This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Conference of Vice President Leni Robredo in Naga City

    21 January 2017

    Board Room, Avenue Hotel, Naga City, 20 January 2017 late afternoon

    Mayor Margie Aguinillo, Buhi, Camarines Sur: Iyong ipinakitang malasakit at ibinigay na oras at personal na pagkalinga ng bise presidente sa mga Bikolano. Talaga pong nagbigay ito ng inspirasyon sa amin lalo na iyong mga nabisitang barangay.

    Nagbukas po ito ng pinto, nagdugtong ng tulay para ang tulong sa pribado at gobyerno ay bumuhos sa amin. Masayang masaya po kami.

    Isa siya sa pinakaunang dumalo sa aming bayan para tignan talaga iyong sitwasyon. Naging optimistic po kami na ang tulong ay makakarating sa aming bayan. Iyong ginawa po kanina na coordination meeting mas lalo pong nagbigay sa amin ng parang nandoon kami sa reality na talagang ang tulong ay bubuhos at makikita nila ang pangangailangan.

    Iyong sampung municipality po naipresent namin ang mga kailangan, iyong sitwasyon ng aming bayan. Marami pong ahensiya ang nandoon, maraming ahensya ang nakinig at at least nakita po nila ang sitwasyon namin sa tulong opisina ng bise presidente namin. So kami po lalong lalo na sa Buhi, nagpapasalamat po kami.

    Iyong nagdaan po na bagyo sa amin ay hindi lamang sumubok sa katatagan ng constituents kundi sumubok po sa katatagan ng aming bahay, pasilidad at kahandaan.

    Pero iyong ginawa kanina naipakita namin at least mayroon ng definite at konkreto at sigurado na measure para ang initiative ng local government ay mag-complement din at kasama po namin iyong mga development partners kaya sigurado po kami na ang rehabilitation at restoration ng aming mga munispiyo ay magiging madali po sa amin.

    VP Leni: Siguro kaunting paliwanag lang kung ano ang ginagawa natin sa baba. Iyong nasa baba, coordination meeting ng sampung local government units, representatives ng iba’t ibang national agencies at representatives ng iba’t ibang development partners.

    Iyong pinakasadya lang nito mabigyan ng pagkakataon iyong sampu na sa assessment namin ay most devastated. Sino sino ba iyong nasa baba? Tatlong munisipyo sa Catanduanes. Baras, Bato at San Andres tapos Tiwi Albay, tapos Sangay Camarines Sur. Sa 5th district Buhi ang Bulag, sa 3rd district Ocampo tsaka Pili tapos sa 2nd District Pasacao.

    I am sure marami pang devastated pero ito iyong sa assessment namin ay most devastated. Dahil sila iyong pinakamalaking tulong na kailangan, gusto namin ma-facilitate iyong pagdtaing ng tulong.

    Hindi lang mapabilis kundi ma-maximize iyong pagbigay ng resources. Kanina nag-present sa kanila iyong mga munisipyo with pictures and everything. Bakit kailangan ng pictures?

    Kasi sa tingin ko mas iba ang appreciation kung nakikita iyong itsura kaysa numbers lang ang nakikita. Pagkatapos nilang mag-present, ang nag-prepresent na ngayon ng response ay DSWD pero all other government agencies na involved sa disaster response nandoon.

    OCD is there, DA, PCA, DTI, DPWH, DepED, each of them will deliver their responses pero request natin sa kanila, to be very honest, ano ang kayang gawin at kailan gagawin.

    When I went up, DSWD na ang nag-pepresent sinabi na ng DSWD na handa sila di lang sa paggawa ng mga bahay kundi pati sa pag-prepare ng classrooms.

    Iyong tulong nila for shelter assistance 5,000 for total damage pero kulang na kulang iyon pero at least alam natin. Iyong promise nila within the month of February mabibigay na iyong lahat ng mga totally damaged.

    Bakit kailangan alam natin iyon? Kasi kapag hihingi tayo sa development partners natin alam natin kung ano pa ang kulang. Iyong pinaka-worrisome sa amin iyong damage sa agriculture dahil far reaching ang effects nito.

