This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A with Vice President Leni Robredo at the District 3 Multi-Sectoral Assembly

    Q&A with Vice President Leni Robredo at the District 3 Multi-Sectoral Assembly
    Gymnasium, PHINMA Araullo University, Cabanatuan City, Nueva Ecija


    Questions
    EMCEE: Sa muli po, palakpakan natin para irepresenta ang indigenous people, palakpakan po natin, Tribal Consul, [Mr. Carlito Soria].

    IP REPRESENTATIVE: Hello po! Una po ay magandang, magandang, magandang tanghali po sa lahat at lalo po kay Ma'am Leni, magandang, magandang tanghali po at masayang masaya po kami, Ma'am, na andito po kayo, harapan to harapan, Ma'am.

    Kami pong mga katutubong Aeta ng Sitio Bacao, Palayan City. Ako nga po pala si [Carlito Soria], tribal council ng Sitio Bacao, Palayan City. Galing po kaming Pampanga noong pumutok ang Mount Pinatubo, July 15. In-evacuation center po kami dito sa Palayan City.

    Ngayon po, ang gusto ko lang po mailapit kay Ma'am, pag siya po ay naka-upo na, na nandito po ako at nandito po ang sampu ng aking tribong Aetang katutubo, na sana, Ma’am, pag kayo na ang nakaupo, Ma'am, sana ang aming tribong aeta na katutubo sa Pilipinas, huwag naman po sana kaming maliitin. Sana po buhayin ang aming kultura.

    At ang pangalawa, Ma'am, sana po, Ma'am, 'yung aming kinatatayuan ng aming mga bahay sa Army Reservation maihiwalay na po sana, Ma'am, sa Army Reservation 'yung aming lupa po, Ma'am.

    At ang pangatlo, Ma'am, dito po sa bayan may Tamaraw FX, doon naman po sa amin may carabao fx. Pag namamatayan po kami, hindi na po namin naiaabot ng ospital. Namamatay nalang po sa daan ang aming mga pasyente. Saan po kami, Ma'am, ngayon?

    Pero pag kayo manalo, Ma'am, sa Mayo a nuebe, Ma'am, sampu ng aming tribo, Ma'am, at may kasabihan po kami, kaming mga katutubo: "Ang tunay na mandirigma ay may isang salita", ang aming isang salita: tayo lahat ay may mga idol, pero kami lahat ng senatorya ni Ma'am Leni, wala kaming tatanggalin sa kanila. Buo sila ang aming ia-angat. Sa ngalan ng Diyos at makabayan, kami pong mga katutubo dito sa Pilipinas, sana po huwag niyo po kaming maliitin.

    Kayo po ba may kultura? Kami, alam po namin ang kultura namin dahil kami ang kasama ni Douglas McArthur lumaban sa Hapon, 'yung aming mga ninuno. Kaya po, kung kayo, Ma'am Leni, tignan niyo po man kami, sana po tingnan niyo muna sa history kung sino ang kasama ni General Douglas McArthur noong inano ang Hapones dito sa ating Pilipinas.

    Ma'am, ito po ay aming pinapasalamatan, Ma'am, sana kung nasa Malacañang kayo balang araw, Ma'am, naka upo kayo, sana, Ma'am, [inaudible], Ma'am. Sana kung tutulong din po kayo, Ma'am, huwag niyo na paraanin sa lahat po, Ma'am. I-rekta niyo na po, Ma'am, sa amin sa katutubo, Ma'am. Kasi kung maraming dadaanan, Ma'am, ni ulan, ni hamog, hindi po nakakapunta sa amin. Ma'am, nakakapunta lang sa amin, Ma'am, pasalamat pa po kami kung may hamog pa.

    Maraming, maraming salamat, Ma'am. Ang aming pangako sa Mayo a nuebe, mga ka-tribo natin, mabuhay! Maraming marami pong salamat. God bless at mabuhay po ang inyong samahan, Madam Leni.

    EMCEE: Maraming salamat po. Ang ating representative from indigenous people, Sir [Carlito Soria]. At siyempre, narito naman, makakasama natin upang irepresenta ang samahan ng magsasaka, mula pa sa Gabaldon, let's all welcome, [Mr. Bong Rivera].

    MAGSASAKA REPRESENTATIVE: Magandang, magandang tanghali po, kagalang galang na Presidente. Kasama ko po ang mga magsasaka ng Gabaldon, isang jeep po kami saka isang coaster. Nanggaling po kami sa malayong bayan ng Gabaldon, dulong bayan ng Nueva Ecija. Kinakatawan po namin ang sektor ng mga magsasaka.

    Ngayon po, ang ilalapit po namin sa inyo, sa oras na kayo po ay maupo at alam naman namin kayo ang uupo– 'Di ba mga kakampink? Walang ibang mauupo kundi si Ma'am Leni.

    Ang ilalapit po namin sa inyo, kapares po noong nakaraang panahon ng sibuyasan. Lahat po sa amin madalang na madalang 'yung mga nanalo o 'yung kumita, sapagkat ang presyo ng sibuyas, sampung piso, isang kilo. Ang presyo ng pataba at saka mga pang-spray, nag triple ang presyo. Samantala ang presyo ng sibuyas, sampung piso, pinakamahal na ang 18 noong panahon na 'yun.

    Kaya po, kaming lahat na magsisibuyas, magsasaka sa Gabaldon, umaaray sa taas ng presyo ng abono at saka ng mga pamatay peste. 'Yun po 'yung ilalapit namin sa inyo sa oras na kayo po ay maupo na sa palasyo ng Malacañang. Maraming, maraming salamat po at mabuhay po kayo. Mabuhay ang mga kakampink!

