This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A with Vice President Leni Robredo at the Covenant Signing with Persons with Disabilities

    Q&A with Vice President Leni Robredo
    at the Covenant Signing with Persons with Disabilities

    [START 30:19]

    MEGAN PEREZ: Hi. Hi Ms. Krissy and good morning VP Leni. Thank you po so much sa mga sinabi niyo kanina and you give up– you give us so much hope. So, ako po si Megan, isa sa mga leader ng KASALI o Kabataang Sama-Samang Lumalaban para sa Inklusyon. Isa po kaming koalisyon ng of youth with disabilities. And bilang kabataan na may kapansanan at araw-araw po kaming nakakaranas ng iba't-ibang hadlang or barriers [inaudible 30:41] mula sa inaccessible facilities, mababang pagtingin sa amin or attitudinal barriers at 'yung kakulangan ng suporta sa edukasyon at kalusugan. Lahat ng mga hadlang na ito ay nagreresulta sa kahirapan na nararanasan namin sa pagkuha ng trabaho, o sa pagtayo ng business na makakatulong sa amin na maitaguyod ang aming mga sarili pati na rin 'yung mga mahal namin sa buhay. Mahalaga ito para sa dignidad at independence namin bilang mga taong may kapansanan. At gusto ko pong tanungin kung ano ang inyong plano para maisulong ang economic empowerment at workforce participation ng mga taong may kapansanan? 'Yun lang po, thank you!

    VP LENI: Salamat, Megan. Ito talaga kailangan kasi ma-mainstream. Kailangan ma-mainstream 'yung buong sektor sa pang-araw-araw na– hindi siya kino-consider na hiwalay. Ngayon kasi 'yung pinaka-mindset natin, parang 'yung PWDs special sector. Okay naman na special sector siya na tinutulungan pero dapat sana ang tingin sa kanya hindi iba kumpara sa iba. Meaning to say, dapat 'yung opportunities na meron 'yung mga hindi PWD available din siya for PWDs.

    'Yung pinaka– pinaka kinakailangan natin para magawa 'yung mahabang proseso ito, pero 'yung pinakaunang puwede na kasi nating gawin 'yung Anti-Discrimination Law. 'Yung Anti-Discrimination Law lalo na sa workforce na hindi magiging sagabal 'yung disability para makakuha ng mga trabaho na available sa iba. Pero ito kasing discrimination na ito, parang marami siyang kaakibat na mga– marami siyang kaakibat na mga– parang mga kapatid na kailangan sundin din. Kapatid in the sense na hindi siya standalone. Hindi siya standalone na solusyon. Halimbawa, ano ba 'yung mga hanapbuhay na puwedeng maging available sa mga PWDs na hindi naman magiging sagabal 'yung kapansanan? Ang dami, actually halos lahat. Halos lahat ng mga klase ng trabaho available. So, ang dapat talaga magkaroon ng isang national policy na hindi tinitingnan 'yung disability as a hindrance.

    Number two, maraming mga negosyo, kahit 'yung hindi nag-eempleyo, pero maraming mga trabaho na puwedeng ibigay sa PWDs dahil kayang-kaya nila. Halimbawa, meron kaming tinutulungan na grupo, baka nandito sila, sa Rizal na sila 'yung gumagawa ng mga school desks, mga table saka mga upuan sa DepEd. Nakakuha sila ng kontrata sa DepEd pero ang pinakaproblema nila while may kontrata sila, minamano-mano nila. Wala sila noong equipment para mas maging madali 'yung trabaho, mas maging mura 'yung cost. So, anong puwedeng– ano pwedeng gawin doon? Ang puwedeng gawin doon bigyan sila– bigyan sila noong capacity na makakasabay sila sa iba dahil isa itong trabaho na kayang-kaya nilang gawin.

    Ito example lang, napakarami pang iba– napakarami pang iba na mga opportunities for PWDs na dapat gobyerno ang nagbibigay. Pag sinabi kong gobyerno ang nagbibigay, dapat 'yung gobyerno will go out of its way na maghanap at ilan ba 'yung mga pangangailangan ng gobyerno na puwede naming ipagawa sa sektor para meron silang pinagkukunan ng kanilang hanapbuhay. Kasi 'yun 'yung nagdadagdag sa dignidad, hindi 'yung parang naghihintay ka ng tulong. Hindi 'yung parang patronage. So, 'yung para sa akin, ano ba 'yung mga– ano ba 'yung mga kailangan ng gobyerno sa araw-araw na puwede niyang ibigay sa sektor– 'yun. 'Yung mga kailangan niyang carpentry na kaya ng PWDs, halimbawa 'yung mga caterings, kaya 'yun ng PWD's, 'yung pagluto, halimbawa 'yung pagtahi ng mga uniforms, ng mga kurtina ng opisina puwede ibigay sa mga PWD's.

    Pero ito kasi 'yung detalye muna, pero ang pinaka– ang pinakakonsepto lang, dapat 'yung gobyerno ang– may maayos siyang public employment program na targeted. Hindi 'yung– ngayon kasi may mga PESO Office kapag kailangan mo ng trabaho, pupunta ka sa PESO Office, titgnan mo kung merong available jobs. Hindi ganyan 'yung public employment program na iniisip natin. Ang iniisip natin gagawa ka talaga ng strategic na plano. Ang strategic na plano para sa sektor para siguradong may hanapbuhay. Ang tingin ko over the years ito 'yung kulang.