    Malaki ang damage sa agriculture di lang sa rice at corn pero mas nakakabigay takot sa atin iyong coconut at abaca. Sa Catanduanes heavily dependent on abaca ang problema ang pag0rehabilitate nito matagal.

    Hindi yata sufficient iyong basta input at fertilizers ang ibibigay pero kailangang may source of livelihood sa intervening period. Tinanong natin iyong mga munisipyo kung ano iyong mga maitutulong habang hindi pa handa iyong mga agricultural products nila.

    Ang mga ni-rerequest, livestock dispersal, vegetable production pero hindi pa kasi nag-rerespond iyong DA at PCA kaya hindi natin alam kung ano pa iyong programa ng gobyerno for that.

    Iyong damage to classrooms grabe ang request natin sa Deped sana baguhin na iyong designs i-suit sana kasi kahit iyong mga bagong classrooms nadamage pa din lalo na iyong mga nasa rice fields.

    Parang iyong isang taga-Catanduanes yata nag-rerequest na sana concrete slabs na iyong mga bubong kasi napapansin natin na may mga school buildings na very vulnerable dahil open na open. Di pa din nagrerespond iyong DepEd. Cinall din natin iyong attention ng DepEd at DPWH dahil maraming school buildings na bago iyong nasira pa din.

    After Yolanda na iyon ang supposedly typhoon resilient na pero nasira pa din. Sabi natin i-review iyong design. Kung hindi iyong design ang problema, i-review iyong construction.

    Iyong worry natin dito di lang mag-susuffer ang economy in general pero ang mga mayors na iba natatakot na gagrabe ang migration lalo na ang Catanduanes. Dahil matagal ang rehabilitation, ang worry nila mag-aalisan iyong mga tao kasi walang hanapbuhay.

    Ang pinaka-result na gusto natin mangyari, una alamin what help we can get from everyone at when can we expect it kasi ang pinakamahirap sa lahat iyong local government official naghihintay ng naghihintay walang dumadating.

    We have experienced this a lot in the past disasters. Pinaka-example ko dito iyong Glenda. Iyong Glenda iyong pinakahuling tumama sa distrito natin. Nagpatawag din ako ng coordination meeting noon at iyon ang nag-facilitate. If not for that pabalik-balik.

    Magsusubmit iyong mayor ng request sa DepEd, ibabalik ng DepEd kasi kulang-kulang. Ang sa amin ang tulong na namin, ito na ang form, ito na ang kailangan na document, sabihin mo na ngayon kung ano ang kulang para hindi na dahilan iyong hindi nabibigay kasi maraming kulang.

    Iyon ang tinitignan natin. Isa pang request natin dahil sa urgency ang tulong mga light materials pa din. Mga shingles, mga trapal. Ang worry natin iyong mga nasiraan ng bahay sila din iyong nawawalan every time may sakuna so ang request natin sa OCD, DSWD magawan ng programa na sana kahit semi-concrete na para every time may bagyo hindi na ganoon.

    Naalala namin during Glenda, naka-solicit kami ng money from private individuals na dinederekta nila sa mga nagpapagawa ng bahay. 20,000 nakagawa na ng bahay.

    I don’t know if most of you were able to accompany us. Binalikan natin iyon ngayong typhoon Nina di nasira so puwede na. 20,000 pesos bayanihan lang iyong labor, 20,000 for materials only.

    We shared that experience with them para puwedeng isa sa mga options. Ngayon we are very hopeful to inculcate na lahat tayo magkakatulong dito.

    Kung ano ang di kaya ng isa, iyon ang iproprovide ng isa. So hopefuly this afternoon maging klaro na kung ano iyong tulong na manggagaling sa amin.

    QUESTION: Sa bahay ninyo may operation center para sa relief. Marami ng donation pero di pa ata ito sapat. Saan ang source ng cash at relief goods kasi sa ngayon under Duterte administration, wala tayo relief assistance from foreign aid lalo na sa US na kaibigan ni President Duterte?

    VP Leni: Ang source natin local na private donations. Nilapitan natin ang European Union, UNDP nasa baba sila, Habitat nilapitan natin, ang mga embassies nilapitan natin.

