This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Phone Patch Interview with Vice President Leni Robredo Bombo Radyo IloIlo

    Phone Patch Interview with Vice President Leni Robredo
    Bombo Radyo IloIlo


    [START]

    VP LENI: Magandang hapon, Bombo Champ. Magandang hapon po sa lahat ng nakikinig sa atin dito po sa programang Bombohanay sa Udto.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Yes Madam Vice President, Ma'am kumusta po 'yung biyahe ninyo papunta ng Iloilo City, sa ilang beses na po na kayo ay bumisita dito sa lungsod ng Iloilo, Madam Vice President po?

    VP LENI: Alam mo Champ hindi ko pinagkakaila na [inaudible].

    BOMBO CHAMP BLANCO: Engineer baka puwede mong ma-adjust ang signal ni Vice President Robredo, [speaks in local dialect]. Vice President Robredo, Ma'am kumusta po 'yung pasok ko diyan?

    VP LENI: Okay na. Okay na Bombo Champ.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Yes Vice. Yes?

    VP LENI: Bombo Champ, 'yung kinukwento ko kanina bago tayo nawalan ng signal. Lahat na biyahe ko sa Iloilo, masaya. Talagang parati ko itong sinasabi na paboritong lugar ko 'yung Iloilo maliban sa pinanggalingan kong lugar sa Bicol, at dahil sa maraming dahilan. Ito hindi ko na mabilang, Bombo Champ kung ilang– pang-ilang balik ko na ito. Nagkaroon tayo dito ng grand rally, nagkaroon tayo ng mga maliliit na rally, nag-relief operations kami dito after typhoon Odette. Talagang maraming beses na balik na.

    Ang pinakadahilan nitong bisita natin ngayon, talagang pagpasalamat sa mga volunteers natin. Kaya umiikot tayo, umiikot tayo ngayon sa buong Panay Island. Galing na kami sa Aklan, galing kami sa Antique, tapos ngayon nasa Iloilo na kami.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Okay, 'yung pag tanggap po hindi lang po ng mga Ilonggo pero ng buong Region VI, 'yung pag tanggap po sa inyo napakainit po. Ano pong masasabi niyo doon Vice President Robredo, Ma'am?

    VP LENI: Sobrang nakakataba ng puso dahil alam mo naman noong 2016, talagang 'yung Region VI 'yung nagbigay sa akin ng napakalaking majority ng boto. Kaya ngayon na bumabalik ako six years after, ito 'yung nakakadagdag sa ating confidence saka energy. Kaya makikita natin na kung ano 'yung tiwala na binigay sa atin six years ago, andito pa din, mas mainit pa ngayon.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Okay. Vice President Robredo, Ma'am gusto ko po ma-ano, malaman 'yung inyong opinyon or sagot dito sa mga latest na survey na ipinapalabas, leading po 'yung inyong katunggali. But sa mga rallies na hosted by the Kakampinks, or the Leni-Kiko tandem eh marami pong dumadalo. Lahat po volunteers at palaging puno 'yung venue. Ano po 'yung masasabi ninyo Vice President Leni Robredo, Ma'am?

    VP LENI: Ito kasi– hindi ko alam kung anong explanation. Pero ito kasi nakukumpara natin parang apples to apples di ba? Na 'yung mga rally noong kabila, alam naman natin na ano, hindi organic lahat. Marami 'yung hakot, marami talaga 'yung local officials na tumutulong. Eh kami karamihan sa mga rallies namin talagang organic sa mga volunteers. May mga lugar kaming pinupuntahan na wala ngang local official na tumutulong pero talagang nakaka-muster ng crowd na parating more than what we expect. So, ito talaga, ramdam na ramdam 'yung suporta on the ground. Wala ako sa posisyon para magsabi kung ano 'yung explanation, pero kami kahit noong 2016 Bombo Champ, walang ganitong klase ng suporta 'yung naramdaman ko. Ngayon, first time ito. First time na tao na mismo 'yung gumagalaw.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Isa pa pong very notable sa kampanya ninyo Madam Vice President, is 'yung ano, 'yung house to house at volunteerism. Pag sinabi mo kasing National Elections eh kinakailangan mo ng ano, ng malaking pondo but right now sa inyong campaign, is volunteer at house to house 'yung ginagawa Madam Vice President.

