This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A with Vice President Leni Robredo Engineers for Leni Town Hall Meeting

    Q&A with Vice President Leni Robredo
    Engineers for Leni Town Hall Meeting


    [START 00:00]

    REACH PENAFLOR: Yes ma'am, sobra po kaming na-iinspire sa dami po ng mga nasabi niyo and ang mga engineers uhaw na uhaw po na makapa– makaniig kayo. In fact po sa Zoom natin ngayon, more than 200 plus ang nakasign-in ngayon, tapos sa Facebook around 300 plus na rin. So, siguro this will not be the last time na makaka-engkwentro namin kayo so if you still have the luxury of time in the future, before May 9, 2022, sana there will be another discussion with you.

    VP LENI: Yes, yes–

    REACH PENAFLOR: –will you still have ano po ma'am, will you still have time for the question and answer?

    VP LENI: Yes, yes. I have until 4– ay lampas na pala. I can extend until 5 o'clock.

    REACH PENAFLOR: Wow! [Rings bell] Okay, Ms. Joy Madamba, I think kanina ang dami nang nagra-raise ng questions so I turn you over po kay Engineer Joy Madamba to process po 'yung mga questions na finorward po sa atin. Ms. Joy? Pasok!

    JOY MADAMBA: Hello po, magandang hapon po ma'am. Ang dami na pong questions eh. Ang hirap na pong sundan. So, pero meron po kaming isang question nga na part din po ng naibigay po namin before is, what are your plans to attract foreign investors to put money into high-tech industries such as tele-conductors and electronics? Basically ano po 'yung infrastructures niyo or policies that you will put in place to support cost and process efficiency and transparency so that more investments come in?

    VP LENI: Ako kasi– ako kasi, Engineer Joy 'yung pinaka-una talaga, put the house in order. Kasi alam natin na nakata– hindi nating puwedeng ihiwalay– hindi natin puwedeng ihiwalay sa investments sa– especially foreign investments, 'yung confidence, confidence in government. Pag sinabi nating confidence in government una kailangan mapakita natin na we are worthy of the trust, we are worthy of the trust, gusto kong sabihin na 'yung mga leaks sa corruption ay napu-plug natin at the first instance. 'Yun 'yung number one.

    'Yung number two, to be able to provide a level playing field, a level playing field para sa mga investors kasi ito lang naman 'yung hinihingi nila di ba? Ang hinihingi lang nila na pag nag-invest sila hindi sila pahirapan, na ang hinihingi nila pag nag-invest sila ay walang, walang kinikilingan. So, 'yung putting the house in order, making sure that government is trustworthy, making sure that we are business-friendly, meaning to say hindi natin– we are not making it difficult for investors to come in tapos 'yun nga, 'yung level playing field. Ito 'yung pinaka– ito yung pinaka– parang, pinaka-basic.

    Pero of course, para sa specific industries, I discussed this already in my ano to, in my Hanapbuhay Para sa Lahat Program na nagpapasalamat kami kasi marami din kayong inputs, pero 'yung Hanapbuhay Para sa Lahat Program is really providing for– focusing on industries where we think there are many opportunities for us and 'yung tech talaga is one of them. Ang tech is one of them. We believe that we have the– ano 'to– we have the talent– we have the talent for that, we can provide the– parang we can host a good number of tech companies by making it easier for them, by making it easier for them to stay in the Philippines, pero 'yung pangatlo din is to make sure na nag-i-invest tayo in upskilling, in upskilling and retooling our human resources. Kasi I think 'yun 'yung isa sa– isa sa kulang sa atin. Marami tayong mga mahuhusay na talents, pero sa bilis ng paglarga ng technology, hindi tayo nag-iinvest enough in making sure na 'yung mga mahuhusay na mga talents natin nakaka-keep up with the– with the changing landscape of technology. So para sakin, 'yun 'yung mga kailangan natin asikasuhin.

    JOY MADAMBA: Thank you po, Ma'am. Meron din po ditong mga questions about 'yung ISO certification. For example po, how will the Leni-Kiko leadership roll out ISO certification and good governance mindset of the OVP for the past few years to all the government agencies?

