This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at Tanglaw: Laguna People’s Rally

    Message of Vice President Leni Robredo at Tanglaw: Laguna People’s Rally
    Nuvali Open Field, Santa Rosa City, Laguna


    VP LENI: Magandang gabi! Magandang gabi, Laguna! Akala ko mapapahiya ako ngayong gabi. Alam niyo, pag meron kaming grand rally na umuulan, lagi nilang sinasabi, pag ako daw magsasalita na, humihinto ang ulan.

    [crowd cheers]

    Pero kanina, bumuhos 'yung ulan bago ako magsalita, kaya sabi ko po sa likod: dito yata ako sa Laguna mapapahiya. Pero paglabas ko dito, huminto nga 'yung ulan. Talagang napakalakas ng kakampi natin.

    Pero bago lang po ako magpatuloy, ang aking pasasalamat at pagbigay galang, unang una sa aking kaibigan, kasama ko sa 16th Congress, Congresswoman Sol Aragones, na tumatakbo ngayong gobernador. Kasama ko din po sa Congress, Congressman Dan Fernandez.

    Ayun, nagpapasalamat din po ako sa mga mayors na kasama po natin ngayon, saka kasama natin kaninang maaga-aga pa. Nandito po sa stage, Mayor Baby Cataquiz ng San Pedro. Kanina po kasama natin si Mayor Arlene Arcillas ng Santa Rosa. Kasama din po natin si Mayor Arman Dimaguila ng Biñan. Kanina po kasama din natin, Congresswoman Len Alonte ng Biñan. Kasama din po natin 'yung iba pang mga mayors, mga vice mayors, mga councilors, mga board members.

    At kasama po natin 'yung mga Alamat ng Laguna, nandito po, kasama natin sa stage: former Governor Joey Lina, former Mayor Viteng Amante, former Mayor Binoy Lajara, former Mayor Calex Cataquiz, former Congresswoman Ivy Arago, at former Mayor Rolen Urriquia.

    Nagpapasalamat din po tayo sa ating RPC-Laguna Head, Attorney Aleta Tolentino, ang ating pong Robredo People's Council - Laguna, Youth Vote for Leni - Laguna, LGBTQIA+ for Leni, Tropang Leni-Kiko, Solid Leni Pilipinas, Tau Gamma Santa Rosa Triskelion Laguna Council. Maraming salamat po sa tulong ngayong rally natin at lahat na mga volunteers ng Tanglaw People's Rally dito sa Laguna.

    Alam ko po kaninang-kanina pa kayo nandito. Ininitan na kayo, inulanan na, nandito pa din kaya maraming, maraming salamat po sa inyo. Alam niyo po kanina– Mamaya po. Kanina po, bago ako i-introduce, tinitingnan ko 'yung video sa harap, nakita ko po 'yung aking mensahe noong pagtanggap ko ng hamon na tumakbo bilang Pangulo. October 7 lang po 'yun, ilang buwan pa lang nakakaraan, pero tinitingnan ko, sobrang dami na nangyari.

    Ang sinabi ko po noong tinanggap ko ang hamon: Tumindig kayo, dahil pag kayo tumindig, may titindig din sa tabi ninyo. Noong sinabi ko po 'yun, lakasan lang ng loob dahil 'yung mga surveys po noon, 3% lang yata ako, at 'yung ranking ko po pang-anim yata o pampito sa surveys.

    Pero, naglakas loob kayo, tumindig kayo at tama nga, noong tumindig kayo, maraming tumindig sa katabi niyo. Tingnan niyo naman po tayo ngayon, napakarami na natin. Hindi na lang po ito 'yung pinangarap natin noon, pero 'yung nakikita natin ngayon, taumbayan na handang handa ng lumaban dahil mahal nila ang ating bansang Pilipinas.

    Alam niyo po, ayan nga kahit sobrang pagod niyo na, napakataas pa din ng energy, kahit basang basa na ng ulan, masaya pa din. Ito pong kasiyahan at energy na ito, hindi lang ito dahil gusto niyo kaming ipaglaban ni Senator Kiko, pero ang lakas ng loob ng lahat dahil sa malaking pagmamahal natin sa ating bayan.

    Alam niyo naman po, natalo ako dito sa Laguna, noong 2016.

    CROWD: "Babawi kami! Babawi kami!"

    VP LENI: Pero alam niyo po, nag-rally din kami dito noong 2016, hindi ganito kadami 'yung nagpapahayag sa atin ng pagmamahal. Pero alam niyo po, kahit natalo ako dito sa Laguna, gaya po ng sabi ni Councilor Berns kanina, hindi ko po kinalimutan ang Laguna.

    Alam po ni Councilor Berns, dahil lagi namin silang partner, napakarami po ng programang ibinaba namin dito. Hindi ko na po iisa-isahin, pero marami po tayong mga programa sa Calauan, sa Nagcarlan, sa Biñan, sa Cabuyao, sa Calamba, sa Cavinti, sa Lumban, sa Pangil, sa Santa Cruz, sa Los Baños, siyempre San Pedro at San Pablo, sa Magdalena, sa Pagsanjan, sa Cabuyao.

    Ang mga programa po natin, iba-iba. Marami po tayong programa para sa mga magsasaka, marami po tayong programa sa mangingisda. Marami po tayong medical assistance programs, marami po tayong para sa edukasyon.