    Meron akong mga PWD na nabibigyan ng trabaho pero parang kaniya-kaniyang hanap. Hindi ito puwede dahil may kakulangan nga sa– di ba 'yung sa facilities sa pag-ikot. 'Yung kanina na-mention ko na 'yung Accessibility Law. So, ano to, many different levels ng tulong na puwede pero pagdating din sa education, kailangan kasi from primary may appreciation na ang mga batang Pilipino na ano ba 'yung– ano ba 'yung mga panganagilangan ng PWD, bakit kinakailangan nating hindi sila– hindi sila i-treat differently? Pagsinabi kong i-treat differently, hindi sa hindi sila tutulungan pero bakit hindi dapat tinitignan natin na sagabal 'yun sa kanilang growth.

    So, tingin ko ano to, marami kailangan tayo gawin. Kaya nga sinasabi ko dapat ang National Government hundred percent 'yung buy-in niya. Hindi lang na dahil humihingi sa kanya ng tulong, bibigyan niya ng konting pansin, hindi 'yun pwede eh. Hindi siya puwedeng ganon. Dapat siya talaga 'yung nagpo-provide ng facilities para– example ko lang, sa Naga, sa amin. Noong Mayor 'yung asawa ko, nagkaroon ng malaking programa para sa mga blind. Ang City Government 'yung nag-provide ng facilities para 'yung– 'yung mga blind sa Naga ay nakakapag-participate sa normal na activities na available sa mga walang kapansanan.

    So, pagpino-provide 'yun ng gobyerno nati-tip 'yung scale. Nati-tip 'yung scale in favor of 'yung mga nangangailangan. So, ako actually, Megan, excited ako. Excited ako to work with you. Na parang pagplanuhin kung papaano natin ma— papaano natin maaayos. Papano natin maaayos 'yung sektor na 'yung pag-ayos na hindi lang– hindi lang pampolitika pero 'yung pag-ayos na— halimbawa maging Pangulo ako na ang dream ko na after the end of my term, hindi na ganito 'yung status ng PWDs. Na hindi na siya– 'yung parang hindi siya laging nangangailangan? Na ang pagtingin na sa kaniya very important partner in all of what government is doing.

    MEGAN PEREZ: Thank you so much po, VP. Umaasa din po kami and we are hopeful and we are excited. Thank you po.

    VP LENI: Thank you.

    MARIA CRISELDA BISDA: Thank you po, Megan and thank you po, VP, for that response po. At ang mga susunod nating magtatanong po si Ka Ricky po from RPC, Robredo People's Council. Susunod po sa kaniya si Fr. Arnold at susunod po si Ms. Mona Veluz , at susundan po siya ni Ms. Carolyn Dagani. Ka Ricky, good morning po.

    KA RICKY-RPC: Good morning po, Manay Leni at sa– [overlapping]

    VP LENI: Hi, Ka Ricky, kamusta ka?

    KA RICKY -RPC: At sa bumuo po nitong RPC, Robredo People's Council. [inaudible 38:59] nagpapasalamat doon sa sektor na naka-attend po dito para tunghayan 'yung napaka-importanteng virtual signing. 'Yun po, tanong ko po, Manay, nagpapasalamat siyempre, na isa ang Naga sa isa sa mga tinitignan po ng aming sektor upang mga maging modelo. Sa sektor po kasi ng Pasig, pinapalakas po namin ang barangay-base para tuluyang magkaroon ng partisipasyon ang sektor doon sa tamang paggu-gobyerno dito. Sa pamamagitan po ng People's Council, mas matutukan po ng People's Council na magkaroon ng partisipasyon ang sektor ng mga may kapansanan sa local development council, maging doon sa mga Barangay Development Council. Para dito po natin mapapahayag 'yung ating mga programa, plano para doon sa pagpapatupad ng mga proyekto at activities po ng aming sektor. Bagama't nandiyan nga po 'yung ating batas sa local government codes of 1991, 'yung partisipasyon na dapat po magkaroon ng periodic consultation hindi po kasi nagaganap po ito. At kung magkakaroon po ng tamang partisipasyon, dito po natin mai-implement sa lahat ng mga provincial meeting, munisipalidad 'yung ating mga PDAO laws. 'Yung pagtatalaga o paglalagay ng mga PDAO offices sa lahat ng mga bayan at siyudad po natin. Maraming-maraming salamat po.

    VP LENI: Maraming salamat. Ricky, ito nga 'yung pinakakonsepto natin ng People's Council. Kaya ito din 'yung sinasabi ko kanina na paminsan na-aallergic ako sa term na consultation. Kasi minsan, pag ang term lang "consultation" 'yun nga, pag– pagminiting kayo na once or twice, okay na. Hindi ganoon 'yung klase ng participation na gusto nating mangyari. Ang klase ng participation na gusto nating mangayari, talagang may mekanismo. May mekanismo na hindi lang kung maisipan na kung imi-meeting ka, imi-meeting ka. Hindi eh. Kailangan merong– halimbawa, pag budget. Pagpasa ng budget ng Local Government Unit. Kung kabahagi kayo ng proseso, hindi 'yan maipapasa na hindi pinakita sa sektor. Para sisiguraduhin niyo na 'yung budget ng Local Government Unit merong nakalaan for the sector. Hindi ito mangyayari sa consultation lang. Kasi pag consultation lang, hindi makabuluhan 'yung partisipasyon, di ba? Kasi hindi mo naman naiintindihan eh. Naiintindihan mo lang pag kabahagi ka every step of the way. So, ang iniisip natin, Ricky, na klase ng participation dito 'yung tunay. 'Yung tunay na particiapation na hindi lang parang pina-approve sayo, pero from step one to the last step kabahagi ka. From conceptualization, from preparation of budget– hindi nga ito 'yung ipapa-approve lang sayo 'yung budget eh. Pero dapat, gagawin pa lang 'yung budget kabahagi na kayo.

