This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Conference with Vice President Leni Robredo and Senator Kiko Pangilinan

    Press Conference with Vice President Leni Robredo and Senator Kiko Pangilinan

    Sampaguita Farm, Brgy. Sampaga, Batangas City

    MODERATOR: We have only fifteen minutes for this presscon, kaya bilis-bilisan lang po tayo. Okay po? Ready? Paunahin po natin ang mga magtatanong from the media—our friends from media. Unahin po natin si Mr. Adrian Ayalin from ABS-CBN. Sir, ang mic po—nasaan ang ating mic? Ayon. Okay, Sir. Sige po.

    ABS-CBN: Good morning.

    MODERATOR: Quiet po. Saglit lang po, quiet lang po tayo. Lahat po kasi nagre-record. pasuyo po. Quiet. Nagre-record po ang ating mga friends from media. Thank you so much. Physical distancing din po. Pasuyo po. Game. Sir?

    ABS-CBN: Good morning, VP, Sen. Kiko, Atty. Sonny, and Cong. Teddy. Kumusta po iyong pagtanggap sa inyo dito sa Batangas? And ano iyong expectations niyo so far?

    VP LENI: Kami, gaya ng sinabi ko kanina, completely overwhelmed kami. Pero even before pumunta kami, nakikita kasi namin sa Facebook o pinapadala sa amin, tapos may mga bumibisita sa opisina, sinasabi kung ano iyong mga initiatives na ginagawa dito sa Batangas. Kaya ngayon, na nakita na namin sila in person, sobrang overwhelmed kami dahil sa napakainit na pagtanggap. Hindi namin ito inaasahan kasi late nga kami nag-decide. Iniisip namin na baka committed na lahat. Pero iyong nakikita natin baliktad—[technical difficulties]—sabi ko iyong nakikita namin baliktad sa fears namin noon na baka wala na kaming maimbita.

    ABS-CBN: Follow up lang, may mga inaasahan ba kayo dati, Ma’am, na marami ba iyon or kaunti iyong inaasahan niyo na pero hindi pala nag-commit?

    VP LENI: Hindi naman kasi alam naman namin even before I decided na maraming mga kaibigan, maraming mga dating kakampi iyong mayroon nang commitments. And naiintindihan naman natin iyon. Ang gusto kong sabihin, naiintindihan namin iyon kasi nga iyong pagdesisyon namin ni Senator Kiko, talagang halos last day na. So naiintindihan namin na marami nang commitment. Kaya dahil marami na iyong commited, akala namin dito sa Batangas hindi na namin makikita iyong dating suporta na nakuha namin dati. Pero ngayon nararamdaman namin, parang iyong pakiramdam nga namin parang mas desidido pa iyong mga tao ngayon.

    MODERATOR: Okay po. Thank you so much, Sir Adrian Ayalin.

    SEN. KIKO PANGILINAN: Padadag lang po, very quickly.

    MODERATOR: Next is—

    SEN. KIKO PANGILINAN: Kanina papunta rito—

    MODERATOR: Ah, Sir Kiko. Okay.

    SEN. KIKO PANGILINAN: Papunta rito, doon sa mga intersection na nag-aano iyong mga tao, hindi ko na-expect na talagang dumudungaw sila. Lumalabas sa kalye. Gustong tumingin, nagbibigay ng laban sign at saka naka-pink iyong iba tapos talagang—I haven't seen this, ano? Iyong ganitong response ng tao na talagang dumudungaw mula sa bintana, tumatakbo galing sa loob ng bahay, nagkukumpol doon sa mga intersection tapos nagwe-wave dahil nakita nilang may poster namin ni Vice President tapos… So, talagang hindi ko ito nakita sa maraming eleksyon. And I've been to a lot.

    ATTY. SONNY MATULA: Alam mo, hindi naman ako [stranger] dito sa Batangas eh. May mga union kami doon sa pier sa Malayan Towage at tuwang-tuwa sila na narinig na bumisita si Bise Presidente dito sa Batangas. May mga farmers’ organization kami diyan sa Balayan, iyong KASAMA, at kasapi iyan ng PAKISAMA. At naging abogado si Vice President ng mga Sumilao farmers na affiliate din ng PAKISAMA. Kaya tuwang-tuwa sila ng makita si [Bise] Presidente na nandito sa Batangas. The workers and the farmers can identify with the Vice President because the Vice President [has’ been working with the farmers and the workers for long years since she was still a practicing lawyer. Thank you.

