This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A with Vice President Leni Robredo Et Al at the Bulacan Press Conference

    Q&A with Vice President Leni Robredo Et Al at the Bulacan Press Conference
    Barasoain Church, City of Malolos, Bulacan


    PAULINE BANTIGUE: Ang unang pong katanungan ay manggagaling kay Lalaine Santos ng Correspondent Mags. Meron po tayong nakalaang microphone dito, puwede po kayong lumapit.

    LALAINE SANTOS: Magandang umaga po sa lahat. Lalaine Santos po ng TSO TV Online News at Correspondent Magazine. Ang katanungan ko po ay para kay VP Leni. Ma'am ngayon po na nagpahayag na ng buong suporta ang gobernador ng lalawigan ng Bulacan, ano pa po ang mga hinihiling mo pa sa ating Panginoon? Dahil mahirap talaga ang 'yong laban dahil sa lahat, ikaw lang ang nag-iisang babae na tumatakbong pangulo ng Pilipinas. Sa ngayon po, nakuha niyo na po ang suporta ng lalawigan ng Bulacan. Ano pa po ang hinihiling ninyo sa ating Panginoon na para magkaroon ng katuparan ang pagiging presidente ng bansang Pilipinas?

    VP LENI: Napakaraming pa po. I think si Governor Daniel 'yung nakapagsabi nito ng parang siya 'yung naka-encapsulate na itong pag endorse ay hindi ito 'yung pagdikta ng kagustuhan pero sana ito 'yung magbigay daan para 'yung ating mga kababayan ay– 'yung tamang discernment process 'yung gagawin. Ang isa pong pinaka malaking kalaban natin ngayong kampanya ay 'yung disinformation. At 'yung kung meron man tayong isang ninanais na unang-una sana mabasag natin, sana mabasag natin 'yung lahat na kasinungalingan na namamayani at mapalitan ito ng katotohanan para 'yung mga kababayan natin makapag-desisyon na base sa katotohanan. Ang pinaka kinakatakutan po natin ngayon, na 'yung pagdedesisyon ng mga kababayan natin, ang maging basehan nito 'yung mga kasinungalingan. Dahil pag ito 'yung nangyari, hindi lang na walang integridad 'yung magiging eleksyon natin pero baka mag-set siya ng– parang mag set siya ng precedent na ito pala 'yung– ito pala 'yung formula para manalo at 'yung mga susunod na eleksyon, ito na din 'yung gagawin ng mga kandidato.

    So, dapat ngayon pag desisyunan natin na basagin 'yung parati kong sinasabi na parang architecture of disinformation at palitan ito ng katotohanan.

    LALAINE SANTOS; Follow up question lang po ma'am. Kasi nitong nakaraan po, talagang nakita natin na napaka-dami talaga, pink na pink po talaga ang lalawigan ng Bulacan. Ito na po ba talaga ang simula na para mahawi ang pula at ma-ano na po ang pink dito sa ating bansa?

    VP LENI: Ako po kasi dapat hindi natin siya tignan sa mga kulay lang. 'Yung pink kasi, 'yung pula, parang ito lang 'yung mga visual na expression ng ating– kung sino 'yung kandidatong sinasamahan natin. Pero ang pagnanais natin na after noong mga kulay, mas malalim na pagkilatis, mas malalim na pagkilatis sa mga kandidato, hindi lang sa national pero sa local. Na sana jinu-judge kami, na 'yung basehan 'yung aming track record, 'yung aming karakter, 'yung aming plataporma, hindi kami naju-judge na kung ano 'yung disinformation na sinasabi ng iba.

    So, so tama 'yung term na simula. Gaya ng sabi ni Governor Daniel, 'yung term na simula I think 'yun 'yung pinaka tamang term para 'yun 'yung pagpapahiwatig na ang dami pa nating kailangang trabahuhin. Hindi po– halimbawa very successful 'yung ating rally, pero hindi tayo dapat magkampante na panalo na tayo. Kailangan 'yung rally pampalakas lang 'yun ng loob na marami pala tayo. Marami pala tayo na marami na pare-pareho 'yung pagnanais na– 'yung track na susundin natin dito sa Bulacan, 'yung klase ng pamunuan na ninanais natin, pero kailangan tayo mag-reach out.

