Pahayag ni Leni Robredo ukol sa operasyon laban kay Salahuddin Hassan
Nakarating sa atin ang mga ulat: Dahil sa mahusay at determinadong pagkilos ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nadala sa hustisya ang teroristang si Salahuddin Hassan, ang pinuno ng Daulah Islamiyah - Hassan Group.
Nagpapasalamat tayo sa giting ng kasundaluhan, na sinigurong mananagot si Hassan na pasimuno ng mga pambobomba sa Maguindanao, North Cotabato, at Sultan Kudarat.
Kaisa ako ng sambayanang Pilipino sa pagbibigay-pugay sa isang marangal at propesyunal na kasundaluhan.
#