    Ang problema, may mga international agencies na puwedeng tumulong pero karamihan kailangan may request from the national government. Hindi sila makagalaw.

    Kunwari iyong European Union gusto nilang tumulong pero walang request from the national government forthcoming.

    Iyong tanong natin sa kanila, puwede bang local government units ang mag-request? Sabi nila susubukan kaya bahagi ng discussion iyong papasulatin ang mga LGU direkta sa kanila.

    Iyong mga embassies sigurado na na walang tulong hanggang walang request from the national government. Iyong UNDP at EU ok sila to explore the possibility na local government ang mag-request. Iyong Habitat puwede silang tumulong.

    Noong nandito ako last week nag-meeting na kami, ngayon nag-fufund raise na sila and in fact nakapag-deliver na sila sa Ocampo and Sangay yata pero tuloy-tuloy iyon. Iyon ang problema natin ngayon kasi maraming willing to help pero di ba nagkaroon ng declaration na di kailangan ng tulong, iyong iba hesitant.

    Q: Ma’am reaction ninyo at wala tayong natanggap na aid from US?

    VP Leni: Dahil nga doon sa sitwasyon na, parating bilateral ang pag-treat nila ng pagbibigay ng aid. Pag humingi ka, magbibigay kami. Pero kung hindi ka hihingi, parang hindi kami puwede magbigay. Iyon ang explanation nila sa atin.

    So ngayon, ang tinitingnan natin ngayon, sinu-sino ba ang mga international organizations aside from local, kasi ang local madami namang tumutulong, pero hindi sufficient dahil sa grabe ang devastation.

    Pero ngayon, tinitingnan natin kung sino ba iyong mga international organizations na kahit walang request from the national government, puwede pa ding magbigay.

    Iyon isa ngang proposal natin na palagay namin will work, ito papaano kung iyong local, halimbawa si Mayor, papaano kung siya ang sumulat? Will they act on that? Ang sabi nila that is a possibility.

    Pero dahil hindi pa iyon nangyari in the past, kailangan pa nila iyon pag-usapan sa kanilang intertional headquarters.

    Q: Last and final, kasi isa Yolanda, automatic si US AID. Dito ata sa Bicol zero tayo?

    VP Leni: Medyo iba ata iyong sa Yolanda. Una iyong enormity ng destruction mas malaki. Pangalawa, talagang iyong national government humingi talaga ng tulong. Ngayon wala tayong ganoon. Ngayon mayroong…

    Q: Bakit po kaya?

    VP Leni: Hindi ko alam. Pero ang akin naman, parang iyong attitutude natin ngayon, we will make do with what is there. We will try to find opportunities.

    Kung hindi, para kung may road blocks hanap uli ng iba. In the past 2 weeks na nasa Manila ako, iyon ang ginawa natin. Nakipag-meeting sa maraming organizations.

    Halimbawa, mayroon representative sa baba, iyong PDRF, Philippine Disaster Resilience Foundation. It’s a foundation shared by, tatlo ang chairman niyan, si Manny Pangilinan, Jaime Augusto Zobel, at saka si Cardinal Luis Tagle. They sent their representative downstairs. Ito local pero ito ang pinakatumutulong talaga sila sa ganito and we willing to help, so okay iyon.

    Marami pang ibang mga, iyong UNDP I was saying na nandiyan. Iyong City of Muntinlupa nandiyan, gusto din tumulong. Iba iba. Ang PBSP – Philippine Business for Social Progress, nandiyan. So sa atin, lalapit tayo ng lalapit, kung sino ang mag-respond di okay.

    Q: Una po ano po ang learnings ninyo in terms of evidence-based and data-based management po?

    VP Leni: Iyong sa akin kasi, malaki ang difference ng parang papel lang iyong tinitingnan, at saka bumababa talaga on the ground.

    Una iyong sense of urgency ng mga opisina na tumutulong, iba talaga pag bumaba. Kaysa tinitingnan lang ang numbers. Kasi pag numbers, walang mukha. Walang kuwento, walang mukha.

