This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez on VP Leni Robredo's decision for 2022 polls, unification talks Teka Teka… Alas 4:30 Na on DWIZ 882 AM Radio Hosts: Mon Ilagan and Señor Rey Pacheco

    OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez on VP Leni Robredo's decision for 2022 polls, unification talks

    Teka Teka… Alas 4:30 Na on DWIZ 882 AM Radio

    Hosts: Mon Ilagan and Señor Rey Pacheco

     

    SEÑOR RAY PACHECO: Nasa linya na ho natin ang tagapagsalita ng Vice President Leni Robredo sa katauhan po ni Spokesperson Barry Gutierrez. Barry, magandang hapon, buenas tardes. Welcome sa palatuntunan naming Teka Teka… sa DWIZ with Mayor Mon Ilagan at yours truly, Señor Pacheco.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Señor Rey, Sir Mon, magandang hapon sa inyo at magandang hapon sa lahat ng ating mga tagapakinig.

    SEÑOR RAY PACHECO: Mukhang handang-handa na.

    MON ILAGAN: Atty. Barry, magandang hapon! Kumusta ka?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang hapon, Sir. Okay naman. Ito, maraming iniisip. [laughs]

    MON ILAGAN: Alam mo naman ang panahon ngayon, Atty. Barry. Pero nasaan na ba tayo? Nasaan na ba si VP Leni? Magkakaroon ba tayo ng desisyon within the week? Tatakbo ba or what?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang sabi naman ni VP Leni binibigyan niya ang sarili niya hanggang next week. October 8 kasi ang ating deadline at ang kaniyang intensyon hanggang ngayon ay habulin pa rin iyong posibleng pagkakaisa, posibleng partnership, posibleng collaboration nitong ating mga kumakandidato sa labas ng administrasyon, ‘di ba. So tuloy pa rin ang usap. At bagama’t nagdeklara na si Mayor Isko, bagama’t mayroon na ring announcement si Senator Pacquiao, hindi pa naman nagsasara ng pinto sa kaniya na willing pa ring makipag-usap, eh balak niyang hahabulin hanggang sa dulo bago siya magdesisyon.

    SEÑOR RAY PACHECO: Ah, okay. So si Senador Paquiao hindi pa pala nagsasara, ha, Atty. Barry?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nag-deklara, oo. Pero noong isang araw mukhang narinig ko nag-announce si Senator Pacquiao in response doon sa announcement ng 1Sambayan na siya raw ay bukas pa sa paghahabol ng pagkakasama, pakikipag-ugnayan para sa eleksyon. So siguro nakakapagbigay pa rin ng pag-asa iyon kay VP Leni na posible pa ring mag-usap at posible pa ring makapagbuo ng mas malawak na samahan papuntang 2022. Hindi kailangang magkaniya-kaniya sila papunta sa eleksyon.

    SEÑOR RAY PACHECO: So two weeks more, ha. Two weeks more.

    MON ILAGAN: Atty. Barry, what is the next possible option from VP Leni if in case—ine-expect niya at least magkaisa pa para sa bayan ang united opposition, magkasama-sama ang party affiliation—kung this will not happen, what would be the next step ni VP Leni? Tatakbo na ba siya ng Camarines [Sur] for governor?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mukhang wala pa naman tayo—wala pa naman po tayo doon. Mukhang—ang kaniyang perspektiba ngayon, ang pangunahing desisyon ay tatakbo ba siyang presidente o hindi. At sa ngayon, nakabatay ang desisyon na iyan doon sa magiging resulta nitong pakikipag-usap nga sa iba’t iba pang mga kandidato na posible pa sanang makasama. So kung ang magiging bunga noon ay siya ay tutuloy na tatakbong pagka-pangulo, eh ‘di siyempre iyon na ang magiging prayoridad. Ngayon, kung sa dulo hindi mabubuo iyong ganoong unity, eh iba pang decision point iyon. Kailangan niyang i-assess kung iyong kaniyang pagtakbo ba ay makakatulong doon sa kaniyang hangarin na una, huwag nang magpatuloy at ganitong klaseng pamamahala at pangalawa, huwag nang makabalik ang mga Marcos sa puwesto. So iyon iyong kaniyang priority. So kung sa kaniyang basa iyong kaniyang personal na pagtakbo ay magiging susi para maabot ito, eh ‘di tatakbo siyang pagka-pangulo. Klaro naman po iyon sa kaniyang mga sinasabi.

