This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of VP Leni Robredo Campaign Headquarters

    Message of VP Leni Robredo Campaign Headquarters
    San Fernando, Pampanga

    [START 36:10]

    VP LENI: Maraming salamat, maraming salamat. Magandang gabi! Magandang gabi sa inyong lahat. Ayon!

    Pasensiya na po kayo dahil dapat kani-kanina pa kami. Pero, alam niyo po, nag-ninong siya kanina– kami sa kasal ni Sen. Kiko, and medyo mahaba po ‘yung ceremonies kaya pasensiya na kayo. Ayaw ko pa naman pong nagpapahintay nang matagal. Pasensiya na. Pero bago lang ako magpa– bago lang ako magpatuloy ang aking pagbibigay galang sa mga kasama ko po dito… siyempre, sa pangunguna ni Sen. Kiko. Palakpakan po natin. Mayor “EDSA,” palakpakan natin. Former congressman Oca. Magkasama po kami sa Congress. Siyempre, ang aking matalik na kaibigan. Ang asawa ko, matalik na kaibigan mo din, Among Ed. Ang akin pong kumpare, Councilor Reden Halili. Ang akin din pong pagbigay galang sa ating barangay captain, Brgy. Captain Bernardino Talao ng Barangay San Isidro. Siya ‘yung ating host barangay– Nandoon si Kap sa baba. Hello, Kap! Saka po ‘yung mga barangay officials na kasama natin ngayon– ngayong gabi.

    Gusto ko din pong paabutan ng pasasalamat ang– si Eng. Arnel Sicat, ang ating overall event command. Nasaan si Engineer? Nandiyan sa baba? Ah, nandiyan sa likod, nag-aasikaso pa yata. Nandito din po, former Mayor of Magalang, Pastor Guiao. Palakpakan po natin. Nagpapasalamat din po pala ako kahit po wala siya ngayong gabi– pero nagpapasalamat kay former congressman Yeng Guiao. Magkasama po kami– magkasama po kami sa Congress, at alam ko po na marami siyang ginagawa para makatulong sa atin. ‘Yung atin pong former Mayor of Minalin, former Mayor Katoy Naguit. Nasa– ayon, nandito sa likod. Former Mayor ng Candaba, Eng. Danilo Saycon, Baylon pala, Baylon. Kasama niya po ‘yung kanyang mahal na asawa. Dito po kayo sa taas, sir. Kasama niya po si Mrs. Baylon. Sandali po. [confers with someone]

    Palakpakan po natin kasi sa kanya po ‘yung pinakamahirap na trabaho, Dr. Joseph Juico. Bawat po– bawat trabaho, nandiyan si Dr. Joe. Mahirap ang kanyang trabaho. ‘Yun po ‘yung mga trabahong ayaw natin. [laughs] Pero siya po ‘yung nagsisiguro na mayroon tayong kampanya araw-araw. Nandi– Nandito din po– Hindi ko na po iisa-isahin ‘yung iba’t ibang groups na nandito kasi tinawag na po ni Senator Kiko kanina, pero alam ko po na napakaraming mga grupo na talagang nag-self-organize, talagang– talagang gumagalaw kahit po wala kami dito.

    Alam niyo po, ito ‘yung kakaiba sa kampanyang ‘to. Hindi ko pa po ito nakukuwento kahit kanino, pero ‘yung wala pa po akong balak mag-file, pinuntahan po ako ni Among Ed. Pinuntahan po ako– magkahiwalay po sila, pinuntahan po ako ni Mayor “EDSA.” Pareho po ‘yung sagot ko sa kanila. Malapit na po itong mag-file– September yata. Ang sagot ko po sa kanila, “Wala akong balak magkandidato.”

    Kasi ang sabi ko po sa kanila, “Ginawa ko nang maayos ang trabaho ko for five-and-a-half years.” Pero sabi ko sa kanila, “Sobrang hirap ng pinagdaanan ko.” At sabi ko, “Kung magkandidato ako, baka napakalungkot lang ng journey na ‘to kasi tayo-tayo lang ulit ‘yung magkakasama.” ‘Yun po ‘yung sagot ko sa kanilang dalawa. Pareho po ‘yung sab– ‘yung sagot nila sa akin. Ang sagot po nila sa akin, “Magdesisyon ka lang, lalabas ang tao.”

    Pero po, ako masasabi ‘to ni Among saka ni Mayor “EDSA.” Ang sabi ko sa kanila, “Maniwala kayo, hindi.” Kasi alam niyo po kung bakit ko ‘yon nasabi? Sabi ko five-and-a-half years na akong Vice President. Sabi ko, ang dami kong ginagawang trabaho. Lahat ko naranasan. Lahat ko naranasan. Maraming local officials ‘yung natatakot, tumatanggi dahil sa politikal na sitwasyon natin. Kaya sabi ko po sa kanila, “Mali kayo.” Sabi ko, “Kahit ako mag-file, tayo-tayo din lang ‘yung magkakasama. Kaya huwag na lang.” Kung naaalala po ni Among Ed, pareho sila. Si Among Ed, halos maiyak na kakakumbinsi sa akin.