    Para ‘yung pangangailangan ng sector niyo, naka-embed na siya sa budget. ‘Yung barangay-based na services, matagal na natin ‘yung isinusulong, kasi pag masyadong centralized sa mga city government, mahirap pa din ‘yung access eh. Pero pag may barangay based na mga services, mas madali ‘yung access. Halimbawa, noong congresswoman ako, ‘yung rehabilitation, ‘yung rehab services, ginawa naming barangay-based. Nag-train kami, nag-train kami ng ma BHW, tine-train sila ng mga physical therapist saka mga rehab doctors, tine-train sila para matutunan nila kung papaano ‘yung, papaano ‘yung physical rehab. Meron silang extra allowance, so sila rin ‘yung nagte-train sa mga caregivers, may mga- halimbawang na-stroke, na paralyzed dahil sa stroke, hindi mo na kailangang pumila sa mga ospital kasi barangay-based, ready na. Halimbawa ‘yung mga nangangailangan ng sariling wheelchair, kung meron silang- kung wala silang sarili, merong available sa barangay na kung may lakad sila pwede silang tulungan. Halimbawa ‘yung iba na walang caregiver na available, dapat merong available na pool ng mga caregivers, so kung merong kang special na lakad, wala kang kasama sa bahay, sasamahan ka. So ‘yung mga ganoon na services, kailangan naka-embed na ‘yan sa planning pa lang. ‘Yun ‘yung konsepto natin, Ka Ricky ng People’s Council na ‘yung participation makabuluhan.

    KA RICKY: Maraming Salamat po.

    VP LENI: Salamat, salamat.

    MARIA CRISELDA BISDA: Thank you po, Ka Ricky for the question and Ma’am ulit, thank you po. Next po natin si Fr. Arnold po.

    FR. ARNOLD ABBELLARDO: Maraming pong salamat sa pag-oorganisa nito at magandang umaga po, VP Leni. Una-

    VP LENI: Hi, Fr. Arnold.

    FR. ARNOLD ABBELLARDO: Hello po VP. Taos-pusong pasasalamat, VP Leni kasi mula pa kay Sec. Jesse, sayo, at inyo pong mga anak, patuloy kayong nagbibigay ng sarili niyo para sa bayan. Salamat po sa pag-asa. Salamat sa pagmamalasakit niyo at ako nga ay ito nasa sasakyan ngayon, dahil iniikot ko po ‘yung ibang pari at madre dini, pati mga pastor para makasama natin. At inspired kami sa inyo, at ako po nandito anytime. At binibigay ko din ‘yung aking lakas at ano. Sa pagdating po sa usapin natin sa ating mga kapatid na may kakaibang kakayanan, ang nais ko sana na pagtulungan natin, pagdasalan natin, at ang bawat isa ay mag-ambag, ay papaano natin mapapaiigting po sana sa administrasyon ngayon, may awa ang Diyos, ‘yung healthcare at talagang pagbibigay ng maayos na healthcare sa ating mga PWDs, ‘yung kanilang equipment na hindi kailangang pumila sa PCSO, kung saan saan, magmakaawa sa mga Congressman, at tapos ‘yung kanilang wheelchair at ano– na katulad sa ibang bansa ay pwedeng i-provide, pwedeng mag-allocate ng budget ang gobyerno para doon.

    Pangalawa ay ‘yun pong papaano natin i-iimplement talaga ‘yung Disability Act na ang ating mga PWD o Differently Abled Person, pag pumunta sa mall, pag pumunta sa COMELEC, pumunta ka sa COMELEC naalala ko po si Commissioner Grace Padaca, talagang pahilahod ‘yung akyat niya kasi hindi accessible ang COMELEC. Ang mga mall natin sana sa ating administrasyon, ay ang DTI, ang mga implementing agency, ay talagang pagtuunan ‘yung demand na accessible itong ating mga kapatid.

    ‘Yung employment, siyempre hindi lang ‘yung napilayan, hindi lang ‘yung naputulan, kundi even ‘yung mga down syndrome, pati ‘yung mga ibang may iba-ibang kakayanan, nagtatrabaho po sa ibang bansa sa Jollibee, sa Mcdonald’s, paano ba natin silang mabibigyan ng hindi awa eh, kundi ‘yung malalim na habag at malasakit, na bahagi kayo. Kaiba lang ang kakayanan mo at ako ay iba rin ang kakayanan ko, ‘yung masanay tayo na sila ay kasama diyan, hindi pangdekorasyon lang. Ako po ay pitong taon nag-chaplain sa Philippine Orthopedic Center at doon nakita ko ‘yung hirap noong mga pasyente na nagmamakaawa parang saan kukuha ng prostethics. Salamat na lang katuwang ko po sina Dra. Penny Robredo, ‘yung ating prosthetist, naglilingkod sa iba’t ibang bayan. Pero sana ay hindi na ito maging medical mission lang na parang pansamantala. “Uy mag-medical mission nga tayo”, kundi ito ay maging misyon na talaga, na maging on-going program ng gobyerno, na hindi kailangang mag-abang at ‘yun nga po ‘yung ating mga PWD, kundi alam nila na poprotektahan sila ng gobyerno at sila ay ipo-provide ng mga equipment, gamit na kakailanganin nila.