    VP LENI: Ito kasi tiningnan natin 'yung landscape. Ang kalaban talaga natin ngayon fake news saka disinformation. Mahirap lumaban ng patas sa social media dahil 'yung social media na-saturate na talaga siva. Na-saturate na siya ng Marcos. Alam naman natin 'yun. Hindi naman kaila ang dami ng studies na lumabas, na hindi lang 2016, even earlier than 2016, naka set-up na talaga 'yung disinformation saka propaganda machinery on social media.

    Hindi natin 'yan kayang tapatan. Ang paraan lang para mabasag natin 'yung disinformation, talagang palitan siya ng katotohanan. And 'yung kaya lang natin, house to house dahil ito yung una, hindi magastos. Pangalawa, marami talaga tayong warm bodies na nagvo-volunteer everyday. Ito mga walang bayad. Ito talaga all classes, mag-mayaman, mag-mahirap, talagang nag-aambag ng kanilang oras at pagod [inaudible]. And nakikita natin, ito 'yung pinaka-effective to convert dahil tao sa tao, puso sa puso 'yung pagbabasag ng disinformation.

    So, ito dahil marami lang naman tayong volunteers na sobrang grabe 'yung energy, talagang nagagawa natin 'yung house to house. In a national campaign mahirap itong gawin. Mahirap siyang gawin dahil sa scope ng kakampanyahan. Pero sa atin kasi hindi ito problema dahil lahat na sulok ng Pilipinas meron tayong mga aktibong volunteers.

    BOMBO CHAMP BLANCO: At saka 'yung ibang volunteers kahit pa tinatapunan ng mga hindi magagandang istorya eh parang wala lang sa kanila at 'yung kanilang ano– 'yung kanilang sinasagot eh 'yung mga magagandang salita pa rin Vice President Robredo, Ma'am.

    VP LENI: Totoo. Pinapaalala natin lagi sa mga volunteers kasi hindi mo maalis sa kanila na paminsan mapipikon din. Meron tayong mga volunteers sa ibang lugar na talagang hina-harass sila. Halimbawa kahapon nasa Kalinga ako, sa North, tapos pumunta ako ng Abra, tapos pumunta ako ng Baguio. Marami talaga 'yung nagkukuwento na naha-harass talaga sila ng supporters ng kabila. Pero ito siguro ‘yung kagandahan na alam ng mga volunteers natin na ang pinaglalaban talaga nila 'yung bayan natin. Hindi lang ako bilang kandidato pero bayan na talaga pinaglalaban kaya hindi nagpapatinag. Kahit gaano kahirap, kahit may panggigipit, kahit may harassment, tuloy-tuloy pa din.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Madam Vice President, balikan ko po 'yung tungkol dito sa misinformation at saka sa fake news. Recently po maraming fake accounts na dinismiss or tawag dito, binura ng Facebook kasi maraming disinformation 'yung ano– sa Facebook nag-scatter, ano. At ikaw 'yung pinakamalaking– [overlapping]

    VP LENI: – pinakabiktima.

    BOMBO CHAMP BLANCO: – biktima ng misinformation. Ano po 'yung masasabi ninyo dito, Vice President Robredo?

    VP LENI: Ito talaga hindi na lang ito– parang sa amin hindi na lang accusation kung sino 'yung nagpapakalat ng fake news pero ang dami na kasing studies. Ano ba 'yung lumalabas sa study? Ang lumalabas sa study 'yung propaganda saka fake news ang pinakabiktima ako tapos ang pinakanakikinabang, Marcos. So, alam na natin kung sinong nagpapakalat at tingin ko lahat naman ng nasa social media halata nila ito. Halata na talagang concerted effort. Concerted talaga 'yung effort ng pagpapakalat ng fake news. Maraming fake accounts, may script sila araw-araw. Talagang ano ito– ito talaga 'yung kailangang basagin natin. At paniniwala ko, dito nagiging sobrang halaga 'yung eleksyon na ito kasi pag nanalo sila, parang sinasabi natin na effective 'yung trolling, effective 'yung bashing, effective 'yung fake news.