    MODERATOR: Okay po. Next question from Ms. Jamie de Castro from Brigada News FM.

    BRIGADA NEWS FM: Good morning po sa inyo pong apat. Diretso na po ako sa tanong. Any reaction po doon sa galawan kahapon na halos magkasunod po iyong pagwiwithdraw ni Mayor Sara tapos iyon pong mga disqualification case po na na-raffle na ni dating senator Marcos. Any reaction po doon sa galawan kahapon? Thank you po.

    SEN. KIKO PANGILINAN: Well, kung ako ang tatanungin, expected na iyon. Expected, magkakaroon ng—nakita na natin ito noong 2016, eh, ano, iyong substitutions. So hindi na ito sorpreso sa amin, sa akin. I expected this, and now that it's happening. Basta kami tuloy-tuloy lang sa aming kampanya, sa pag-iikot. Sa pag-iikot, sa pagko-consolidate ng ating mga supporters. Tuloy-tuloy lang tayo na umiikot para mapalakas iyong hanay ng mga supporters natin. So that’s—we’ll just focus on going to the different parts of the country and bringing our message. Iyon ang ating mga tututukan. They will do what they will do, and we will do what we will do in this effort for 2022.

    VP LENI: Ako, pareho kay Senator Kiko. Pareho kay Senator Kiko. Noong nag-desisyon naman kami, ine-expect namin na mangyayari ito. Siguro iyong sinasabing disqualification, iyon siguro iyong hindi namin ine-expect. Pero iyong galawan pagdating sa mga posisyon na kakandidatuhan, kabahagi na iyan sa expectations.

    ATTY. SONNY MATULA: Para sa aming mga unionista, ako'y abogado at iyong pagtingin kasi namin ay hindi maganda para sa ating bansa na iyong presidente ay anak niya ang papasok na maging presidente ulit. Palagay ko, isa iyang violation doon sa intent ng Anti-Dynasty provision sa Article II, Section 26 ng Constitution. So iyong Equal Access to Public Service at iyong Anti-Dynasty provision ay mahirap po kung titignan ang pagpasok ni Sara, tatakbo siyang presidente. Palagay namin ay kung ako mapili na kandidato, unang uunahin ko iyong Anti-Dynasty Bill na ma-implementa sa ating bansa. Maraming salamat po.

    MODERATOR: Okay po. Thank you po. Next po is Ms. Tina Ganzon from Rappler.

    RAPPLER: Good morning. Good morning po. Magandang umaga. Vice President Leni, you said in a recent talk that your office is eyeing P500 billion for an effective pandemic response. Your critic has referred to this as an ambitious plan. Mayroon po ba talaga tayong mapag-huhugutan nitong pondong ito sa kabila po ng napakalaking utang ng ating bansa?

    VP LENI: Actually, iyong P500 billion na sinabi natin, hindi siya bagong item in the budget. Pero iyong P500 billion na sinasabi natin, ito iyong nakita natin na mga items sa budget ng mga agencies—existing—na puwedeng i-reallocate for COVID response. Napakataas na nung ating utang, at iyong ating debt-to-GDP ratio ay nasa 60% na. Kaya hanggang maari, hindi na tayo uutang. Ang gagawin natin, titignan natin lalo iyong mga discretionary funds ng mga opisina. Iyong mga items sa opisina na hindi naman ganoon ka-urgent, i-reallocate muna sya sa COVID response. Actually, may mga na-identify na kami na P500 billion. I think kapag nabusisi pa, mas lalaki pa itong puwedeng gamitin.

    RAPPLER: Thank you just—sorry, Marie, quick question lang kay Senator Kiko. Sa lahat po ng mga galawang nangyayari ngayon, will you be open to any substitution, or are you willing to see this fight to the end?