    And lastly, ‘yun nga sana we continue to advocate, work together, na maging isa ito sa priority at focus ng ating gobyerno. Kasi ang sabi nga po ng ating Saligang Batas, those who have less in life, should have more in law. Di ba sa ating pamilya, VP, kung sino ‘yung pinakamahina sa ating mga anak, siya ’yung ating mas lalong inaakap. Hindi naman ibig sabihin, hindi mahal ‘yung iba, pero kailangan. ‘Yun lang at sa huli, maraming maraming salamat, VP. Mahal po namin kayo, maraming nagmamahal sa inyo, ituloy niyo po ‘yung laban. Sana nakakapagpahinga ka din ha kasi lagari po ‘yung lakad niyo. So, umasa po kayo, kung paano kong naka-partner si Jesse Robredo noong panahon pa ni PNoy, kami ‘yung lumalagari noon. Nandito lang po ako, at your service. God bless po. Salamat.

    VP LENI: Salamat. Salamat, Fr. Arnold. Salamat din sa– hindi lang sa pag-iikot mo ngayon pero salamat sa mahabang panahon na pagsakripisyo para makatugon sa mga pangangailangan, hindi lang ng PWD, pati ‘yung ating mga drug rehabilities, ‘yung lahat ng mga grupong tinutulungan mo. ‘Yung sinasabi mo Fr. Arnold, tama ka. Actually, marami kaming tinutulungan na mga nangangailangan sa [inaudible 49:00]. And sobrang nakakadurog ng puso na parang kinakailangang halos mamalimos para lang matugunan ‘yung kanilang mga pangangailangan. ‘Yun ‘yung gusto nating baguhin sa ating pamunuan pag tayo ay binigyan ng pagkakataon na ‘yung healthcare maging accessible siya sa kahit anong estado na meron ka.

    Nakakaawa ‘yung mga– kami kasi may medical assistance program kami. Pero nakakaawa ‘yung kung saan-saang pader bumubunggo para lang makakolekta ng pambayad sa dialysis, para makabili ng gamot na kinakailangan inumin everyday. Siguro ishe-share ko lang sa inyo, nagkaroon ako ng programa noong ako ay congresswoman na ‘yung programa ko for seniors, pero puwede natin ito kasing gawing pangkalahatan, ‘yung programa ibinababa talaga sa barangay, ‘yung database ng lahat ng pangangailangan ng lahat ng residente ng barangay, naka-database ‘yun para ine-equip ‘yung barangay ng mga pangangailangan. Halimbawa ano ba ‘yung mga maintenance medicine na kailangan noong mga residente na walang pambayad ng gamot. Kailangan merong available sa mga RHU saka sa mga barangay health center. O ano ba ‘yung mga kailangan na rehabilitation services ng mga PWDs na nasa barangay, kailangan available ‘yun sa barangay. Or ano ba ‘yung kailangan na mga assistive devices. Kailangan merong network, naka-network ‘yung barangay sa mga available na devices. Kasi totoo hanggang ngayon, halimbawa ‘yung assistive devices, ‘yung aking sister-in-law, si Penny, kabahagi siya noong Physicians for Peace, pero mas medical mission type ‘yun. Hindi siya regular services ng pamahalaan. Actually, private nga siya. So, gagawin natin itong mainstream pag tayo ay binigyan ng pagkakataon. Kailangan provided for by government ito kasi hindi talaga pwedeng mission, mission lang. Kasi kung mission, mission lang, hindi siya regular. Tapos hindi mo naman mararating lahat. Kailangan talaga kabahagi siya ng buong bureaucracy ng DOH, na ito ‘yung services na kailangang provided for sa mga kababayan natin na kinakailangan ng tulong.

    So, ako I am with you in that, Fr. Arnold. Patuloy nating ipaglaban na ito nga ‘yung mangyari. Pag ako nabigyan ng pagkakataon, walang problema kasi matagal na nating isinusulong ito. Pero siguro ngayon ‘yun ‘yung pagtulong-tulungan natin, paano natin mas lalong effectively ma-advocate ang ganitong klaseng treatment sa sector.

    FR. ARNOLD ABELLARDO: Salamat po, VP. God bless.

    VP LENI: Ingat po, ingat po.

    MARIA CRISELDA BISDA: Thank you po, Fr. Arnold. Thank you po ulit, VP for that response. Punta po tayo kay Ms. Mona Veluz for her question po. Ms. Mona, good morning.

    MONA VELUZ: Good morning. Good morning, VP LENI. We actually spoke at the Tiktokers for Leni–

    VP LENI: Ah yes ma’am.

    MONA VELUZ: So ako po ang pambansang pangulo ng Autism Society Philippines, ang tanong ko po, in the context of the fact na hindi naman po lahat ng PWD kayang mag-advocate para sa sarili nila, katulad ng mga kasama natin sa kwarto ngayon, ang tanong po, paano po matutugunan ng gobyerno ang mga pangangailangan ng mga magulang at pamilya na nagmamahal at nag-aalaga sa mga bata at kabataang may kapansanan? Ang takot po ng karamihan ng mga magulang, na kapag may nangyari sa kanila o may nangyari na lang sa anak nila na, nawalan ng pamilya o kaya, hindi na kayang alagaan ng pamilya. Ang mga batang may autismo po hindi bata ‘yan forever, tumatanda, pero minsan hindi din nila kayang mabuhay ng walang tulong. Ano po ba ang- kasi hindi pa po natin nagagawa sa Pilipinas eh, ano po ba ang vision ninyo, para sa mga PWD na hindi kayang alagaan ‘yung sarili nila?

