad ug dili tamad 25:04]" "Science High for Leni," "Support local farmers," "Mga–" oy, "Mga di pinayagan mag leave for Leni," nako, patay ako sa mga teachers saka sa boss niyo. "Ang Bday wish ko ay from VP to Pres Leni Robredo," salamat. "Mga iskolar ng bayan para kay Leni." Oy, may nang-iimbita ditong birthday bukas, si Neil, 24th birthday ni Neil, "This serves as my birthday invitation on May 9, 2022," ayan, Happy Birthday Niel, ayos, ayos, malaki 'yung party natin. \

    Ito, ayon. "Madame Leni [inaudible 25:55]," "Theresians for Leni-Kiko," "Defend press freedom," "I think therefore I'm pink," "Sa gobyernong tapat, hayahay ang lahat." "Leni gihapon kami." "Boto sa katawhan dili sa kawatan.” Ayan, "Lugaw lang daw ang afford, at least hindi dineny ng Oxford."

    Grabe kayo, hindi ko kaagad na-gets. "Pink for the win," "Di baleng nag-paa, huwag lang malikot ang kamay." Ayan, ayan bad influence ako sa inyo, "Takas bahay for Leni." Ano ito? "Sawang-sawa na kami sa roar, gusto na namin iluklok si Maria Leonor." Ayan, ay ito may assignment ito, pakinggan niyo. "Jowa ng BBM supporters for Leni," oh alam mo na darling-- [FEED CUTS 00:27:41]. "Hindi ako pucha–" ay oh my God, "Anak ng isang--" ay, "Hindi ako anak ng pucha, isa kong anak ng Fuchsia." "Sa gobyernong tapat, siya tanghaling tapat." Oh my god, "Mga hindi takot sa deadline for Leni," good luck sa inyo." "Sa gobyernong tapat– [FEED CUTS 28:03-28:36] – gawa ko naman lahat– [FEED CUTS 28:37] "Sayangin mo na ko–", huwag naman, "–huwag lang si Leni". "Elevate, activate, Lenivate", "Leni in your area". Ano 'yun, "Ang L sa [Markly 28:51] ay Let Leni Lead". "Sa gobyernong tapat, magkaka-wheelchair lahat ng corrupt". "Bayad lahat ng tax. Pera ng bayan–” oh my god "--hindi ipapa-botox". Oy, Magkakaproblema ako sa inyo, a. "Leni-Kiko Yassified, #YouthForLeni", maraming salamat. Sen. Kiko, sayo ito, o, "Stik-O noon, Kiko ngayon". "Mentally unstable pero stable ang boto ko kay Leni". Ito, "Sa Surigao Sur si Leni ka'y sure na sure". Ito, "Saint Leni"-- Saint ba 'yan? "Saint Leni of Resibo kami'y naniniwala sa iyo. Ipanalo na natin ito". Hindi ko nakikita 'yung– "Tax ay buong pusong ibinibigay kung dadaan sa mabuting kamay", tama 'yun, di ba. Kung tayo nagbabayad ng buwis, ganado tayo magbayad pag alam natin napupunta sa mabuti.

    "Sa gobyernong tapat, masaganing ani para sa lahat", "[Makong kaumahan nin Carmen 30:10-30:13]". Kamusta sa mga taga-Carmen. "Mga liko para kang Kiko". Ayan, "Pilipinas kong mudaog si Leni".

    May kuwento ako sa inyo. Alam niyo ba sa Bicol, ang "daog" talo. Baliktad, opo. Ang panalo sa amin "gana". Kaya pag pumupunta ako sa Bisaya, pag sinasabihan akong "daog na daog na", nalulungkot ako, 'yun pala baliktad.

    "Leni walks so Nicki Minaj could run". "Leni be the one", "No to historical revisionism", "Maki-Leni, huwag matakot", "Discord Kittens for Leni", "Bayot Pips for Leni". 'Yan, "Baryo Doctors Clinic". Ah, ito 'yung inyong reseta. "Leni plus Kiko–” ano ito, "–inom one cap once a day sa anim na taon para sa gobyernong tapat". Ito, "Drunk [hurl??? 31:27] for Leni". Naku, hindi naman drunk na drunk. "The future is female", "Ang taong [way respeto sa taohanong katungod way batasan 31:33-31:39]". Ayan, "Mga Pinaasa for Leni", ang saklap naman.