    SEN. KIKO PANGILINAN: No, we are decided to fight until the very end. And so that is what we are going to do. We believe this is the best way for us to be able to get more support for our tandem. Itong mga shifting alliances, etc., wala sa amin iyan. Ang kinakailangan, maipanalo natin iyong ating kandidaturang TRoPa at para sa ating mga ka-TRoPa at para sa ating mga kababayan.

    MODERATOR: Thank you so much. Next, Sir Arnel Ozaeta from Philippine Star.

    PHILIPPINE STAR: Good morning po. How do you handle po iyong mga lumalabas na mga surveys ngayon at apektado ho ba kayo sa mga surveys na iyon?

    VP LENI: Sabi ni Senator Kiko, “Kayo pa.” Sa akin kasi iyong lesson sa akin ng 2016, and I think hindi lang 2016, pati iyong mga naunang mga eleksyon, itong panahon na ito is still very fluid. Too early in the game. Gaya noong sinasabi ko kanina, noong 2016 September, I was at 1%. October after filing, I was at 4%. Iyong leading noon, more than 40%. So sa akin, siguro mas makikita na natin by March of next year after the official campaign period has started. So sa akin, hindi siya sa amin naging—hindi siya sagabal. If at all, mas lalo pa siyang naging [inspiration] para mas pagbutihin namin iyong aming ginagawa.

    MODERATOR: Okay, thank you so much. Yes, Sir?

    SEN. KIKO PANGILINAN: You know, since 2004, lahat ng mga leader, frontrunner sa mga eleksyon for president, at this time talo. Since 2004. Noong 2004, it was Raul Roco who was ahead at this time. 2010, it was Manny Villar. Iyong prior to ha, mga 2009, Manny Villar. 2016, si Grace—Binay and then Grace. So, in all previous presidential elections, several months before elections, iyong frontrunner hindi nanalo. So ibig sabihin, ang kailangan nating gawin, at sabi nga ni Ma’am, tutukan natin iyong pagkumbinse, tutukan natin iyong pag-iikot at iyong pinakamahalagang survey nga ay iyong araw ng halalan.

    MODERATOR: Okay po. Thank you so much! Ms. Saleema Refran from GMA 7.

    GMA 7: Sorry, nilapit ko na talaga. Ma’am, dito po tayo tumingin sa camera, opo. So, Ma’am, sundutin ko lang iyong kaninang question, pinag-usapan po noon na isa doon sa mga pipigilan niyong mangyari ay iyong pagbabalik ng anak ng diktador and iyong pagpapatuloy nga po ng kasalukuyang pamamahala. After po noong withdrawal kahapon ni Mayor Sara, mayroon nga pong mga bulung-bulungan, spekulasyon na maaari nga pong magkaroon ng alyansa ito pong si Mayor Sara at si Senator Bongbong. Iyong reaction niyo po rito? How do you think this will play out and then papaano po iyong magiging strategy ba? Ano po ba iyong nakikita nating—magkakaroon po ba ng pagbabago pa or ano ba iyong nakikita niyo, Ma’am, sa inyong kampanya?

    VP LENI: Kami kasi even before we decided, ine-expect na namin ito. Even before Senator Kiko and I decided, alam namin na napakalaki iyong possibility na mangyayari ito. And para sa amin, hindi naman siya—iyong lakad namin hindi naman apektado dahil hindi naman naka-hinge sa kung sino sa kalaban, eh, kung sino iyong magiging kalaban, iyong aming lakad. Sabi ko nga sa presscon kahapon, siguro lalo lang made-define iyong lines. Mas lalong magiging klaro. Mas lalong magiging klaro iyong mga maglalaban-laban. Tingin ko, it can work to our advantage dahil mas klaro kung sino, ano iyong mga pinaglalaban, ano iyong mga paniniwala, sino iyong magkakakampi. Tingin ko kapag nangyari ito, iyon iyong magiging resulta na mas magiging defined iyong mga linya.