    Pero pag bumababa, gaya kanina. Parang ang dami ang reactions na nakuha kasi nakikita sa pictures. Lalo na kung bumaba. Iyon ang number one. Number two, marami pa tayong kailangan i-improve as far as bureaucratic red tape is concerned.

    Parang ang dami, ito learning natin ito hindi lang ngayon pero pati mga nakaraang disasters. Nandiyan ang pera, parang Yolanda, nandiyan ang nangangailangan pero hindi nabibigay ang pera sa nangangailangan kasi ang daming mga bureaucratic red tape na kailangan.

    So tingin ko kailangan sana i-simplify ito. Halimbawa, iyong pag-determine lang ng totally damaged at saka partially damaged ang tagal. Kailangan pang i-validate, parang alam mo iyon, sobrang dami nang layers na dinadaanan na hindi niya natutugunan iyong urgency ng pangangailangan.

    Kanina may mga LGUs. Halimbawa kay Mayor, galing ako doon one week after the devastation. May entire sitio siya na na-wipeout. Mayroon entire high school, ni-isa walang natira, ni poste walang natira. So papaano iyon, di ba?

    Ngayon nandoon sila sa isang barangay, iyong mga classes. Pero ang barangay hall na iyon, ginagamit din siyang evacuation center kasi marami din, alam mo iyon, iyong ganoon. Very urgent, mayroon namang pera mapaghuhugutan para makatayo lang kaunti pero dahil sa requirements, iyon ang akin, ang suggestion ko sana, naiintindihan natin ang requirements kasi gusto natin pangalagaan ang pera ng bayan, pero sana pag disasters na ganito, medyo i-ease sana ang ganoon.

    Kasi pag nakikita mo talaga agad. Iyong Barangay Salvacion na pinuntahan ko, halos entire sitio talaga wala. So papaano babangon uli? Mayroon sila, namigay iyong ibang, local government at ibang agencies ng trapal.

    Pero iyong trapal, alam ninyo iyong tent na parang tinent lang na ganyan, na bukas ang magkabilang edges. Ngayon malamig, maulan. So pinagtatiyagaan nila iyon rather than walang wala.

    Q: Ma’am pagdating naman sa rehab and reconstruction ano po ang mga hinaharap natin ngayong mga problems?

    VP Leni: Sobrang dami. Tingin ko, again number one iyong bureaucracy. Number two, especially now, malaki ang binawas sa disaster budget. So hindi ko alam how they will resolve it. Halimbawa ine-explain ng DSWD sa baba, binabaan kami ng 500 million, pero dahil sa extent ng nasalanta, parang ang mase-service pa lang namin ay mga totally damaged, 5,000 pa lang iyon.

    Papaano ka makaka-rebuild with 5,000, so you will have to make do doon sa binigay sa iyong resources.

    Pangatlo, ano talaga parang sa atin nag-bubusy after a disaster pero kung wala pang disaster, hindi natin dini-disaster-proof ang planning. Halimbawa iyong sinasabi ko sa inyo kanina, iyong nagigibaan ng bahay, every calamity sila din ang nagigibaan so hindi permanente.

    Pangalawa, maraming mga highly vulnerable to floods na may nagalalagay naman ng evacuation center, so mayroon pero hindi naman siya bagay sa lugar. So gaya noong kay Mayor madami din siyang mga schools o classrooms na hindi din nagamit. Kasi siya ang unang nasira, iyong mga ganoon. Na sana kapag nagpaplano, parang ina-akma na sana sa pangangailangan ng lugar.

    Pangatlo, iyon. Pag nag-rebuild, sana iyong mga vulnerable areas magkaroon ng honest to goodness na resttlement plan. Halimbawa pumunta ako, tatlong barangay wiped out dahil nandoon sila sa may shore.

    Nag-express si Mayor na gusto niyang i-relocate pero hindi din kaya ng LGU. So kailangan din ng tulong ng national government agencies kaya ni-refer ko na sa HUDCC na bumaba na doon para pagtulungan na ng lubos ng local at saka national. Pero iyong consciousness ng kahalagahan ng pinaplanong matagal pa, para din kasi pag disaster, saka nagmamadali. Tingin ko madami din tayong i-improve dahil sa ating experiences pero kulang pa.

