Mula simula, ito na ang aming sinasabi, na ayon sa recount ng tatlong pilot provinces, tumaas lalo ang lamang ni VP Leni kay Marcos. Tinawag kaming sinungaling, inakusahan kaming nagkakalat ng fake news.
Ngayon, simple lang ang tanong namin: Sino ang napatunayang sinungaling?
Klaro na talo si Marcos sa recount ng mga probinsiyang pinili niya. Malinaw ang aming posisyon, sapat nang batayan ito para ibasura ang protesta.
Ibabalik ko kay Ginoong Marcos ang isang paboritong sabihin ng pamilya nya: Move on na. Natalo ka, tanggapin mo na.