Pahayag ng Pangalawang Pangulo sa Pagbibigay ni Pangulong Duterte ng Absolute Pardon kay US Marine Joseph Scott Pemberton
Noong October 11, 2014, pinaslang si Jennifer Laude sa Olongapo. Kahapon, binigyan ng absolute pardon ng Pangulo ang pumaslang sa kanya na si Joseph Scott Pemberton.
Ang tanong nga natin: Patas at makatarungan ba ang naging desisyong ito? Libo-libo ang nakakulong pa rin dahil walang pambayad sa abugado. Hindi malitis-litis ang kanilang mga kaso. May mga pamilya silang nagugutom, nagkakasakit, at naghihirap. Pemberton had lawyers, special detention facilities, a quick, public trial, and an appeal. Ngayon, lalong luminaw na mayroon din siyang resources para masigurong mabibigyang-pansin ng mismong Pangulo ang kaso niya.
Isa lang ang kasong ito sa maraming patunay ng pagkiling sa makapangyarihan na nakikita natin mula sa pamahalaan. Napakaraming mga Pilipino na mas magaan ang sala, ngunit hindi nabibigyang-pansin o nabibigyan ng ganitong uri ng pribilehiyo. Ang nakikita natin: Kapag mahirap, may parusa; kapag mayaman at nasa poder, malaya.
We continue to hope that the President exercises his vast powers in a manner that is fair and that benefits the common Filipino.