    EMCEE: Maraming salamat, [Mr. Bong Rivera] mula sa samahan ng mga magsasaka. At narito naman po, makakasama natin mula sa samahan ng mga kababaihan. Mula sa Jaen, Nueva Ecija, palakpakan natin, [Ma'am Semy Kalianga].

    WOMENS SECTOR REPRESENTATIVE: Magandang tanghali po, Madam President, Senator Chel Diokno. Ako po si [Semy Kalianga], ako po ay charter president ng Inner Wheel Club of Southern Stars - Manila. Ako po ay umuwi ng Jaen para mag-organize at tumulong sa laban ni Leni at Kiko.

    Madalas po tayo, VP, noong kandidato po kayo ng Vice President, madalas po tayong magkita sa mga meeting ng Rotary Club of Makati. Pero noon, hindi ako ninenerbyos. Bakit ngayon– Grabe, isinulat ko 'yung itatanong ko para sa kababaihan. Bakit ngayon ninenerbyos ako ng mas malapit sa kanya?

    Ma'am, 'yung pong aming grupo na international group ng women, ang advocacy po namin is tulungan ang mga kababaihan. Magmula po ng ako ay nag-organize ng Kakampink Jaen: Hope and Beyond - RPC Nueva Ecija, nakita po namin ang karamihan sa laylayan ang mga problema po dito ay 'yung mga maagang pagbubuntis, out of wedlock, maybe dahil sa dala po ng kahirapan, 'yung mga out of school youth.

    And meron po sana kaming– Pagka po kayo ay nasa Malacañang na, kami po ay hihingi ng tulong, ang mga kababaihan ng Nueva Ecija, karamihan po sa mga sakit ng mga kababaihan dito ay breast cancer, cervical cancer, na kami po, sa aming organisasyon, ay nagkakaroon po kami ng mobile clinic na para ma-test 'yung aming– makakita kami kung sino 'yung may mga ganoong sakit at ng maagapan.

    Ngayon po, doon naman po sa mga kababaihan na nasa bahay lang, kailangan lumabas kayo ng comfort zone, tingnan niyo si VP Leni. Lead the change. Kailangan po, lalaban ang mga kababaihan. Hindi lang tayo nasa bahay– naglalaba, nagluluto, uuwi ang asawa, pag lasing mabubugbog. So, kailangan po matuto tayong maghanapbuhay, matuto tayong lumaban. So, 'yung isang babae lang po, Leni Robredo po, will lead the change.

    Ma'am, magtatanong lang po kami, kung– ilang buwan nalang po, nasa Malacañang na kayo. Matanong ko lang po kung meron po ba kayong plano para sa aming mga kababaihan? Baka naman po masama kami sa inyong mga gagawing pagtulong. Maraming salamat po.

    EMCEE: Maraming salamat po Ma'am [inaudible] ng Kakampinks [haen RPC and H and D]. At para po i-represent ang education sector, narito po si Ma'am [Joanna Matagling] faculty from CMA of PHINMA Araullo University.

    EDUCATIONAL SECTOR REPRESENTATIVE: Magandang hapon po sa ating lahat, VP Leni at sa lahat po ng nandito. Mga kapwa ko guro, mga mag-aaral, mga kapwa ko Novo Ecijanos, magandang araw po. Ako po si [Joanna Matagling], isang guro for five years na po at dating OFW.

    Ma'am according po sa joint report ng UNICEF, UNESCO at World Bank, only less than 10 percent of Filipino children can read simple text or comprehend simple story. Learning poverty in our country is now at 90 percent. This has–pinalala pa po ito ng pandemic dahil po sa maraming restrictions. Reality check po, sa mga kapwa kong guro, instead po na mag-focus kami sa core competencies ng aming mga estudyante, maraming time po ang ginugugol namin para po mag catch up po sa nabanggit ko po na sitwasyon natin.

    Teaching has been very–more–no more challenging now. Challenging, pero alam niyo po ba na ang Filipino teachers are one of the least paid po dito sa ASEAN? Pinaka mababa po sa Vietnam. 'Yung average salary po ng mga teachers ay way below the average in our ASEAN counterparts.

    Teachers also po, katulad lang ng sabi niyo dati, marami pong admin task lalo na po sa Basic Education. This is on top of the already long hours that they spend for teaching preparations. It says so much on how we value our teachers. Teachers din po, again lalo po sa Basic Education, they shell out their own money para lang po maging conducive ang learning para sa mga estudyante o mag-aaral.

    Needless to say po, ang pandemic, alam ko po sa inyong lahat nakakarelate. Mga anak ninyo, kapatid, mga kapamilya, na noong nag-shift po tayo from face-to-face to remote learning, ang dami pong lumabas na mga problema. Hindi naman po kasi natatapos ang problema sa kapag binigyan mo ng gadgets ang guro at ang mag-aaral na, okay na, magic, magiging– 'yung learning experience will be just the same. It's not the same, 'di ba?

    Kaya po, kami pong mga guro at I want to speak for all the students, we need more support in terms of infrastructure, learning, equipment, learning materials, and connectivity. Lalo na po sa ating internet, 'yun po talaga, number one. Kaya po, sa totoo lang po, ang kailangan po nating leader: matalino, mahusay, may malasakit at may plano, hindi lang po sa aking mga guro, mga mag-aaral at lahat po ng sektor na nandito, we need leaders who will do reforms in our education system that are progressive and inclusive.

    Kaya po kanina noong nabanggit 'yung edukasyon, kinilig po ako kasi sa totoo lang, hindi po nabibigyan ng karampatang spotlight ang edukasyon at 'yung–kasi hybrid po sa mga susunod pang mga taon–so, hindi po natin talaga alam. Kaya sana po, 'yung susunod na leader 'yung talagang mag-aangat po sa estado ng edukasyon. Dahil sa–naniniwala po ako at muli't muli po akong naniniwala na sa gobyernong tapat, angat po tayong lahat. Ako po si [Joanna Matagling], isang guro at dating OFW, at naniniwala again, sa gobyernong tapat. Salamat po.

