This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni at Universidad de Santa Isabel

    Message of Vice President Leni at Universidad de Santa Isabel


    [START 2:26:07]


    VP LENI: Thank you very much! [Bicolano 2:26:11 - 2:26:36] pero pasensya na [Bicolano 2:26:37 - 2:26:39] Pero bago po ako magpadagos, Sister Lourdes Albis and the rest of the DC Sisters who are here with us today, of course Father Rex Alarcon– no Hidalgo, Father Rex Hidalgo. Si Bishop pala, si Bishop Rex.

    Ang sa tuya pong mga representatives from the USIAA, siyempre headed by our president, President Lai Requinta Guinto. Siyempre special mention ang USI batch ‘82. [Bicolano 2:27:19 - 2:27:25] mga sisters, mga teachers, mga estudyante, mga administrators, the rest of the USI family, [Bicolano 2:27:34 - 2:27:36] Sabi ko pala mag-tagalog ako. Dr. Bob, of course our medical director, Dra. Marilou [Bicolano 2:27:44 - 2:27:46].

    Alam niyo po noong dumating ako ngayong hapon, binuksan muna natin ‘yung mural na nasa [Santonja 2:27:54], so maraming salamat sa lahat ng naging bahagi noong mural na buong [Santonja 2:28:01] ay covered. Pero pumasok ako doon sa– pumasok kami nina Sister doon sa bahagi ng USI na dati ay garahe. Bawal doon ‘yung mga estudyante at pag nagtataguan po kami Sister, ay pinapaalis kami doon. Pero ngayon bukas na pala ‘yun at puwede ng dumaan. Umikot kami. Umikot kami sa campus, mula doon sa may garahe sa may Music Department hanggang doon sa may winding stair– sa may Quadrangle, hanggang sa may winding stairs, parang ako ‘yung nagtu-tour kay Sister kahit siya ‘yung ating presidente, nagtu-tour ako sa kanya kasi alam niyo po mula two years old ako lagi na akong nandito, naka-USI uniform na ako dahil sa aking nanay.

    Naalala ko parang bago pa lang ako naglalakad meron na akong blue and white uniform kasi kasama ako ng nanay ko habang nagtuturo siya. Itong building na to College Department ito dati. Pag gabi nandiyan ‘yung nanay ko, natutulog na ko sa likod ng klase pero lagi niya akong kasama. Ito pong mga kasama ko dito, USI batch ‘82, marami sa kanila, magkakasama na kami since five years old kami.

    Binibilang ko kung kailan kami five years old, 1970 ‘yun. So, mabibilang niyo na ‘yung aming edad. 1970, so gusto kong sabihin over the course of more than 50 years magkakasama na kami. At kaya ko to sinasabi dahil kahit anong pagpupuri ‘yung natatanggap ko, pag nanggagaling doon sa mga kasama ko mula ako ay bata pa, it makes all the appreciation more priceless. Dahil alam mo na ito ‘yung mga tao na nakita na the best and the worst in you pero ipinagtatanggol ka pa din. Kaya maraming salamat, batch ‘82. Alam ko po na hindi ako ‘yung pinakamahusay, maraming mas mahusay sa akin. Hindi din ako ‘yung pinakamabait, maraming mas mabait sa akin, pero pag ako napapalaban ay sila ‘yung unang nagtatanggol sa kin, kaya maraming maraming salamat sa inyo.

    Pero iku-kwento ko lang po sa inyo, noong papasok ako sabi ko nga punong-puno ng nostalgia ‘yung aming munting pag-tour sa USI. Nakita ko ‘yung mga dati kong classrooms, dinaanan namin, itinuturo ko kay Sister, “Sister, ito dati ‘yung green canteen.” Naalala niyo po ba ‘yung green canteen, malapit sa auditorium? Hindi niyo na maalala no? Naalala niyo ba ‘yung white canteen? ‘Yung white canteen, hindi niyo na ‘yun alam. ‘Yung white canteen, ‘yun ‘yung naging College of Commerce noong nagtuturo ako dito.

    Pero ‘yung pinagdadaanan ko ‘yung lahat na nagbibigay sa akin ng mga alaala, in the course of the more than 50 years na nandito ako sa USI. ‘Yung realization na a huge part of who I am now is because of how I was nurtured by this school. Estudyante ako dito mula 1970 hanggang 1982. Pagkatapos na naging estudyante ako dito after my high school graduation in 1982, nawala lang akong four years dahil nag-aral ako sa Maynila, pagbalik ko dito nagtrabaho ako sa Bicol River Basin, I think for two years pero noong nag-resign ako sa Bicol River Basin after I got engaged to my husband, bumalik ako dito sa USI para magturo.

