Pagpapasalamat ni Leni Robredo sa mga sumuporta sa Caravan of Hope
Magandang araw po sa inyong lahat! Kanina ko pa po tinitingnan 'yung mga pictures na pinadala sa akin. Mula kaninang gumising ako ng umaga, buong araw, hanggang ngayon. Tuwang-tuwa po akong tinitingnan 'yung mga pictures ng lahat ng sumama sa ating caravan of hope.
Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng organizers, mula sa national hanggang sa barangay. Ito po ay talagang completely volunteer driven. Hindi ko po inaasahan na ganito karami ang magpa-participate, at tinitingnan ko po, parang bawat lugar, iba 'yung gimmick na ginawa. Mayroong nagsasayaw sa kalsada, merong mga parang motorcade ng mga bangka, merong kalabaw. Iba't iba pong mga nakakatuwa talagang mga creative na mga memes para ipakita ang pakikiisa at suporta. Sa lahat po ng nagpaprint ng sariling tarps, sa lahat ng mga nagpaprint ng kanya-kanyang mga t-shirts, 'yung naggawa ng mga ribbons, may mga balloons, iba't ibang klase ng mga artwork, 'yung iba naka-costume. Talaga pong nakakataba ng puso. Sobrang salamat po sa inyong lahat.
Alam ko na alas diyes ang start ng motorcade, pero as early as 7:00 AM ay nagtitipon na kanina pa. Please know na tinitingnan ko po 'yung lahat ng pinost ninyo on Facebook, on Instagram, on Twitter, pati Youtube at Tiktok. Talagang maraming, maraming salamat.
Sa akin po, ilang ulit ko na 'tong sinabi. Wala man tayo ng mayroon sila, meron tayo ng wala sila--at kayong lahat 'yon. Ang magpapanalo po talaga sa laban na ito sa atin, pagmamahal at pakikiisa. At ito po ay ramdam na ramdam natin today, lalong-lalo na. Sana in the days to come, lalo pa nating maramdaman ang pagmamahal at pakikiisa ng bawat isa.
Maraming salamat po, mahal ko po kayong lahat!