This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A at Kuwentuhang Manggagawa Kasama si Vice President Leni Robredo

    Q&A at Kuwentuhang Manggagawa Kasama si Vice President Leni Robredo

    Stonerich Corporate Center, Scout Rallos Street, Quezon City

    HOST: Thank you very much Madam Vice President at mabuhay po kayo, Ma’am. Now VP Leni, mayroon po tayong mga construction worker na nagpadala ng mga katanungan in the past few days. Inaasahan po sana nila na masagot ang kanilang mga tanong. Iyong unang dalawa pong tanong ay medyo similar, tungkol po sila sa unemployment and job security. So pakinggan po natin ang tanong ni Ryan Malabanan at ni Kristina Bellarmino.

    RYAN MALABANAN: Magandang araw po, Ma’am Leni. Sa kalagitnaan po ng pandemya na nararanasan natin ngayon, dati po ay may maliit po kaming tindahan na naapektuhan po noong nagkaroon ng pandemya. Sa inyo pong palagay, ano po ang dapat gawin ng susunod na presidente para matulungang makabangon pong muli ang mga maliliit na negosyo. Salamat po.

    KRISTINA BELLARMINO: Buenos dias, VP Leni Robredo. Ako po si Kristina Bellarmino, isang office staff dito po sa Zamboanga City. Importante po sa mga manggagawang tulad ko ang security of tenure. Ano ang stand ninyo sa contractualization at isyu ng pasahod at benepisyo sa mga manggagawang laborers? Muchas gracias.

    VP LENI: Muchas gracias. Iyong una siguro muna. Uupo na lang ako ha. Iyong una, talagang grabe iyong8 epekto ng pandemya. Ang daming nawalan ng trabaho, ang daming nag-sarang negosyo, lalo na iyong mga maliliit. Marami talaga iyong kahit may trabaho, hindi sila nakakapagtrabaho ng sunod-sunod pareho ng dati. Ang iba, isang linggo na lang instead of five or six days, ang iba naman tatawagan na lang sila kung mayroong available na trabaho. Kaya para sa akin iyong number one na kailangang gawin ng susunod na pamahalaan, siguradong i-control na iyong community transmission ng sakit. Kasi kapag hindi niya na-control, hindi niya siguro ito totally ma-e-eradicate. Pero kung hindi niya ma-control, pareho lang tayo sa nangyayari last year. Bubuti iyong number, tataas ulit, bubuti ng numbers, tataas ulit. Hindi tayo nakakabalik sa normal na normal. So pag-control ng community transmission at saka ma-mitigate iyong effects. Doon sa mga maliliit na negosyo, matagal ko na itong pinopropose na sana may conditional na grants, hindi utang. Conditional na grants na ibigay sa mga maliliit na negosyo para hindi sila magsara pero iyong condition nito hindi sila magtatanggal ng empleyado. Bibigyan sila ng pera ng gobyerno para lang magtuloy-tuloy iyong kanilang business activity pero dapat tuloy-tuloy din iyong employment. Kapag tiningnan natin iyong unemployment rate natin ngayon, sobrang taas. Sobrang taas iyong unemployment rate, ang nakakatakot dito, kasi kapag nagtuloy-tuloy ito, iyong krisis sa gutom at saka krisis ng kahirapan talaga ma-e-exacerbate. Lalala siya. So iyong sa akin, mahalaga na ipakita ng gobyerno na maayos na iyong COVID situation dito sa atin para makapag-alok na siya ng mga investors at saka mga bagong negosyo mag-bukas kahit whether domestic, whether foreign. Pero madali lang iyon sabihin, mahirap gawin. Paano ba maglalakas loob ang mga negosyo na magbukas dito? Maglalakas loob lang sila kung ang environment na binibigay natin sa negosyo, magta-thrive iyong kanilang mga negosyo. Ano ba ang mga kailangan, iyong infrastructure at saka logistics. Kasi kung mahirap iyong infrastructure at saka logistics, hindi naman ma-eengganyo na lumipat dito sa atin. Halimbawa, ang daming mga tech companies na nag-alisan. Nag-alisan kasi bakit, mahina iyong ating technical infrastructure, digital infrastructure, mahirap iyong ating political saka economic stability, kulang iyong ating logistical support para sa kanila, mahal iyong ating kuryente, mahal iyong iba pa nating utilities. So para dito sila sa atin pumunta, kailangan ayusin natin lahat iyon. Kasi kung hindi iyon maayos, maraming nawala sa atin na lumipat sa Vietnam, for example. Lumipat sa Vietnam kahit mayroon din tayong favorable conditions pero mas sigurado sila doon. Iyong level playing field gustong sabihin walang kinikilingan. Walang kinikilingan, dapat iyong mga policies natin sa pamahalaan stable kasi kung nagiiba-iba iyong policies, binigyan ka ng kontrata babawiin pa, walang gustong magbukas ng negosyo dito sa atin. So iyong sa akin, iyong unemployment kasi kailangan talaga siyang sugpuin kapag inayos natin iyong business environment. Iyong tinatanong noong nagtanong kaninang una, na mayroon silang maliit na negosyo pero nagsara during the pandemic, iyong opisina namin nag-launch kami ng isang sustainable livelihood and training program na ang layunin nito na iyong mga nawalan ng hanapbuhay, nabigyan ng pagkakataon na makapamuhay ulit. So iyong tutok ng aming programa ngayon iyong mga nawalan ng trabaho. Halimbawa iyong mga jeepney drivers, halimbawa mga karinderya na nagsara kasi walang eskwela ‘di ba, maraming carinderias na around schools nawalan ng trabaho para magsara. Marami kaming assistance aside from financial grants para sa kanila. Iyong capability-building, mga training para sa kanila. Naglagay kami ng isang, ano ito, isang website ang pangalan ng website ay Iskaparate.com na kung saan iyong mga maliliit na negosyante na walang capacity magkaroon ng online presence, nandoon sila, nili-link namin sila sa markets. Halimbawa iyong dating may mga karinderya, mag-shift sila ng mga produkto para puwede silang maka-sell ng pagkain online. O halimbawa iyong mga jeepney drivers ngayon, iyong organisasyon nila dahil hindi sila nakakapasada, ang naging desisyon nila magkaroon sila ng rice retailing business doon sa lugar nila. So kami tumutulong kami doon. Pero siyempre iyong opisina namin can only do so much. Pero kung gawin natin siyang national policy, ang daming matutulungan, hindi lang iyong kung sino may access pero dapat lahat may access.