    Ngayon, ano mang desisyon sa lokal, eh sa dulo pa iyan. Kung sakali talagang pagkatapos ng lahat at marami pa pong hakbang na pagdadaanan ito, magde-decide siya na hindi siya tatakbo, eh saka pa lang niya pag-iisipan kung sa kaniyang hindi pagtuloy sa pagka-pangulo, eh bukas ba siyang mag-lokal. So hindi po—ang pinagpipilian dito hindi presidente o governor o presidente o kung ano mang local position kundi tuloy sa pagka-pangulo o hindi. Pagkatapos noon, eh 'di saka niya pag-iisipan kung mayroon pang puwang para kumandidato sa ibang posisyon sa lokal.

    MON ILAGAN: Exactly. Mayroon akong follow-up question, Atty. Barry, ha. Kasi alam mo na-miss ko ito dahil noong 2016 eh ano kami, nasa kabila siya, nasa kabila ako. [laughter]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako, balik na yata tayo, Sir Mon, sa ganoong hectic na ano, eh, na phase. [laughs]

    MON ILAGAN: Atty. Barry, so bale ganito lang iyong mangyayari. I think, ano, correct me if I’m wrong, if there was a statement made by the Vice President—Vice President Leni—na basta tumakbo si BBM o Marcos, she will also run.

    SEÑOR RAY PACHECO: Okay, iyan ang sabi niya.

    MON ILAGAN: Tama ba iyon?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang sabi niya—actually ang sabi niya, kung one-on-one sila ni Bongbong, definitely tatakbo siya. Lalabanan niya one-on-one.

    MON ILAGAN: Ah, one-on-one. Nasabi ko lang iyan kasi baka hopefully tomorrow or Wednesday, eh magbigay naman na ng statement si BBM na he’s running for president or vice president. Hindi natin alam at—that’s one thing at ang partido is KBL. But so, kapag nag-one-on-one, at saka siya lalaban?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, sabi niya tiyak na, “kung one-on-one kami ni BBM,” siya ay lalaban. Pero ako, sa aking pananaw, kung sakaling magdedeklara si dating Senador Marcos na tatakbo siya bilang pagka-pangulo, isang mabigat iyan na dahilan para sukatin ni VP Leni kung tutuloy siya o hindi.

    MON ILAGAN: So ang talagang binabanggit niya, si BBM, ano.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi naman na sikreto iyon kung bakit niya sinasabi iyon. Lalo pa nitong nakaraan hinamon siya, ‘di ba. Nagsalita pa si Bongbong na, anong tawag dito, hinamon bale si VP Leni. So si VP Leni, hindi aatras sa ganoon, ‘di ba. Lalo na’t nanalo siya sa 2016, nanalo siya sa recount, bakit siya aatras ngayon, ‘di ba?

    MON ILAGAN: Atty. Barry, just one last thing, ganito so let’s face reality, up to October 8 is the last day for filing ng candidacy, the COC. Now, given almost barely two weeks, tingin ba ninyo kung ang sinasabi ni Vice President Leni na sana magkaisa pa, magkaroon pa ng united opposition—kasi, isa-isahin natin, Atty. Barry ha, si Ping and Sotto okay na iyan, settled na iyan. Talagang diretso na iyan, ‘di ho ba. Itong Manny Pacquiao, naghihintay na lang, baka maging vice president si 1Sambayan si former Justice, ‘di po ba? So mukhang ano na lahat diyan, eh, decided na ba lahat, ‘di ho ba. So parang ang hirap na mahintay pa iyong sinasabi ni VP Leni na sana magkaroon ng pagkakaisa, pag-uusap, affiliation. Isko, buong-buo na rin iyan, ‘di ho ba. So, saan si VP Leni doon?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, ang masasabi ko lang ganito, eh. Totoo naman na kung titingnan lang natin mula sa labas, lahat sila may kaniya-kaniya nang deklarasyon. Lahat sila mayroon nang kaniya-kaniyang pagkilos. Pero si VP Leni na nakikipag-usap sa kanila direkta, ‘di ba—dito sa mga usapang ito hindi natin alam kung ano iyong mga nilalaman, hindi natin alam kung ano iyong mga aktwal na kanilang nadi-discuss, ‘di ba, at kung nasaan na iyong antas ng kanilang pakikipag-usap, eh hindi pa rin nagbibigay ng—hindi pa rin naggi-give up. So obviously, mayroon pa ring puwang, ‘di ba. Iyon ang kaniyang pananaw na bagama’t sa kabila ng may mga ganitong klaseng public declarations, itong mga nabanggit niyo, mukhang iyong iba sa kanila mayroon pang willingness na explore-in.