    So, if at all mas call-to-action siya. Mas call-to-action na mag-reach out tayo outside of ourselves. Siguraduhin natin na kumakatok tayo sa mga pintuan ng mga– mga katabi natin. Siguruhin lang natin 'yung pagdedesisyon nila ay base sa katotohanan dahil kailangan talaga natin ito labanan. Hindi po natin matatapos 'yung laban na nakikipag-away lang tayo sa social media, kasi nagdadagdag lang tayo sa toxicity. Kailangan kung nagdedepensa tayo sa social media, sinasamahan natin ito ng aksyon on the ground dahil ganoon po kahalaga 'yung eleksyon na ito.

    PAULINE BANTIGUE: Maraming salamat po VP Leni. Maraming salamat po Ms. Lalaine. Ang sunod po nating katanungan ay magmumula kay sir Erick Silverio mula sa Manila Times.

    ERICK SILVERIO: Good morning po, Erick Silverio sa Manila Times. Para po kay Gov. Gov., why VP Leni po is your choice, ano po ang espesyal na katangian ang nakita niyo po sa kanya na wala sa ibang mga presidentiables?

    DANIEL R. FERNANDO: Actually binanggit ko po 'yan sa speech ko kanina. Ito po ay masinsinan kong pinag-aralan at ang lahat ng ito ay tinaas natin sa Panginoon. Sa lahat po ng aking mga nagiging kasama, sinabi ko at hiniling ko sa kanya 'yan, ituro mo sa akin kung sino 'yung taong makakasama ko at ikaw ang mag-desisyon, hindi ang sarili ko.

    Actually, matagal na po kami magkakilala ni VP. Matagal na po. At sinabi ko nga noong sinusubaybayan ko ang kanyang paglilingkod. At ito po ay personal choice ko ano po. Kaya ang lahat naman may kanya-kanya tayong desisyon sa sarili natin kung sino ang ating pipiliin. 'Yun lamang po.

    PAULINE BANTIGUE: Maraming salamat po governor. Maraming salamat po sir Eric. Ang atin pong sunod na katanungan ay manggagaling kay sir Jervis Manahan mula po sa ABS-CBN.

    JERVIS MANAHAN: Hi ma'am. Hello? Ma'am noong 2016 elections po, hindi po kayo nanalo dito sa Bulacan but itong Bulacan for 2022 elections, the fifth most vote rich province po, gaano po kahalaga sa inyo na nakuha niyo 'yung endorsement na ito and how do you think this will affect your chances of winning the presidency?

    VP LENI: Sobrang halaga. Sobrang halaga lalo na dahil noong nag-file kami ng certificates of candidacy, alam namin 'yung political terrain. Alam namin na magiging mahirap for local officials to be public about their support of us. So, kabahagi na 'yun sa expectations. So, kung ang isang gobernador gaya ni Governor Daniel, ang gobernador ng isang napaka laking probinsya, naglakas loob na i-make public ang kanyang suporta, ang laking bagay noon for us. Meaning to say, parang siya 'yung nag-gagarantiya sa kanyang mga kababayan na pinag-aralan ko ito, pinagdasalan ko ito, at after ako magdasal at nag-aral, ang palagay ko ito 'yung kandidato na pinaka mabuti para sa akin. Ang laking impact noon para sa mga– para sa mga Bulaceño at para sa kampanya namin.

    Pero having said that, sa kampanya kasi nating ito, hindi namin tinitignan din kung malaki ka o maliit na lugar, pantay-pantay ang tingin namin sa lahat. Meaning to say, kahit maliit 'yung lugar mo, mahalaga ka. Kahit kaunti lang kayo, mahalaga ka, ganoon naman 'yung ginawa namin– natin na pamantayan all throughout the six years that I was Vice President. 'Yung pagbibigay ng proyekto, hindi kami pumupunta sa mga vote rich lang. In fact mas binibigyan namin ng atensyon 'yung mga maliliit at malalayo dahil palagay natin mas nangangailangan 'yun.