    VP LENI: Ito ma’am ngayon na VP na ako, accidentally, we came across a group of parents na dito po sa, sa Philippine ano ito- sa PCMC- Philippine Children’s Hospital-

    MONA VELUZ: Philippine Children’s Medical Center.

    VP LENI: Ito ‘yung nandito sa may- nag-attend lang kami ng parang– nagbigay lang kami diyan ng isang Valentine event for the children, pero it gave us an opportunity na makausap ‘yung magulang and nagulat kami ma’am sa amount of sacrifice na ginagawa noong mga magulang. Ito ‘yung mga pag kinakailangan na– halimbawa, pag kinakailangan ng rehab services, ito ‘yung mga anak nila na hindi kayang– sorry po– ‘yung hindi kayang tumayo, maglakad na mag-isa. Inaalsa nila, makikibunuan sila sa bus, para lang makarating sa Manila, magtitinda sila overnight para maka-ipon ng pamasahe. Dadalhin nila ‘yung mga anak nila tapos minsan, ma’am, hindi pa nila matatapos ‘yung treatment. Buti nalang parang kakilala na nila ‘yung ibang mga magulang ng mga bata. Makikitira sa bahay noon para makituloy. So, grabe talaga. Grabe talaga. So para sa akin ma’am, kailangan upuan ito ng maayos at gawan ng programa in the sense na, unang-una, hindi lahat ng mga magulang— iba-iba kasi ‘yung worries ng magulang. Merong common, merong hindi pagka-pantay pantay. Halimbawa, ‘yung medyo may kaya ang worry niya lang na magkasakit siya, o mawala siyang maaga, sino mag-aalaga sa anak niya?

    Pero merong mga magulang na kailangan niya magtrabaho e, kailangan niya magtrabaho pero wala siyang mapapag-iwanan ng mga anak niya. So, so dapat ang pamahalaan, gumagawa siya ng programa for this. Na papaano ‘yung mga may bata na may special needs, pero ‘yung mga magulang kailangan mag-trabaho. How do you take care of them? Or pag nawalan ng caregiver ‘yung— halimbawa pag nagkasakit ‘yung magulang, papaano ‘yung mga bata na maiiwan? So, sa akin ma’am, I have not— mas alam niyo kung ano ‘yung mga best practices. May mga nabasa na akong iba, pero may mga best practices na kasi from around the world, how government is taking care of cases like these. Kailangan, pag-aralan natin iyon. Alin ba doon sa mga best practices ang kaya nating gawin dito sa bansa natin? Kasi ako, ako ma’am, halimbawa kami, very limited naman ‘yung aming kakayahan para tulungan sila. So halimbawa, ‘yung tinutulungan namin sila kasi kailangan nila ng sariling nebulizer, kailangan nila ng sariling, ano ‘yun? ‘Yung pang suction? ‘yung pang-suction ng phlegm. Kasi sila maam, dahil wala sila nun, kailangan pa nilang bumiyahe papuntang ospital para lang ipagawa ‘yun. So ang ginawa namin, in-equip namin bawat pamilya na merong portable oxygen, meron ‘yung pang suction, merong nebulizer na sarili para pag merong emergency na kailangan, hindi na kailangang dalhin sa ospital. ‘Yung mga kine-carry, meron kaming nakuhang partner na nagbigay ng hip seats, ‘yung kinakabit dito na parang mas madali for the families na i-carry ‘yung mga bata.

    Pero these are, these are temporary remedies kasi. So, kami ngayon ang limitation namin kasi ‘yun lang ‘yung path namin. Pero kung mabigyan tayo ng pagkakataon, kailangan natin gawan ng programa ito. Ano ba ‘yung mga, ano ba ‘yung mga practices na puwede natin gayahin sa iba? And puwede ngang hindi tayo gumaya pero tayo mismo ‘yung gumawa ng models na will work for us, lalo na doon sa mga walang-wala. At least kasi ma’am ‘yung mga meron, meron silang capacity. Di ba meron silang capacity na may sasakyan sila, dadalhin ‘yung bata, nakakakuha sila ng caregiver na katuwang nila, pero karamihan wala e. Karamihan talaga wala. So kailangan– ako ma’am I don’t have the answers now. I don’t—mas alam ko ‘yung–

    Mona Veluz: I appreciate your candidness kasi nga mahirap talagang ‘yung ano— ‘yung solusyon. Siguro po ang panawagan nalang namin, is huwag natin kalimutan ‘yung mga batang hindi nakikita ang kapansanan. Kasi hindi lang po physical ang disability. Ang autismo po ay isa lamang sa maraming kapansanan na hindi nakikita. So sana po ilagay din natin sa ating radar ang mga concerns nila sa kanilang—