     

    Iyong pangalawang tanong, since Congress naging very vocal ako on contractualization at saka strengthening ng Security of Tenure Bill. In fact, I was one of those who pushed for this in congress sa paniniwala na dapat ang manggagawa binibigyan siya ng seguridad na kapag nagkaroon siya ng trabaho ay tuloy-tuloy yung kaniyang trabaho basta maayos iyong kanyang ginagawa. Laganap kasi yung practice, laganap iyong practice na iyong employment hanggang five months lang—iyong employment hanggang five months lang tapos papahingahin sila ng sandali tapos iha-hire na namin at a later time para nalulusutan iyong required na pag-regularize sa mga pamahalaan. Mali ito. Iyong Minimum Wage Law very clear naman ang mga provisions ng batas na except for a few exceptions, kailangan lahat talaga sumusunod sa Minimum Wage Law. Ngayon, marami kaming mga partners na mga labor organizations na sila ay nagde-demand for higher minimum wage. Maraming mga labor organizations na halimbawa nagde-demand na gawing nationalized iyong labor— iyong minimum wage, kasi ngayon regionalized. Ang sabi ko lang sa akin, ang mapa-promise ko doon, siguradong may boses iyong maliliit sa aming administrasyon. In fact, noong mayor pa iyong asawa ko hanggang noong ako nasa congress na hanggang VP, pinush namin nang pinush iyong ideya ng mga People’s Councils. Na iyong idea nung People’s Councils mayroong mekanismo para iyong ordinaryong tao na hindi nabibigyan ng boses, mayroon siyang boses.