    Kanina nagsalita dito si Dyna, nasaan na si Dyna? Nagsalita si Dyna, siya ‘yung ka-batch ko. Siya ‘yung ka batch ko pagpasok bilang teacher sa USI. At marami kaming mga kahirapan na pinagdaanan together. Kanina magkakasama kami– si Dyna, si Dr. Neneth Abrigo, nasaan na si Dr. Neneth? Nandiyan siya, si Dr. Gie Reyes, magkakasama kaming naglalakad, kami ‘yung magkakasama noon na nagtuturo dito. Nakita ko din si Dra. Eden, nasaan si Dra. Eden? Si Dra. Eden ‘yung ating College Physician before at ang naalala namin Dra. Eden, habang naglalakad kami, na magkakaklase kaming buntis habang kami ay teacher.

    Buntis ako kay Tricia, si Dyna ay buntis kay Dindin, si Dra. Neneth naman ay buntis kay Paulo. Sabay sabay kami nagpapa-check up kay Dra. Eden sa school clinic. Sunod-sunod din kaming nanganak. Sunod-sunod kami nanganak.

    So, gusto kong sabihin the reason I’m telling you this is: a huge part of my life is really intertwined with the different chapters of my life in USI. Matagal po akong nagturo dito. The entire time that I was studying law, I was a teacher. Nagtuturo po ako ng Economics, nagtuturo ako ng Political Science subjects, nagtuturo ako ng Business Administration subjects sa College of Commerce nang araw at pag gabi ay, pagkakatapos ng aming klase ay tumatakbo na ako kasi male-late na ako sa 5:30 class ko sa UNC where I was studying law.

    Huminto lang po ako pagturo, pagkapasa ko. It was only when I finished, when I became a lawyer already that I stopped teaching. ‘Yung asawa ko po sa kasusundo sa kin dito, nagturo na din siya. So, hindi ko alam kung ilang years nagturo ‘yung asawa ko pero naging teacher na din siya kasi siguro napagod na siya kasusundo sa kin. He was teaching here while he was Mayor of Naga. Nagturo din siya sa UNC kasi kasusundo niya din sa akin sa law school, habang naghihintay siya sa akin, nagturo na din siya sa College of Engineering ng UNC.

