This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Briefing at the Office of the Vice President

    26 July 2016

    Office of the Vice President, QC Reception House

    Q: Sa tingin ninyo ano po ang mga highlights ng SONA kahapon?

    VP LENI: Ako ‘yong highlight kasi doon naging klaro sa atin lahat kung ano iyong pinaka-core, pinakamahalaga sa ating Pangulo. Sinabi niya ‘yon many times over during the speech na talagang ‘yong criminality, particularly ‘yong drugs at saka ‘yong anti-corruption.

    Ako, on a, hindi personal pero dahil sa assignment ko as HUDCC chair, masaya ako kasi klaro din na ni-lay down niya ‘yong kanyang paniniwala na, ano ‘to, nagja-jive din sa ating paniniwala.

    Unang-una walang demolisyon kung walang relokasyon. At walang relokasyon kung hindi maayos ‘yong facilities sa relokasyon. Ito ‘yong pinakabinigyan din natin nang diin mula nang mag-umpisa tayo sa consultation sa lahat ng stakeholders sa HUDCC.

    Mahalaga na nanggaling mismo sa bibig ng ating Pangulo at sinabi niya sa SONA kasi ito talaga iyong policy direction pagdating sa Housing.

    Q: Do you believe in what he said na human rights cannot be used as a shield or as an excuse to destroy the country?

    VP LENI: Ako, oo naniniwala ako hindi siya dapat ginagawang panangga. Pero dapat ding alalahanin natin na ang ating Konstitusyon ay kilala sa buong mundo bilang parang bastion talaga ng human rights.

    Dapat hindi natin ito nakakalimutan sa lahat ng ginagawa natin pagdating sa governance, sa lahat ng drives natin ngayon. Ito ‘yong buod. Ito ‘yong core din, na pinakakaluluwa ng ating bansa.

    Kung naaalala natin, magbabalik-tanaw tayo ‘nong paggawa noong 1987 Constitution. Galing tayo sa isang rehimen na hindi binigyan ng malaking diin ‘yong human rights kaya malaking bahagi ng ating konstitusyon, parang again and again nire-remind tayo na buod ito ng ating kaluluwa bilang isang bansa.

    Kaya while naniniwala ako na kahit hindi dapat ito ginagawang panangga para gumawa nang masama, naniniwala din ako na sa lahat ng ginagawa natin, hindi natin nakakalimutan kung ano ‘yong kaluluwa ng ating konstitusyon.

    Q: On no demolition, no relocation policy, what’s going to be most challenging about following this type of policy? Ano po ba ‘yong laws on that?

    VP LENI: Nasa UDHA ‘yon. UDHA ‘yong batas na sinusunod natin ngayon. Na hindi magkakaroon ng demolisyon pag mayroong mga criteria na hindi pa nasusunod.

    Kasi kung ilalagay natin, parang isisituate natin ‘yong mga bagay, pag nag-demolish ka na wala pang relokasyon, hindi mo naman tinutulungan maresolve ‘yong problema pagdating sa housing, dinadagdagan mo lang ito.

    Tapos ‘yong isa pang nakita ko ngayon, hindi pa tapos ‘yong aking pagkokonsulta, pero ‘yong mga nabisita kong mga relocation sites, tingin ko hindi talaga dapat ginagawa na parang rule one ‘yong off city, off city na demolition.

    Marami na akong mga relocation sites na binisita sa labas ng Metro Manila, na galing sa Metro Manila ‘yong mga inilikas doon. Parang hindi naman niya nabigyan ng permanenteng solusyon ‘yong housing kasi ang nangyayari kukuha siya ng bahay sa labas, pero babalik pa din at least ‘yong head of the family dito sa Manila kung saan siya nandoon, magbo-board and lodging siya, tapos ang social cost grabe kasi nagkakahiwalay ang mga pamilya dahil ‘yong asawa at saka mga anak nandoon na kung saan ‘yong relocation sites sa labas ng Manila, ‘yong tatay bumalik dito para magtrabaho.

    Nagkakaroon na, marami na na nagkaroon ng panibagong pamilya. So para hindi mo naman talaga siya naresolve. So ‘yong sa akin talagang bibigyan ng emphasis na, as much as possible, on-site.

    Kung hindi ‘yon posible, kahit off-site basta in-city pero malapit doon sa trabaho nila. Kasi mabuti kung ‘yong nire-relocatan nating mayroong available na ibang trabaho o may livelihood.

    Karamihan wala naman, at least ‘yong mga nabisita ko wala. So talagang dumadagdag lang ng dumadagdag ‘yong housing na problema.

    Ang pinakamalaking challenge ngayon, ‘yong pinakamaraming walang bahay andito sa Metro Manila, pero wala nang masyadong available na lupa para sa housing. Iyon ang pinaka-challenge.