    Si Mayor Edsa naman nakikipagdebate sa kin na grabe, kasi sinasabi nila [no audio 41:49 - 42:02] pagkatapos noon, hanggang pag-file nung– nung linggo na ng filing at saka po ako nagdesisyon na magkandidato. Pero nung– nung kinausap ko po si Senator Kiko ang sabi ko po sa kanya, Senator baka gusto mo kong samahan sa laban na 'to, pero sabi ko wala akong, wala kang aasahan. Dahil sabi ko ang alam ko 'yung lima't kalahating taon na pinagsilbihan ko, maraming akong nagawa pero malungkot 'yung aking biyahe. Sabi ko sigurado ako na 'yung kampanyang ito magiging malungkot din, pero gawing natin 'yung dapat naman nating gawin. Gawin nating 'yung tama.

    Ready na po kami. [applause] Ready na po kami ni Senator Kiko na inaakala po namin bibisita kami sa mga lugar, kakaunti 'yung sasalubong sa amin, bibista kami sa mga lugar walang local official na mangangahas na tulungan kami, dahil yun 'yung aming karanasan in the last five and a half years. Pero alam niyo po, mali kami [applause]. Dahil, nung nagdesisyon po kami mag-file, October 7 'yun, gulat na gulat po kami na pagsabi naming humakbang tayo para humakbang din 'yung katabi natin, ‘yun na ‘yun talaga 'yung nangyari.

    Kaya kami po nagpapasalamat kami sa inyo. Nagpapasalamat kami sa inyo na kahit handa kaming mahirap 'yung laban na 'to, pero kayo lumalaban katabi namin [applause] at 'yung pinaka– pinaka mabuti po dito, nararamdaman namin na hindi lang kayo lumalaban para ipanalo kami bilang kandidato niyo pero lumalaban kayo para sa bayan. [applause] Lumalaban kayo para sa mga anak ninyo, para sa mga apo ninyo, para sa kinabukasan ninyo. Ngayon po, alam natin ang sitwasyon. Ang lahat ng malalakas nagsama-sama na. Parati po kaming tinatanong, hindi ba kayo nawawalan ng pag-asa?

    CROWD: Hindi po!

    VP LENI: Alam niyo po ang lagi naming sagot, papaano kami mawawalan ng pag-asa na bawat punta namin sa lugar, nakikita namin kayo na nagpapakita– nagpapakita ng lakas, nagpapakita ng commitment, nagpapakita ng passion. At alam niyo po, bawat punta namin ni Sen. Kiko sa mga lugar lalo na 'yung mga nauna, nag-uusap po kami.

    Si Sen. Kiko matagal na nagkakandidato mula 2001 pa. Ako po pangatlong eleksyon ko pa lang ito na ako 'yung kandidato, pero 'yung asawa ko, anim na beses nagkandidato mula 1988 hanggang sa namatay siya nung 2012. First time ko po ito nakita, na 'yung kampanya hindi na ito 'yung kampanyang nakita namin ni Senator Kiko nung mga nakaraan. Dahil nung mga nakaraan, pag kami ang kandidato, kami 'yung mag-oorganize ng mga magkakampanya sa amin, kami 'yung mag-aasikaso ng mga tarpaulin, kami 'yung mag-aasikaso ng mga t-shirt, kami magaasikaso ng headquarters, kami mag-aasikaso ng lahat ng mga meetings. Kailangan pa naming siguruhin na maraming taong pupunta sa meeting.

    Ngayon po, baliktad. [applause] Alam niyo po ngayon, pag pupunta kami sa isang lugar, kadalasan po kami pa ang nagsasaway na baka pwedeng hindi ganoon kadami kasi COVID pa ngayon. Pag pumupunta po kami sa lugar wala kaming inaasikaso. Lahat po mga volunteers kagaya niyo [applause] 'yung lahat po mga headquarters hindi po namin yan naranasan in the past na bawat lugar may headquarters. Wala kaming [no audio 46:38 - 46:42] inaasikaso. Tingnan niyo po 'yung mga kulay ng mga damit niyo. O di ba iba-iba 'yung shade ng pink?

    CROWD: Yes!

    VP LENI: Meron po akong na-attendan na isang meeting na pinagaawayan pa kung ano talaga 'yung shade ng pink. Ang sabi ko po sa kanila, di ba ito 'yung beauty ng ginagawa natin? Iba-ibang tao, iba-ibang pinanggalingan, pero iisa 'yung hangarin para sa bayan. Kaya sabi ko po, merong light pink, baby pink, may watermelon pink, may fuchsia, pag minsan may magenta, iba-iba. Pero ang kagandahan nasa pagkakaiba, di ba?

    CROWD: Yes!