    SEN. KIKO PANGILINAN: This is very—well, sa akin, I agree with the Vice President, ano, na talagang mas magiging klaro. Kung gusto nila iyong ginagawa ng administrasyon ngayon ay tuloy-tuloy, eh ‘di doon sila. Kung hindi sila sumasang-ayon sa ginagawa ng administrasyon ngayon at gusto nilang magkaroon ng mas maliwanag na response sa COVID at mas maliwanag na response sa economic recovery, eh kami ang nagsasabing kaya ni Vice President Leni na solusyonan iyong problema sa COVID kasama ang ating mga kababayan at solusyonan ang problema ng kawalan ng kita. So iyon, very clear ang lines. If they want more of the same, gusto nila at naniniwala silang tama ang ginagawa ng administrasyon, doon sila sa mga kandidato ng administrasyon.

    GMA 7: Isa pa, sorry. Ma’am, yesterday you mentioned po doon sa Rotary [Club] of Makati na forum iyong gusto niyo pong ma-abolish ito pong NTF-ELCAC. Kahapon po sa Senate, I understand, na-slash talaga iyong budget nila. Naibigay po roon sa atin pong mga healthcare workers. For the record lang po, ano po ba iyong mga talagang ayaw natin po doon sa NTF-ELCAC?

    VP LENI: Unang-una kasi may duplication ng mandato. Paglagay ng body na ito, mayroon nang mga functions na ginagawa na ng ibang mga ahensya. Parang binigyan lang diin iyong klase ng kampanya laban sa insurgency iyong pagbigay ng pondo at saka pagbuo ng grupo. Ako, iyong pinakatakot ko talaga na may ganito na parang very powerful na grupo, baka maulit ulit iyong pang-aabuso na nangyari sa Tokhang. Maganda iyong intensyon pero kapag nabigyan ng masyadong maraming kapangyarihan at saka suporta galing sa pamahalaan, baka dumating iyong panahon na magamit ito sa hindi tama. Magamit bilang harassment, magamit na panggigipit. Para sa akin, iyong napakalaking budget dapat talaga ilipat ito sa pag-asikaso ng frontliners kasi ito iyong pinakamalaking problema na kinakaharap ng bayan natin ngayon.

    MODERATOR: Okay po. Thank you.

    SEN. KIKO PANGILINAN: Sa usapin lang ng budget, in-increase iyong budget ng NTF-ELCAC pero tinapyasan iyong mga budget ng mga ospital sa gitna ng pandemya. So justified na dapat ilipat iyong pondo—number one. Number two, iyong DOF, iyong NEDA, iyong DBM sila na mismo nagsabi na hinanda nila iyong budget, hindi nila na-factor in iyong Delta variant. In other words, mali ang projections, mali ang basis, ang mga premises. At sila na rin mismo ang—sa amin sa Senado, sinabi nila, they agree na kailangang rebisahin iyong mungkahing budget na inihain nila sa Kongreso dahil nga number one, hindi na-factor in itong Delta variant, iyong para sa ekonomiya, nadagdagan iyong kawalan ng hanapbuhay at trabaho, at siyempre iyong requirements. May susunod pa na variant na nadiskubre pa. Hindi natin alam kung—iyong Kappa—hindi natin alam kung anong magiging resulta nito. So tama lang, tapyasan iyong NTF-ELCAC budget, ibalik doon sa mga ospital na binawasan nila last year.

    MODERATOR: Okay po, marami pong salamat. Maraming salamat sa ating mga kasamahan sa media. Dadako po tayo sa ating mga student leaders and journalists. Unahin po natin si MJ Calayan from Pahayagang Plaridel, De La Salle Manila.

    PAHAYAGANG PLARIDEL: Hello po! Good afternoon po. Question po is kilala po kayo iyong frontrunners ng banderang pink, ‘di ba nga po. Ang question ko lang po is paano pa nga po ba kayo makikilala ng voters bilang tao, bilang babae at bilang lalaki at bilang mga magulang po?