    Nakakatakot ito baka 'yung mga politiko na gustong manalo sa eleksyon, mag-resort na din dito. Ito 'yung pinakakinatatakutan natin. Ako more than ito sa laban namin ng mga kandidato pero ito laban talaga ito ng buong bayan na sana 'yung information na nakakarating sa mga kababayan natin tama. Kasi pag ang basis ng pagdedesisyon ay mali, hindi nakakapagde– parang walang integrity ng pagdedesisyon. Kaya ang ano talaga laban ito ng bawat Pilipino kasi pag nakalusot ito ngayon, mahihirapan tayong basagin.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Isa pa, Madam Pres– Vice President, 'yung rider na sinakyan ninyo kasi naipit kayo sa traffic, si Mr. Sherwin Descalso Abdon, eh malaking realization po 'yung nangyari sa kaniya. Ano po 'yung masasabi niyo at bukambibig na kayo na po ngayon ang sinusuportahan niya?

    VP LENI: Hindi lang 'yun, napaka-active nilang mag-asawa ngayon. Kasi ang kinukuwento nila, before kami nagkakilala sobrang Marcos supporter sila. Sinasabi nila lahat daw ng mga motorcade ng Marcos sumasama sila tapos nag-aano sila nagkakampanya talaga sila para sa kabila.

    Noong na-flag namin sila para makisakay ako, hindi naman namin 'yun alam. Talagang 'yung nakiusap kami kung puwede akong sumakay sa kanya, dala lang 'yun ng matinding pangangailangan. Hindi naman kami namilit. Wala siyang ibang sakay, ako lang. Wala akong kasamang staff. Wala akong kasamang security, talagang ako lang 'yung nakasakay. Tapos habang nasa motor kami, nagkukuwentuhan kami.

    Actually, nalaman ko lang na Marcos supporter pala siya ano na noong nag-post na 'yung asawa niya about it. Pero ngayon, sobrang sigasig niyang campaigner. Kung saan-saan nakakarating, talagang ano siya nagsi-speech siya sa mga factory, sa mga workplaces para ikuwento 'yung journey niya at kung paano siya na-convert.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Okay, sa ngayon po ba pagkatapos dito sa Iloilo City saan ang patungo ninyo? Saan ang punta ninyo, Vice President Robredo, Ma'am?

    VP LENI: Dito sa Iloilo bago kami pumunta sa city, dadaan muna kami sa Pavia. Tapos 'yung– meron kaming pasasalamat sa Santa Barbara. Tapos didiretso kami sa La Paz. 'Yung sa La Paz 'yun talaga 'yung parang pinaka-event ng pasasalamat sa mga nagha-house to house. Itong sa Santa Barbara parang assembly ito. 'Yung sa Pavia parang drop-by pero after noong sa La Paz, didiretso naman kami sa Bago City sa Negros Occidental, saka ngayong gabi ay pupunta kami ng Bacolod.

    So, ano talaga ito– itong biyahe namin ngayong umaga talagang biyahe ng pasasalamat kasi ito 'yung lugar na kahit wala kami, 'yung mga tao nagkukusa. Kahit wala kami, 'yung mga tao nagkakampanya talaga sila. Very active 'yung mga nagha-house to house dito. So, sa amin nararapat lang na magpasalamat kami sa kanila para maramdaman nila na alam namin 'yung ginagawa nila tapos appreciated namin 'yung lahat ng effort nila.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Okay, hindi ko maiwasang na hindi maitanong sa inyo ito, Vice President Robredo, Ma'am. Kasi meron din nag-ano nag-viral na video dito sa probinsya ng Iloilo 'yung isang tumatakbo bilang kongresista ay sinabi niya in front of the crowd na pag nanalo kayo ay magpapabitay daw siya sa plaza dito sa probinsya ng Iloilo. Vice President Robredo, ano po 'yung masasabi niyo po, Ma'am?