    VP LENI: Saka ano din ma’am. Ano din ma’am, ako, ano din ito, speaking from personal experience kasi may pamangkin din ako, special child. Maraming mga batang may special needs sa mga probinsya ang walang access sa services. Hindi lang sa– ‘yung access, hindi lang sa pera pero pati ‘yung availability ng mga health workers na makakatulong sa kanila. Halimbawa sa amin, sa Naga, city na ‘yun ha. Pero, halimbawa, ‘yung speech therapist wala. Nagpupunta lang doon, once a month. ‘Yung OT, nagpupunta lang doon once a month tapos ‘yung pila, grabe. ‘Yung sa akin kailangan ini-incentivize na natin by providing scholarships, iniincentivize na natin na sana bawat probinsya meron. Para ‘yung mga, ‘yung mga may special needs– mabuti ‘yung may mga may pera kasi dadalhin ‘yung mga anak nila dito sa Maynila, pero karamihan wala e. Tapos ‘yung availability din ng special schools, siyempre ang pinaka dream natin ma-mainstream sila diba. Pero merong mga bata na kailangan talaga mag special school. Hindi lahat ng lugar meron, hindi lahat ng lugar meron so kailangan talaga meron tayong ‘yung government na nag-proprovide niyan saka pinaghahandaan siyang matagal. Halimbawa ma’am ‘yung sinasabi ko sa’yo na at least ang PT meron pero ‘yung OT saka speech therapist, ang hirap. Ang hirap, mahirap talaga mag-access, so maraming hindi nakaka-avail na– merong may mga delays na puwede naman sana makahabol pero dahil walang access, hindi nakahabol. So mas lumala pa tuloy ‘yung disability. So, ako naiintndihan ko pero I would need your help for us to be able to craft a really good program na makaka-address lalo na dun sa mga walang-wala.

    Mona Veluz: Maraming salamat po VP Leni. You can count on the support of the Autism Society Philippines. Thank you.

    VP LENI: Thank you po.

    MARIA CRISELDA BISDA: Thank you Ms. Mona, thank you ulit VP for confirming na kasama niyo po talaga ang buong sektor namin sa pagpaplano ninyo, sa pagdedesign ng programa. Maraming maraming salamat po sa confirmation na iyon dahil malaking tulong po talaga iyon sa sektor namin. At ngayon po, lipat po tayo kay Ms. Carol Dagani. She is one of our, one of the best deaf leaders po. Ms. Carol? May question po siya.

    CAROLYN B. DAGANI (via Ma. Teresa Buenaventura): Good morning VP Leni. Now I’d like to ask po, ang concern po naming mga— ayun pong covenant po sana ay maidagdag po ‘yung indigenous? Can we include the indegenous also, like looking forward in 2022. Meron po tayong mga– kagaya kami, ‘yung FSL Law namin ay meron na pong IRR ngayon. So we want to ask your help po for the full implementation of this in the communities, or full access expecially for in terms of communication. Kasi po naisabatas na ‘yung FSL Law tapos may IRR na po ‘yun pong mga pagbabantay po nito sa bawat sektor, ‘yun po ‘yung gusto sana niyang itanong.

    VP LENI: Ano lang, Carolyn, hindi ko pa nakikita ‘yung IRR so pagdating ko sa opisina, papahanap ako ng kopya pero sisiguraduhin ko na maging bahagi siya ng ating agenda para masiguro ‘yung full implementation nito. ‘Yung FSL Law alam ko, pero ‘yung IRR, ‘yung detalye hindi ko pa nababasa so– ako promise ko na pagdating ko kaagad sa opisina, papahanap ko ito para isala natin siya, para meron tayong isang dokumento na pag nanalo tayo, ito ‘yung parang susundin natin na ‘di lang covenant pero ito na talaga ‘yung agenda.

    Ma. Teresa Buenaventura: Ma’am saka daw po ‘yung sa indigenous disabled, ‘yun daw po ‘yung napapabayaan daw po minsan, ‘yung mga indigenous like there are deaf who are Muslims, mga ganoon. Gusto rin isulong sana ni Carolyn na—

    VP LENI: Actually, actually Tess saka Carol, ano kailangan talagang kabahagi siya. Kailangan talaga kabahagi siya, halimbawa kahapon nandoon ako sa Boracay, kausap ko ‘yung Ati community at kinukuwento ng mga taga doon, kinukuwento ng mga grupo ng mga nag-aalaga sa kanila na marami—nakakahabol lang sila pag binibigyan sila ng opportunities. Pero kadalasan ‘yung opportunities talaga ay hard to come by. So para sa akin, obligasyon ng pamahalaan na siguruhin na ‘yung oportunidad, nasa kanila para sila din ‘yung makakatulong sa pag-ahon ng communities sa paggawa ng agenda, sa pag-educate ng mga kasama. So definitely magiging kasama sila. Hindi sila dapat tini-treat na hiwalay, kailangan ‘yung mga indigenous—mga IPs natin, taken into consideration ‘yung iba’t ibang cultural needs nila sa pag-craft natin ng mga problema.

    Ma. Teresa Buenaventura: May dugtong pa po siyang tanong VP.

    VP LENI: Sige lang, sige lang.

    Ma. Teresa Buenaventura: Tanong ko rin po ‘yung tungkol po sa “Restore—“ medyo malabo po kasi. “Restore one percent of earmarked for all the agencies for the dis– ah, ah ‘yun pong budget po siguro, ‘yun po ‘yung gusto niyang malinawan din po sa agenda po sana, maisama po ‘yung totoong budget po para sa kanila kasi usually po pinapalimos po nila ‘yung kanilang budget kahit po one percent of national budget naman po para sa mga kagaya nilang may kapansanan.