    So, nakikita niyo naman siguro 'yun sa mga schedules natin. Hindi tayo pumupunta sa mga major provinces and major cities lang, pero 'yung probinsya halimbawa, gaya ng Romblon, na nandoon tayo one whole day, ang kaunti ng botante doon. Pero pinapahalagahan natin. So, so having said that, pag 'yung Bulacan, Bulacan governor mag-throw ng support, sobrang major 'yun for the campaign.

    JERVIS MANAHAN: Kay Governor Daniel po. Last week, Gov, we have seen a very massive rally for team Leni-Kiko dito sa Bulacan. Naging factor ba ito in your decision to endorse VP Leni?

    DANIEL R. FERNANDO: Well, sa totoo lang po, simula po noong tayo ay lumahok sa politika, lahat naman pinag-aaralan natin. May alam si Pedro na hindi alam ni Juan, at may alam si Juan na hindi alam ni Pedro. Pero may kanya-kanya po tayong paniniwala sa bawat isa. Kailangan lamang dito ay masusing pag-aaral sa bawat isa, dahil nakasalalay po dito ay ang kapakanan ng taumbayan. Kailangan ng bawat isa na mag-aral, 'yun nga po 'yung sinasabi ko. Well, ang katotohanan po niyan, ang lahat ng ito kailangan itaas natin sa Panginoon na hamong siya mag-desisyon ng lahat para maging maayos ang takbo ng ating bansang Pilipinas. 'Yan po ang aking tugon.

    PAULINE BANTIGUE: Maraming salamat po Gov, thank you VP and thank you sir Jervis. Next question po will be coming from Miss Krixia of Philippine Daily Inquirer.

    KRIXIA SUBINGSUBING: Good Morning po, this is for Gov. Daniel. Sir kanina nabanggit niyo na itong endorsement niyo po ay hindi naman pag-impose sa tao ng Bulacan po. Pero ngayong nag-express na po kayo ng support for VP Leni, paano niyo po tutulungan 'yung mga Bulakenyo to discern their vote po and eventually, choose VP Leni po?

    DANIEL R. FERNANDO: Well, nasa malayang bansa po tayo, demokratikong bansa po ito at hindi ko po puwedeng diktahan ang sinuman. At nakikita naman natin kung sino ang magpapasya dito, tao ba o ako? Wala po akong karapatan para diktahan. Although, I am the Governor of this province, nasa desisyon nila 'yun, ano po? Nasa kanila ‘yun. Hindi po tayo puwedeng kumitil ng kalayaan dahil nasa malayang bansa po tayo. Hindi po tayo komunistang bansa, nasa kanya-kanya pong pagpili 'yan. Kung pinili nila ito at sinunod nila ako, well, desisyon nila 'yun, hindi ko desisyon 'yun, ano po. Nag-aral po siguro 'yun, ano po, so thank you po, maraming salamat.

    KRIXIA SUBINGSUBING: Sir, follow-up question lang po, sorry susugan ko na ha, pero what do you say about the press release by Bongbong Marcos po saying na, denying that you would endorse VP Leni po?

    DANIEL R. FERNANDO: I was miscoded. Okay? Wala po akong sinasabi na hindi o ayaw, wala pong ganoon. Sabi ko nga po sa inyo, ang lahat ng ginagawa kong desisyon, itinataas ko sa Diyos. Sino ba naman 'yung Daniel Fernando na dating tumatakbo sa bakuran ng Tabang, Guiguinto Bulacan, na nakaupo, ano po, at naging governor? Lahat po 'yan, hindi ko plinano, biglang dumating sa buhay ko. At sa bawat pagligo ng aking– at sa bawat ligo at nababasa ang ulo ng– ang ulo ko ng tubig, biglang may pumapasok na mga desisyon na ang Diyos ang alam kong nagbibigay nito. 'Yun po ang pinaniniwalaan ko. Kasi, hindi naman ito pangsarili ko lang kundi, para sa tao, para sa bayan.