    VP LENI: Ako, sa akin lang, kapag panahon kasi ng eleksyon, kapag panahon ng eleksyon lahat naman ng mga kandidato magke-claim na, “kami iyong dapat iboto kasi kami iyong pinakanararapat. Nararapat kami kasi mahal namin iyong mahihirap” o “nararapat kami kasi aasikasuhin namin iyong mga kabataan” o “nararapat kami kasi ayaw namin ng korapsyon”. Pero at the end of the day, lahat lang iyon lip service kung hindi mo naman titingnan ano ba iyong naging tayo niya doon sa mga puwestong hinawakan niya o kahit bago siya sa politika, noong siya ba ay wala pa sa politika, ano iyong mga pinaglalaban niya? Kasi alam mo, madali lang… madali lang mangako. Pero kapag sinabi mong, “mahal ko iyong mahihirap,” ano iyong pruweba, ‘di ba? Humawak ka na ba bilang—halimbawa, sabihin natin, dati akong mayor o dati akong congressman, dati akong senador, noong mayor ba ako, noong congressman ako, noong senador, ano bang klase iyong—halimbawa, noong nasa legislative office ako, ano bang klaseng mga batas iyong inihain ko para paniwalaan kita ngayon?

    So, in other words, ang gusto ko lang sabihin dito, siguro iyong pinakatulong sa amin ng kabataan, turuan iyong taong bayan kung papaano maging discerning. Kasi pa-minsan, nadadala tayo sa husay ng pananalita. Minsan, madadala tayo sa tamis ng mga sinasabi. Pero iyon nga, at the end of the day, paano ko papaniwalaan iyong sinasabi mo? Halimbawa, ako, kapag sinabi kong kontra ako sa korupsyon, ang record ko nagpapakita. ‘Di ba, walang bahid ng korupsyon ang aking record. Ang opisina namin, three straight years, highest COA audit rating. Pero kapag sinabi ko ngayon na kontra ako sa korupsyon pero ang past ko naman ang daming—ang daming mga bagay na magte-taint sa aking reputation. So sa akin, napakahalaga na kasama namin kayo. Kasi tingin namin, hindi kailangan na ikampaya kami. Pero iyong matutulong siguro ng mga kabataan na nag-iisip na katulad niyo, sabihin kung sino kami. Halibawa, iyong mga maraming kasinungalingan na nababasa ngayon. Iyong mga halimbawa, YouTube videos, siguro mas marami pa iyong disinformation kaysa sa totoo. Pero kami, ang sinasabi lang namin, ngyaon, unti-unti na sisimulan naming ilagay doon sa lenirobredo.com ano ba iyong mga totoo para mayroon tayong nababalikan kung ano talaga iyong tama at saka ano iyong mali.

    SEN. KIKO PANGILINAN: Actually, kami—kami ni Frankie at saka ni Miel, minsan kasama si Sharon—pinag-uusapan namin iyong pag-aasawa ng anak namin. Sabi ko, ikaw, kapag pipili ka ng boyfriend, “tingnan mo iyong track record. Unang-una, mahal ba niya iyong nanay niya at nirerespeto niya? Mahal ba niya iyong tatay niya at talagang pinapakita niya? Baka naman ang nakikita, eh, hindi niya nirerespeto iyong nanay niya, hindi niya nirerespeto tatay niya, red flag na iyon dahil hindi pala mahalaga ang pamilya sa kaniya. So, ang track record, importante,” sabi ko sa mga anak ko. So kung ang lalaki, ‘di ba, mahal na mahal niya iyong nanay niya, mahal na mahal niya iyong kapatid niya, mahal na mahal niya iyong tatay niya, nakikita mo iyon, iyon ang track record. At ibig sabihin noon, kapag ikaw ay mag-asawa na, bibigyan ka rin ng kahalagahan. So track record is very important. At sabi ko pa, kaya—sabi ko, nandoon si Sharon—iyong una kong niligawan siyempre si Sharon. Pero iyong tatay ni Sharon noong birthday niya, binigyan ko ng fresh na hito. Iyong buhay na buhay na hito. Tapos iyong mommy niya—December 31 ang ano—mommy ko, si Mommy Elaine, binigyan ko ng fresh lobster. So niligawan ko rin iyong mga magulang. So nakita ng aking future father-in-law ko na ito palang si Senator—’di pa ako Senador noon--“ito palang si Attorney, binibigyang-galang at nirerespeto ang pamilya.” So iyon ang dapat natin tingnan kapag tayo ay namili. In a way ,parang pag-aasawa iyan ng anim na taon, makakasama mo ng anim na taon iyan. Kaya dapat tingnan natin, kilatisin natin nang husto, ‘di ba? So iyon ang advice ko sa mga kabataan. Kung kayo ay naghahanap ng boyfriend o girlfriend, tingnan ninyo iyong track record, ‘di ba? Ayon.