    Q: As of now po, ano na po ang natatanggap nating tulong from the different agencies?

    VP Leni: Ang karamihan kasi sa tulong until January. Alam ninyo sa tulong talaga relief, pagkain. Pero ngayon mismo ang mga mayors mismo ang nagsabi, hindi na namin iyon kailangan. I mean, kailangan nila pero mahahanapan namin iyon ng solusyon. Ang hindi namin mahahanapan ng solusyon iyong pabahay, iyong mga nasirang mga infrastructure. Doon namin kailangan ng tulong.

    So kami, first week of January iyong announcement namin, nag-shift na kami from relief to rehabilitation. So ang tinatanggap na namin ngayon na tulong, lahat housing materials. So pag may cash na dumadating, pinapa-donate na namin iyon sa mga, kasi ang OVP hindi naman puwede mag-accept ng donations.

    So pag may cash, pinapa-donate namin iyon sa mga organizations na puwedeng magbigay ng shelter materials, gaya ng Habitat, parang mga ganoong organizations.

    Mayor Margie Aguinillo: Idagdag ko lang po, usually sa LGUs ang problema naming mga officials, tama ang sinabi ni Ma’am Leni, iyong bureaucracy. Kasi iyong sa validation pa lang ng totally at partially damaged, doon na kami binabatikos talaga.

    Nagagalit ang mga tao. Kasi kailangan iyon na validated ang mga totally at partially damaged na houses. Iyong ikalawa po, sa amin sa Buhi particularly, sa Salvacion iyong napuntahan ni VP Leni.

    Mayroong proposal na project na evacuation center pero hindi na-approve kasi malapit sa 20-km danger zone. Hindi na-approve. At saka ang Buhi po ay watershed area so madami pong mga hindrance para hindi malagyan noong kailangan talaga ng mga tao doon.

    So iyon ang mga problema namin. Iyong relocation site din na identified na din namin para sa mga tao doon sa gilid ng lake na binabaha, iyon din ang problema. Kasi kailangan mapa-approva pa sa lahat po ng maraming ahensya. So iyon ang problema ko sa LGUs.

    Q: Ma’am iyong announcement ni Atty. Macalintal challenging Bongbong Marcos. Ano po ang reaction ninyo doon? Kasi po sabi magresign o i-surrender ng lawyer ni BBM ang kanyang license sa legal practice kung mapapatunayang wala naman talaga si Mr. Bongbong Marcos. Pinasusulat ng parang agreement na hindi niya isusulong ang anumang protesta. Ano pong reaction ninyo doon sa sinabi?

    VP Leni: Ako parang ano kasi, nag-order ang Supreme Court na based on contract iyong mga hindi nagamit na mga SD cards parang ibalik na sa Smartmatic. Iyon ang order ng Supreme Court sa COMELEC kasi iyon ang kontrata – pag hindi nagamit, isasauli.

    Iyong nagamit siyempre hindi isasauli, kasi nagamit. After na magbigay ng ganoong order ni Supreme Court, ito na iyong sinasabi ni Bongbong Marcos na iyong mga isinauli daw, na mga isasauli na SD cards ng COMELEC na unused, nandoon daw ang proof ng pandadaya. Obviously hindi iyon totoo.

    I cannot talk about the case excessively kasi bawal. Pero obviously hindi iyon totoo kaya china-challenge siya na if you will be able to prove na nandoon ang mga proof ng mga pandadaya, hindi mo na itutuloy ang kaso para hindi na tayo gumastos.

    Q: Pinag-usapan ninyo iyan Ma’am nila Atty. Macalintal bago nag-pronounce ng opinion niya? VP Leni: Hindi naman. Opinion niya, pero opinion namin lahat. Hindi na kailangan pag-usapan kasi kahit hindi naman abogado maiintindihan iyon. Kaya nga unused kasi hindi nagamit.

    Q: Basically ang challenge po dahil saan iyon?

    VP Leni: Kasi siya ang may claim. Anyone of us na may claim tayo, proof di ba?