    Kaya, kung anuman 'yung lumabas na 'yun, wala po akong sinasabi na hindi si Leni, hindi ganito, wala pong sinabing ganoon. Sinabi ko lang, puwede ako magdesisyon before the campaign namin, or after, after ng campaign namin. Kaya, pinag-aralan ko pong mabuti ito na noon pa lang, pinag-aaralan na natin lahat ito. 'Yun lamang po ang ating tugon.

    PAULINE BANTIGUE: Maraming salamat po sa paglilinaw Governor Daniel, thank you Miss Krixia. Ang sunod po nating tanong ay magmumula kay Miss Saleema Refran ng GMA 7.

    SALEEMA REFRAN: Hi ma'am, Saleema po of GMA 7. So VP, this is for you. Over the weekend, napansin namin over your Facebook page na talaga pong very loud na po 'yung inyo pong pagsagot at pagpalag dito nga po sa mga disinformation against you. What do you make of this ma'am? This came after your rally ng Bacolod and then after nga po 'yung north, northern trip ninyo ma'am?

    VP LENI: Actually, even before. Napansin ko na lumabas ito parang after Cavite, 'yung red-tagging lumabas after Cavite and, marami na akong lessons in the past six years eh. In the past kasi, pag merong fake news, hindi namin pinapansin thinking na to dignify, parang binibigyan mo pa ng halaga. Pero parang mali kasi 'yun eh, 'yun 'yung pagkakamali din namin, na marami kaming fake news na natanggap na pinalampas namin dahil sa paniniwala namin na dapat hindi 'yun bigyan ng oras. 'Yung problema lang pag hindi siya sinasagot head on, nagiging totoo eh in the sense na maraming tao 'yung naniniwala kasi hindi narinig 'yung boses namin.

    So ngayon, iba-iba na 'yung– dahil sa lessons na nakuha namin at tingin namin pagkakamali namin, ngayon pag may lumalabas na fake news, kailangan talagang sagutin. And napansin ko lang kasi, bugbog na ako, bugbog na ako sa lahat na bashing, sa lahat na kasinungalingan. Parang it is something that has been hounding me since 2016. Nagsimula 'yun na mandaraya ako sa election na na-prove natin three times na hindi. In fact, 'yung Supreme Court mismo, unanimous decision na nagsasabi na walang dayaan na naganap. Pero 'yung halimbawa, marami tayong natanggap na bobo, merong ma-dumb, merong lutang, pero sa akin, hindi ko na 'yun sinasagot kasi 'yung tao na 'yung sumasagot eh. Kasi kung totoo 'yun, siguro hindi naman ako i-endorse ng maraming mga professional organizations. Kung walang paniniwala sa atin 'yung mga teachers, mga UN workers, mga iba't ibang mga universities, mga economists, sila 'yung nag-eendorse ng paniniwala na tayo 'yung makakapagdala ng pagbabago na inaasam.

    So merong mga accusations na hindi ko na ngayon sinasagot. Gaya noong pagiging bobo o lutang, hindi ko na 'yun sinasagot dahil ibang tao 'yung sumasagot. Pero ito kasing red-tagging, walang pinagmulan eh, wala itong pinagmulan. Nagpapasalamat nga ako kay Senator Sonny kasi si Senator Sonny 'yung unang sumagot nito, na si Sentor Sonny, of all people, hindi siya papayag, hindi siya papayag na magpa-infiltrate kami. Hindi siya papayag na makipag-coalesce kami sa CPP-NPA na kailangan namin i-call out. Kagabi, nakita niyo siguro 'yung post ko, kinall-out ko din, luma na ito. Napaka-wild na, napaka-wild na accusation na dati na daw akong may asawa, dati na akong may asawa, 15 years old ako nag-asawa, 'yung dati ko daw asawa NPA. Ito, lumabas ito 2016 hindi namin pinansin, lumalabas ulit ngayon, lumalabas ulit ngayon tapos meron na siyang dagdag, ang dagdag niya, meron pa akong anak doon sa unang asawa ko at 'yung anak ay inabandona ko na ordinarily, hindi ko ito pag-aaksayahan ng panahon, pero because of the lessons from the past six years, sinasagot natin 'yun head on.