    EMCEE: Maraming salamat Ma'am [Joanna Matagling] mula sa education sector. At siyempre po Ma'am Leni, nandito pa po ako kasama po natin upang i-representa ang isa pa sa mga grupo ng magsasaka, palakpakan po natin sa entablado, [James Sanson].

    SECOND FARMERS REPRESENTATIVE: Ma'am, magandang hapon po sa ating lahat. Nakaka niyerbos po pala talaga dito ma'am. Unang una po nagpapasalamat po kami at nakabisita po kayo dito sa aming bayan na Cabanatuan, at sa Nueva Ecija na alam naman na po natin na ang Nueva Ecija po ang isa po sa pangunahing nagbibigay ng malaking produksyon ng bigas na kinakain po ng lahat ng–sa bayan ng–sa buong Pilipinas. Tama po ba 'yun mga kasama ko dito sa Nueva Ecija? Dito nanggagaling ang pinaka malaking bulto ng bigas?

    Okay. So, ma'am paano ko po ba uumpisahan ito. Napakarami pong problema sa agrikultura. Alam po natin 'yan at alam po noong mga kasama kong magsasaka. Nandiyan po ang mataas na presyo ng pataba, nandiyan po ang mataas na presyo ng gasolina o diesel, nandiyan po ang mababang presyo ng mga produkto: palay, gulay at iba pa.

    Ang kung paano kumita ng malaki sa agrikultura ay minsan hindi lahat nakukuha dahil alam natin na ang pag-kita sa agrikultura ay nangangailangan ng economy of scale upang mapababa natin ang presyo. I'm sure alam na po na nating lahat 'yan.

    Pupunta na lang po ako siguro sa experience ko noong ako'y nag-saka. Na, 2005 po, isa akong mag-saka nakita ko kung gaano kahirap mag-saka. Nandoon 'yung dadalhin namin 'yung treso sa bukid, hahatakin ng kalabaw. At mamromroblema kami sa patubig kaya hindi mapuntahan 'yung ibang bukid namin.

    So, after 2010 po, luminaw po. Nagkaroon ng farm mechanization program na ang naging pagsasaka ay bumilis noong mga panahon na 'yun. Ang nakakalungkot lang po, parang hindi na po tayo umusog, na nakalimutan natin 'yung ibang sektor.

    Sa anong paraan? Halimbawa po, sa pagtatanim po ng palay, almost po lahat ng ayuda ng gobyerno ay napunta sa rice. Parang nakakalimutan natin 'yung ibang sektor eh. 'Yung mechanization, lahat rice. Kaya kahit hindi na rice 'yung karapa't dapat doon sa bukid, pinipilit pa rin namin mag-palay kasi andoon lang 'yun ano eh, nandoon lang 'yung sistema o 'yung wala kaming ibang magagawa kasi 'yun ang programa ng gobyerno.

    Na kung saan, na kung 'yung iba pa lang crop ay puwede natin bigyan ng mechanization, baka lumaki pa 'yung aking ano, lumaki pa 'yung ating pagkukunan ng pagkain hindi lang palay.

    So, so 'yun po ma'am at alam kong may solusyon si Ma'am Leni po diyan. Yes ma'am. So, muli po, magpapasalamat po ako, ang grupo po ng Seed Growers Multipurpose Cooeperative ay umaasa po at naniniwala po sa kakayanan ng ating magiging susunod na pangulo po. Magandang hapon po at mabuhay po kayo.

    EMCEE: Mula sa samahan ng mga magsasasaka, Mr. [James Pax Samson]. At para po irepresenta ang mga seaman, nandito po sir [Julian Elices].

    SEAMAN REPRESENTATIVE: Ma'am, magandang hapon po. Wala po kayong kaalam-alam ma'am pero masugid niyo po akong supporters. Hello po sa mga magsasaka at sa seaman diyan!

    Ma'am Leni alam niyo po, simula pa lang noong vice president niyo at saka doon sa protesta ng tolonges, mga anak ko nagbasag ng alkansya para kay VP. Para sa piso piso para kay Leni, nagbasag ang mga anak ko para kay VP.

    Ma'am, alam niyo po ma'am, ako ay isang seaman po ako pero nagsasaka din po ako. Sa totoo lang po kahit po ako'y isang seaman, may pang puhunan ako sa aking mga sinasaka pero damang dama po namin ang Rice Tariffication Law. Kaunting kaunti po ang mga kinikita na namin, kahit po kami may mga puhunan na, nagrereklamo pa rin dito. Saka po sa mga ano–nagpapasalamat po ako dahil kayo lang naman talaga ang may konkretong plano para sa mga seaman.

    Ang problema, ang mga kabaro ko, kasi ang mga seaman po para sa inyong kaalaman, lahat ng kanilang oras nasa Facebook at saka sa Youtube, saka Tiktok. Ang problema, na-misinterpret nila, misinformation at saka tahi-tahing video sa Tiktok ang kanilang naintindihan, hindi nila pinanood 'yung buong konteksto. Pero si Madam Leni lang ang may programa para sa seaman! Maraming maraming salamat po Ma'am VP. Ma'am puwede pong pa-photo ops?

    EMCEE: Muli po, maraming salamat po sa lahat ng representative ng bawat sektor. Palakpakan naman po natin ang lahat ng nagsalita ngayong hapon na ito.


