This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Payo ni VP Leni sa mga Bar takers: Have faith, don’t panic, enjoy the ride

    Payo ni VP Leni sa mga Bar takers: Have faith, don’t panic, enjoy the ride

    Para sa mga Bar examinees ngayong taon, may maikling mensahe si Vice President Leni Robredo: “Have faith, don’t panic, and just enjoy the ride.”

    Sa isang panayam kamakailan kasama ng mga lifestyle journalists, tinawag ni Robredo ang 2020/2021 Bar exams na “very difficult” dahil ito ay gagawin lamang sa loob ng dalawang araw. Ang Bar exams ay dating ginagawa sa loob ng apat na Linggo ng Nobyembre.

    “[But] have faith. Huwag mag-panic. Dapat, a few days before the bar, mas relaxed na para hindi stressed out. And, just enjoy the ride,” ani Robredo na ngayon ay tumatakbo bilang Pangulo ng bansa.

    Dahil sa pandemya, napilitan ang Korte Suprema na ipagpaliban ang 2020 and 2021 Bar exams. Ito ay dapat gaganapin ng January 2022 ngunit naipagpaliban ito sa Pebrero dulot ng tumaas na kaso ng COVID kamakailan.

    Tinawag si Robredo na “extraordinary lawyer” dahil sa kanyang pagtulong sa mga magsasaka, mangingisda at gender-based violence survivors sa kanyang panahon sa Saligan, isang legal support group na naka-base sa Naga na nagtatanggol sa mga mahihirap na mamamayan sa mga komunidad na rural.

    Ngunit hindi naging madali ang tinahak na daan ni Robredo upang makamit ito. Marami siyang sinubok na daan, isinaisang tabi ang ‘di umubra, ilang beses na naisip na tumigil na lamang ngunit nanatili siyang tapat sa kanyang layunin.

    Laging matapat ang pagkwento ni Robredo sa kanyang landas tungo sa pagiging isang abogado. Bilang panganay na anak na babae ng isang huwes, napili nang maging abogado ni Robredo sa murang edad na pitong taong gulang pa lamang. Nag-aaral siya ng Economics sa Unibersidad ng Pilipinas at patungo na sa law school nang maganap ang EDSA Revolution.

    “Noong nangyari ‘yung EDSA, I was graduating. And when the new administration was already in place, I felt that I had to be part of the change that was happening,” sabi ni Robredo sa isang online meet-and-greet kasama ang mga kababaihang abogado na sumusuporta sa kanyang pagtakbo bilang Pangulo.

    Napagisipan niyang magsilbi muna sa gobyerno at kumalap ng karanasan bago pumasok ng law school. Natanggap siya bilang Economic Researcher sa Bicol River Basin Development Program sa Naga at dito nakila ang kanyang yumaong asawa na si Sec. Jesse Robredo.

    Guro, estudyante, ina

    Pumasok si Robredo sa law school ng University of Nueva Caceres sa Bicol matapos ng kanilang engagement ni Jesse. Ilang buwan pagkatapos ng kanilang kasal, naihalal si Jesse na Mayor ng Naga.

    “That was January of 1988. Noong una okay pa kasi kami pa lang dalawa, wala pang anak. Pero after I gave birth to our eldest, that was when it became very difficult for me to continue law school kasi I was working full-time,” sinabi ni Robredo.

    Noong mga panahong ding ito, isang ganap na full-time Economics professor si Robredo sa isang lokal na unibersidad. Nagtuturo siya mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon bago pumasok sa law school hanggang 8:30 ng gabi at umuwi ng 9 ng gabi.

    Panandalian niyang kinaya ito ngunit kanyang naisip na kailangan niyang mag-re-prioritize.

    “When we had Aika already, umuuwi ako 9 na ng gabi, hindi ko na naaalagaan ‘yung anak ko. I wanted to quit several times,” aniya.

    Inayos niya ang kanyang schedule upang mabalanse ang kanyang career at pamilya kasama na ang pagkuha ng mas kaunting klase at di pag-enroll ng ilang semestre sa law school. Bukod sa pag-aalaga sa kanyang panganay nilang si Aika, sinusuportahan din ni Robredo ang kanyang asawa sa kanyang paninilbihan sa bayan.

    Nakuha niya sa wakas ang kanyang law degree noong 1992.

    Hindi natitinag

    Batid ng mga law students na ang pagtatapos ng law school ay isang bahagi lang ng pagiging abogado. Ang Bar exam ay laging nakaamba sa kanilang kamalayan sa pagkuha pa lamang nila ng unang subject nila bilang estudyante. Pinili ni Robredo na mag-review para sa exam sa Maynila upang matutukan niya ang pag-aaral hiwalay sa mga obligasyon niya sa kanyang tahanan. Ito ay isang desisyong agad niyang pinagsisihan.

    “Dalawa na ‘yung anak ko, pero noong pumunta ako sa Manila, that was the huge mistake kasi when I went to Manila uwi ako nang uwi. Hindi ako nakaka-focus sa review kasi nami-miss ko ‘yung mga anak ko,” ani Robredo.

    Minsan nga’y kinailangan niyang umuwi ng agaran upang alagaan ang isa sa kanyang mga anak na dinapuan ng sakit ng dengue at agad ding bumalik sa Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang review. Napagtanto ni Robredo na hindi ito makabubuti para sa lahat kaya’t pinili na lamang niyang umuwi. Sa pagdating ng Bar Exam, alam ni Robredo na hindi siya nakapaghanda ng sapat kaya naman hindi na siya nagulat nang ‘di siya naipasa ang exam.

    Ngunit hindi natinag si Robredo. Naipasa niya ang Bar exam sa kanyang pangalawang pagkuha. Lumabas ang resulta ng Bar exam noong April 23, 1997, ang kanyang ika-32 na kaarawan.

    “Narinig ko na lang sumisigaw ‘yung asawa ko. Sabi ko, “Ano kayang nangyari?” So, nagtakbuhan kami ng mga bata. ‘Yun pala, nakapasa ako sa bar. So, very memorable,” nakangiting inalala ni Robredo. [End]

     

    Posted in Press Releases on Feb 03, 2022