    "The future is female", 'yung mga "Dentist for Leni. Kabagang mo ako". Bagang ba? Bagang? Okay 'yun, a. "Crocs users for Leni", "Leni-Kiko for better pandemic response", "Mga Hottie for Leni Cutie". Ayan, may mannequin tayo dito. Maraming salamat sa pagbitbit ng mannequin, "Love Pink". "K-Pop Stans for Leni". "Basta si Leni [kurug ko? 32:21-32:22]". Ano 'yun? A, nanginginig? Ayun, teka 'yung iba maliit 'yung sulat.

    "Gobyernong tapat, di pa ba ako sapat?" Sapat na sapat ka. "Goodness without truth is pretense. Uphold human rights no to facism". Sorry hindi ko– “Abante babae", "Abogado ng bayan". Sorry. Ayun, nakapakalaki, "Ako Padayon Pilipino Partylist", maraming salamat po. Cong., kamusta ka ho? Maraming salamat! Maraming salamat po sa lahat ng mga representatives ng mga electric coops. Palakpakan po natin sila. "On Tuesdays we wear pink".

    May mga gusto lang po akong pasalamatan, 'yung atin pong organizers dito. Ayan, Andrea, maraming salamat. Nasaan po si Malou Epa ng RPC Tandag? Maraming salamat. Team Leni Robredo Tandag, 1Sambayan Marihatag, Lianga Volunteers for Leni Tandag, Youth for Leni Tandag and Tago, Women's Groups for Leni Tandag. Ayan, nandiyan po si– nakita ko si Gina [T. 33:58]. Nasaan si Gina kanina? Maraming salamat. Ayan, Gin.

    Nasaan po 'yung mga taga-Cantilan dito? Alam niyo bang nagbakasyon ako sa Cantilan? Ewan ko kung nandito si Emma Hotchkiss, doon ako kina Emma tumuloy. Ayan, nandito din 'yung Iriberri family, maraming salamat. Marami kayong ikaka-proud. Galing sa inyo si General Hotchkiss, galing sa inyo si General Iriberri, ayan.

    Mag-uuma sa Tandag, nasaan po kayo? Maraming salamat. Lumad sa Lianga, nandito ba kayo? Nasaan po kayo? LGBTQIA+ sa Tandag, Mga Kabataan ng Tandag, Youth for Leni Tago. Nandito po ba si Attorney Tonyboy Azarcon? Nandito siya? Maraming salamat po. Kuya Ping Azarcon, maraming salamat. Konsi Dodo Geli ng Tandag, nandito din? Maraming salamat po sa inyo.

    Konsi Denden Tan ng Tandag, Gay Tan, maraming salamat po. Para tayong nag-aano, nagche-check attendance. Pero gusto ko lang i-mention kasi ang dami kong kailangan pasalamatan. Doctor Agot Angos, nandito po? Deboy Cuartero, maraming salamat. Janise Iriberri, maraming salamat. Maraming salamat. [Hazel Goyonco-Pasoc 35:47-35:49], maraming salamat, Hazel. [Teedee 35:51] and company, maraming salamat po sa lahat na tulong. Pero sa inyo pong lahat bago po kami magpaalam ni Senator Kiko, lilipat po kami sa Surigao City, baon po namin 'yung pagmamahal na pinaramdam niyo sa amin ngayong hapon.

    Meron pa pong mga 63 days bago mag-eleksyon. Nagpapasalamat po tayo sa lahat. Alam ko po kinuwento na po sa akin, marami na sa inyo nagpapalugaw, kumakampanya, marami nang ginagawa. Pero marami pa po tayong kailangang gawin para magkumbinsi. Kaya ba natin 'yung next 63 days? Kaya ba nating iparamdam na 'yung kalakasan nasa ating lahat, wala sa aming politiko? Kung kaya po natin 'yun,mananalo po tayo.

    Ang panalo sa eleksyon, daog na. Ayoko sabihin na daog na kasi ibang gusto sabihin sa amin. Pero 'yung panalo po, isipin po natin kung anong iboboto natin ang epekto noon sa atin lahat in the next six years. Kaya huwag po nating sasayangin 'yung ating boto. Puwede? Maraming salamat. Mabuhay po kayong lahat.

    [END: 0:37:20]

     

    Posted in Transcripts on Mar 08, 2022