    Answer
    VP LENI: Maraming salamat. Maraming salamat. Teka muna. Request lang natin, mamaya na tayo pumunta dito sa harap kasi mako-cover natin ‘yung mga nasa likod sa atin. Mamaya pwede na ulit. Ayan, bago po ako magpatuoy, ang akin lang pong pagbigay galang, unang-una, at pasasalamat, sa PHINMA Araullo University, sa pagpa-gamit po sa atin ng facilities. Kasama po natin ‘yung ating presidente, Mr. Raymundo Reyes, maraming salamat. Ang atin pong Chief Operations Officer, Mr. Martin Perez, saka ‘yung iba pang mga university executives and staff.

    Maraming salamat din sa nag-organized nitong ating multi-sectoral forum, RPC Hope and Beyond Nueva Ecija, sa pangunguna po ni Mr. Dindo Berino. Team Leni Robredo Nueva Ecija, sa pangunguna ni Irma Cecilio. ‘Yung iba’t ibang mga youth groups ng RPC, headed by Carlos Nolido. All the other volunteer groups na kasama po natin ngayong umaga. ‘Yung mga area delegates natin. ‘Yung mga galing sa Cabanatuan, galing sa Llanera, galing sa Lupao, galing sa Natividad, galing sa Bongabon, galing sa Palayan City, galing sa Gabaldon, galing sa Laur at galing sa Sta. Rosa.

    Ayan, ‘yung mga sector delegates din po natin, ‘yung mga Agricultural Cooperatives and Farmers Associations, mga kababaihan groups, ‘yung ating mga IPs, ‘yung Aeta Tribe of Bacao. ‘Yung representatives ng education sector, mga kabataan, Vendors Associations, LGBTQIA+. Magandang– ano na ba– magandang hapon. Magandang hapon sa inyong lahat.

    Ito lang, request ko lang. Kung naalala niyo, galing na tayo dito sa Cabanatuan. Pero ‘yung okasyon po natin dati sa Cabanatuan, rally, malakihang grupo, pero kaya po tayo bumalik sa Cabanatuan kasi ang gusto sana natin mapakinggan ‘yung mga sektor. Alam niyo sa rally, kami lang ‘yung nagsasalita. Kaya po talagang ni-request ko na kung pwedeng mag-umpisa magsalita ‘yung mga representatives ng sektor na nandito na ako, para marinig ko. So, ako, ang akin pong mensahe, bilang sagot, bilang tugon doon sa mga issues na inihain sa atin. Unang-una, ‘yung ating IP groups, ‘yung ating pong mga Aetas galing sa Palayan City, nandiyan sila, maraming salamat sa pag-participate.

    Meron pong ilang na mga issues na pinarinig sa atin. ‘Yung isa, ang sabi ni Sir, sana pahalagahan naman ang ating kultura. Hindi ba? napaka-halaga non. Kasi kapag hindi natin mapangalagaan, unti-unti mawawala siya. Tapos nawawala na ‘yung identity natin, ‘yung identity ninyo.

    Kaya ako po, ‘yung akin pong pangako sa inyo, hindi lang na aasikasuhin natin ‘yung ating kultura, pero sisiguraduhin kayo na mararamdaman ninyo na mahalaga kayo. Sa totoo lang, habang nagsasalita ka, medyo nadudurog ‘yung puso ko kasi ramdan ko. Ramdam ko ‘yung hinanakit, na parang hindi kayo pinapahalagahan. Hindi inaasikaso ‘yung pinaka-basic niyong pangangailangan.

    Ang sabi mo nga kanina, ang example mo, meron kayong–ano ‘yun, kalabaw? Kalabaw FX na kapag merong nagkakasakit, kadalasan mamamatay na lang na hindi siya nabibigyan ng medical assistance dahil ang layo niyo. Walang available na malapit. Siguro walang maayos na daan papunta sa mga ospital. Baka wala ding maayos na sasakyan papunta sa mga ospital.

    Ano po ‘yung pinapangako natin sa inyo? Ang pinapangako natin sa inyo, na sisiguraduhin natin na number one, ‘yung security of tenure niyo sa tinitirahan, mapanatag na ‘yung mga loob ninyo.

    Noong ako po ay nasa Kongreso, isa po ako sa mga authors noong tinatawag na National Land Use Act. Ito ‘yung NALUA, na magsisiguro na identified na ‘yung mga uses ng lahat ng mga lupain dito sa bansa natin.

    Maraming pang ibang mga batas na kailangang ipasa. ‘Yung isa doon, ‘yung pangangalaga sa mga ancestral domain noong ating mga IPs. Pero hindi siya sapat, hindi siya sapat. ‘Yung pagsisiguro lang na panatag ‘yung loob niyo, ‘yun ‘yung step one. Pero ‘yung step two, bibigyan kayo ng klase ng suporta na kinakailangan niyo para mapalago kung ano man ‘yung resources na nasa inyo. Para kung ano ‘yung nae-enjoy namin na mga serbisyo ng pamahalaan, nae-enjoy niyo pa din.

    Maraming pong mga paraan para ma-achieve ito. ‘Yung isang paraan ay ‘yung IPMR, ‘yung IP Mandatory Representation sa mga local legislative bodies. Sinimulan po ito noong DILG secretary ‘yung asawa ko. Pero sisiguraduhin natin na buong bansa, mabibigyan na ng opisyal na boses, ‘yung mga IPs para napapangalagaan.

    ‘Yung pangalawa, ‘yung pag-siguro na ‘yung ma-aappoint natin sa NCIP, ay tunay na kumakatawan ng mga hinaing ng ating mga IPs. Pangatlo, ‘yung pag-siguro na ‘yung access ninyo sa edukasyon, hindi lang kalusugan pero pati edukasyon, access ninyo sa trainings nandiyan in accordance sa ano ba ‘yung meron sa inyo para lalong napapalago kung ano ‘yung ibinigay sa inyo.