    Q: Palagai po name-mention iyong Tacloban, nako-compare ang relief operations ng government noon at ngayon. Sa tingin ninyo po ba, kung sakaling member pa po kayo ng Cabinet, mapapabilis po ang rehabilitation, ang pagbuild ng mga, kasi ang daming school buildings na na-damage. So wala kaming malinaw na report kung ano ang plano ng gobyerno ngayon at saka iyong mga nagibaan ng bahay. So sa tingin ninyo ba kung sakali sanang nasa Cabinet pa po kayo, malamang po ba mas mapapabilis iyong pag-assist ng mga tulong dito?

    VP Leni: Ako tingin ko, oo. Kasi hindi ako kino-consider na outsider o kalaban. Ngayon kasi siguro hindi sa amin maaalis na iyong tingin sa akin, kahit VP ako, kalaban.

    So it harder na humingi ng tulong. It would have been different kung kabahagi pa ako ng official family. Kasi kahit papaano nakakasama ko iyong mga Cabinet secretaries.

    Pero ako naman, hindi din ako, parang while may ganoong feeling, I don’t think na, papano ba iyon, I don’t think na parang iwi-withhold naman ng mga national government agencies ang tulong just because ako ang humihingi. Pero ako naman, nilalagay namin sa ayos. Ang gusto sabihin, ano ba iyong matutulong namin kay Mayor. Ang matutulong namin kay Mayor, i-facilitate ang kanilang engagement with the national government offices.

    Kung kailangan nila ng tulong pag complete ng mga documentation, nandiyan kami. Kung kailangan nila ng coordination, follow-up – nandiyan kami.

    Ipapakilala namin sila sa mga donor agencies para other than government, may mahihingian pang ibang tulong. Kasi ako ayaw ko naman mag-dwell sa kahirapan.

    Kasi ito nga, extraordinary times, hindi naman sila makakahintay kasi sila din ang hinahanapan ng kanilang constituents. So iyong nangyayari ngayon sa baba I think will be a very big help. Kasi kami lang iyong nag-facilitate ng usapan, pero ang mag-uusap sila na. Papasok lang kami kung kailangan na nila ng tulong.

    Halimbawa pagkatapos kasi hingiin dito, magsubmit lahat, may mga follow-up na kailangan.

    Pati ang mga regional directors nagsasabi na tulungan ninyo kami magfollow-up para ibaba na ang budget. Iyon puwede kami doon makatulong. Pero iyon. Ako very honest na assessment. Mas madali siguro kung nandoon pa ako.

    Q: After po ninyo magresign as HUDCC chair, kumusta po ang relation ninyo ni President?

    VP Leni: Hindi pa kami nagkikita. Hindi pa kami nagkikita after. Kasi December lang naman, December ako nag-resign. Hindi pa nagkakaroon ng opportunity magkita.

    Kala ko magkikita kami sa Vin d’honneur, pero binawi kasi ang invitation [laughs].

    I think magkakaroon naman ng opportunity uli. Parati naman akong hopeful.

    Kasi pag parating optimistic, kasi ang dami kailangan gawin hindi din nakakatulong na parang lalo pang pahirapan pa iyong dati nang mahirap.

    Q: Kung magkakaroon po ng pagkakataon na magka-usap kayo, ano pong sasabihin ninyo sa kanila?

    VP Leni: Ako magalang naman ako parati kay Presidente. Tingin ko na-reach na namin iyong level na kahit noong member pa ako ng Cabinet, na pag nag-didisagree ako sa kanyang policy, nasasabi ko.

    Tingin ko ang nakasama lang sa amin, at least sa reports na dumadating, marami talagang nag-rereport sa kanya ng hindi totoo. Halimbawa ang pinakadahilan kung bakit hindi na ako pina-attend ng Cabinet meeting, kasi may nag-report sa kanya na nag-aattend ako ng mga rallies for his ouster na hindi naman totoo kasi ni isang rally wala akong sinalihan.

    Ang unfortunate lang na napapaniwala sa ganoon na reports. Pero ako again ayaw ko na mag-dwell doon kasi tapos na. Ang akin na lang making the most out of what is there.

    And tulad ngayon kailangan tayo ng ating mga kababayan, di iyon ang ating asikasuhin.