    Bawat sakuna, nandito po ang Office of the Vice President. Pagkatapos po ng typhoon Ulysses, nagkaroon din po tayo ng relief operations, pagkatapos ng typhoon Jolina, nagkaroon po tayo dito ng relief operations, 'yung atin pong mga health frontliners makakapagsabi na noong panahon ng pandemya, nandito po sa inyo ang Office of the Vice President.

    Iba-iba pong mga assistance ang binigay natin dito, meron pong mga PPE sets sa napakaraming ospital, meron pong medical supplies, meron pong bakunahan, meron pong swabbing, meron pong financial grants para sa mga nagkakasakit.

    Pero bakit po namin nagagawa ito kahit konti lang 'yung aming pondo? Dahil pinapangalagaan namin ang pera ng taumbayan. At ito po 'yung pinakamalaking ebidensya namin pag sinabi namin na ang gobyernong tapat, aangat ang buhay ng lahat. na kahit po limitado ang budget ng pamahalaan, pag walang korapsyon, pag napupunta ang pondo sa tama, marami 'yung natutulungan na naghihirap.

    Pangalawa, parati ko pong sinasabi na pag ako naging pangulo, ang laylayan ang magiging bagong sentro. Ano po 'yung gustong sabihin niyan? Na sisigurudahin po natin na 'yung mga kababayan nating nahihirapan, sila 'yung mas tutulungan natin.

    Pinakita po namin 'yan sa Office of the Vice President, sa amin pong Angat Buhay program na ang mga nakakaagaan sa buhay, basta may tiwala sila sa pamahalaan, sila mismo ang tumutulong sa mga naghihirap.

    Ito po 'yung gagawin natin ngayon, tulong-tulong tayo with the private sector sa pagsiguro na lahat, aangat ang buhay at walang maiiwan sa laylayan.

    Medic ba 'yun? Medic? Doon po sa may Philippine flag malapit doon. Ayan, bigyan lang po ng space para makadaan.

    Bobolahin niyo pa ako, pawis na pawis na ako sasabihin niyo ako, ang fresh ko pa. Ganoon ba talaga mga taga-Laguna, mga bolero? Ayan, alam niyo baka akalain niyo lang naligo ako, nabasa po ako ng ulan sa likod. Pero ito po 'yung ating pangako sa inyong lahat. Kami po ni Senator Kiko, pag sinabi naming galit kami sa korapsyon, tingnan niyo po ang aming track record. Pareho po kami nanilbihan nang matagal pero ni minsan, hindi nadawit ang mga pangalan namin sa anumang anomalya.

    Marahil alam niyo na na ang pinaka resibo namin sa Office of the Vice President, ang sunod sunod na COA Audit Rating kung saan taun-taon, nakukuha po namin ang pinakamataas na COA Audit Rating, pagpapakita na malinis ang pamamalakad namin. At ano po ang resulta ng malinis na pamamalakad? Ang pera ng gobyerno napupunta sa kung sino ang pinaka nangangailangan sa ating mga kababayan.

    Marami po 'yung nagsasabi, napakahirap ng laban na ito, totoo. Wala tayo ng pera at makinarya ng iba pero ang sasabihin ko po sa inyo, marami na akong laban na pinasok at 'yung karamihan po sa laban na pinasok ko, lahat mahihirap. Kung meron mang aral na natutunan ako, pag ang nilalaban natin nasa tama lang, wala pong sinabi ang pera at makinarya sa nagkakaisang lakas ng taumbayan.

    Ngayon po, walong araw na lang ang natitira. Walong araw na lang tayo puwede magkampanya. Kanina po, marami sa akin nagsasabi, panalo na tayo, wag po tayong ganyan. Hanggang sa kahuli-hulihan, 'yung lahat ng ating lakas, ibuhos po natin para mangumbinsi pa ng iba.

    Parati ko pong sinasabi, radikal na pagmamahal. Ano ang gustong sabihin noon? Na buksan natin ang ating mga puso sa ating mga kababayan kahit iba pa ang kanilang paniniwala, dahil po pare-pareho naman tayong gusto, ang gusto lang naman natin mapabuti ang ating bansa, di ba? Pagkatapos po ng eleksyon na ito, magkakapatid pa din tayo.

    Kaya ang dapat nating gawin, mangumbinsi sa mahinahon na paraan. Pakita po natin sa kanila na welcome sila sa atin. Ipakita natin sila na dito sa atin, masaya. Ipakita natin sa kanila na anuman ang kulay nila, mamahalin at ipaglalaban natin sila.

    Ngayon po, alam ko, marami dito 'yung naka-pink, maraming salamat dahil gustong sabihin, nakikipaglaban kayo para sa atin. Pero ang pinapangako ko po sa lahat na pag ako naging pangulo, magiging pangulo ako kahit anong kulay 'yung suot mo. Magiging pangulo po ako kahit pa iba 'yung paniniwala mo dahil ang gusto lang naman natin, magkaisa tayong lahat na tunay na pagkakaisa. Hindi po pagkakaisa lang ng mga politiko, pero nagkakaisa dahil sa pagmamahal natin sa ating bayan.

    Kaya po, maraming maraming salamat sa lahat na tumataya, maraming maraming salamat sa lahat na nagtitiwala, maraming salamat sa lahat na nagmamahal, pero walong araw pa po, ibuhos na natin dahil para sa bayan natin ito.

    Kaya po, tara na. Ipanalo na natin ito. Maraming maraming salamat sa inyo.

    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 29, 2022