    So, ako po ‘yung aking pangako na hindi kayo mama-marginalize. Ang gusto pong sabihin ng marginalized, hindi kayo–‘yung treatment sa inyo, hindi kayo iba. Pero ang treatment sa inyo kabahagi ng community na ginagalawan natin. So, ako po sa IPs ‘yun.

    ‘Yung sa farmers, paghahaluin ko. Di ba ‘yung sa farmers, paghahaluin ko ‘yung mga issues na binigay. ‘Yung number one, ‘yung sibuyas, nagulat ako kasi fro 40 pesos per kilo, 10 pesos per kilo na lang. Tapos ang taas-taas pa ng inputs, di ba. So, anong nangyayari? Lugi na talaga.

    Ano ba ‘yung mga dahilan noon? Ang mga dahilan kung bakit nangyayari ‘yan, grabe ‘yung importation. Ang importation po galing sa ibang bansa, sobra na sa pangangailangan natin. Ang problema, kapag nag-import tayo nang napakarami, ‘yung mga galing sa ibang bansa, mura. Mura sila dahil ‘yung suporta na binibigay sa kanilang pamahalaan, nandiyan. Hindi tayo nakakapag-kompetensya sa presyo nila dahil sa atin napaka-taas ng cost of production.

    So, ano po ‘yung dapat nating gawin. Hindi pa doon kasali, grabe ang smuggling ngayon. Hindi lang po sa sibuyas pero sa marami pang ibang produkto: bigas, mga gulay, ayun sibuyas, grabe ang smuggling.

    Ano ‘yung maipapangako ko sa inyo? ‘Yung number one, sisiguraduhin nating linisin ang Bureau of Customs. Saka sisiguraduhin natin na ‘yung pag-issue ng BA ng importation permit ay kontrolado, na ang iissue lamang ‘yung pangangailangan natin.

    Pangalawa, sisiguraduhin na ‘yung klase ng suportang binibigay sa mga magsasaka, nandiyan. Isasali ko na diyan hindi lang sibuyas, pati ‘yung bigas. Na-mention kanina ‘yung Rice Tariffication. Kung naaalala niyo bakit ba pinasa ‘yung Rice Tariffication? Pinasa ‘yung Rice Tariffication ‘yung grabe ‘yung inflation sa bigas. Kasi ‘yung paniniwala, na kapag binuksan natin ‘yung importation, bababa ‘yung presyo ng bigas nang malaki kasi meron ng kompetisyon.

    Hindi ‘yun nangyari. Bumaba ‘yung presyo nang kaunti, pero bagsak na ‘yung presyo ng local production. Bakit bagsak ‘yung presyo? Kasi hindi tayo makapag kumpetensya, di ba? ‘Yung bigas galing sa labas, mas mura kaysa sa bigas natin. Mas mura kasi ang tulong sa kanila ng pamahalaan nila, nandoon. Mas mababa ‘yung kanilang cost of production. Sa atin ang taas ng cost of production natin. Ang taas ng presyo ng abono, mataas ‘yung presyo ng inputs, mataas ‘yung diesel. So, hindi natin kayang ibaba ‘yung presyo.

    Kaya ano ‘yung mga dapat gawin? Maliban sa pag-siguro na lilinisin natin ‘yung Bureau of Customs, lilinisin natin ‘yung pag-issue ng mga importation permits, dapat ang ini-import lang natin 'yung kulang.

    Pangalawa, dapat may proteksyon, may proteksyon sa mga local farmers. Kasi kung walang proteksyon sa local farmers, lalong babagsak. Ngayon po 'yung datos pinapakita na mula noong nagkaroon tayo ng Rice Tariffication Law, bilyon bilyon ang nawala sa income ng mga farmers.

    Sino 'yung kumita? Ang kumita mga kapitalista. 'Yung mga kapitalista na nagi-import. Pero hindi naman ito nagresulta sa pagbagsak ng presyo ng bigas kasi 'yung mga kartel kontrolado nila. Marami 'yung tinatago, naghihintay para mapataas 'yung presyo.

    Pag tiningnan natin, na-achieve ba ng Rice Tariffication Law 'yung pagbaba ng presyo? Hindi naman. Bumaba pero kakaunti 'yung binaba tapos grabe na 'yung lugi ng mga farmers. Kaya marami po ang dapat gawin.

    Pangalawa, dapat 'yug NFA palakasin para at least 'yung buffer stock binibili ng NFA sa presyo na hindi malulugi 'yung farmers. Meron po ngayon, mamaya dadating si Senator Kiko, merong batas na pinasa si Senator Kiko, 'yung Sagip Saka Act. 'Yung Sagip Saka Act Law nagbibigay ng karapatan sa mga LGUs na puwede silang dumirektang bumili sa mga farmers na hindi na kailangan ng bidding. Merong mga LGUs na ginagawa na ito. Anong ginagawa ng mga LGUs? Sila direkta 'yung bumibili sa mga farmers sa presyo na hindi malulugi 'yung farmers.

    Meron po akong alam na LGUs– kasi paminsan ang bilihan, ilan ba? 19 pesos? Merong mga LGUs na bumibili 24 pesos, 25 pesos para hindi lugi ang farmers. Tapos pag binidding kasi, unang una ang mga farmers walang resibo di ba? Pangalawa, hindi sila makaka kompetensya sa mga malalaking kapitalista. Pero pag ang LGU direkta ng bibili sa inyo, hindi na kayo lugi, nakatulong pa 'yung LGU.

