This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Whistlestop with PHILRECA Partylist

    Message of Vice President Leni Robredo
    at the Whistlestop with PHILRECA Partylist
    TRV Gym, NEECO II-Area 1 Compound, Calipahan, Talavera, Nueva Ecija

    VP LENI: Maraming salamat, maraming Cong. Presley, maraming salamat po sa inyong lahat. Bago po ako magpatuloy, ang aking pong pagbigay galang. Siyempre po sa Congressman ng PHILRECA, palakpakan po natin, Congressman Presley De Jesus, nandito din po ang ating General Manager, Mr. Reynaldo Villanueva– hindi pala, Board President, ang atin pong Board President, Mr. Reynaldo Villanueva. Ang General Manager po saka Executive Director ng PHILRECA, Attorney Janeene Colingan, magandang umaga po. Engineer Nelson Dela Cruz, ang ating General Manager sa Area 1. Mr. Ramon De Vera, ang atin pong GM sa Area 2.

    'Yung iba't iba pa pong mga Board of Directors ng Nueva Ecija Electric Cooperative, Central Luzon Electric Cooperatives Incorporated, 'yung mga general manager saka mga Board of Directors who are joining us this morning. Balita ko po meron din tayong mga bisita from Benguet Electric Cooperative, malayo 'yung byinahe niyo. 'Yung mga officers of BENECO Labor Union, 'yung mga officers ng BENECO Supervisors Association. Sa inyo pong lahat na nandito ngayong umaga, magandang magandang- tanghali na pala. Magandang tanghali po sa inyong lahat, magandang tanghali din Talavera.

    Alam niyo po, nagulat ako kasi nakita ko sa schedule namin, sabi po sa akin magda-drop by lang daw ako nang sandali para mag-hello sa mga Nueva Ecija Electric Cooperative Family pero pagdating ko po, napakarami ninyo kaya maraming maraming salamat. Alam niyo po, malapit kasi sa puso ko 'yung mga electric cooperatives dahil 'yung akin pong bunsong kapatid, more than 15 years, empleyado ng- ginugulat niyo kami. 'Yung akin pong bunsong kapatid, matagal na panahon, empleyado ng Casureco 2. Tapos ako noong nag-aabogado para sa mga basehang sektor, ako din po 'yung labor lawyer ng Casureco saka ng Aleco. Kaya, ito po mahaba 'yung aking love affair sa mga electric cooperatives. Kaya po noong ako ay Vice President na, ang amin pong relationship ng power block ng Congress at tuloy tuloy kaya sina Cong. Presley, hindi natin kasama 'yung iba pero kasama po sila lahat sila sa Mindanao. Noong umikot po ako sa Mindanao, 'yung tatlong mga Congressman ng power block kasama ko pati si Former Congressman Ed Masungsong, kasama din.

    Pero it po, malaki 'yung haharapin natin na problema pagdating sa power. Alam niyo 'yun, di ba? Alam niyo 'yun. Malaking problema dahil alam natin na magkakaproblema na tayo soon ng supply. Pangalawa, napakataas nong presyo ng kuryente ngayon. Pangatlo, talagang malaki 'yung kailangang ayusin. Kahit po ako saan pumunta, ewan ko si ma'am po na kasama ko– Congresswoman Ging Suansing pala nandito na, palakpakan po natin. Noong pumunta po ako sa Baguio, hindi ko alam kung 'yung mga Benguet Electric Cooperative nandoon pag punta ko. Pinaabot niyo sa akin 'yung problemang hinaharap ng Benguet Electric Cooperative. Pag punta ko po sa Bacolod, pinaabot din sa akin 'yung problemang kinakaharap ng Negros Electric Cooperative. Para po sa akin, hindi 'yung dissolution ng electric cooperatives ang sagot. Ang sa akin, tingnan natin 'yung datos. Totoo na may mga electric cooperatives na may problema, pero para po sa akin, 'yung mga may problemang electric cooperatives, instead na idi-dissolve sila, kailangan tulungan.