    Pero having said that, gaya ng sabi ko kanina, iyong paniniwala ko dapat iyong employer-employee relationship hindi siya dapat magkaaway. Dapat nagtutulungan lagi, dapat iyong mindset lagi na papaano magtutulungan iyong dalawang, iyong parehong sides. Kasi again, para siyang chicken and egg thing ‘di ba na kailangan iyong negosyo natutulungan na bukas siya at nagta-thrive para makadagdag siya ng mga employees lagi. So iyong sa akin lang, marami yung mga improvement na kailangan gawin. Halimbawa iyong isang improvement, matagal akong labor lawyer. Kapag tiningnan natin iyong ating Labor Code of the Philippines, sobrang kampi ito sa mga employees. Ang gusto kong sabihin, maganda iyong mga provisions ng Labor Code of the Philippines pero sa katotohanan, iyong pag-operationalize nito, hindi siya ideal. Halimbawa, example ko sa inyo, noong nagpa-practice pa ako bilang abogado, kapag nasa NLRC iyong kaso namin, panalo iyong mga kliyente ko. Panalo iyong mga kliyente ko pero hindi nae-execute iyong mga desisyon dahil i-a-appeal nang i-a-aapeal pero iyong appeal takes years and years. So dahil kapit sa patalim, pa-minsan nag-a-agree na lang to a settlement na sobrang kulang doon sa dine-deserve niya. So para sa akin, kailangang tingnan ito dahil sa akin iyong strong labor relations, nae-equate iyon to strong economy. [applause]

    HOST: Okay, thank you, Ma’am. Ma’am, we have two more people who want to ask some questions. They sent over some pre-recorded questions. Ito naman po tungkol sa COVID response. Naipakita po namin iyong Kalayaan sa COVID plan po ninyo pero ang tanong po nila is about education and about vaccination for construction workers in the provinces. Pakinggan po natin.

    WORKER 1: Magandang araw po, Madam Leni. Ano ba po ang plataporma niyo sa aming mga trabahador na naapektuhan ng pandemya? Salamat po.

    RYAN: Magandang hapon, VP Leni. Ako po si Ryan, isang backhoe operator. Ano ho bang proyekto niyo para sa amin na construction worker lalo na po na naapektuhan kami ng pandemya?

    VP LENI: Iyong programa tungkol sa COVID ay na-discuss na. Siguro napanood niyo. Pero siguro, in summary, hinati namin sa tatlong bahagi iyong aming response. Iyong first part ay tungkol sa health. Iyong pangalawang part ay response tungkol sa gutom and ini-include nito iyong ekonomiya. Iyong pangatlong bahagi ay tungkol sa education. Siguro bibigyan ko lang kayo ng—dadaanan ko lang nang kaunti. Ano ba iyong reality pagdating sa health? Noong nakaraan na dalawang surge, hindi ko alam kung mayroon kayong kakilala na naglipat-lipat ng ospital, hindi tinatanggap dahil wala nang available. Mayroong mga namamatay na habang naghahanap ng ospital, namatay na. Mayroong mga namatay na nasa tent sa labas ng ospital. Mayroong mga namatay na naghihintay sa sasakyan. So ang tanong, bakit ito nangyayari? Sobrang complex kung bakit. Iyong number one, hindi natin kino-compensate nang maayos iyong ating health workers. So minsan, mayroon namang available na beds pero hindi na makatanggap iyong ospital kasi kulang na sila ng tao—iyon iyong number one. Kapag kinompare natin iyong suweldo, halimbawa ng nurse—iinom lang ako ha kasi nauubo ako. Hindi po ito COVID [laughter]—kapag tiningnan po natin iyong suweldo ng mga nurse natin, ang middle salary ng nurse sa Pilipinas mga P40,000 pero kapag kinumpara natin ito sa nurse na pareho nila iyong capacities, pareho iyong experience, sobrang layo ng suweldo dito sa atin. Halimbawa sa Asia, ang pinakamataas yata Singapore na P200,000 a month ang suweldo ng nurse. So papaano natin mapipigilan iyong mga healthcare workers natin na hindi umalis? Kung mayroon silang mga pamilya na kailangang suportahan at mayroong mga ibang opportunities na matutulungan sila, iyon iyong number one pagdating sa health workers. Pangalawa, sobrang uneven noong distribution ng health facilities. Sa kama na lang—sa kama na lang ang ideal sana mga 2.5 na kama for every 1,000 na population. Sa Manila, mayroon tayong 1.4 so hindi na masyadong masama, ‘di ba. Kulang na kulang pa. Kalahati lang tayo ng ideal pero okay na. Pero kapag tiningnan natin sa probinsya, ang layo. Halimbawa, MIMAROPA. Sa MIMAROPA, 0.1 bed for every 1,000 na population—sobrang kulang, ‘di ba. Sa amin yata 0.6 yata sa Bicol, sobrang kulang. So para sa akin, masyadong Manila-centric minsan iyong pagtingin. Parang magre-report sila close to ideal na tayo pero actually kapag hinimay mo, ang layo. Ang layo sa iba. So anong ginagawa? Hindi lang iyong kama, pati iyong mga ventilators, pati iyong mga facilities. So kapag may nagkakasakit na hindi kaya sa probinsya nila, lahat dadalhin sa Maynila. So dapat ang i-aim natin, dapat iyong mga regions, iyong mga provinces, equipped sila ng—at least may isang tertiary hospital na maayos na hindi na nila kailangang pumunta ng Manila. Kasi iyong mga pumupunta sa Manila, okay lang kung walang bayad pero iyong walang pambayad, sobrang hirap. Grabe iyong pinagdadaanan nilang hirap. Iyong accessibility is also a problem. Kung wala kang problema, ‘di ba, mahirap. Kung wala kang pera mahirap. So iyong Universal Healthcare Program kailangan talagang ma-roll out na siya. Iyon iyong sa health.

