Angat Buhay Turnover of Medical Equipment
Our Lady of Lourdes Infirmary, Brgy. Carolina, Naga City
REPORTER 1: National issue po muna: Reaction po sa possible arrest ni Senator Trillanes today?
VP LENI: Iyong sa akin, kahapon nga pinuntahan ko siya to show support, kasi maling-mali iyong ginagawa sa kaniya. Nasundan natin iyong timeline ng… timeline saka ng datos papunta doon sa alleged na revocation noong amnesty. Mali talaga; walang ibang dahilan kung hindi pagpapatahimik—gaya noong nangyari kay Senator Leila. Ito, kailangan itong kontrahin, kasi kung hindi, siya na iyong magiging norm, na matatakot nang magpuna sa pamahalaan dahil mayroong mga aksyon na ganito. Iyong sinasabi ko sa mga kasama, panahon na ito para magkaisa. Panahon na kapag mali, mali talaga—kapag mali, walang pulitika, walang political affiliations. Kailangan mas paigtingin pang lalo iyong mga boses para ipahayag na hindi puwede iyong ganitong kalakaran sa isang demokrasya.
REPORTER 1: Ma’am, iyong 9% inflation po in the Bicol region?
VP LENI: Sobrang nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot na tayo iyong pinakamataas. Tayo iyong pinakamataas across the entire archipelago, 9% iyong dito. Sa buong Pilipinas, iyong average is 6.4 [percent], at ito ay headline inflation pa lang. Kapag sinabing headline inflation, ito iyong average na, parang, sa lahat. Pero kapag tinitingnan natin iyong 30% of the population, ito iyong poor population, mas malaki—mayroong estimate na 7.7 [percent], hindi ko alam kung gaano ka-accurate.
Pero pagpapahiwatig na hirap talaga iyong ating mga kababayan. Nakakalungkot din na dinedepensahan na natural itong… natural na consequence ng growth, kasi sabi ko nga napaka-meaningless noong growth kung naghihirap iyong ating mga kababayan. Kapag tiningnan natin iyong mga katabi natin na bansa na mataas din iyong growth rate, hindi naman ganito kataas iyong inflation.
Noong Miyerkules, galing ako sa Zamboanga. Nakita ko iyong pila sa pagbibili ng bigas. Nagkaroon kami ng dialogue with several sectors. Ang kuwento ng iba doon, ang kinakain nila ngayon kamoteng kahoy na, dahil hindi na nila kaya iyong taas ng bilihin, ng presyo. At hindi lang bigas. Kung titingnan natin iyong pinakamataas nga, isda—at ito, very ironic sa isang bansa na archipelago, na napapaligiran tayo ng maraming bodies of water. Ang taas nito kasi ang laking bahagi ng gastos ng mangingisda, iyong gasolina.
Kaya iyong sa atin, marami tayong mungkahi na gawin iyong pamahalaan. Iyong pinakauna na dito, magpakita ng leadership. Na magpakita ng isang mukha at isang boses. Na tanggapin na mayroong problema, saka sabihin kung anong gagawin para sugpuin iyong problema. At i-assure iyong ating mga kababayan na on top sila ng sitwasyon.
Mahirap kasi, kasi iba-ibang mga opisyal ng pamahalaan, iba-iba iyong deklarasyon. Hindi ito nakakabigay ng assurance, bagkus nakakalito pa ito, lalong nagbibigay ng confusion, takot, na baka tumagal pa iyong krisis na ito.
Iyong Lunes, nagkaroon kami ng press conference sa opisina. Nagpakita nang isang team iyong aming mga kasamahan. Si Senator Bam, noong nakaraang buwan, may finile na siya na Bawas Presyo Bill sa Senado. Noong Lunes naman, iyong mga kasamahan natin sa House of Representatives, nag-file na din ng counterpart bill, na essentially hinihingi nito na i-suspend, una, iyong pagtaas ulit ng presyo ng gasolina sa January. Kasi, ‘di ba, nasa TRAIN 1 kasi, may tatlong pagtaas—nitong January 2018, mayroon sa 2019, mayroon sa 2020. Iyong hinihingi sa Bawas Presyo Bill, i-suspend muna iyong pagtaas nito. Marami tayong kahilingan. Halimbawa, hinihiling natin na balikan iyong TRAIN 1 dahil marami silang hindi napaghandaan na epekto nito. Kinumpara nila iyong direct effect nito, pero iyong mga indirect effects, hindi nakuwenta. Mula umpisa, sinasabi na natin na paano iyong mga mahihirap? Ang kasagutan nila mayroong safety nets na nakapalaman sa TRAIN 1. Umasa tayo doon. Iyong safety net na… iyong provided for ng TRAIN 1 is 200 pesos a month. Iyong kanilang promise, by the first quarter of the year, nabigay na ito sa 10 million na pinakamahihirap na pamilya. Pero ngayon, September na, hindi pa din nabibigyan lahat. Iyong huling tala noong August ay nasa 5.4, 5.7 [million] pa lang iyong nabibigyan; gustong sabihin mahigit 4 million na nagdusa na dahil sa pagtaas ng presyo, pero hindi pa nakakakuha ng tulong.
Sana naman bilis-bilisan, kasi ang bilis nga na na-impose noong bagong taxes, pero iyong tulong sa mahirap, dapat before pa sana ito. Saka balikan iyong amount, kasi mukhang iyong 200 pesos a month na sinet nila, hindi doon na-take into consideration iyong direct cost; hindi na-take into consideration iyong kataasan ng presyo. Iyong prediction ng pamahalaan, 2 to 4% lang iyong inflation within the year; 6.4 [percent] na tayo. Ang laking layo doon sa predicted na 2 to 4%.
—
REPORTER 4: Vice, advice po sa mga tao on how to survive the situation habang hinahanap pa ng gobyerno ang solusyon sa inflation rate?
VP LENI: Ngayon kasing matataas iyong presyo lahat, kailangan talagang mag-save tayo. Huwag gagastos nang hindi naman kailangan. Saka maghanap talaga ng ibang paraan para maghanapbuhay. Halimbawa, iyong pagtatanim, malaking bagay iyong pagtatanim. Iyong mga nakausap ko sa Zamboanga, sa kanila nakakakain sila dahil sa gulay saka sa prutas na tinatanim nila—malaking bagay iyon. Saka huwag umasa, huwag umasa—huwag maghintay lang, dapat gumawa ng paraan. Kasi kung maghihintay lang, lalong mararamdaman iyong kahirapan.
– 30 –