This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Para sa iba’t ibang sector, malinaw at napapanahon ang sa Kalayaan sa COVID Plan ni Leni

    Para sa iba’t ibang sector, malinaw at napapanahon ang sa Kalayaan sa COVID Plan ni Leni

    Ayon sa mga kinatawan ng maralitang tagalungsod at maliliit na negosyante, ang Kalayaan sa COVID Plan ni Vice President Leni Robredo ay malinaw at napapanahon dahil ang pandemya pa rin ang pangunahing problema ng bansa.

    “Malinaw talaga yung kanyang plataporma at saka napapanahon, dahil ang pandemya ang unang unang problema natin dito sa Pilipinas. Kaya malinaw na yun ang tinutukan niya.” bahagi ni dating kagawad Josefina de la Serna ng Barangay 599 sa Sta. Mesa Manila, Manila sa isang pagtitipon ng mga Kakampinks matapos ihayag ni Robredo ang kanyang plano para tugunan ang COVID noong ika-tatlo ng Nobyembre.

    Nagpahayag din ng kanilang mga komento ang iba pang taga-suporta ng Bise Presidente sa isang diskusyon sa FB Live ng Team Leni Robredo. Kasama rito ang Nanays for Leni at Alliance of Labor Leaders For Leni (ALL4Leni) na pinangunahan ng kanilang tagapagsalita at kandidato sa pagka-senador na si Atty. Sonny Matula.

    Ayon kay Matula, pinalampas ng kasalukuyang administrasyon ang pagkakataong makapagbigay ng regular na trabaho at suporta sa mga maliliit na negosyo sa pagpili nilang mag-angkat ng PPEs mula sa ibang bansa.

    “First step” naman daw ito ayon kay Bernadette Cariaga, kinatawan ng Nanays for Leni, matapos niyang basahin ang “Kalayaan sa Kakulangan sa Edukasyon.”

    Bago ipagpatuloy ang face-to-face classes, dapat siguraduhing lahat ng school personnel ay nabakunahan, mayroong maayos na pasilidad sa paghuhugas ng kamay ang bawat paaralan, ligtas ang pag-hawak ng pagkain dito, at oobserbahan pa rin ang social distancing ayon kay Cariaga. Nakiusap rin ito na siguraduhing ligtas ang pampublikong transportasyon para sa mga estudyante at mga tagahatid nito.

    Ibinahagi naman ng iba pang mga sektor ang agarang pangangailangan nila ngayong pandemya.

    “Ang kailangan ngayon ng small businesses is really new capital, new markets, and trying to be accepted again in the market, trying to find employees again, dahil simula ulit eh,” ayon kay Maan Dela Cruz Sicam, isang maliit na negosyante.

    Patuloy pa rin ang pagbaba ng kita at paglaki ng mga gastusin para sa mga maliliit na negosyo. Kasama na rito ang gastos pang-kalusugan ng kanilang mga empleyado.

    “Parang KKB: Kagutuman, Kawalan ng pag-asa, at Butas na bulsa.” sabi ni Debbie Bartolo ukol sa sitwasyon ng mga maralitang tagalungsod.

    Karamihan sa mga pamilyang ito ay dalawang beses o kaunti pa kung kumain kada araw para mapagkasya ang gastusin habang inaasikaro rin ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Ayon kay Bartolo, hindi ito isinaalang-alang ng administrasyon.

    Binahagi naman ng grupong Dapat Si Leni sa kanilang Facebook page ang sinabi ni Dr. Adrian Rabe, isang propesor ng primary care at pampublikong kalusugan. Ayon kay Dr. Rabe, ang Kalayaan sa COVID Plan ni Robredo ay isang bagong hakbang tungo sa pagbuo ng sistemang pangkalusugan ng bansa. Kasama dito ang mga kritikal na kailangan gawin: itigil ang korapsyon; gamitin ang teknolohiya para maabot ang isa’t isa kahit pa sa malayong lugar nakatira; magbigay ng financial, emotional, at physical support sa mga healthcare workers; at harapin ang COVID hindi gamit ang isang solusyon pang-militar kundi isang solusyon na naka-base sa siyensya.

    Sabi naman ng Doctors for Leni sa kanilang FB page, “Ang #DoctorsForLeni ay naniniwala sa kakayahan ni VP Leni Robredo at sa kanyang mga programa upang maibsan ang epekto ng COVID-19 sa ating lipunan.” 

    Layunin ng Kalayaan sa COVID plan ni Robredo ang palayain ang mga Pilipino muna sa takot sa pandemya, sa gutom, at sa kakulangan sa edukasyon. Dinetalye nito ang walong puntong pandemic freedom plan kung saan ang iba rito ay ipinatutupad na ni Robredo bilang Bise Presidente.

    Kasama rito ang community learning hubs, mga pasilidad sa pag-aaral kung saan mailalapit sa mga estudyante ang kailangan nilang gadyet, koneksyon sa wifi, mga tutor, at ang Bayanihan E-Konsulta, isang libreng serbisyong pang-telekonsultasyon. (end)

    Posted in Press Releases on Nov 07, 2021