    VP LENI: Ay ano naman 'yun, siya naman 'yung madedesisyon sa mga gagawin niya. Hindi na natin papakialaman pero sa akin ang parati nating pinaglalaban, isang klase ng politika na may respeto sa dignidad ng bawat tao na hindi natin niyuyurakan 'yung choices ng mga tao, 'yun naman 'yung sa atin. Hindi naman ako 'yung nababawasan sa sinabi niya pero pagpapakita 'yun kung anong klaseng tao siya, anong klaseng politiko siya. Sa atin naman, totoo na mga– kahit ako, totoo ngang lingkod-bayan ako pero meron din akong mga nasasakupan na iba 'yung paniniwala sa akin at obligasyon ko na respetuhin 'yun.

    So, sa akin ano– ano na lang, ipagpaliban na lang natin. Bahala na 'yung mga constituents niya sa kaniya pero 'yung sa akin, ito 'yung precisely 'yung klase ng politikang gusto nating palitan– 'yung politika na puwersa 'yung ginagamit, 'yung politika na pera 'yung ginagamit.

    Sa atin ang paniniwala natin, napakita niyo naman 'yun dito sa IloIlo. Noong nakaraang 2019 eleksyon, nagbuhos naman 'yung pera dito. Pero 'yung tao nagdedesisyon according sa kanyang konsensya.

    BOMBO CHAMP BLANCO: On the last remaining days ng campaign period Madam Vice President, ano pa 'yung mga plano ninyo, saan pa kayo pupunta, meron pa ba kayong pupuntahan na mga lugar sa lungsod– or sa Pilipinas madam?

    VP LENI: Actually, four campaign days na lang tayo. Kung hindi natin isasama 'yung ngayong araw. So, 'yung next two days bukas saka sa susunod na araw, nasa Mindanao kami tapos 'yung sa Biyernes ay babalik ako sa Bicol, pasasalamat din 'yun. Iikot ako sa Bicol tapos sa last day to campaign, sa Sabado, ay nasa Metro Manila ako, 'yun 'yung Miting De Avance. Wala pang detalye dahil inaayos pa natin 'yung mga permit pero we hope na by tomorrow, ma-announce na natin 'yung venue.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Marami din po sa mga ano– nag-eendorso sa inyo– 'yung mga nasa simbahan at iba pa pong mga association, at the same time mga malaking grupo. Madam Vice President, ano po 'yung masasabi ninyo ma'am?

    VP LENI: Ito nga unprecedented ito, unprecedented na 'yung simbahan nag-eendorse, 'yung mga kaparian, mga kaparian nag-eendorse, 'yung mga eskwelahan nag-endorse. 'Yung grupo ng mga halimbawa mga former ambassadors nag-endorse. May mga grupo din ng mga former AFP saka PNP official. Mga former cabinet members ng iba't ibang administrasyon, mga economist. Ano talaga ito, unprecedented siya siguro dahil nakikita ng lahat how important this election is.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Alright.

    VP LENI: Talagang 'yung nakasalalay dito 'yung ano ‘yung sunod na anim na taon para sa ating lahat.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Marami pong kinakabahan Madam Vice President, pagkatapos po raw ng eleksyon, paniguradong tataas 'yung kaso ng COVID-19. Pag kayo po 'yung nanalo bilang Presidente ng Pilipinas, ano po 'yung gagawin ninyo if ever po na tumaas 'yung numero ng cases ng COVID, Madam vice president?

    VP LENI: Nakalatag na, nakalatag na 'yung ating Kalayaan sa COVID plan. In fact, 'yun 'yung pinaka-unang programang ni-roll out natin after nag-announce ako ng candidacy noong October at 'yun ay nakabatay sa experience namin with our COVID response operations saka 'yung best practices sa iba't ibang bansa. In fact, ilang beses ko na itong inihayag na handa na 'yung plano natin, alam natin kung anong gagawin. Halimbawa, 'yung mga lessons naman from other countries talagang 'yung testing, tracing, treatment. Kailangan talaga nating ayusin 'yung vaccination, kailangan nating i-push pang lalo na mas maraming percentage ng population ang mabakunahan kasi hindi natin na-reach 'yung ating target.