    Parang off-hand, ‘yong solusyon natin diyan talagang mag-bat na tayo sa mid- to high-rise. ‘Yong pinaka problema lang sa mid- to high-rise, dahil hindi naman tayo pwede mag-invest sa mahal. Kasi babayaran din iyon ng informal settler families.

    Pag masaydong mahal din yung lupa, hindi rin nila kaya. Pag tumaas na yung height sa 5 floors, kailangan ng elevator, kung may elevator dadagdagan nanaman yung cost, so ang dami talagang challenges na ang diyan, tiningnan natin yung iba’t ibang models na existing ngayon, tinitingnan natin alin sa mga models ang magandang i-replicate, iyon ang ginagawa natin ngayon, bukas tayo, wala pa tayong desisyon kung aling model ang gagawin.

    Pero aasa tayo na lalaki ang project sa private sector. Naniniwala ako na hindi ito kaya ng gobyerno lamang, pero yung sa aking tinutulak ngayon, sa HUDCC kasi. HUDCC is just a coordinating council.

    Wala naman siyang talagang budget for housing, talagang mag co-coordinate lang siya, nararapat lamang na yung six na key shelter agencies under HUDCC magkaroon ng iisang boses lamang at magkaroon ng desisyon ng deliniation ng mga trabaho.

    Parang ‘yun ‘yung pinakadireksyon natin ngayon, ipunin ‘yung anim sa shelter agencies, pag-usapan iyong issues at magusap-usap kung paano mas ma-streamline yung activities ng bawa’t isa.

    Mapapaliit iyong, mababawasan yung proseso para mas mabilis yung pag asikaso sa mga beneficiaries.

    Tapos ‘yung pangalawa yung konsepto na yung people’s plan yung susundin, lalo na sa relocation. Kasi tinitingnan natin na pag relocation na pag people’s plan ang nasusunod, mas sucessful dahil may ownership iyong informal settler families sa programa mismo dahil sila yung nag-aasikaso.

    Pero again, dahil pa-two weeks pa lang tayo sa trabaho, ang dami pang kailangan kausapin, ang dami pang kailangang pag aralan.

    Ngayon mayroon na tayong maraming urban poor groups na nakakausap, wala pa tayong nakakausap na developers pero naka-schedule na silang kausapin, series, starting next week.

    Ngayon iyong inaasikaso natin ng team natin sa HUDCC para may nakatutok na talaga kasi hindi inaasahan yung appointment sa atin so parang sa first week tinutulungan muna tayo ng staff ng OVP pero ngayon unti-unti nabubuo na natin yung team ng HUDCC.

    Halos buo na siya. By this week yung pagkausap sa anim sa key shelter agencies.

    Q: [Unintelligible]

    VP LENI: Binabalitaan lang nila ako kung anong nangyari in the morning kasi wala ako doon, kay Speaker Alvarez, binabalita nila ang controversy tungkol sa minority, pero ang desisyon naman ng LP members of the house na sumali sa majority bloc, ano ito, mahabang proseso, gumawa ng pagkonsulta sa mga miyembro, naging klaro sa usapan na yung LP bilang party, igalang ang mandate na binigay ng ating presidente at gagawin lahat para makapagbigay ng suporta.

    Isang paraan para sa mga miyembro ng mababang kapulungan, ang pagbibigay ng suporta na sumanib sa majority. Si Speaker Belmonte, iyong nag-lilead ng LP sa House, napakalawak ng konsultasyon na ginawa.

    Wala namang unanimous na desisyon kasi mayroon namang miyembro ng LP na pinili pa din na sumali sa minority pero nagdesisyon sila the other day na majority ng members sa House mas gusto na sumali sa majority kaya iyon ang nasunod.

    Q: First message ni Speaker Alvarez na challenge sa lawmakers na ibalik ang death penality. You’re a staunchly against this so ano masasabi ninyo…

    VP LENI: Ako naman, I’ve always been very vocal na kontra ako sa death penalty and I think ang stand ko diyan is something the administration will respect.

    Kung titingnan natin historically yung botohan sa House, ang majority at saka minority hindi naman sila nagboboto as a bloc.

    Halimbawa ang RH, iyong majority was for RH pero marami pa rin kaming kasamahan na bumoto against it.

    On an issue per issue basis, basta ang pagsali sa majority was a statement of support of the current administration.

    Q: There are LP members who refused to join the majority. Do you think the issue here is party? How would they stand?

    VP LENI: Actually it should be a party decision. Hindi pa iyan napapag-usapan ngayon pero ang nag-uusap ang mga miyembro ng mababang kapulungan ng partido, parang yung desisyon ng lahat, kung ano ang desisyon ng majority ng members iyon ang susundin.

    Pero iyong naging desisyon ng majority ng members is to join the majority pero merong mga ilan who chose to stay in the minority.