    [2:34:50]
    VP LENI: ‘Yung mga anak ko, all of them studied here. Nagmula kay Aika— binibilang ko kanina kung kailan pumasok dito si Aika, mukhang 1993. 1993 si Aika pumasok dito and tatlo ‘yung anak ko, six years apart silang tatlo. So, ganoon din ako katagal nanay ng isang Isabellina. Si Jillian ay nag-graduate ng gradeschool 2012, the year my husband died.
    So, from 1993 to 2012, ang pinoproblema ko lang, parking. Pag late na natatapos ‘yung aking mga hearing, wala na akong parking sa tapat, at magpa-park ako sa napakalayo para mag-sundo sa aking mga anak. Napakasimple lang ng buhay noon. Ang problema ko parking, ang problema ko ‘yung mga assignment ng mga anak ko pero I was a very hands-on parent. ‘Yung mga teachers ng mga anak ko makakapagsabi na ako ‘yung naghahatid-sundo sa mga anak ko everyday of their lives, mula noong 1993 hanggang 2012. So, ang tagal ng aking love affair with USI.
    Now when I became a public servant already, parating ang wish ko, sana hindi ko naman kayo mapahiya. Sana proud kayo sa akin and wala naman akong pinagkaiba sa bawat isa sa inyo, siguro ‘yung kaibahan lang, nabigyan ako ng pagkakataon manilbihan pero ‘yung mga values na dala-dala ko, ‘yun din ‘yung dala-dala niyo. ‘Yung mga pinaniniwalaan ko, ‘yun din ‘yung pinaniniwalaan niyo. ‘Yung husay ko kung mahusay man ako, ganoon din kayo kahusay kasi isang institusyon lang naman ‘yung humubog sa ating lahat. And you know, over the course of my stint as a public servant, the Daughters of Charity and the Vincentian family has always made me proud.
    Iku-kuwento ko lang po sa inyo, last week I was in Tawi-Tawi, Sulu, Basilan and Zamboanga. Gulat na gulat po ako, kasi pag punta ko sa Zamboanga Sibugay, may mga DC Sisters doon, nag-Bibicol pa. Sobrang gulat na gulat ako na, “Anong ginagawa niyo dito?” ang sabi nila, “Dito ang aming misyon.” Akala ko po that was the farthest I would see a DC Sister. Pag punta ko ng Tawi-Tawi, meron na naman. Pag punta ko pong Tawi-Tawi– we are helping a Badjao community there, nagbibigay po kami ng livelihood assistance–lo and behold, ang nag-aasikaso sa kanila DC Sisters. ‘Yung aming partner community sa Payatas, ang nag-aasikaso sa kanila mga Vincentian Fathers. Pag pumupunta din ako sa sa ibang lugar, pag merong DC community, parati akong hino-host.
    Halimbawa sa Sacred Heart College sa Lucena, I was there for two times already. The first one was when Mother [Mary Ann Evidente 2:38:25] was Sister Superior and President of Sacred Heart College Laguna. They invited me to be their graduation speaker. Tapos I think two months ago, I was there. ‘Yung isa pong parang rally na kinonduct namin, Sacred Heart College hosted. And I don’t know if you recall Sister [Sonny 2:38:47], Sister [Sonny Evidente 2:38:50] I was in Ilo-ilo two months ago, meron po siyang reception for me sa [Sagrada], sa Colegio de la [Sagrada] Corazon de Jesus, pag-pasok ko po ng [Sagrada], para akong pumasok sa USI noong olden times. Mas modern nalang tayo, kasi ngayon marami nang bago, pero ‘yung [Sagrada], every bit of Sagrada reminded me of USI when I was still small. ‘Yung kanilang quadrangle, ‘yung kanilang auditorium, ‘yung kanilang Music Department—hindi pala Music Department, kasi sabi ni Sister [Sonny 2:39:32] hindi daw ‘yan Department, pero ‘yung kanilang music corner.
    Pero kaya ko po ito kinukuwento kasi if you are proud of me, I am also very proud. I am also very proud that I am a product of Vincentian education. Kasi, ‘yung— sa atin naman, maliliit pa tayo, taken for granted natin, pero maliliit pa tayo instilled na sa atin ‘yung community service. Di ba na-aalala niyo dati na maliliit pa tayo, kakanta at sasayaw tayo sa Marilaque. Maliliit pa tayo, pupunta na tayo sa mga communities kasi maninilbihan tayo. Dati ay natutuwa tayo kasi parang filed trip sa atin iyun, nakakalabas tayo sa— nakakalabas tayo sa campus. Pero looking back, with the benefit of hindsight, ‘yun talaga ‘yung mga nagbigay sa atin ng lessons na dala-dala natin hanggang ngayon. Naaalala ko nga, everytime I talk to my staff, sabi ko ‘yung “growing up ‘yung mga blackboards sa amin, meron napakalaki sa unahan na “The Charity of Christ urges us.” Dati, hindi ko lang iyon pinapansin, pero ngayon na— hindi naman pala ako matanda. Ngayon na medyo matanda-tanda na, the realization that the value— the virtue— of Charity has been ingrained sa ating lahat mula noong tayo ay pagka-bata, mula noong tayo ay bata.
    So, thank you very much for giving me this opportunity to be with you this afternoon. It is always an honor and a privilege na binibigyan niyo ako ng send-off. I remember when I was running for the Vice Presidency, ‘yung mini send-off na nangyari was during our February Grand Reunion. Dahil ngayon walang February Grand Reunion, pumunta kayo dito ngayong hapon to send me off. I know that many of you especially ‘yung aking mga batchmates, grabe na ‘yung kanilang ginagawa. Lahat, pa-lugaw, paggawa ng— pag-fundraising para sa mga activities, pagpagawa ng mga t-shirts, paglabas sa community. Hindi lang ‘yung batch ‘82 pero many other batches dito sa atin. Please know that I am very, very grateful. Sabi ko nga, ang daming gumagawa ng something for me, pero pag kayo ‘yung gumagawa parang affirmation ‘yun na I am doing something right. So, ako, it is always a very humbling experience– very humbling feeling, na in-aappreciate ako ng mga taong nakakakilala ng lubos sa akin and I can only hope that in the years to come, I will always make you proud.
    So, maraming maraming salamat sa inyong [Bicolano 2:42:47 – 2:43:01]. Pag sinasabi kong [Bicolano 2:43:02 - 2:43:32].

    [END 2:43:32]

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 07, 2022