    VP LENI: Kailangan kasi– kailangan kasi, ano 'to eh, kailangan ini-incentivize natin. Kailangan ini-incentivize natin 'yung government na, 'yung mga pamantayan para sa mahuhusay at malinis na pamumuno, isa sa siya sa mga asks, pero sinasabi ini-incentivize kasi dapat merong mga, meron mga programa ang pamahalaan na available lang siya sa opisina na nagko-comply sa, nagko-comply sa mga pamantayang sinet.

    Pero halimbawa kami, sa OVP, pagpasok palang namin ng 2016, 'eto na 'yung una naming tunutukan. And 'yung incentive para sa akin, kasi we wanted to do an anti-poverty program, and wala kaming pera. Wala kaming pera and the only way we can roll out our anti-poverty program, Angat Buhay, is for us to collaborate with private– private individuals and private organizations. And we are very much aware that we can only collaborate with them if they trust us. So ‘yung sa amin, pinakita talaga namin na katiwa-tiwala kami.

    Pangalawa, mahusay kami. So- so kami, we have always invested in not just our processes are– of international standards, pero we have always invested in our human resources. Meaning to say, naglalaan talaga kami ng pera at panahon para sigurihun na 'yung mga members of the OVP family 'yung nakaka-keep up with– with 'yung mga kaalaman na kinakailangan. So– so kami, 'yung COA audit report, pinagtrabahuhan namin ‘yon. Inestriktuhan namin ang sarili namin, talagang nagbe-belt tightening kami, maraming mga bagay na tinitiis namin para makuha namin 'yung COA audit report kasi alam namin na ‘yun ‘yung resibo namin na malinis kami.

    So– so ang national government should always find ways to incentivize offices na– na makaka-comply doon. Meaning to say kung meron siyang mga special programs na pwede nang ma-access, meron siyang special programs na pwede nang ma-access kung ang opisina merong ganito. So– so ako, there are so many ways. I remember when my husband was still in DILG, doon ‘yung umpisa– ang umpisa nito good housekeeping, ‘yung Seal of Good Housekeeping, converted to Seal of Good– Good Local Governance, same concept. Same concept. There is a performance fund that can be downloaded to them kung ma-reach nila ‘yung– kung ma-reach nila ‘yung, ano ‘to, ‘yung criteria. So meron silang iba-ibang standards, parang may gold, may silver, pero kung gaano sila kahusay, ganoon din ka– ka, ano ‘to, kalaki ‘yung pwede nilang ma-download for the use of the local government unit.

    JOY MADAMBA: Salamat po, Ma’am. Thank you. Do you still have time for one more question?

    VP LENI: Yes, yes, I have seven minutes.

    JOY MADAMBA: Ay, sige po. So one last question po. So…

    VP LENI: May five o’clock kasi ako, Ma’am Joy.

    JOY MADAMBA: Sige po, Ma’am. Alam po namin kung gaano kayo ka-busy. So ang dami pong nag-aagree sa inyong Build Back Better. It sounds really good. Ang isang question po is how do you intend to improve on the batting average of the Build Build Build non-accomplishments? Ano po ‘yung inyong priorities pagdating doon?

    VP LENI: Ako, kagaya ng sabi ko kagagaling ko lang, Engineer Joy, sa isang briefing with Secretary Babes. Sabi niya mag– magjo-join siya ngayon and ‘yung isa sa mga tinanong namin sa kanya na hindi lang– ayoko na siguro ‘yung assessment kasi baka ma-misinterpret siya na parang tinutuligsa natin, pero mas moving forward na tayo. Ano ba ‘yung mga– ano ba ‘yung mga importanteng mga dapat, given the limited funds that we have, ano ba ‘yung mga importanteng kailangan nating tutukan? Merong lima na sinabi si Secretary Babes, siguro i-ano ko lang– i-summarize ko na lang kasi wala na tayong time.

    Ang isa doon, kailangan talaga na ‘yung– ‘yung paglalaanan natin ng pera, ‘yung return sa atin a thousandfold. Gusto kong sabihin kaya natin ‘to ibi-build, kasi ‘yung– ‘yung inaasahan natin na– na gains para sa ‘tin mas malaki. Halimbawa, ‘yung– ‘yung isa doon ‘yung– ‘yung rural development. ‘Yung pag magpapatayo tayo ng mga kalsada, ng mga– ng mga kung anu-anong mga– ‘yung kinukwento nga ni Sec. Babes kanina, huwag na– huwag na i-concentrate lahat sa Metro Manila kasi ang problema dito hindi na nga natin kaya. Hindi na siya nagiging livable kasi lahat na naka-concentrate dito.