    Kaya ito po, marami tayong kailangang gawin pero 'yung pinaka mahalaga kasi, 'yung mga pinipili natin na mga leader dapat nararamdaman 'yung kahirapan na pinagdadaanan natin. Kasi kung hindi naman nagdadaan sa hirap na pareho ng pinagdadaanan natin, 'yung mga polisiya nila hindi naaayon sa pangangailangan natin. Kadalasan, ang napoproteksyunan 'yung dati ng malalaki.

    Ako po hindi ko alam kung nangyayari ito dito dito sa Nueva Ecija, pero noong congresswoman po ako ng Camarines Sur ramdam na ramdam ko ito. Sa Bicol po kasi madalas daanan ng bagyo di ba? Ang gobyerno meron siyang program na crop insurance. Dapat sana 'yung mga dinaanan ng krisis, 'yung mga nalugi, dapat sana sila 'yung makakatanggap ng ayuda galing sa gobyerno sa paraan ng crop insurance.

    Pero ang nangyari po sa amin, 'yung mga magsasaka na naubos, naubos 'yung kanilang mga pananim dahil sa bagyo, hindi naman sila 'yung naka tanggap dahil 'yung basehan 'yung tinatawag na RSBSA. Ito 'yung listahan na hindi naman updated. Kaya 'yung RSBSA noong tiningnan po namin, maraming mga makakatanggap doon na hindi naman nawalan dahil hindi naman updated 'yung listahan. So, dapat talaga nito, tulong tulong 'yung lahat na sektor para 'yung naaapektuhan mismo, sila 'yung nakakatanggap ng tulong.

    Sunod, napansin ko din na may mga ahensya ng gobyerno na mas tinutulungan 'yung dati ng mga malalaki. 'Yung mga maliliit na maliliit sila tuloy 'yung hindi nakakatanggap ng tulong. Kasi karamihan, lalo na 'yung mga farm laborers, wala silang tulong na natatanggap dahil karamihan sa kanila hindi organisado. Dapat baguhin na ito. Dapat 'yung mga ahensya ng gobyerno, lalo kang mahirap, lalo kang tutulungan.

    Sunod, pag tiningnan po natin 'yung budget ng agriculture, sobrang baba. Kahit agricultural country tayo, sobrang baba ng budget sa agriculture. Dapat po dagdagan ito. Pero kanina 'yung nagsalita, sang-ayon ako sa iyo. Kakarampot na lang nga 'yung budget sa– ano ito? Kakarampot na lang 'yung budget sa agrikultura, karamihan pa sa budget nasa bigas, nasa palay, nasa rice. Kulang 'yung budget para sa iba pang mga produkto.

    May mga lugar na hindi na advisable 'yung rice dahil sa panahon, dahil sa klase ng lupa. Pero pilit na pilit na mag rice pa din dahil 'yung programa nandoon. So, dapat tinitingnan ng mga ahensya ng pamahalaan, saan ba may oportunidad.

    Pinakahuli, meron po kaming programa para sa mga farmers ng Camarines Sur, na ito 'yung pinaka mahihirap na farmers, karamihan sa kanila mga vegetables growers. Pero hindi ko din alam kung nangyayari 'yun dito sa inyo, sa maliit na lupang tinataniman nila, lahat na klase ng produkto meron sila.

    Hindi po siya okay. Okay siya kung para sa sarili mong gamit. Pero para magbenta ka, hindi mo kayang mag benta ng competitive na presyo kasi ni wala ka namang economies of scale. So, kami po 'yung ginawa namin, ginrupo namin 'yung mga farmers depende sa demand, nagbigay kami ng mga insentibo para ang itanim nila kung alin 'yung may market.

    Kaya ngayon po partner namin 'yung Chamber of Commerce sa amin. 'Yung may mga grocery, may mga restaurant, may mga ospital, 'yung jail, tinatanong na namin ano 'yung mga kailangan niyog gulay, 'yun 'yung itatanim ng mga farmers namin.

    Pero kami na 'yung naglagay ng platform para 'yung produce nila may sigurado ng market. Pag nag grow sila, hindi na ito dadaan sa mga biyahero. Kasi pag dadaan sa mga biyahero, sobrang barat ang presyo. Kung dadaan sa mga, ano ito, sa mga ahente, sobrang barat ang presyo. Pero kung direkta na, mas mataas ang presyo, wala pang lugi kasi 'yung tinatanim nila 'yung kinakailangan ng market. So, 'yun po 'yung tungkol sa mga magsasaka.

    'Yung pangatlo, pasensya na mahaba 'yung listahan. 'Yung pangatlo, 'yung kababaihan. Marami po tayong mga programa sa mga kababaihan. Kadalasan po nito livelihood. Pero ano 'yung problema noong mga programa ng livelihood ngayon?

    Hindi naman nagkukulang sa mga trainings. Katunayan, ang daming trainings pero hindi siya nasusukat kung 'yung nagte-training ba nata-translate ito sa hanapbuhay. So, paminsan sa dami ng trainings, wala ng hanapbuhay kasi magkaka kumpetensya na 'yung mga nag training.

    Kaya dapat sana, maghanap muna kung ano 'yung kinakailangan na skill tapos 'yun lang 'yung ite-training pero pag nag training dapat gobyerno na ang magsiguro na pagkatapos training diretso na siyang hanapbuhay. Kasi kung nag training ka lang, kumuha ka ng certificate tapos wala ka namang trabaho pagkatapos, wala din di ba?

    So, dapat, lalo na sa kababaihan, nag-aalaga tayo ng mga anak sa bahay, dapat 'yung skill na natututunan natin, ano siya, ano ito? Puwede ka pa ding mag-alaga ng mga bata kahit naghahanapbuhay ka.