    Well, ibang usapan kapag umabot na tayo kasi siyempre kapag nag-file ka na, siyempre medyo sarado na nang kaunti iyon, ‘di ba. Kaya ang deadline na binibigay ni VP Leni, eh ‘di iyong panahon ng filing, ‘di ba. October 1 to October 8. Pero kung aabot sa puntong iyon, nag-file na iyong lahat ng kausap niya, hindi sila nagkasundo, eh ‘di ibang desisyon na iyon. Kailangan niyang magdesisyon para sa sarili niya kung tutuloy ba siya o hindi. Pero habang wala pang filing, habang nakikipag-usap pa sa kaniya, habang umaandar pa iyong mga ganitong klaseng mga dialogue sa kanilang panig, makikita niya na mayroon pang puwang at iyon iyong kaniyang tingin na tungkulin niyang habulin. Habang nakikipag-usap pa, subukan nating dalhin iyong usapan sa pagsasama at pakikipag-ugnayan para sa 2022.

    SEÑOR RAY PACHECO: I see. So last—ang last ko na lang, Atty. Barry, so makasisiguro ba tayo na bago dumating ang alas-12 ng tanghali ng Oktubre 8, hindi si dating Senador Antonio Trillanes IV ang magpa-file ng kaniyang candidacy sa pagka-presidente sa side ng mga oposisyon?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, sa politika naman wala namang sigurado, eh, ‘di ba. Pero ako, babatayan natin iyong nakaraang track record ni VP Leni. Isang tao iyan na kapag nag-decide na, talagang dire-diretso, ‘di ba. Hindi nagpapatinag sa numero, hindi nagpapatinag na malakas iyong kalaban. Kapag napagdesisyunan talaga niya na siya ay tutuloy, eh sigurado tayo hanggang sa dulo niya ilalaban iyan, ‘di ba. So hintay-hintay na lang tayo habang tina-trabaho niya itong posibleng pakikipag-ugnayan, pagsasama pa para sa 2022. Bigyan natin ng panahon. Pero umasa tayo na pagdating ng panahon na kailangan nang magdesisyon, eh mauuna iyong tapang sa konsiderasyon para sa desisyon na ito.

    MON ILAGAN: Kaming mga katulad ni Atty. Barry, mga tagapagsalita, ang sagot namin diyan sa tanong mo. Alam mo ang sagot?

    SEÑOR RAY PACHECO: Ano?

    MON ILAGAN: Let’s cross the bridge when we get there. [laughter]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama naman iyan! [laughs]

    SEÑOR RAY PACHECO: Safe na safe iyan. Safe na safe iyang sagot na iyan, Atty. Barry.

    MON ILAGAN: Atty. Barry, isa na lang, ha, sana naman kasi—given na until October 8, sana hindi tumagal iyong, “teka, teka…” ni VP Leni ha. [laughter]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako, alam niyo naman si VP Leni, hindi naman nagte-“teka, teka” iyon. [laughs]

    MON ILAGAN: Okay! Thank you, thank you!

    SEÑOR RAY PACHECO: Atty. Barry, maraming salamat.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sige po, Señor Ray, Sir Mon, salamat. Mabuhay kayo at ingat lagi.

    SEÑOR RAY PACHECO: Mga kaibigan, nakapanayam po namin walang iba kundi ang tanggapan ng Vice President sa katauhan po ng tagapagsalita nito, si Atty. Barry Gutierrez.

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Sep 27, 2021