    Bakit hindi natin i-disperse na– bakit hindi natin i-disperse ‘yung– ‘yung mga infrastructure projects para ma-decentralize na ‘yung– ‘yung development? And pag na-decentralize ‘yung development, una, uunlad ‘yung mga nasa peripheries. Pangalawa, pati ‘yung mga metropolitan areas ay nagiging livable ulit, di ba? Kasi– kasi ngayon, ’yun ‘yung pinaka-problema natin. Marami tayong informal settlers sa Metro Manila, maraming nagsisiksikan dito, kulang na ‘yung trabaho, wala nang housing, et cetera– pero lahat ‘yun product ng– lahat kasi nandito. Pero kung ang ating Build, Build, Build ay ‘yung pinaka– pinaka-sadya natin ay i-develop ‘yung peripheries, mas de-decentralize ‘yung tao. Kasi ‘yung infrastructure naman, talagang ano eh, talagang napakalaking bagay niyan.

    ‘Yung isang diniscuss ni Sec. Babes kanina halimbawa, again, to put premium on PPPs, PPP projects, kasi handa naman ‘yung private sector tumulong eh. Handa silang tumulong – para ‘yung stress sa public money hindi grabe. ‘Yung puwedeng gawin ng private sector ay gagawin na, ipagawa na sa private sector. Mag-concentrate na tayo sa PPP projects para puwedeng pagsabay-sabayin lahat, and hindi maging hadlang ‘yung kakulangan ng pera ng pamahalaan. Halimbawa ‘yung Water Resource Management, ano ‘yun, si Secretary Babes ay diniscuss ulit– diniscuss niya na malaki na ‘yung problema natin; malaki na ‘yung problema natin sa water supply na kailangan talaga mag-invest na tayo ng pera dito bago– before it’s too late. Maraming mga opportunities, meron nang mga– meron nang mga pag-aara nito, meron nang mga project designs na kailangan na lang talagang i-implement. So ako ano sa akin, sa akin, ‘yung Build, Build, Build kailangan itong i-continue. Ano lang talaga, kailangan siyang i-continue pero sisiguraduhin lang na every money is well-spent, walang napupunta sa korapsyon, lahat tinutugunan ‘yung pinakamahahalaga na– pinakamahalaga natin na mga problema ngayon.
    JOY MADAMBA: Ayan po, maraming maraming salamat, VP Leni. Actually ang dami-dami nga pong questions. Last ‘yun pong question was how can we help you win– ‘yun po ‘yung pinaka– very important question, na kung paano nga ba namin kayo matutulungan. Maraming salamat!
    VP LENI: Oo, sana… Pasensiya na ang gulo na ng buhok ko. Kanina pa ako, pasensya na.
    Ano lang, siguro aware naman tayo ng numbers. Di ba, aware tayo ng numbers? Alam natin na marami pa tayong ihahabol. Hindi natin puwedeng i-dismiss ‘yung surveys, kasi nakita natin na noong nag-join ‘yung dalawang malalakas na forces– ‘yung nag-join ‘yung dalawang malalakas na forces, dalawang malalaking numbers ang nag-join, lumayo na talaga sila. And sa akin, kailangang maging reality iyon sa atin para tama ‘yung gawin natin. Maging mas strategic tayo. Ako naman I am no stranger sa pagiging dehado. Pangatlong run ko ito, at ‘yung first two runs ko ay sobrang dehado din ako. When I ran in 2013, I was running against a very well-entrenched political dynasty na akala ng lahat, I had no chance, pero kinaya natin. When I was running in 2016 ganoon din, sobrang kulelat ko during the first few months pero kinaya. And right now, marami– marami tayong meron na wala sa’tin noong 2016. Ano ‘yung meron na ‘yun? Kayo. Wala akong ganito dati. [Bell rings, VP Leni laughs.] Meaning to say ano, meaning to say, ‘yung– ‘yung commitment, ‘yung passion ng volunteers ngayon, sobra. Wala ako nito. Wala ako nito before, and I think ito ‘yung magdadala sa ’kin sa [inaudible 14:03] kapanalunan.
    ‘Yung sa’tin, naging, ako, naging difficult sa’tin ‘yung first two months after the– after my filing. Naging difficult siya, pero because of good problems. Ano ‘yung good problems na ‘yun? Sobrang dami natin na volunteers. Sobrang dami natin na volunteers na it was so difficult to organize everyone into just one. Sobrang dami ng volunteers na nagkakaniya-kaniyang messaging, so masya– masyadong diffused ‘yung messages. So, in– if you noticed na December and November hanggang December, ‘yung ginawa lang natin is to put– to put everything toge– to put everyone together in one umbrella, ito na ‘yung People’s Council, na hopefully because we’re more organized now, our message, ang messaging will be more focused already.