    Marami pa akong inaasahan, marami pa akong inaasahan something as wild as this, ilalabas nila. Lalo na ang daming mga spliced videos, ang daming mga kung ano-anong sinasabi na walang basis, pag hindi kasi namin ito sinagot, marami 'yung napapaniwala eh. And I think, kasalanan nila ito doon sa napapapaniwala nila, hindi naman sa akin eh. Kasi sa akin, sobrang used na ako sa bashing na 'yung sarili kong record saka 'yung sarili kong accomplishments, 'yun 'yung aking pinakaresibo na I have never allowed all these to get in the way of the work that I do. Pero pag may ganito kasi, gusto ko lang naman na marinig din 'yung boses kung ano ba talaga 'yung totoo.

    SALEEMA REFRAN: Ma'am, nag-iinit na po 'yung kampanya and then, lumalabas po 'yung mga ganito, ano po ba 'yung basa ninyo bakit biglang lumalakas ulit or dumadami 'yung ganitong klaseng disinformation?

    VP LENI: Siguro nakikita kasi nila, nararamdaman siguro nila 'yung shift on the ground. Nararamdaman 'yung shift on the ground kasi noong– Di ba 'yung nag-file ako noong October, noong nag-file ako noong October, I think, kung hindi ako nagkakamali 'yung mga surveys noon, parang somewhere between 3% to 7% lang ako. Tapos, parang number six, number seven, number eight ako sa surveys. And before the end of the year, number two na tayo. Nasa– pumapalo na tayo between 15 to 20%, nadoble na 'yung numbers. So, inaasahan natin na lalo pang titindi, lalo na ngayon, nakikita natin 'yung dami ng tao sa mga rallies. Ngayon nga, nakita ko nga, nakita ko nga kagabi 'yung allegation na 'yung drone pictures ng rally sa Bacolod, sibuyas. Eh kayo, marami sa inyo nandoon. Nakita niyo with your two eyes kung ano 'yung katotohanan. So, kailangan lang mag-pushback na mag-pushback kasi, 'yung lesson naman dito pag magkakasama tayo na mag-pushback against fake news, may mga na-aachive tayo. Pero kung wala kasing nagpu-pushback, sila 'yung namamayagpag at marmi silang napapapaniwala.

    SALEEMA REFRAN: Ma'am, sorry last na. Yesterday po may nangyaring insidente in Las Piñas. 'Yung mga volunteers po ninyo, may ginagawa po silang mural sa isa pong private property. Tapos meron daw pong grupo ng kalalakihan na pininturahan 'yung kanila pong mural. Hindi daw po nagpakilala, hindi po sinabi kung ano pong grupong ito. Hindi din po ito 'yung COMELEC na "Oplan Baklas". Your reaction po to this?

    VP LENI: Ako dapat they should have learned their lesson already kasi ito 'yung nangyari sa Echague. Di ba. 'Yung nangyari sa Echague sobrang liit lang na wall na pininturahan noong mga bata, nilagyan ng puti. Parang ito pa 'yung nag-iignite ng fire sa puso ng mga tao. Na 'yung ibang mga dating neutral at 'yung ibang mga silent dahil sa mga ginagawang ganito ay lumalaban. Ganito din 'yung nangyari sa Bacolod. Sa Bacolod ganito din nangyari. Ganito din 'yung nangyari sa Cavite na the more na nilalagyan ng mga balakid, the more na nag– nati-trigger 'yung mga tao. So, dapat sana sa Las Piñas alam na nila. Bakit nila papatulan, di ba, 'yung simpleng kontribusyon ng mga kabataan na makapag-ambag sa kampanya na private property naman. Kapag gagawin nila 'yun, lalo lang umiinit 'yung puso ng mga supporters dahil guto nilang i-prove na hindi niyo kami dapat ganyanin.

