Pahayag ni Atty. Barry Gutierrez Ukol sa Tugon nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Deklarasyon ng Suporta ng Koalisyong Makabayan
Nagpapasalamat si VP Leni at Sen. Kiko sa suportang inihayag ng Koalisyong Makabayan sa kanilang kandidatura.
Handa silang makipagtulungan hinggil sa sampung puntong inilatag bilang Nakikitang Kumon na Tindig sa mga Isyu at Plataporma sa kanilang deklarasyon. Binubuksan nito ang landas sa mas malalim na pagkakaisa para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.
Hudyat ang kaganapang ito ng mas matinding pagsisikap at mas malalim na pagsasama tungo sa katuparan ng mas malalawak na layuning nagbibigkis sa napakaraming Pilipino: Ang wakasan ang bulok na uri ng pulitika na ugat ng gutom, kahirapan, at pagkamatay ng marami sa ating kababayan; at ang pagtatalaga, kapalit nito, ng isang pamunuang matino, mahusay, makatarungan, at magtutuon ng buo nitong lakas sa pag-aangat ng buhay ng Pilipino, lalo na ng mga nasa laylayan.
#