    So, kailangan talaga– kailangan i-push na ito kasi 'yung ayaw nating mangyari 'yung nangyari halimbawa sa Hong Kong, saka sa China na mababa 'yung kanilang vaccination rate kaya tinamaan silang grabe nitong mga bagong variant. 'Yung sa atin lang, alam natin 'yung gagawin, ito the last two years na merong pandemic, very active 'yung ating opisina sa pandemic response.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Madam Vice President, naging divisive at polarizing para sa mga Pilipino ang kampanya leading to May 9, 2022 elections. Kung kayo po ang mahalal bilang Pangulo, paano ninyo pagbabatiin ang inyong mga supporters at ang supporters ng iba pang mga kandidato?

    VP LENI: Ako kailangan talaga 'yung healing mangyari right after. Hindi kasi magkakaroon ng healing pag ang pakiramdam ng lahat hindi nabigyan ng katarungan lalo na 'yung mga biktima ng mga kasalanan noong mga nakaraan. Kaya ito talaga, 'yung healing doon mag-uumpisa, na dapat 'yung mga issues na left hanging, kailangan itong harapin. Hindi puwedeng parang sina-sideline lang siya, kasi pag sina-sideline lang siya at walang, ano ito, parang walang nag-aako ng kasalanan, 'yung tao hindi nakaka-get over.

    So, sa akin talaga kailangan maparamdam sa tao na gagawin natin 'yung lahat, magiging Pangulo tayo ng lahat na kulay. Pinakita ko naman 'yun noong nasa Office of the Vice President ako. Kahit 'yung mga lugar na sobrang talo ako ay talagang pinanilbihan natin ng husto. Hindi tayo nag-concentrate sa mga kakampi lang natin. 'Yung pagpapakita na 'yung paninilbihan hindi ito naka-sentro lang sa mga politiko, pero sisiguraduhin natin na 'yung mga politiko ay sila lang yung magiging vehicle para makapagsilbi tayo ng lalo. Kasi ang paniniwala ko,'yung tao kahit sino 'yung binotohan niya sa eleksyon, pag nakita niya na 'yung nakaupo talagang sinsero sa kanyang paninilbihan, saka matino at mahusay, magko-cooperate siya. Nakita naman namin 'yun sa Office of the Vice President na pag nagpakita ka ng ganoong klaseng serbisyo, makukuha mo talaga 'yung trust saka confidence ng constituency.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Alright. Lastly po Madam Vice President. Ma'am mensahe niyo po sa mga Ilonggo na nakikinig ngayon at pati na rin po sa mga viewers natin via Facebook live.

    VP LENI: Ayan. Maraming salamat po ulit sa ating mga kababayan na mga Ilonggo. Sobrang saya ko po na nakabalik ako dito ulit. Hindi na po tayo magkakaroon ng isang grand rally dahil tapos na yung naunang grand rally at ayaw na nating guluhin 'yung mga nagha-house to house para dirediretso na 'yung ginagawa. Pero I hope to see all of you. Gaya ng sabi ko po kanina, magdo-drop by ako sa Pavia, pupunta po akong Santa Barbara, tapos imi-meet ko po 'yung mga nagha-house to house mamaya sa La Paz. Ito pong biyahe ko dito, talagang pasasalamat lang. Sobrang vinavalue saka na-aapreciate ko po 'yung lahat na ginagawa ninyo para sa ating kampanya. Kaya looking forward po ako na makabalik ako dito after the elections. Hopefully, panalo na tayo para 'yung ating victory celebration ay magkakasama tayo.

    BOMBO CHAMP BLANCO: Alright, maraming salamat po Madam Vice President. God bless po and keep safe always.

    VP LENI: Maraming salamat Bombo Champ.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on May 03, 2022