    HARLENE DELGADO: Good morning, VP Leni. Harlene Delgado po from UNTV. VP, Eastern Samar Governor Ben Evardone, who is an ally of the President released a statement to the media this morning endorsing you for President. And he believes that the recent comments of President Duterte in an interview that the President should be compassionate, decisive, and a lawyer is a virtual endorsement of you. What's your response to that, VP?

    VP LENI: Pinapahalagahan natin. Kilala natin kung gaano kahusay na governor din si Governor Ben Evardone. Alam natin kung gaano siya kalapit kay Presidente. Mahalaga para sa akin 'yung mga ganitong statements kasi coming– parang coming from nothing merong mga tao na naglalakas loob na ipahayag 'yung kanilang saloobin despite the fact na hindi tayo 'yung frontrunner. Malaking bagay 'yun for somebody as– 'yun, si– kay Governor Daniel saka kay Governor Ben, na 'yung pagpapahayag na hindi naman ako 'yung frontrunner., marami pa akon kailangang gawin para makahabol and yet naglalakas loob na magpahayag ng suporta. Ito 'yung klase ng suportang talagang papahalagahan mo kasi in difficult times, di ba, nakikipaglaban na para sa iyo.

    HARLENE DELGADO: Thank you, VP.

    PAULINE BANTIGUE: Thank you, VP. Thank you, Miss Harlene. Ang atin pong last question will be coming from Sir Paulo Santos of CLTV 36.

    PAULO SANTOS: Opo. Magandang araw po, VP, at sa mga kasamahan ho ninyo. Gov., una po sa lahat, ito hong nakikita ho nating takbo ho ng halalan, ano, pinakaabangan ho 'yung debate. At alam ninyo ho sa ground kung ano ho nagiging laman din ho ng mga salita ng inyo hong mga kababayan dito sa Bulacan. Sa tingin ho ninyo– VP, baka masagot niyo rin ito– ano ho ang dapat ho nating mangibabaw pa na issue na pag-uusapan sa mga susunod na debate sa panahon ho ngayon? At hindi pa ho nai-address sa mga nakalipas ho na panahon? Puwede ho una muna ho sa inyo? Opo, Gov.

    DANIEL R. FERNANDO: Alam niyo po sa bawat debateng darating ang dapat ditong talakayin ay kung anong programa mo, kung ano 'yung ibababa mo sa tao. Kasi nakaharap po tayo sa kasalukuyang pandemya at hindi lang yan, may krisis pa sa labas ng bansa. Ano 'yung paghahandang gagawin natin? Dito tayo titingin hindi na– titingin din tayo sa kaliwa kasi nandoon si Jose Rizal, nandoon si Andres Bonifacio, nandoon sa Marcelo H. del Pilar, na pinagkukunan natin ng lakas at nagbigay ng kalayaan sa atin. 'Yung kalayaang 'yun dapat pag-usapan natin na magiging maayos. At ang ibababa natin sa debate ay hindi 'yung pagtuligsa sa ating kapwa kandidato kung hindi 'yung para sa bayan.

    Dahil– tumingin tayo sa kanan, avatar po 'yan di po ba? Nandiyan ang mga futuristic na darating dito. Dapat paghandaan din natin 'yan. Kamukha po ng airport, parating ang airport sa Bulacan. Parating ang mega city, parating ang sea port, pero magagawa po 'yan. Malaking tulong po 'yan sa Bulacan pero dapat paghandaan muna natin. 'Yun matagal-tagal pa po 'yun. Ano 'yung pangkasalukuyan na dapat nating ihanda? 'Yun dapat ang ilatag sa debate. Hindi 'yung paninira sa bawat paninira, pagpupulaan sa bawat isa, no. Pare-pareho po tayong anak ng Diyos dito. Ang kailangan lang dito, tingnan ang bawat isa. Ano ang magagawa ng kandidatong ito?

    PAULO SANTOS: VP?