    VP LENI: Kanina po, mala–'yung kasal kasi kanina sa Guagua, so may mga dinaanan kami, pati po 'yung mga tarpaulin na nakadikit, iba-iba din. Pati 'yung mga parol, iba-iba din. Kanya-kanyang style, tingnan niyo 'yung mga t-shirt niyo, iba-iba din. Pero ito po 'yung essence, sa kahulugan ng pinaglalaban natin ngayon, na iba-iba 'yung pinanggalingan natin, 'di ba? Iba-iba 'yung estado natin sa buhay pero merong isa— merong pareho para sa ating lahat. Ang pinaglalaban natin lahat para sa mas mabuting Pilipinas para sa ating mga anak.

    At ito po 'yung nararamdaman natin sa kaibuturan ng ating puso. Kaya pag sinasabi pong wala kayong pera, wala kayong makinarya, 'yung lahat ng malalaking pulitiko nasa kanila. Gaya ng sabi ni Senator Kiko, totoo siguro pero wala naman sila ng meron tayo – kayo 'yun lahat. Kaya sa 'kin po meron pa tayong anim na buwan, meron pa po tayong anim na buwan na marami pa tayong puwedeng gawin.

    Ano po 'yung mga puwedeng gawin natin? Ang puwedeng gawin natin ang pagkampanya natin, hindi ito 'yung dating pagkampanya na basta ka lang magbibigay [no audio 49:09 - 49:11]... pero ang hinihingi ko pong kampanya sa inyo, 'di ba narinig niyo na 'yung sinabi kong dapat radikal magmahal? 'Yun po 'yung klaseng kampanya na sana 'yun 'yung gawin natin in the next six months. Ano ba 'yung radikal na pagmamahal? [49:32 - 49:33 no audio]

    ...pagmamahal na kahit iba 'yung ating mga paniniwala, hindi tayo makikipag-away. Ito pong– mahirap daw, mahirap pero kakayanin. No pain, no glory, tama. Pero ito po, ang isa ko pong pakiusap hindi lang 'yun. Pero 'di ba marami sa inyo ang andami nang ginagawa. May mga pa-lugaw, may mga kung anu-ano. Bakit natin hinihikayat 'yung ating mga volunteers saka supporters na ganito 'yung gawin? Kasi ito 'yung radikal na pagmamahal. Dapat iparamdam natin sa kanila na pagmamahal 'yung magreresolba ng mga problema natin. Kahit po ako, kahit po ako bigyan ng mandato sa susunod na administrasyon, hindi ko po kaya 'yung lahat ng trabaho kung hindi ko kayo kasama.

    Marami po tayong pagbabagong kailangang gawin. Ang eleksyon, isang pagkakataon pra baguhin natin 'yung mga ayaw natin, 'di ba? Pero marami tayong reklamo, marami tayong mahirap 'yung buhay, pero 'yung hinahalal natin ay pareho din nang pareho, hindi naman magbabago 'yung buhay natin. Pero makakapagbago ng buhay natin isang lider na manghihikayat [no audio 51:11 - 51:14] na magbigay ng kanyang ambag.

    Kaya sa 'kin po, [crowd cheers] sa akin po, para sa 'kin, 'yung pagbabagong gusto natin makita, dapat magsimula sa atin. 'Yung pagbabagong gusto nating makita, hindi tayo maghihintay matapos ang eleksyon, gagawin na natin ngayon. Kaya ako po, excited kami ni Senator Kiko na makasama kayo sa laban na 'to. Excited po kami na bumalik-balik dito sa Pampanga na bawat balik ang sasabihin natin napaliwanagan na po namin 'yung mga naniniwala sa mga kasinungalingan. Alam na po nila 'yung katotohanan. O kung hindi 'yung kuwento, 'yung mga nangangailangan ay naasikaso po namin, 'di ba? Ganyan na samahan 'yung gusto nating makita para sa ikabubuti ng bayan natin, tulong-tulong po tayo, sama-sama para sa isang aspirasyon. Ang aspirasyon na 'yun, isang mas mabuting Pilipinas kaysa ngayon.

    Kaya ako po, gusto ko lang po magpasalamat ulit kina Among Ed, sa kanyang grupo, marami po sila, hindi ko na sila maiisa-isa pero sina Among Ed, sina Councilor– nawawala na– si Councilor Reden, sina Doc, 'yung buong grupo na matagal nang nagtatrabaho. Alam niyo po nag-umpisa sila, sila-sila lang. Nung nag-uumpisa po sila, sila-sila lang. Pero araw-araw dumadami tayo, dumadami tayo hindi dahil sa ‘kin, pero dumadami tayo kasi nare-realize po natin na pare-pareho naman ‘yung gusto nating mangyari dito sa bansa natin. Kaya babalik po kami, babalik po kami lalo na pag campaign period na, sasamahan niyo kami. Sasamahan niyo po kami sa pagkumbinsi sa ating mga kababayan, sasamahan niyo po kaming magpaliwanag sa ating mga kababayan, pero mula ngayon, sama-sama tayo sa pagmamahal at pag-aaruga sa ating mga kababayan.

    Maraming salamat po, magandang gabi sa inyong lahat.

    [END 53:53]

    Posted in Transcripts on Dec 15, 2021