    Example na lang, dito sa Nueva Ecija, meron po tayong mga tinutulungan na mga kababaihan na manahi. Noong nagkaroon ng pandemic, meron silang kita dahil sila 'yung nagtatahi ng mga PPE sets na pinapamigay natin sa mga medical frontliners.

    So, dapat hindi lang basta gagawa pero dapat 'yung ginagawa magta-translate siya sa kita. Kasi kung hindi naman siya magta-translate ng kita, parang nag sayang lang tayo ng pera.

    Kaya ano po 'yung mapapangako ko sa inyo? Ang maipapangako ko, lahat pinag-iisipan, lahat pinaghahandaan. Hindi lang basta magkaroon ng activity di ba? Ang sabi ko nga po, itong mga training training, dapat ang accomplishment nito hindi natin binibilang kung ilan 'yung nag training. Ang binibilang natin, ano ba 'yung epekto nito sa buhay ng bawat nag training. Kasi kahit pa libo libo ang nagte-training kung hindi naman 'yun nagiging hanapbuhay, nag sayang lang ng pera ng gobyerno.

    Sinabi din po noong ating women representative na isa sa mga malaking problema dito, teenage pregnancy. Meron po kaming existing na program nito. Ang pangalan po noong program, Babaenihan, baka po gusto niyong mag partner sa amin. Ito po ay ongoing program natin.

    Pang-apat, na-mention 'yung mga out of school youth, meron po kaming dalawang existing programs para sa out of school youth. 'Yung isa pong programa, nagso-scholar tayo ng mga out of school youth na na magte-techvoc training. Ang partner po natin dito, Dualtech. Nasa Laguna po ito, dalawang taon 'yung kurso, stay in, pero pagkatapos ng anim na buwan, meorn na silang trabaho na may sweldo.

    So, marami na pong nag graduate dito. Ang mga scholars po namin nanggagaling sa dalawang lugar. 'Yung isang lugar po sa Veruela, Agusan del Sur, 'yung isa naman lugar galing sa Sumisip, Basilan. Sino-scholar po namin sila, dinadala namin dito sa Laguna para mag training, pag nakakatapos at may trabaho na, ang natutulungan buong pamilya.

    Noong pandemic din po, noong pandemic nagkaroon din po kami ng out of school youth na programa para sa Metro Manila. Ang pangalan po ng programa, TrabaHope. Ito naman po apprenticeship program. Ang iba nagtatrabaho na mga crew sa mga restaurant, meron ding sa construction, merong kung anu-ano pang ibang mga negosyo. Ang partner po namin mga negosyante, apprenticeship program na merong sweldo. Pang-out of school youth po ito.

    So, pang-apat madali na– lima na ito. Pang-apat, education. Alam niyo, tamang-tama na ni-raise ito ni Ma'am kasi ilang beses ko na sinabi na pag ako naging Pangulo, isa sa mga una kong gagawin magdedeklara ng education crisis.

    [crowd cheers]

    Alam niyo po, pag tinignan natin 'yung datos, nakakabahala na 'yung state of education natin. Ang lahat ng mga international assessments laging nasa dulo ang Pilipinas. Ano po 'yung gustong sabihin nito? Pag hindi natin ito binago, 'yung mga graduates natin hindi na magiging competitive. Mag ga-graduate pero ang trabahong nakukuha ay hindi akma sa kursong grinadweytan nila.

    So, 'yung pinakauna, ayusin natin ang basic education natin. Sisiguraduhin natin na sa murang edad pa lang nakakabasa na, marunong na sa math 'yung mga bata. Kasi naglagay po kami ng mga Community learning hubs during the pandemic. Grade 5 na, Grade 6 na, hindi pa din nakakabasa. So, ngayon po sisiguraduhin natin na 'yung mga bata hindi magpo-progress pag hindi maayos ang foundation kasi lugi din sila.

    'Yung pangalawa, kailangan talaga nating ayusin 'yung mga teachers natin. Kasi ang mga teachers natin overworked na, underpaid pa. Pag tinignan po natin, totoo na tumaas na 'yung sweldo ng mga teachers pero pag kinumpara natin ang sweldo ng teachers natin kumpara sa mga karatig bansa natin, tayo 'yung pinakamababa nang di hamak. Pag sobrang baba dito sa atin, 'yung mga magagaling pupunta sa labas kasi mas maraming opportunities doon.

    'Yung pangalawa, tama 'yung sabi ni Ma'am at ilang beses ko na din itong sinabi, dapat siguraduhin natin na naglalagay tayo ng environment na 'yung mga teachers huhusay. Hindi nakakatulong pag ang dami nating admin work na binibigay sa kanila kasi hindi na nila natutukan 'yung instruction. Ang pinagkakaabalahan ng mga teachers 'yung mga forms na kailangan i-submit nang i-submit na hindi na sila nakakaturo, 'yun 'yung number one.

    Ang number two, maliban sa mga infrastructure na kailangan sa education, 'yung teacher training kailangan mag-invest ang pamahalaan. Kasi ngayon, ang teachers kung gusto mag-Masters, kung gustong mag-PhD, sarili nilang kayod. Ang hindi– bihira 'yung mga schools na nagbibigay ng education leave. So, ang mga teachers magtuturo sila whole week, weekend papasok sila sarili nilang gastos. So, pag hindi tayo mag-invest na huhusay ang mga teachers, papano natin aasahan na huhusay ang estudyante?

    Tapos 'yung pangalawa, pag tinignan natin ang budget ng education, 3% lang tayo ng GDP. Ano ang sinasabi ng UN? Ang sabi ng UN, dapat sana mga 6%. Gustong sabihin, ang baba ng ginagastos natin for education kaya hindi nakakaabante.