    VP LENI: Ayan, pareho naman kami ni Gov. Daniel na paniniwala namin, 'yung mga debate mahalaga siya dahil pagkakataon 'yun para magpahayag kami ng aming mga plano. Pero mahalaga din siya na nakikita ng tao na on the same stage kami lahat at handang sumagot sa mga issue na puwedeng ipukol sa amin. Kasi halimbawa, bakit ba si Gov. Daniel nangunguna sa surveys? Nangunguna siya sa surveys kasi jina-judge siya hindi lang sa plano niya pero ano 'yung nagawa niya in the last three years. Ganoon din kami, kapag sinabi naming ito 'yung plano namin, meron kaming ipapakitang track record para i-assure ang tao na kaya naming maibigay 'yung aming pinapangako kasi ito na 'yung nagawa namin dati. So sa akin, mahalaga 'yung debate dahil doon. Binigyan mo in real time ng pagkakataon 'yung mga tao na i-assess ka hindi lang sa sinasabi mo pero sa dala-dala mo na nagawa saka gagawin pa.

    So, sa akin, dapat hindi tayo natatakot sa– hindi tayo natatakot na matanong sa mga issue na bumabagabag sa atin kasi dine-deserve ng mga taong malaman kung ano 'yung kasagutan natin doon sa mga ibinabato. Hindi tayo puwedeng tumago, di ba, kasi kapag tumago tayo may tinatago talaga tayo niyan. Pero kung hindi tayo natatakot na humarap, ay gusto sabihin bukas tayo. Bukas sa anuman na puwedeng itanong sa atin at ha– 'yung kahandaan sagutin 'yung mga issue na ibibigay sa atin.

    PAULO SANTOS: Senator Trillanes, ano pa ho 'yung mga tanong na dapat ho mangibabaw sa mga debate? Lalo na ho kayo na uupo sa Senado.

    SONNY TRILLANES: Kung sa Presidential debates ang pinag-uusapan natin, 'yung basic presence lang muna. Kailangan humarap ka sa taumbayan kasi sila 'yung pagsisilbihan mo, di ba, 'yun po ang pangunahin. Then 'yun nga, gaya ni– ng sabi ni VP Leni at ni Gov., kailangan sabihin mo kung anong plano mo sa bayan. Kasi po ito lang ano, sasabihin ko lang po sa inyo. Noong 2016 na debate, meron pong tinanong, "Ano ang plano niyo– anong economic program niyo sa Pilipinas?" Ang sinabi po ni Duterte noon, wala siyang plano mangongopya lang daw siya kay Mar Roxas at kay Grace Poe. Nagtawanan po 'yung mga Pilipino noon. Pero 'yun na nga, noong naging Presidente na talagang wala palang economic program kaya lugmok po ang ating bayan ngayon. So, sana matuto tayo po doon. Hanapan po natin ng programa 'yung mga kandidato po natin. Salamat po.

    PAULO SANTOS: Senator Trillanes, follow-up lang ho. Ito hong lundo ho ng kampanya ho ngayon na ito ho at komprontahan na ho na sinasabing may NPA, dilawan, ano. Kayo ho ba-- saan ho ninyo nakikita hong tatakbo ho itong issue na ito kung sakali hong they will dig deeper, ano, dito ho sa issue na ito?

    SONNY TRILLANES: Unang-una, talagang nagsaliksik po kami at talagang hindi po totoo 'yan. Maliwanag na 'yan ay propaganda at tintignan namin 'yung communication plan nila talagang malalim ito. At dedere-deretsuhin ito kasi wala silang mahanap sa aming kandidatong si VP Leni, sa kaniyang pagkatao, sa kaniyang track record kaya maghahanap ng ibang issue. Ginawa po 'yan noong 2016 para maglihis ng atensyon ng taumbayan at 'yun na nga, sana ay tayo ay mulat para hindi natin bigyan ng halaga itong mga ganitong mga allegations. At ang sinsabi po natin, habang ina-assure ng– ni VP Leni at ng buong team, na wala pong alyansa sa CPP-NPA-NDF, ay bukas pa rin ang magiging Robredo administration, gaya ng ng sabi ni VP, sa pakikipag-usap or peace talks para maresolbahan itong insurgency problem, 'yun po.

    [END 01:07:26]

    Posted in Transcripts on Mar 14, 2022