    VP LENI: Alam mo ma’am, mag-share lang ako a. Kasi noong naging head ako ng Gender and Development Program ng Naba City Women’s Council, ito ‘yung napansin ko na ginagawang practice na ‘yung mga mandatory na mga allocations sa mga budgets for special purposes like women, AGAD, ayun PWD, senior citizens, hindi siya nagagamit ng maayos in the sense na, kung gagawa silang budget, kung ano ‘yung puwede doong mahulog doon one percent, ‘yun na ‘yung tinatabi nila. Hindi dapat iyon mangyari. Dapat ‘yung one percent, ‘yung sektor mismo ang nag-dedecide kung saan iyon mapupunta, at hindi ‘yung gumagawa ng budget para sa pamahalaan. Kasi halimbawa, Mayor noon ‘yung asawa ko kaya nagreklamo ako sa kanya kasi ‘yung naging practice sa City, gagawa sila ng budget, pagkagawa nila ng budget i-seset aside nila “Ah ito, puwede ito sa women, ay ito puwede ito sa women”. Oh ano, naka-comply na tayo sa budget, hindi iyon puwede. Pero iyan ‘yung practice. Dapat ‘yung naka set aside for that budget ‘yung magdedecide ‘yung sektor. So ang ime-make sure natin kapag tayo na 'yung nakaupo, 'yung participation ng sector sa paggawa ng budget ay protected kasi kung walang participation ng sector sa paggawa ng budget, nagamit lang 'yun parang ano lang, parang ginagamit siya ng cover na pwede na ito halimbawa, example lang, 'yung gastos sa street lights. Oh pwede na ito na ano, pwede na ito doon sa one percent na PWD budget kasi natutulungan naman talaga nito 'yung PWD, pero ang nagpaplano, hindi 'yung sektor, ang nagpaplano 'yung local government units.

    So, sa atin, ito 'yung kahalagahan na merong People's Council. Kasi ang halaga na merong People's Council, mechanism siya eh. Mechanism siya by which bawat, bawat sektor napo-protektahan sa paggawa ng mga plano saka budget.

    MA. TERESA BUENAVENTURA: Meron pa daw pong isa, minsan lang po kasi sila makapagtanong.

    MARIA CRISELDA BISDA: Sige po, quickly lang po ah Miss Tess.

    MA. TERESA BUENAVENTURA: 'Yun pong sa health protocols po, kumbaga national protocols, optimal protocols, she was mentioning about optimal protocols kung na-approve na daw po, it has been passed and she wants maybe a follow up to that optimal, hindi ko lang din po masyadong ano hagip 'yan pero, she was mentioning about something about optimal protocol that has been passed.

    VP LENI: Ano kaya ‘yun?

    Another Person [01:08:21]: Optional protocol of the CRPD.

    VP LENI: Ano 'yun? Sorry ha, hindi ako familiar.

    Another Person [01:08:37]: It’s optional protocol, VP of UN Committee of the Rights of Persons with Disabilities which was signed, VP, by the Philippine government and ratified by senate.

    VP LENI: So what about it? Ano 'yung tanong about it?

    Another Person [01:08:37]: The optional protocol, should be ratified, but it was not ratified by the Senate.

    VP LENI: Ang suggestion ko lang, ang suggestion ko lang, kasi maraming nire-raise si Carolyn na parang wala sa agenda. Baka pwedeng balikan natin ulit 'yung agenda para 'yung mga concerns na nire-reaise ngayon, maging bahagi ito. Kasi nakita ko, wala siya sa agenda eh, baka 'yung request ko lang sa committee na nag-draft, okay naman ako to sign an updated one so ang suggestion ko, kung merong concerns na hindi ito nakasali, better sanang isali para meron lang tayong one document na ano na siya, ine-encapsulate niya 'yung lahat na issues na gustong ipaabot ng sektor na gustong maging commitment ng pamahalaan.

    So parang marami kasi ngayong bagong nire-raise, so baka 'yun 'yung request ko, ako baka pwedeng back to the drawing board tayo para makasali sila.

    MA. TERESA BUENAVENTURA: Ma'am kasi po, si Carol po, dadagdag ko lang po, siya po 'yung President po ng Philippine Federation of the Deaf, kaya exposed na exposed [inaudible]

    VP LENI: Hindi, okay naman 'yun. Ang suggestion ko lang lahat mabigyan ng pagkakataon para kasali sa agenda. Baka 'yung lahat ng mga federation under the sector, na kabahagi sa sector, balikan natin sa drawing board, 'yung representatives namin, 'yung representatives niyo para kasali siya sa agenda. Kasi mahirap na meron tayong pinirmahan tapos marami pang side issues, mas mabuti sana na 'yung pinaka-covenant, ano na siya, nako-cover niya 'yung lahat na concerns ng iba't ibang mga grupo dito sa sector. Like merong comment pati ortho. So, ang suggestion ko baka pwedeng magpatawag ulit tayo, baka pwedeng magpatawag ulit 'yung committee niyo, imbitahin 'yung lahat ng may issues, mag draft ulit ng bago, pipirmahan natin naman.

    MA. TERESA BUENAVENTURA: Thank you po VP, salamat po.

    MARIA CRISELDA BISDA: Thank you po, Miss Tess, Thank you po Miss Carol sa question at sa response ni Ma'am. Punta po tayo kay Mr. Ranilo Sorongon, isa din po siya sa mga strong advocates po natin for Children with Disability Peace and Parents with Children with Disabilities, Sir Ranil, good morning po!

    RANILO SORONGON: Magandang umaga, VP Leni. Ako'y dati akong Executive Director ng [inaudible 01:11:53] Philippines and actually I'm connected with NORFIL Foundation. We invited you, ano, during the anniversary of NORFIL Foundation.

    VP Leni: Yes, nag-attend po ako noon.

