This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A with Vice President Leni Robredo Nasugbloom: Multi-Sectoral Assembly

    Q&A with Vice President Leni Robredo
    Nasugbloom: Multi-Sectoral Assembly
    Plaza de Roxas, Nasugbu, Batangas

    SOLO PARENT REPRESENTATIVE: Ma'am Leni, magandang umaga po, may tanong po kami. Magandang umaga po ulit, kami po ay binubuo– kami po ay binubuo ng ilang sektor na napiling magtanong sa inyo ngayong araw na ito. Ako po si [Emy Profino], tubong Barangay Dos dito sa Nasugbu. Ang akin pong concern– ang amin pong concern na magkakasama ay: una, ay ang Solo Parents' Welfare Act o ang tinatawag na Republic Act 8972 noong 2000.

    Ito po ay mahalaga para sa aming solo parent, subalit ito po ay, kung hindi man walang implementasyon, ay sadyang napakaliit, hindi po napahalagahan. Hindi pa napapahalagahan nang ayos, hindi pa na-iimplement nang maayos.

    Nagkaroon na ng Senate Bill 1411 just recently, and ano po ba ang inyong plano tungkol dito upang matulungan kaming solo parent, or ano po ang inyong plano upang matugunan o ma-implement nang maayos, nang konkreto ang republic act na ito?

    Pangalawa pong tanong ay para sa mga manggagawa po. Lahat po tayo ay alam po natin 'yung tinatawag na ENDO. Paano po ba natin wawakasan itong ENDO na ito na lahat na po ng umupong presidente ay wala pong nagawa tungkol dito? Ito po ay katanungan ng labor union ng Sugar Central Azucarera na si Mr. Bragado.

    At si [Mr. Sena] naman po ang sa kabukuran ng mga magsasaka ng pag-aasukal sa buong Nasugbu. Paano po natin matutugunan ang unti-unting pagkawala ng lupa at pagkawala ng intensyon ng mga magsasaka sa kakaunting kinikita nila at sa kalakasan ng pag-import ng asukal? Ang ating asukal ay sobrang mahal dito sa ating bayan dahil po sa kawalan ng suporta ng agrikultura.

    'Yun lang pong tatlong iyon na tanong at nawa ay mapa, mabigyan niyo po ng pansin kami. Maraming maraming salamat po.

    VP LENI: Ayan, ayan. Pasensya na po dapat kanina ito di ba, pero ihahabol ko lang. Solo parents, meron po tayong programa sa solo parents. Ako, miyembro ako ng Solo Parents' Association. Kulang 'yung suporta ng pamahalaan. Kaya 'yung, 'yung nakahain na bill ngayon, kulang na kulang pa din 'yun.

    'Yung sa atin po, marami 'yung proposals. Isa sa mga proposals 'yung mga minimum wage earners ay meron silang mga cash assistance every month para makatulong. 'Yung scholarships nasa batas na 'yun dati pero hindi siya nasusunod, kaya kailangan sa IRR, kailangan siyang maisingit na priority talaga 'yung mga anak ng mga solo parents.

    'Yung pangatlo, 'yung mga social services para magaanan 'yung solo parents halimbawa, pag iiwanan ang anak nila pag nasa trabaho sila, 'yung medical assistance para sa mga anak nila, ito po, gagawin nating komprehensibo. Pasensya na, hindi ko malalatag lahat kasi kulang tayo ng oras, pero puwede naming ipadala sa inyo 'yung programa natin for solo parents.

    'Yung pangalawa 'yung sa ENDO, matagal na po nating sinusuportahan 'yung Security of Tenure Act, kailangan maipasa na ito. Pag ako po naging pangulo ay magiging priority legislation siya kasi ang alam natin na 'yung inihain ay na-veto, kaya ito ay ibabalik natin sa drawing table pero marami na po tayong pag-uusap not just with the labor sector pero mga employers. So, magiging priority legislation ang Security of Tenure Act.

    'Yung pangatlo, 'yung sa agrarian reform, hindi sapat 'yung services na binibigay. Hindi sapat na magbibigay ka lang ng lupa, kasi kung magbibigay ka lang ng lupa tapos walang capacity 'yung mga farmers na ayusin 'yung kanilang lupa na walang suporta sa pamahalaan, ang nangyayari lang ngayon either binebenta nila o pinapaarkila. So, parang nag-circumvent lang tayo ng batas.

    Noong ako po nasa 16th Congress, ay meron po akong panukalang batas na pagsampa ng isang agrarian reform commission. Unang una, para tingnan 'yung mga corruption sa pagbigay ng mga lupa. Marami pa pong mga kalupaan ang identified pero hindi pa nabibigay hanggang ngayon, marami din corruption na nangyayari.

    Pero 'yung pangatlo, kailangan 'yung DAR natin maging priority niya na 'yung pag-provide ng mga– ano ito– mga support services para sa ating mga magsasaka. Meron pong mga pinag-uusapan ngayon na ite-train na magkakaroon ng mga block farming, pero 'yung pinaka-assurance ko sa inyo, kabahagi sila sa pagplano kung anong mangyayari sa kanila.

    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 30, 2022