    Q: During the time of DILG Sec. Jesse Robredo, very active po siya doon sa Electric Cooperative issues. Kayo po ay isang saksi noong magkaroon ng bagyo na talagang very delayed ang restoration ng power. At gumawa na kayo ng paraan para tumulong Ma’am. Ano po ba iyong puwede ninyong idulog dito sa kaso para naman iyong mga poste ay gawin na nating more resilient kasi sigurado tayong ang mga bagyong dadating siguradong mas malakas po, VP.

    VP Leni: Ako just to give you an idea kung ano ang intervention na ginawa. Kasi noong pag-uwi ko dito, sobrang bagal nga. So pumunta kami nila Congressman nakipag-meeting kami, tinanong namin kung ano ang problema.

    At sinasabi nila grabe ang damage, kinukulang talaga kami ng tao. So ako nag-offer ako na kung kinukulang ng tao, tulong na ako maghanap ng tao. So tumawag ako sa Meralco, dumating ang Meralco.

    Actually ang sabi sa amin, mayroon nang mga dadating na tutulong, iyong mga Samar at saka Leyte Electric Cooperative. Ako naman kahit ang pinaka, dahil ang sinasabi, very extensive ang problema, ang feeling ko naman any help will be a big help, di ba? So tumawag na din ako sa Meralco, very quick ang Meralco.

    Tumawag ako ngayon, nakausap ko ngayon, the following day dumating. Pero dumating ang Meralco, iyon ang aking frustration kasi may hesitance na tanggapin ang tulong. Hindi ko alam kung bakit. Actually ang Meralco siya na ang nangungulit.

    Na parang mayroon siyang 35 na taong pinadala, parang ang tinanggap lang ata 12. Kasi mayroon na daw tulong na iba. Pero okay lang iyon. Pero ang problema ata ngayon gamit. Ang problema gamit.

    So tingin ko maraming pagkukulang pagdating sa management. Iyong pag-manage ng resources, pagplano ahead. Kasi kung ikaw electric cooperative, dapat ahasan at i-factor-in mo na iyong disasters dahil nandito tayo, parati tayong tinatamaan ng bagyo.

    So parang halimbawa, 30% pa lang ang na-electrify ngayon, ang dahilan walang gamit. Walang gamit na dumadating, parang hindi ata katanggap-tanggap na hindi tayo handa sa ganyan.

    So titingnan iyong saan nagkulang ang management. Parang ayaw na lang natin makipag-away at this point dahil dapat nagtutulungan tayo. Hindi din makakatulong na makipag-away pero I think pag naka-ahon tayo dito, kailangan natin upuan.

    Ako magiging aktibo ako doon. Kailangan natin upuan kung nasaan ang problema. Hingi tayo ng tulong kay Usec. Wimpy Fuentebella kasi nasa DOE siya.

    I am sure tutulungan tayo noon, kasi kababayan naman. Hihingi tayo ng tulong kung paano natin maayos. Kasi parang naayos na, dahil hindi maayos, naayos, pero very short-lived, balik na naman sa dati. Ang akin lang, iyon ang impression na nakuha ko when we went to the meeting.

    Parang kulang iyong sense of urgency. Doon ko sa kanila sinabi na ang mga tao deserves to know kung kelan nila aasahan ang kuryente.

    Pero nagpapasalamat din ako sa kanila, kasi the day after ni-request ko iyon sa kanila, they came out with a schedule na maaasahan, at least nag-respond naman.

    Sa akin din, parang by experience mas mabuti sanang taga dito iyong manager kasi tingin ko lang kung hindi talaga taga dito parang iyong sensitivity sa pangangailangan at sense of urgency, parang iba.

    Iba na kung tagarito nararamdaman ang ating nararamdaman. Ang akin lang, alam mo na, para magtulungan muna tayo ngayon. Pero sa akin lang, obligasyon natin lahat to call their attention pag tapos na ito.

    Para pagbigyan muna natin ngayon na nag-aayos, pero I think pag pasok ng February, mag-request tayo ng dialogue with them. Asaan ang problema? Kasi parang this is the first time in a very long while na ganito katagal.

    Thank you so much po.

    Posted on Jan 21, 2017