    Sa economy medyo nasabi ko na kanina pagdating sa employment, pagdating sa jobs, pagdating sa gutom. Iyong pangatlo, education. Pangalawang school year na ito. Pangalawang school year na ito na hindi pumapasok iyong mga bata. Iyong mga mayayaman, nakakakuha sila ng mga tutors ng mga anak nila, nagpupunta sa bahay o sila mismo equipped mag-tutor sa bata. Pero hindi lahat ganiyan. Especially in the provinces walang gadgets, walang internet connectivity. Paminsan, iyong mga magulang kailangan nilang magtrabaho, hindi nila matutukan iyong mga bata. Or kahit nasa bahay iyong mga magulang, walang capacity na magturo. So last year, sinulatan namin iyong DepEd. Nire-recommend namin na sa mga lugar na wala namang kaso, buksan na ang paaralan para nag-aaral na iyong mga bata. And sa mga lugar na mataas iyong kaso, sabi ko maglalagay kami ng mga community learning hubs. Humihingi lang kami ng tulong sa kanila para ma-scale up pero hindi nag-respond favorably. Pero nagpatuloy kami. Ngayon, mayroon kaming 58 na community learning hubs na very helpful siya. All over the country ito. Very helpful siya kasi iyong estudyante na kailangang may kausap na teacher, hindi marunong magbasa, puwede siyang pumunta doon, may tutor—may trained tutor; kami iyong nag-train sa tutor—mayroong computer, mayroong internet connection, mayroong mga gamit. So sa akin, sana hindi one-size-fits-all. Hindi one-size-fits-all ang pag-deal doon sa education crisis. Sa mga low-risk areas sana mag-face-to-face classes na. Sa mga high-risk, doon i-tweak. Iyong face-to-face classes hindi naman kailangan five days a week pumapasok pero at least iyong mga bata sana may nakakausap nang titser. Support din sa mga teachers at saka mga estudyante. Dapat iyong teachers, pabakunahan, may access lahat sa bakuna. Iyong mga estudyante na puwede nang bakunahan 12 years old and above, dapat mabakunahan na. Iyong access sa testing, napakahirap pa rin hanggang ngayon. Dapat sana every time—dapat may periodic testing iyong mga nag-aaral and every time may nagkaka-exposure tine-test kaagad. So maraming puwedeng gawin.

    Ito, pandemic pa lang ito. Mahaba pang kuwento iyong—kasi hindi pa nagpa-pandemic, grabe na iyong ating education crisis. So sana nasagutan ko iyong mga katanungan nila.

    HOST: Yes, Ma’am. Mukhang nasagutan niyo naman po, Ma’am. Maraming salamat po. Okay, so everybody, we’re almost done with the program pero how about we show our love for Vice President Leni Robredo.

    VP LENI: Maraming salamat!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Nov 09, 2021