    That is something the party has to talk about. Wala pa naman ngayong pinapag-usapan whether they should leave the party or file a leave of absence or whatever, but I think in the coming days or the coming weeks, kailangan pag-usapan ng party.

    Q: Proposal to lower criminal liability to 9 years old?

    VP LENI: Ako, kontra ako doon. Isa ako na sumulong ng juvenile justice law and I think ang criminal liability under the law is sufficient.

    Nakakatakot ang desisyon na halimbawa, binalik ang death penalty, ni-lower pa iyon, diba.

    Q: [Unintelligible]

    VP LENI: Ako hindi ko kasi narinig o nabasa ang statement ni Secretary Taguiwalo. Pero kung tama iyong pagakaintindi ko sa statement ni Pangulong Duterte sa SONA, parang wala naman siyang sinabi na hindi na dadagdagan.

    Parang ang sinabi lang niya in addition to what is in the current program already. Papalakasin ang programa ng pagsisiguro na ang gra-graduate sa 4Ps magiging independent na by means of providing them with jobs or livelihood.

    Sana tama iyong pagkaintindi ko na sana hindi na ililimita yung pag-take in ng more families, in-iistrengthen lang ang programa sa pagpapalakas ng livelihood aspect ng programa.

    Q: In case po na hindi na magtatake in ng new families…

    VP LENI: Ako sayang naman ang programa kung hindi na mag-tatake in ng new families. Ito nakita ko sa distrito ko kung papaano nagbago ang buhay ng mga beneficiaries.

    Ito ang isang pagkakataon nilang makasabay. Ito ang pagkakataon nila na masiguro na iyong mga anak nila ay nakakapag-aral. Pagkakataon na kahit sobrang hirap sa buhay, parang binibigyan ng kapital para humabol.

    Sana hindi ganoon. Sana patuloy pa rin ang programa na pag may ga-graduate, may ta-take in na bago. Kahit iyong ibang modelo nito sa ibang bansa naging successful. Sa atin ganoon din ang tingin ko.

    Q: Sa BUB po, the BUB was scrapped by this administration. I understand po that you are for people participation…

    VP LENI: Actually when I was a member of the 16th Congress, ako iyong principal author noong batas na People Participation in the Budget Process. Iyong BUB isa iyong asawa ko sa mga author nito when he was DILG secretary.

    Sana ma-reconsider ito. Sana mas makonsulta iyong mas maraming hindi lang iyong local officials pero makonsulta iyong maraming civil society organizations na because of BUB ay nakakapag-participate na sa identification of projects.

    Ako umaasa na pag mas naaral iyong epekto bito sa komunidad, sana ma-reconsider ang desisyon. Ang impression kasi ay it was used for political ends.

    Ako hindi ako naniniwala kasi pagtinignan natin kung ano iyong composition ng mga LPRAT hindi ito mga pulitiko lang. Half ito na local officials half na CSOs.

    Ito nga iyong pagkakataon na mabigyan ng boses iyong mga maliliit. Mabigyan ng boses iyong mga hindi naman dating nabibigyan ng boses sa pgcraft ng budget.

    Q: Ngayong nagiging malinaw na ngayon ang dynamics ng Liberal Party, talagang nominal head lang ba ang gusto ninyo?

    VP LENI: Ako iyon ang preference ko. Ang sa akin kasi pakiramdam ko lang na I have too much in my hands right now. Iyong pagpalit ng mukha ng Office of the Vice President ay napakalaking bagay kasi para kaming nagsisimula ng isang bagay na wala pa diyan before.

    Making the Office more advocacy heavy tapos dumating pa iyong HUDCC ang dami pang housing concerns.

    Baka mas mabuti sa partido na iyong hahawak masmatutukan iyong affairs ng partido. Ako parati ko namang sinasabi na I will be there pero iyong constitution kasi ng partido ang nagsasabi na iyong highest elected official ang magiging head ng party pero ang sabi ko pag-usapan kasi baka puwede namang head ka ng party pero mas ceremonial.

    Mas nominal baka mas mabuti na ang magpatakbo ng partido iyong matagal na sa partido kasi ako considered naman ako na baguhan sa partido.

    I’ve never held any leadership position sa party before. Naging member lang ako ng partido noong 2013. Iyong mga kasama ko riyan sobrang tatagal ng miyembro ng partido.

    Siguro eventually I can take it on pero ngayon siguro mas mabuti na iyong mga matatagal na, iyong mga nakakaalam ng ins and outs ng partido sila iyong mag-take muna ng leadership role.

    I-naassure ko naman na parati akong nandiyan. Nakausap ko na dn iyong ibang head ng partido, ineencourage nila ako na ako na ang magtake on ng leadership role.

    Sabi ko hintayin lang namin itong SONA tapos siguro mag-uusap kami about that in the coming days.

    Posted in Transcripts on Jul 16, 2016