    Napakahalaga ng electric cooperatives dahil pagmamay-ari ito ng mga consumers at yung lahat ko pong pinagdaanan, makikikita niyo na parati akong para sa empowerment, para sa empowerment ng ordinaryong mamamayan. Hindi po ako naniniwala na dapat pag hindi nagiging efficient ang isang bagay ay inaalisan ng kapangyarihan, inaalisan ng kapangyarihan ang mga kooperatiba, bagkus, kailangan tinutulungan dahil sino ba 'yung magmamahal sa ating mga ginagawa kundi tayo din makikinabang. Kaya sa akin po, ano 'yung maaasahan niyo pag binigyan tayo ng mandato? Ang maaasahan niyo po, kabahagi kayo ng aking administrasyon every step of the way. Ang boses niyo, hindi lang papakinggan pero kabahagi kayo ng administrasyon. Pag sinabi po nating kabahagi kayo ng administrasyon, hindi lang kayo kokonsultahin pero every step of the way, pag gumagawa tayo ng mga polisiya kabahagi kayo. Maaasahan niyo na 'yung may mga problema, tutulungan natin pero ang maaasahan niyo din na ang gobyerno magiging ka-partner niyo para siguruhin na magigigg very efficient 'yung operation ng mga electric cooperatives. Kasi 'yun naman po 'yung parating binabato sa atin, di ba? 'Yung parating binabato sa atin, sinasabi na pag negosyante ang maghahawak, mas efficient kesa electric cooperatives. Kaya dapat, ipakita natin sa kanila na kung ano ang kaya nila, kaya natin– mas hihigitan pa natin.

    Kaya sa akin lang po, 'yun 'yung aking maipapangako sa inyo. Pero 'yung pangalawa, pag panahon kasi ng kampanya, maraming mangangako, di ba? Pag panahon ng kampanya, maraming magsasabing mahal ko 'yung mahihirap, ayoko sa korapsyon, pero ako lang po, ang pakiusap ko; sana sukatin natin 'yung kakayahan hindi lang kung ano ang ginagawa nila sa panahon ng eleksyon pero mas mahalaga, ano ang ginagawa nila pag walang eleksyon? Dahil 'yung pagmamahal sa mahihirap, makikita po natin 'yan hindi ngayon. Kasi ngayon, ang mga kandidato nag-aagawan tumulong. Pero 'yung tingnan natin, noong walang eleksyon asan ba sila? Noong walang eleksyon, ano pa 'yung ginagawa nila? Pag sinabi nilang galit ako sa korapsyon, tingnan natin, hanapan natin ng resibo. Pag sinabing galit sa korapsyon, ang Office of the Vice President po, mahaba 'yung aming resibo. Ano po 'yung resibo namin? For three consecutive years, nakukuha po namin 'yung pinakamataas na COA Audit Rating, hindi na lang po kami magsasabi– hindi po kami 'yung nagsasabi na malinis 'yung opisina namin. COA. COA 'yung nagsasabi na napakalinis ng aming mga proseso. Kaya po, alam ko marami sa inyong mga kandidatong bibisita, pero pag nagbisita ang kandidato, nangako, tingnan natin, ano ba 'yung ebidensya na 'yung pinapangako nila ngayon, ipinakita na nila sa kanilang mga ginagawa noong hindi pa sila kandidato, kasi 'yun 'yung pinakatunay na basehan. Pag kandidato ka na, nakikipag-unahan kang tumulong. Pero noong hindi ka ba kandidato, sa lahat na sakuna asaan ka? 'Yung pandemic, asan ka? 'Yun 'yung sukatan, di ba?

    Kaya sa akin po, nagpapasalamat ako na nadito kayo ngayong umaga. Pero humihingi din ako sa inyo ng tulong, na sana 'yung election na ito, hindi magiging basehan niya, kasinungalingan, Sana 'yung election na ito ang magiging basehan, katotohanan. Sana 'yung election na ito, ang magiging basehan hindi lang 'yung ginagawa namin sa panahon ng kampanya, pero mas mahalaga, ano 'yung ginagawa namin kahit hindi kumakampanya. Hindi po ako magtatagal, ang akin lang pong pangako, kaisa niyo ako sa ipinaglalaban ninyo. Maraming salamat, mabuhay po kayo.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 22, 2022