    RANILO SORONGON: Yes, actually meron akong tatlong question. 'Yung una, papano mo masigurado noh, 'yung seamless coordination ng different government agencies from the Department of Health, Education, Labor and Employment, TESDA and the rest? Kasi ngayon, parang kanya kanya sila ng kanilang programa. So, walang isang ahensya na tumitingin na dapat maayos ang coordination nila kasi diba sabi kanina, kailangan ng isang batang may kapansanan mula sa kanyang health hanggang sa makapagtrabaho siya hanggang sa tumanda siya. So 'yun 'yung una kong katanungan.

    Pangalawa, sinabi na din po kanina ng ating mga kasamahan ang patungkol sa partisipasyon at sinabi mo rin ito. Sa ngayon, naiiwan parati, ang mga batang may kapansanan patungkol sa partisipasyon. Sinabi mo na hindi man siya koordinasyon, hindi lang siya konsultasyon pero isang genuine makabuluhan, at meaningful participation ng mga bata. Iba-iba 'yung kondisyon ng mga bata. So paano mo ma-ensure ang totoong partisipasyon na hindi lang sila pangdekorasyon at napapalakpak dapat?

    Pangatlo, may mga organisasyon tulad ng NORFIL na may mga good practices, so papaano mo, ng iyong administrasyon maha-harness ang good and the best practices na ginagawa ngayon ng iba't ibang samahan sa sektor katulad ng NORFIL na isa sa mga kinikilala on community based inclusive development? Maraming salamat po.

    MARIA CRISELDA BISDA: Thank you po sir Ranil, Ma'am sige po, quick response po ma'am.

    VP LENI: Bibilisan ko lang po pag-answer kasi tinatawagan na ako nang tinatawagan.

    MARIA CRISELDA BISDA: Tinatawagan na po tayo ng protocol opo ma’am. Sige po ma’am go.

    VP LENI: 'Yung number 1, ang problema ngayon nakita natin 'yung during the pandemic, 'yung lahat ng mga ahensya may ginagawa pero walang coordination kasi walang konduktor. Ako, ang maa-asure ko sa'yo Ranil, ako mismo magkokonduktor para siguraduhin na 'yung lahat ng mga ahensya, nagwo-work together. Hindi ko masasabing seamlessly kasi ang dadatnan natin na burukrasiya, ang daming problema. Pero ang sasabihin ko lang sa iyo na ako mismo will be on top of it.

    Pangalawa, ito nga 'yung value ng People's Council. Kung wala kasing mekanismo, kung hiindi legislated 'yung mekanismo, nagiging ano lang siya eh, nagiging ano 'to, nagiging pangibabaw lang, 'yung konsultasyon. Kaya sabi ko sa iyo, hindi ako agree noon. At meron na tayong models nito. May Naga City People's Council sa Naga, ito 'yung trabaho, legislated siya, bahagi siya ng lahat ng committees, executive and legislative, nagpa-participate na siya. So paglabas ng policy, maayos na siya kasi hindi na ikokonsulta pa lang pero kabahagi sila sa pag-craft ng policy.

    Pangatlo, totoo na may mga organisasyon na may mga best practices na pero kinakailangan 'yung mga organisasyon, willing. Willing makitrabaho sa ibang organisasyon. Kasi karamihan sa mga nagiging problema namin ngayon with coordination, may mga organisasyon na existing na 'yung willingness na makinig din sa iba ay kailangan pang ayusin.

    So sa akin, as long as 'yung mga different groups na existing ngayon, willing na makiisa– kasi hindi tayo pwedeng hindi natin– hindi tayo magiging successful kung iba-iba 'yung pag– ano ito– kung ite-treat mo 'yung mga organizations differently kasi andaming trabaho ng gobyerno. Pero pag meron tayong isang umbrella kung saan doon na pinag-uusapan lahat ng mga programa, lahat ng mga disagreements if any, magdedesisyon kung alin doon 'yung gagawin na iisang dokumento na susundin, magiging madali.

    Sa aming Angat Buhay Program, nakita namin na sa mga lugar na tinutulungan namin na 'yung, halimbawa, farmers organizations, kahit iba-ibang farmers organizations willing to come together para magsulong ng isang programang maayos para sa lahat, successful 'yun.

    Pero meron kaming mga ibang mga communities na tinutulungan na hindi willing 'yung iba, parang ang feeling mo mas mahusay kami kaysa sa inyo kaya kayo 'yung sumunod sa amin. Doon kami nagkakaproblema. Pero ito kasi, ito kasi andaming, andaming kailangang gawin na pagsi-strengthen. Andaming kailangan na gawin na pagsi-strengthen ng mga organizations, 'yung pagfe-federate ay mahalaga siya dahil 'yung pag-federate ay siya 'yung makakabigay ng semblance ng pagkakaisa. Pero ito, again, meron na tayong mga best practices. Kung familiar kayo sa People's Council sa Naga, 1990's pa ito sinimulan. Siya 'yung magandang halimbawa ng the different sectors coming together to form an agenda, and siya din 'yung magandang halimbawa ng people participation ng mga [inaudible 01:17:55].

    RANILO SORONGON: Salamat po.

    MODERATOR: Thank you Sir Ranil. VP Leni, thank you so much po.

    VP LENI: Paalam ako ha, kasi may 11:15 kasi ako, tine-text ako nang tine-text na late na daw ako. So, pasensya na po. Pasensya na kayo. Hintayin ko 'yung updated natin na [inaudible 01:18:20]. Thank you, Ingat kayo lahat.

    [END 01:18:24]

     

     

    Posted in Transcripts on Feb 17, 2022