    MODERATOR: Okay po. Salamat po. Mula po sa Sanggunian Ateneo—last question po tayo—mula po sa Sangguniang Ateneo, EJ Alcantara.

    EJ ALCANTARA: Hello po, magandang umaga po. Maraming salamat po ulit sa pagbisita. Ang tanong ko po based on your platforms, paano niyo kaya po mas mae-engage at mas ma-e-empower iyong youth to follow your example of good governance and effective public service? Maraming salamat po.

    VP LENI: Ako, actually, maraming kailangang gawin. Iyong pinakauna, maging modelo, pero hindi siya enough. Iyong pangalawa doon, ito ay sinsasabi lagi ng asawa ko noong siya ay nabubuhay pa, parang it is not enough for public servants to be good. Pero there has to be systems which would force us to be good. So sa akin, dapat kabahagi ng mga polisiya iyong mga sistemang iyon. Ano ba iyong mga sistemang iyon? Para for good governance to thrive, kailangan siguraduhin mo na ang gobyerno very transparent. Kailangan siguraduhin mo na mga public servants accountable. And pangatlo na pinakamahalaga, kailangan magbigay ka ng very empowering na mga mechanisms. Kapag sinabi kong very empowering na mechanisms, kailangan may plaform iyong ordinaryong tao para makibahagi siya direkta sa governance. Ginawa namin ito sa Naga for a very long time, very successful iyong model, iyong idea ng People’s Councils. Na kahit iyong budget bago pinapasa ng sanggunian ng budget, ipini-prisenta muna sa People’s Council. Ito ay additional mechanism para nasisiguro na iyong ordinaryong boses ng mamamayan ay nabibigyan ng plataporma. Ito iyong tatlo na pinakamahalaga for good governance to thrive.

    SEN. KIKO PANGILINAN: Very quickly lang. Tama ang sinabi ni Vice President, para sa mga kabataan, napakahalaga na iyong mga lider sa iba’t-ibang posisyon sa gobyerno ay isang mabuting halimbawa. Kinakailangan maging mabuting halimbawa. At isa sa mga—ito, hindi pa alam ng marami—iyong isang mabuting halimbawa para sa akin, noong ako’y nag-umpisa maging elected local official ay si Mayor Jesse Robredo noong 1988. Siya iyong aming tinitingalang local government official dahil sa dami ng mga programang pro-people na pinapagawa niya sa Naga at iyong transformation ng Naga. Ang sabi ko nga kay Ma’am bago siya—right after she became Vice President, sabi ko, Ma’am, “ako dati isa akong Jessenian.” Una, Sharonian, siyempre. Tapos, isa akong Jessenian. I was a big fan in 1988 of Mayor Jesse, biro ko sa kaniya. Ngayon, Ma’am, hindi lang po ako Jessenian, Leninian naman ako dahil naman kay Ma’am Leni. But ang halimbawa is very important. We were inspired by Sec. Jesse’s example when he was Mayor. In fact, iyong una naming allocation ng Priority Development Fund in 2001, alam naming magagastos nang tama, inilaan namin sa Naga for the programs in support of then mayor Jesse Robredo. So kailangan suportahan ang mga halimbawang ito, bigyan pa ng dagdag na kapasidad para mas mapalawig pa nila ang kanilang pagiging halimbawa. And that has to be one of the government policies in terms of best practices. Iyong mga best practices, pondohan pa natin, budgetan natin para lalong maging halimbawa sa marami. And, of course, for the young people, ang young people ang daming energy. Ang daming, ‘di ba, angst. Kailangan iyan may activity lagi. So government, both national and local, should provide platforms, vehicles wherein our young people can participate and get involved in terms of contributing towards the betterment of our communities, and I think that should be emphasized. Dagdagan ng pondo ng National Youth Commission at ang SK. At tiyakin na tama ang mga programa na ilalaan para iyong youth involvement mapalawig pa at mapalakas pa.

    MODERATOR: Okay. thank you so much po, Senator Kiko. VP Leni, maraming salamat.

    • 30 -

    Posted in Transcripts on Nov 10, 2021