    Meron na tayong mga nilalabas ngayon, pero admittedly, hindi natin kayang sabayan ang Marcos sa isang conventional campaign. Wala tayong sinabi sa resources nila. Wala tayong sinabi sa machinery nila. Wala tayong sinabi sa political might nila. Pero meron– meron tayong wala sila, at ‘yun ‘yung sigasig ng volunteers. [Bell rings, VP Leni laughs.] May cheering squad dito!

    Pero dahil sa sigasig ng volunteers, kaya natin ‘to. Starting January, we have been meeting with so many groups already, and talagang, talagang ‘yung call to action, mag-ground campaigning na tayo. We know how social media works. Kahit ang dami na natin ngayon, ang dami nilang fake accounts. Kaya hindi natin nape-penetrate ‘yung kanilang mga bubbles dahil we know that social media works on algorithms. So, sobrang hirap i-penetrate, so kailangan mag-ground campaigning na tayo in our own networks. So, ‘yung mga networks natin, meron na tayong– meron na tayong call to action na we have asked the many different groups already to do their own pulong-pulong, ‘yung person to person, heart to heart campaigning.

    Ako– ako, sobrang hopeful ako. Sobrang hopeful ako na kahit dehado tayo ngayon, kakayanin ulit natin ito, basta focused lang ‘yung lahat ng energies natin. So– so, sa’kin, I am so thankful to every one of you. Alam ko na lahat kayo busy in your own spheres and yet you find time to volunteer. And alam ko naman na it’s not just because of me, but dahil alam niyo na laban niyo din ito. Laban natin lahat ito, that’s why I am very, very hopeful na mapatama lang natin ‘yung lakad natin, kakayanin natin. Kakayanin. We have five months. We have less than five months to go. Pero I am hopeful that it is enough time to catch up. Ano naman tayo, Fernando Poe tayo. [inaudible 17:13 to 17:15] pero in the end, kaya nating labanan.

    REACH PENAFLOR: Grabe.

    JOY MADAMBA: Opo, maraming salamat po ma'am.

    REACH PENAFLOR: Nakakaiyak. Nakakaiyak 'yung sinasabi ni ma'am VP Leni.

    JOY MADAMBA: Oo nga eh. Nakakaiyak talaga.

    REACH PENAFLOR: And at the same time, nakakainspire to– to do more. Parang sa akin nga eh, it will be ano, eh, it will be the fight, like I've never fight in my whole life. So lalaban tayo para sa Pilipinas - ayan, iiyak na naman ako - lalaban tayo para kay VP Leni.

    And, ano po, tayo, siguro mag-picture taking tayo. Photo ops tayo?

    JOY MADAMBA: Opo, picture na--

    VP LENI: Isa na lang sigurong habol?

    REACH PENAFLOR: Ay sigo po ma'am. Go ahead po.

    JOY MADAMBA: Para bago po umalis na si VP– ay mayroon pa.

    VP LENI: Hindi ito, sinasabi ko na, hindi siya conventional campaign. Talagang ano ito, people's movement. Kaya lahat tayo [inaudible 17:55 to 17:57].

    REACH PENAFLOR: Amen. Amen to that po. VP Leni sa 2022! May bago na tayong presidente!

    VP LENI: Tignan natin, kaya natin. [laughter]

    [END 18:05]

     

    Posted in Transcripts on Jan 11, 2022