This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mga kababaihang local leaders: Ang madamayin, walang pag-iimbot na pamumuno ni VP Leni ay mananaig laban sa “patronage politics”

    Mga kababaihang local leaders: Ang madamayin, walang pag-iimbot na pamumuno

    ni VP Leni ay mananaig laban sa “patronage politics”

    Inindorso ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-Presidente ng bagong tatag na Pinunong Pinay Power, isang grupo ng mahigit 50 kababaihang local leaders mula Luzon, Visayas, at Mindanao, Miyerkules, ika-2 ng Pebrero.

    Para sa grupo, ang klase ng pamumuno ni Robredo ang maglalayo sa “patronage politics” at maglalapit sa mga tao.

    Si Robredo ang nag-iisang babaeng kandidato sa May 9 presidential elections.

    “Her compassionate governance is a departure from the traditional patronage politics. Hers is the brand of politics that puts people’s welfare front and center,” ani Tabaco City Mayor Krisel Lagman-Luistro na nagbasa ng pahayag ng Pinunong Pinay Power sa online launch ng grupo.

    Ibinahagi ng mga pinuno ang kanilang mga personal na kwento tungkol kay Robredo at kung paano sila nakumbinsi ng kanyang mga aksyon na siya nga ang Presidente na kailangan ng bansa.

    “Siya ‘yung lider na maaasahan at matapang magmahal, ‘yung pagmamahal na hindi iniisip ang sarili. Napaka-selfless. And this is the brand of leadership we want for our country. This is the brand of leadership of women,” ani Mayor Tin Antonio ng Alcala, Cagayan, habang inaalala ang suporta ni Robredo matapos ang manalasa ang Bagyong Ulysses sa Cagayan.

    Sinabi ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ng Odiongan, Romblon na nuong tumama ang bagyo sa kanilang munisipyo ay agad siyang tinext ni Robredo at tinanong kung kumusta na sila. Sinabi ni Fabic na iyon ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng ganoong atensyon mula sa isang opisyal ng national government.

    “Nangamusta siya kung okay lang ba kami. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganoong concern galing po sa isang national official na talagang nagche-check sa amin kung kamusta kami. Dito po sa aming bayan at sa aming probinsya, kahit maliit lang po kami, nabibigyan niya po kami ng pansin,” saad ni Fabic.

    Bukod sa pagtugon sa kalamidad ng Office of the Vice President, pinuri rin ng iba pang opisyal ang kanyang mga programa para sa women empowerment. Kasama dito ang Angat Bayi, isang programang nakatuon sa women’s political empowerment, at Angat Buhay, ang anti-poverty initiative ng OVP.

    Ilang mga miyembro ng grupo ang nagsabing ang mga programang ay nagbigay lakas sa kanila na makibahagi sa pamamahala.

    “Dahil po dito our leaders became more effective, more efficient, and ethical in the delivery of the services to the different sectors of our society,” ayon kay Mayor Vivian Alvarez ng Oras, Eastern Samar.

    Para kay Robredo, ang kasarian ay hindi dapat maging batayan ng kakayahan sa pamumuno ng isang tao, sa halip, kung ano ang kanyang mga ginawa para sa paglilingkod sa bayan. Ito rin ang pinaniniwalaan ng mga lider ng kababaihan habang nanawagan din sila na labanan ang diskriminasyon ng kababaihan sa pulitika.

    “Labanan natin ang paniniwala na babae siya, [na] babae lang siya kaya hindi niya kayang mamuno,” sinabi ni Councilor Marjorie Martin-Chan of Tuguegarao City, Cagayan.

    Sa isang recorded message, ibinahagi rin ni Dinagat Gov. Kaka Bag-ao ang kanyang suporta kay Robredo sa pagka- Presidente. Sinabi niya na ang bansa ay nangangailangan ng isang pinuno na talagang alam ang pakikibaka ng mga mahihirap, alam ang kanilang mga pangalan, at nakikinig sa kanilang mga kuwento.

    Para kay Bag-ao at maraming kababaihan sa buong bansa, napakalinaw: “Isang lider lang po ang papasok sa isip natin, walang iba kung hindi si Leni Robredo.” [End]

     

     

     

    Posted in Press Releases on Feb 03, 2022