    Ito na 'yung panghuli, 'yung pagtingin sa pagpili natin ng mga courses sa college dapat naaayon sa hinahanap. Example ko sa inyo, meron kaming programa noong pandemic ang tawag po dito, Sikap.ph. Ano ito, jobs matching na platform. Merong panahon na meron kaming available na 27,000 na trabaho pero 16,000 lang ang nag-qualify dahil wala 'yung mga skills na kailangan.

    So, dapat sana 'yung mga kurso nagtuturo ng mga kaalaman na kinakailangan ng industry. Halimbawa 'yung BPO Industry, lagi naming kausap. Ang sabi ng BPO Industry, ang dami naming trabahong available pero walang skills 'yung mga iniinterview namin. Ang example niya, sabi niya kahit 'yung mga IT courses, obsolete na 'yung mga tinuturo. Iba na 'yung ginagamit namin. So, dapat sana mag-usap 'yung academe saka 'yung industry, ibabagay 'yung kurso sa hinahanap nila.

    Huli na, seafarers. Ito masalimuot na usapin kasi priority po ito ng magiging administrasyon natin pag tayo ay nanalo. Ang problema, ang daming fake news sa Youtube saka sa Tiktok. So, 'yung programa walang ibang– wala pong ibang kandidato ang may programa para sa mga seafarers. Tayo lang. Dahil kausap na natin– alam niyo naman ito sir, di ba? Kausap na natin 'yung mga industry leaders. Pinag-uusapan na po natin papaano ba natin mama-maximize 'yung maritime industry.

    Ngayon po na Vice President pa lang ako, nag-umpisa na tayo ng proyekto tungkol dito. Nagbukas na po tayo ng maritime track sa isang public high school para sa kanilang senior high school program para 'yung training nagsisimulang maaga.

    'Yung mga ite-train natin kailangang mag-invest ang gobyerno para halimbawa 'yung cadetship program, 'yung pagbigay ng necessary na mga kaalaman, mai-provide lahat. Kailangan 'yung training, 'yung education, dapat international standards para 'yung accreditation natin ay wala tayong problema.

    Ngayon po, sobrang dami natin na Filipino seamen. Pinag-aagawan ang Filipino seamen. Pero pag tinignan natin, sa dinami-dami ng seamen, kaunti lang 'yung mga opisyal. Ang layo ng sweldo ng opisyal sa ordinaryong seamen. Kaya para sa akin, kailangan 'yung gobyerno tulungan niya 'yung mga seamen natin na mag-qualify mag-opisyal para mas mataas 'yung mga sweldo nila. Pag mataas 'yung sweldo nila, mas marami silang nare-remit sa bansa natin, mas aasenso din 'yung mga pamilya nila.

    Pero ang problema po ng fake news, binabaliktad. 'Yung akin pong mga statement tungkol sa programa sa seamen, pinutol-putol iba na 'yung paniniwala ng mga seafarers natin. Mabuti, 'yung ibang nakakaintindi na tsinatsagaan na panoorin 'yung hindi spliced na videos. Dapat nga po maging masaya tayo, first time bibigyan ng priority 'yung maritime industry, ayun.

    Ang dami ko nang oras na ginugol pero nagpapasalamat po ako sa pagbibigay niyo sa akin ng panahon na marinig ko 'yung mga hinaing ng mga sektor. Mahirap po kasi sa rally kasi napakaraming tao, hindi na nagkakaintindihan. Kaya po mamaya po may rally sa Gapan. Iniimbitahan po namin kayo. 'Yung may oras, pumunta ng Gapan para mag-attend ng rally. Pero ngayong araw ang ginagawa po natin, mga maliliit na mga multi-sectoral forum gaya nito para po napapakinggan natin 'yung mga sektor.

    Ang tanong po sa amin, bakit ginagawa niyo ito? Bakit may mga rally tapos meron pang maliliit na meetings? Bakit sinasadya niyo 'yung maraming mga lugar? Dahil po gusto namin sa inyong ipakita na pag naging Pangulo po tayo, ganito 'yung ating magiging pamahalaan. Isang pamahalaan na hindi lang naghihintay sa Malacañang pero isang pamahalaan na siya 'yung lumalapit sa tao para makinig sa tao.

    Gaya po kanina sinabi noong ating IP representative, sana 'yung programa, sana 'yung pakikinig sa amin, huwag nang pumunta kung saan-saan, direkta na lang. 'Yun po 'yung mapapangako ko hindi lang sa inyo pero sa lahat na sektor. Na pag tayo po binigyan ng pagkakataon maging Pangulo, tignan niyo po 'yung record ko sa Office of the Vice President.

    Sa Office of the Vice President, number one walang korapsyon. Tayo po 'yung nakakakuha ng pinakamataas na COA Audit Rating. Ano po 'yung epekto pag walang korapsyon? Ang epekto, ang pera ng taumbayan napupunta kung saan kailangan. Hindi siya napupunta sa bulsa ng lingkod bayan, 'yun 'yung number one. Number two, tingnan niyo po kung anong ginagawa namin sa Office of the Vice President. Mas malayo ka, mas pupuntahan kita.

    Kasalasan po kasi 'yung nangyayari, 'yung mga national government officials pupunta lang kung saan maraming tao. Mga malalaking lungsod, 'yung mga madaling puntahan, 'yung mga sa sentro. Pero tingnan niyo po 'yung record namin. Kahit kaunti lang 'yung tao, kahit napakalayong puntahan, basta may pangangailangan, pupuntahan po natin.

    Hindi na po ako magtatagal. Pagkatapos ko pong magsalita, nandito po si Senator Kiko Pangilinan. Napakaganda ng kaniyang programa para sa mga magsasaka at mangingisda. Ang ating pong Vice President, palakpakan po natin, Senator Kiko Pangilinan!

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 25, 2022