Pahayag ni VP Leni Robredo sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa
Dahil sa biglaan at patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID sa ating bansa, nananawagan po ako sa ating mga kababayan na mag-ingat at patuloy na sundin ang mga health protocols. Proteksyunan natin ang ating mga mahal sa buhay at tumulong na mapababa ang kaso ng COVID sa pamamagitan ng sakripisyo natin.
Pansamantalang ititigil ang mga operasyon sa aming campaign headquarters para sa kaligtasan ng mga volunteer at staff, pero magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette. Nananatiling bukas ang Bayanihan E-Konsulta at ibabalik natin ang Swab Cab ngayong linggo bilang bahagi ng ating COVID response.
Hindi man madali ang sitwasyon, alam natin na kaya nating malampasan ito kung magkakaisa tayo.
#